Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SVT - ELEVEN

“Tingin ko, mag-isa lang akong pupunta sa cafe ngayon.”

Marahan akong tumango sa sinabi ni Jiwoo nang hindi inaalis ang tingin sa lalaking nasa harap ko. Naramdaman ko pa ang pagtapik ng niya sa isa kong balikat bago siya tuluyang umalis. Nang matapat siya sa kinatatayuan ng hindi ko inaasahang bisita ay saglit lang silang nagtanguan sa isa’t isa.

“May nasira ba ‘kong lakad ngayon lang?”

“It’s okay.” Pilit kong sinisilip ang buong mukha niya sa ilalim ng rim ng suot niyang sombrero.

Tipid siyang ngumiti at saka lumapit para kunin ang bitbit kong mga libro.

“Nasaan si Yoonji? Kailan ka pa nakauwi?” tanong ko na ang tinutukoy ay ang nakababata niyang kapatid.

“Nagpapahinga sa bahay. Kagabi lang kami nakauwi.”

Nang pagbuksan niya ako ng pinto sa passenger’s seat, hindi ako sigurado pero parang nakaamoy ako ng alcohol sa kanya. Sinundan ko siya ng tingin nang umikot siya patungo sa driver’s seat.

“Are you drunk, Cha Baro?”

Ngumiti lang siya at muling sinubukang ipasok ang susi sa keyhole pero bigo na naman siya. Pumalatak ako at inagaw sa kanya ang susi.

“Let’s change seats. I can’t let you drive.”

“I can’t let you drive too,” he answered in a slurred voice. “Gusto mo bang pagalitan ako nina Shinwoo at Jinyoung?”

“Mas lalo kang mapapagalitan ni Kuya Shinwoo at ni Jinyoung kapag nag-drive ka ng lasing at napahamak tayong dalawa.”

He chuckled and started removing his seatbelt. Ganoon na rin ang ginawa ko at sabay kaming lumabas ng sasakyan para magpalit ng puwesto.

“Where to?”

“Anywhere.”

In-adjust niya paatras ang sandalan ng upuan niya at ipinailalim ang dalawang kamay sa kanyang ulo bago pumikit.

“Just drive princess.” He smirked.

Hindi na ako kumibo at nagsimula na ngang magmaneho.

“Lasing ka ba?”

“Just a little tipsy, my princess.”

Bigla siyang umupo ng diretso at nakangiting humarap sa akin.

“Wow! I never knew how much I missed calling you my princess until now. You used to be my princess, remember?”

“I swear Cha Baro, if you don’t stop this nonsense, I’m going to leave you here.”

“I-park mo na lang sa tabi. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin.”

Itinuro niya ang riverside kung saan may mga benches na nakalagay para upuan ng mga taong napapadaan o sadyang pumupunta roon. Nauna siyang bumaba at tiningnan lang ako habang hinihintay na sundan siya. Alanganin akong sumunod hanggang sa tumigil siya sa isang upuan.

He’s right. We used to be closed before. Minsan na niya akong iniligtas sa pagkalunod sa school swimming pool noong unang dating ko sa Mater Dei. We became friends after that. But after he confessed his feelings, I started avoiding him for a while. We remained friends but there seemed to have thin wall between us since then.

“Chin...”

Nilingon ko siya nang marinig ko ang pagtawag niya. Nakakapagtaka dahil sa grupo ng B1A4, si Kuya Shinwoo, Jinyoung, Sandeul, Baro at Gongchan, wala nang tumatawag sa akin ng Chinee. Kaya bakit biglang naging ganoon na naman ulit ang tawag niya?

“Chinee,” ulit niya sa pangalan ko na parang iyon na ang huling pisi na pinanghahawakan niya para manatiling humihinga.

“Chinee...”

“Chinee ka nang Chinee pero wala ka namang sinasabi. Ano bang problema mo?”

Mahina siyang natawa at inabot ang ulo ko para guluhin ang buhok ko. Pinalis ko ang kamay niya kaya nakapangalumbaba na lang siyang humarap sa akin habang tipid na nakangiti.

“May problema ka ba?”

“Naisip ko lang, kung nagkataon na ikaw pa rin si Chinee, na hindi ikaw ang kapatid ni Shinwoo, babalik ka pa rin ba dito?”

Tumingin ako sa ilog na mapayapang umaagos sa harapan namin. Walang masyadong tao ngayon sa lugar kaya payapa kaming nakakapag-usap.

“We never know. Baka kung hindi ako naging kapatid ni Shinwoo, hanggang ngayon, tinatanaw ko pa rin kayo sa malayo. Hinahangaan ang mga kanta ninyo at patuloy na minamahal ang grupo n’yo.”

Napangiti ako nang maalala ko ang lahat ng mga concerts nila pinag-ipunan ko para lang mapuntahan. Mula sa malayo ay pinapanuod kong maging matagumpay ang grupo nila.

“Sa tingin mo ba, kung hindi kita ipinaubaya kay Jinyoung, magiging tayo nga kaya?”

Bigla akong nailang sa tanong niya. Bakit bigla na lang niyang binanggit ang tungkol sa bagay na ‘yon?

“I envy Jinyoung because he has a girlfriend who always supports him in his decision. Sa nakikita ko sa inyo, lagi kang sumasang-ayon sa mga sinasabi niya.”

“So you think I’m a pushover?”

“It’s not being a pushover, but a supportive girlfriend.”

Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinasabi niya. Hindi rin ako sigurado sa pinatutunguhan ng usapan naming dalawa. Pero nagsisimula na akong mailang.

“Kalilah...”

My attention alerted at the mention of Kalih. Matagal na kaming hindi nagkikita at halos wala na rin akong balita sa kanya simula nang mag-settle siya sa Japan. Pero ang alam ko ay bumalik na siya sa Korea.

“Bakit hindi niya ako magawang suportahan gaya ng ginagawa mong pagsuporta kay Jinyoung? Why is it hard for her to understand me and my plans?”

“Ano bang sinasabi mo?”

“Sana maging katulad mo si Kalih na sinusuportahan ang lahat ng ginagawa ko para hindi na ako nahihirapan ng ganito.”

“Don’t say that! Don’t compare me and my relation with Jinyoung to Kalih and her relationship with you. We’re two different people,” naiinis na turan ko sa kanya at tumayo na. Pero bago pa ako makahakbang ay nahawakan na niya ang kamay ko.

“I’m sorry.”

Lumambot ang ekspresyon ko nang mahalata ko sa boses niya ang desperasyon. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanilang dalawa.

“Whatever happens in our career, whatever decision we’ll make, will you still support us, Chin?”

“Hindi ko alam na ganoon pala kaimportante sa’yo ang opinyon ko.”

Ngumiti siya, pero alam kong hindi iyon dahil sa kasiyahan.

“Just don’t keep us in the dark. Hindi madali ang maghintay sa isang bagay na hindi ka sigurado kung darating. Mahirap ang maiwan sa dilim na hindi mo alam kung ano ang gagawin.”

Yumuko si Baro habang hawak pa rin ang isang kamay ko. Naramdaman ko rin ang marahan niyang pagpisil doon pero nanatili siyang tahimik. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Hindi rin ako sigurado kung ano na ang nangyayari sa kanila ni Kalih.

I lose track. I’m too busy with my life that I forgot to check those around me. I’m too focused on my relationship with Jinyoung that I turned a blind eye on my individuality.

“I’m sorry for keeping you here.” Tumayo na si Baro at nakangiting humarap sa akin, pero nababasa ko pa rin ang kalungkutan sa mga mata niya. “Baka hinahanap ka na nila.”

Hindi na ako nagsalita. Tahimik kaming naglakad pabalik sa saakyan at siya na ang hinayaan kong mag-drive.

Madilim na nang makarating kami sa bahay. Pagbaba ko ay saktong lumabas rin si Jinyoung sa sarili niyang sasakyan. Nagkatinginan kami ni Baro bago sabay na naglakad patungo sa kanya.

“Hyung,” bati sa kanya ni Baro.

“Galing ako sa school ninyo para sana sunduin ka pero wala ka na raw.”

Nagtatakang tiningnan ko si Jinyoung bago ako bumaling kay Baro na matamang nakatingin rin sa kanya. I wondered why Jinyoung ignored Baro’s presence.

“I’ll go ahead, Mei,” paalam ni Baro sa akin. Tumango lang ako at hinayaan na siyang umalis.

Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko ay si Jinyoung naman ang binalingan ko.

“What’s wrong with you?” naiinis na tanong ko.

“We need to talk.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro