Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SVT - EIGHTEEN

Kunot noo kong tiningala ang mataas na building, itinakip sa paningin ang isang kamay para hindi tuluyang masilaw sa liwanag ng araw na tumatama sa dingding ng building na yari sa salamin. Napabuntong hininga ako matapos titigan ang glass door entrance ng naturang istruktura.

“It wasn’t a big agency. Hindi rin nila pag-aari ang building na gaya ng inyo, Mei.Pero gusto ni Jinyoung hyung na tulungan silang umangat. Naniniwala raw siya sa vision ng talent agency. Siya ang magiging unang solo artist at may rookie girl group din silang tine-train.”

Napaismid ako nang maalala ang sinabi ni Sandeul noong binisita ko siya sa radio station. Nang sumunod na araw ay naglabas na ng official statement ang WM Ent tungkol sa hindi pag-renew nina Baro at Jinyoung ng kontrata. Ilang araw din ang pinalipas ko bago ako naglakas loob na puntahan siya ngayon.

When I told Sandeul about my breakup with Jinyoung, he just laughed. Ayaw niyang maniwala na naghiwalay na kami. Dahil kinamusta pa raw niya ako kay Jinyoung noong huli silang magkita.

“I’m looking for..." I hesitated. Should I directly ask for Jinyoung? Ano ang sasabihin kong dahilan kapag tinanong ako kung anong sadya ko sa hinahanap ko? "I’m heading to the fifth floor,” paalam ko sa receptionist pagpasok ko sa building. Nasa fifth floor daw ang office nina Jinyoung.

“Fifth floor?” ulit niya sa sinabi ko, parang naninigurado.

Bumaling ang tingin niya sa akin mula sa computer monitor na parang ngayon lang siya nagkainteres na pagtuunan ako ng pansin. Nagtagal ang titig niya sa mukha ko kaya nag-iwas ako ng tingin dahil sa pagkailang.

“Trainee ka ba?” he asked, revealing his braced teeth. Bahagya pa siyang dumukwang kaya umatras ako mula sa reception table.

“Hi, Shoen.”

Tahimik akong nakatayo at nakatingin lang habang masayang nag-uusap ang receptionist na Shien pala ang pangalan at ang bagong dating na babae. Pamilyar sa akin ang boses niya at ang paraan ng pananalita. Hindi ko lang maaninagan ng mabuti ang mukha niya dahil nakatagilid siya mula sa akin.

Pero nang nakangiti niya akong harapin ay natigilan ako at hindi halos nakapagsalita. Ganoon din naman siya. Nanlalaki ang mga mata niya matapos niya akong titigan sandali. Recognition is evident in her face.

“Chinee?”

Agad siyang lumapit sa akin. Iniwan pa niya sa reception ang dala niyang maliit na box at hinila ako papunta sa receiving area para paupuin sa sofa na naroon.

“Kumusta ka na? Ang tagal nating hindi nagkita.”

“Yumi,” nakangiting bati ko sabay yakap sa kanya. I’m really glad to meet her here. Siya ang nag-iisang babaeng naging kaibigan ko noong unang punta ko rito bilang exchange student. Nakilala ko siya noong nag-part time job ako sa isang coffee shop. That was four years ago.

“Ang tagal na ng hili nating pagkikita.” Nakangiti niya akong tiningnan. “Ang dami nang nagbago sa’yo.”

“Hinanap kita.”

“Alam ko. Nalipat kasi ako ng branch simula noong umalis ka. Noon namang pinuntahan mo ako, rest day ko iyon kaya hindi na tayo nagkita.”

“Iniwan ko ang number ko para tawagan mo ako kung sakali. Ayaw kasi nilang ibigay ang number mo.”

“Nakuha ko rin, pero nagkaproblema kasi kami kaya hindi na kita natawagan, hanggang sa...” Nagkibit balikat siya habang hawak ang dalawang kamay ko.

“Pero okay ka na ba ngayon?” nag-aalalang tanong ko. Gusto kong itanong kung anong problema niya. Financial kaya? Kasi puwede ko siyang tulungan.

“Oo naman. Siya nga pala, bakit ka nandito?”

“May pupuntahan lang sana ako.”

“Wait,” kunot noong sabi niya. Sandali siyang natulala na parang may malalim na iniisip. “Si Jung Jinyoung ba?”

“P-paano mo...”

“Hindi ako sigurado eh. Noong unang lipat ni Jung Jinyoung dito, bago ang announcement ng disbandment nila, nakakita ako ng picture frame sa table niya.”

“Hindi pa sila nagdi-disband,” tanggi ko sa sinabi niya.

“Hindi na pumirma ng bagong contract si Baro oppa, lumipat na ng ibang agency si Jinyoung oppa, sa tingin mo, ano ang kasunod na mangyayari sa grupo nila?”

Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko alam ang isasagot ko. Alam ko naman ang katotohanang iyon pero hindi pa matanggap ng utak ko.

“I’m a fan of their group too and you know that. But we have to face the reality here, Chinee. Anyway, iyon nga, nakita ko ang frame sa table niya at naisip kong pamilyar iyong kasama niyang babae sa picture.”

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Matutuwa ba ako? Inilagay pa ni Jinyoung ang picture naming dalawa sa table niya. Baka ako lang talaga ang nag-iisip na may nagbago sa aming dalawa. Baka ako lang talaga ang may problema.

“Pero hindi ko na ulit nakita ang frame kaya nawala na sa isip ko. Not until now that you’re here.”

Biglang gumuho ang namumuo kong pag-asa hindi pa man ito nakakatayo ng matayog. Nasaan na ang frame? Tinanggal ba niya noong makipaghiwalay ako sa kanya? Ibig bang sabihin non, tinanggap na niya ang paghihiwalay naming dalawa?

“Pero alam mo ba?” Bumitaw ako sa hawak ni Yumi. Ayoko nang marinig ang sasabihin pa niya. “Andito rin si Ericka. Trainee sila ngayon para sa ilo-launch na girl group ng agency. Si Jinyoung din ang gumawa ng lahat ng kanta nila.”

Muli akong tumingin sa kanya. Iyon ba ang dahilan kaya sila nag-uusap ulit? Kung ganon, mas madalas na pala silang magkikita ngayon.

“Natatandaan mo pa ba siya? Siya iyong—“

“Ex-girlfriend ni Jinyoung dati,” pagtatapos ko sa sasabihin pa sana ni Yumi.

Wala na. Wala na talaga.

Balak ko na sanang umuwi na lang. Biglang sumama kasi ang pakiramdam ko matapos kong marinig ang lahat ng kuwento ni Yumi tungkol kay Ericka. Hindi pa rin daw ito nagbabago. Mapagmataas pa rin at ayon sa kanya ay masama ang ugali.

“Kailangan mong makita si Jung Jinyoung,” determinado ang boses niya nang sabihin iyon.

Makeup artist siya ng nasabing agency kaya malaya siyang nakakapasok sa fifth floor. Pagbukas ng elevator, bigla akong nag-alangan na ihakbang palabas ang mga paa ko. Malapit na lang siya sa akin ngayon. Ilang hakbang na lang pero bigla akong nag-alangan. Ano ang sasabihin ko kapag nagkita kami? Paano ko ipapaliwanag ang pagpunta ko rito ng walang pasabi?

“Nasa dulo ang recording studio at katabi noon ang office ni Jinyoung. Dumiretso ka na lang, wala namang tao. Hiring pa lang kami ngayon ng mga staffs. May kailangan lang akong puntahan tapos susundan na kita.”

Mabilis na nakaalis si Yumi kaya naiwan akong mag-isa na nakatayo sa makitid na pasilyo. Malawak ang receiving area nila na may mahabang sofa, may magazine stand sa sulok at maliit na lamesa sa gitna. Naglakad na ako at nadaananan ang isang kuwarto na may nakalagay na practice room sa pinto. Ang sumunod ay may partition na lang at ang magkabilang panig ay mga computers na nakapatong sa kanya-kanyang lamesa.

Narating ko na ang dulo ng pasilyo at nakita roon sa pinto na nakasulat ang Recording Studio at sa ilalim ay ang pangalan ni Jung Jinyoung. Naglakad ako sa bandang kanan para kumatok sa office niya pero nahinto iyon nang makitang nakabukas ang pinto.

“Ikaw ang madalas na nagsasabing focus, pero ikaw naman ang wala sa focus.”

Napakunot ang noo ko nang marinig ang mahinahon at malamyos na boses na iyon.

“I’m sorry.”

I shouldn’t be eavesdropping right now. Pero boses ni Jinyoung ang sumunod kong narinig.

“May problema ba?”

Walang sumunod na nagsalita. Nakarinig lang ako ng marahang kaluskos, paggalaw ng bagay na hindi ko mawari kung ano at isang buntong hininga na malinaw kong narinig dahil sa katahimikan ng paligid. Tumingin ako sa pasilyong pinanggalingan ko at naisip na umalis na lang.

“Si Chinee...”

I stopped midway on my first step when I heared my name. Chinee. The name that wasn’t really mine. The name that Jinyoung wasn’t supposed to use.

“Oh! Your pretty little girlfriend.”

Marahan akong naglakad at mas lumapit pa sa pinto. Ngayon ako naging pamilyar sa boses ng babaeng kausap niya. That same voice, who accused me of stealing Jinyoung away from her. The same voice, who tried to hurt me, physically hurt me before because I can’t make Jinyoung talk to her when their relationship was on the rock. The voice whom you can hear disdain by merely mentioning my name, Ericka Lemoine.

“Hindi kami nagkakaintindihan ngayon. Gusto kong ipaliwanag sa kanya pero hindi ako sigurado kung maiintindihan ba niya ang mga desisyong gagawin ko.”

“Kung anuman ang desisyong gagawin mo, hindi ba dapat suportahan ka niya?”

“Sinusuportahan niya ako sa lahat ng desisyon ko. Pero lately...”

Tumahimik ulit. Lately? Anong ibig niyang sabihin doon?

“She wants to take control of our relationship.”

“At iyan ang pinakaayaw mo sa isang relasyon.”

Nakarinig ako ng mahinang halakhak. Masakit sa tenga dahil nang-uuyam ang klase ng tawa ni Ericka.

“Pareho lang pala kami. So, are you going to discard her too? Just like what you did to me before?”

Gusto kong pumasok sa loob. Gusto kong makita ang mukha ni Jinyoung. Malaman mismo sa kanya ang sagot niya. Gusto kong kumontra kay Ericka at sabihing hindi ako kagaya niya. Na magkaiba kaming dalawa at wala siyang karapatang ikumpara ako sa kanya.

Pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Para akong napako sa kinatatayuan ko.

“I can’t explain her everything right now. Hindi ko siya magawang maasikaso dahil marami pa akong kailangang unahin.”

“Kaya nga makipaghiwalay ka na lang. It’s better that way. Wala ka nang aalalahanin at hindi na siya maghihintay. Tell her to move on from you from now on. Get out of the relationship before she demands.”

Hinihintay ko ang magiging sagot niya. Nagdadasal na sana tumanggi siya. Pero wala akong narinig na salita mula sa kanya. Walang sagot o pagtanggi man lang sa sinabi ni Ericka.

“I think it’s better this way,” was all he said before I turned around and walked away.
 

**

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro