SVT - FIVE
Mukhang wala nga talaga ako sa sarili ko para sumama sa mga taong hindi ko naman lubusang kilala. Puwede naman akong bumalik sa university para pasukan ang ibang klase na maaabutan ko.
Pero ayokong makita ako ni Jiwoo para lang itanong kung ano ang nangyari. Ayokong sabihin na may emergency si Jinyoung kaya hindi natuloy ang lakad sana namin. Ayokong magsinungaling na ayos lang ako, kahit na ang totoo ay hindi naman talaga.
"Sa likod na tayo dumaan para mas mabilis tayong makarating sa rooftop."
Tipid kong nginitian si S. Coups nang magsalita siya. Mula sa restaurant kung saan niya ako nakitang mag-isa ay naglakad lang kami patungo sa dorm nila. I know I looked pathetic, on the verge of crying when he saw me, but I'm glad that he's been discrete not to ask me what happened.
Maybe that's the reason why I trusted him even if we barely knew each other. Because he's just an acquaintance. He doesn't know anything personal about me. He won't ask me questions I can't answer.
Namalayan ko na lang na paakyat kami sa isang hagdang gawa sa bakal na sa tingin ko ay ang daanan mula sa firie exit.
"Napansin ko lang na hindi kayo gumagamit ng face mask o kahit ano para itago ang mukha ninyo. Hindi kayo takot na makita at habulin ng fans ninyo?" tanong ko kay S. Coups habang paakyat kami, nakasunod sa akin ang kasama niyang si Vernon.
Sandaling huminto sa pag-akyat si S. Coups at tumingin pababa sa akin, kaya pati kaming dalawa ni Vernon na nakasunod sa kanya ay napahinto rin.
"Hindi ka talaga fan ng group namin, 'no."
Huh? What's the connection with that?
Nagsimula ulit siyang humakbang paakyat kaya ganoon na rin ang ginawa namin. Pagdating namin sa pinaka rooftop ng dorm nila ay agad kaming sinalubong ng malakas na tugtog at tawanan ng mga kagrupo nila. Nagulat ako nang eksaktong pagtapak ko sa rooftop ay may nag-back tumbling pa.
"May kasama kami guys," imporma sa kanila ng leader nila.
Natigil ang tawanan at bigla ring nawala ang malakas na tugtog. Isa-isa kong tiningnan ang mga mukha ng naroon pagkatapos ay ngumiti ako at binati silang lahat. Naroon ang pinakamatangkad sa grupo na si Mingyu, kausap si The8. Si Vernon naman na inilagay lang sa lamesa ang bitbit niya ay agad nilapitan si Hoshi na leader ng performance unit ng Seventeen kasama ang pinakabata sa grupo na si Dino.
"Hyung..."
S. Coups ignored The8 and guided me to the nearby table as he put all the food we brought. Pasimple akong tumingin sa paligid at nag-alangan nang makitang lahat sila ay nakatingin sa akin.
"Guys, isinama ko lang siya rito dahil nakita ko siyang mag-isa. Please don't look at her intently and don't make her feel uneasy. She's a friend."
"And she's the Q & A Girl we are talking about," said the one with a deep voice.
Lahat kami ay natuon ang tingin kay Wonwoo na nakasandal sa railing, nakahalukipkip at matamang nakatingin... sa akin? Ano na naman kaya ang kasalanang ginawa ko sa kanya at parang mabigat na naman ang loob niya sa akin?
"Anyway guys, kumain na lang kayo rito," singit ni S. Coups kaya nakahinga ako nang maluwag.
Nagkagulo na silang lahat sa mga pagkaing nasa mesa kaya sinamantala ko iyon para silipin ang kalsada sa baba. Isang tahimik na kalye ang makikita roon. Kapag naman ang tanawin sa taas ang titingnan mo ay malalaking building, mga bubong ng bahay at estbliahments at ang siyudad ang haharap sa'yo.
Humawak ako sa railing at bahagyang yumuko para silipin ang kalsada. Matagal nang malabo ang mga mata ko kaya hindi ako madaling nakakaaninag kapag wala akong salamin o contact lenses.
"Kung balak mong tumalon, 'wag dito sa dorm namin."
Naramdaman ko ang paghawak at bahagyang paghila sa hood ng jacket ko kasabay ang boses ng isang lalaki. Naiinis na nilingon ko iyon at nakita si The8 na nakatingin na rin sa akin.
"Hindi ako tatalon!" angil ko sa kanya sabay iwas para bitawan ako. Mukha ba akong suicidal at iyon agad ang naisip niyang gagawin ko?
"Alam ko naman."
Tumayo siya nang tuwid habang nakatanaw sa malayo. Mahinang umihip ang hangin kaya hinawi noon ang buhok niya na bahagyang tumakip sa kanyang mukha. Parang hindi naman niya 'yon napansin dahil hindi man lang siya natinag.
Hindi ko na lang din iyon pinansin at tahimik na ginaya ang ginagawa niya. Maaliwalas ang kalangitan. Hindi masyadong mainit dahil sa makapal na ulap na nagtatago sa araw pero hindi rin naman gaanong makulimlim.
"I'm sorry for what I did to you last time."
Nilingon ko siya nang marinig ko ang sinabi niya. Hindi naman siya nakatingin sa akin pero parang nakikita niya ako sa gilid ng mata niya dahil bigla siyang ngumiti.
"Nakapag-sorry ka na 'di ba?"
"Yeah, pero sorry ulit ngayon. Huli ko na naisip na baka kaya ka gano'n dahil may pinagdadaanan ka. I'm being inconsiderate that time. I just don't like the tone of your voice as if you're insulting our song. I should have thought that maybe you're going through something."
Marahan akong tumango. I think he's right. Maybe, I'm really going through something that even the smallest thing upsets me.
"I'm sorry too if you felt like I'm insulting your music, but I never thought about it that way."
Tumango lang siya at ngumiti.
"Walang fans na nagpupunta rito at inaabangan kayo sa gate o tumitingala dito sa rooftop kung sakali na makita ang isa sa inyo?"
"Bakit mo naisip ang gano'on?"
Nagkibit balikat lang ako. Sa dorm ng B1A4, minsan may mga fans na dumaraan pero hindi naman sila ginagambala talaga. Minsan naikuwento sa akin ni Kuya Shinwoo na nagsasampay siya ng damit sa rooftop at napansin niyang may tao sa baba. Nagulat siya dahil nakatingala roon ang dalawang babae. Bigla raw siyang nahiya dahil naka-towel lang siya, wala nang ibang suot maliban doon.
Poor eyes. Nagka-trauma kaya ang mga nakakita sa kanya? I wonder.
"May malapit bang recording studio rito sa inyo?" naalala kong itanong. Nilakad lang namin ang dorm mula sa restaurant. Jinyoung mentioned that they often eat at that resto after their recording.
"Maraming studios dito. What particular studio are you talking about?"
Ano nga bang studio ang sinasabi ni Jinyoung? Now, I felt morose. Bakit hindi ko alam ang recording studio ni Jinyoung? Bakit hindi ko alam na may iba pa siyang pinupuntahan? Girlfriend niya ako pero bakit parang wala akong alam sa mga ginagawa niya ngayon?
"What are you two doing here?"
Sabay kaming lumingon ni The8 sa nagsalita mula sa likuran namin at nakita si S. Coups na may hawak na isang plato na may pagkain.
Mula sa kalmadong hitsura ay biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni S. Coups matapos akong tingnan.
"What did you do to Chinee?" nag-aakusang tanong nito kay The8.
Nagkatinginnan kaming dalawa bago sabay na muling tumingin sa harap.
"I'm fine. Don't worry about me," I assured him. Ngumiti ako. Hindi ko dapat ipahalata sa kanila ang totoong nararamdaman ko. Hindi ko lang din kasi talaga mapigilan ang hindi malungkot kapag naiisip ko si Jinyoung.
"I'm innocent hyung. I just said sorry for what I did last time."
Bumaling sa akin si S. Coups, parang humihingi ng kasiguruhan kaya tumango ako. Mukha namang naniwala na siya kaya kalmado niyang inabot sa akin ang plato. Nang maamoy ko ang mabangong aroma ng spices na inilagay sa marinated pork ribs ay bigla ko ulit naramdaman ang gutom.
Nagugutom na talaga ako kanina pa pero nawalan ako ng gana nang bigla akong iwanan ni Jinyoung hindi ko pa man naisusubo ang unang kutsara. Dahil mag-isa ay nakipagtitigan na lang ako sa pagkain at iyon ang naabutang eksena ko nina Vernon at S. Coups.
Para makakain ng maayos ay pinaupo nila ako sa lamesa. Medyo nakakailang pa rin naman silang kasama pero kahit paano ay nagiging palagay na ako dahil na rin sa pag-aasikaso sa akin ng leader nila.
I'm watching The8 and Wonwoo's playful bickering when two tall figures loomed our table.
"You strangely looked familiar. Have we met somewhere else before?"
Napahinto ako sa pagsubo at napatitig sa lalaking nasa harapan ko. He's beautiful. No! He was someone beyond that. I don't know if my judgement is giving me the right adjectives but he is beautiful and handsome at the same time, just in case you can put those two words in a sentence.
Mai-insecure ang sinumang babae na tumabi sa kanya. From his knowing eyes that gazed lazily at you, to his pointy nose and alluring thin lips that seemed to invite a thousand kiss. Nakadagdag sa soft feature ng mukha niya ang mahaba at tuwid niyang buhok na aabot lang hanggang sa balikat. It seems like the word beautiful was created for him, or he was indeed the word beautiful in human form.
Pag-uwi ko sa bahay matapos ang music video shooting ay nag-research ako tungkol sa grupo nila. Their group was composed of thirteen members with three different main units, five members from vocal team, four for both performance and hip-hop team.
"Hyung, stop hitting on someone's girl."
"I'm not. She really just looked familiar to me."
Napakunot noo ako. Ang maging pamilyar ako sa kanila ay natural lang dahil sikat ang grupo nila. Pero ang maging pamilyar sa akin si Jeonghan, hindi ako sigurado.
"Anyway, who invited you here?"
Bahagya akong umatras nang dumukwang siya at tinanong ako. Ganito ba talaga siya sa lahat ng tao? Parang gusto niyang i-intimidate ang kausap niya sa pamamagitan ng karisma niya, na sa tingin ko ay epektibo. He smiled a bit. Para iwasan ang titig niya ay bumaling ako sa kasama niyang dumating na nakatingin rin sa akin.
"Why?" I asked him. "Do I look familiar to you too?"
Umiling si Joshua pero hindi inaalis ang tingin sa akin. Parang ang lalim ng iniisip niya. His chinky eyes that shows intelligence looked at me intensely.
"Are your eyes really blue? I wonder because you looked Asian."
His western accent while speaking looks sexy on him. His aura is gentle and his smile is comforting to look at. Pero iyon ang iniisip niya kanina pa habang nakatingin sa akin?
"I'm curious too," The8 butted in raising his right hand.
"No, this is just the color of my lenses. I can't clearly see without it so I always wear contacts or eyeglasses."
Nagkatinginan sila sa isa't isa at nagsitanguan. Kanina pa ba sila nagtataka sa kulay ng mata ko? Pero kung hindi pa tinanong ni Joshua, hindi pa sila maglalakas ng loob.
"One last question..."
Tumingin sila kay Jeonghan at natahimik. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang itanong pero isa lang ang nadiskubre ko tungkol sa grupo nila...
Dumukwang si Jeonghan at bumulong malapit sa tainga ko.
"From whose member of Seventeen do you belong?"
Always expect the unexpected from their group.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro