Chapter 1
Nang mag-uwian ay deretso kaagad ako sa tindahan nila Marites upang magpa-load, naubos na rin kasi at kailangan ko ng bala pa i-back fire si Jayson Chua, tch.
Sa daan pa lang ay nag-register na ako sa favorite unli text at call ko kaya nang makauwi sa bahay ay agad kong tinungo ang ikawalang palapag, wala nang lingun-lingon at mabilis na pumasok sa kwarto.
Padarag ko pang inihiga ang katawan sa ibaba ng double deck since ito ang pwesto ko, hindi na muna ako nagbihis at muling inatupag ang sarili sa hawak na cellphone.
Just got home.
Umikot ako ng higa at dumapa dahil nangangawit ako. Matapos mai-send ay malakas akong tumili sa isipan ko. Shuta, nababaliw na naman ako, nakakainis.
But anyway, panindigan ko na at likas naman akong maharot. Ngumisi ako habang tina-tap ang daliri sa kama, matiyagang naghihintay sa reply ni Jayson.
Mga limang minuto siguro ang lumipas, mayamaya pa nang umilaw ang screen ng phone ko sa kararating lang na mensahe. Muli na namang bumayo nang malupit ang puso ko, shocks!
Sino ba 'to? FYI,
hindi ka maganda.
"Hoy, gago! Ang harsh, ah?" Palatak ko sa kawalan at nanggigigil na nagtipa ng reply.
Ur road.
Hindi mo pa ako
kilala at baka kapag
nakita mo ako ay
maglaway ka bigla.
Wala sa sariling napangisi ako— sa ganda kong ito, pati ipis ay nagkakandarapa na habulin ako. So buckle up, Jayson.
Bebe Boy:
Sino ba kasi 'to?
Malay mo ligawan
pa kita.
"Pisteng yawa, Jayson! Ginagawa mo?" Sigaw ko sa nabasang text mula rito.
Fuck! Tunay ba? Tangina, malakas akong tumawa at nagkukumahog na nag-reply pabalik, hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Holy shit! Another opportunity again.
Regina del Mundo,
bebe girl for short.
Your future asawa.
Nang mai-send ay malakas akong tumili, ilang beses ko pang pinagsusuntok ang kama habang ang mga paa ay pumapadyak-padyak sa pinagsamang tuwa at kilig.
Tangina mo, Jayson!
"Ahhh!" Hiyaw ko at isinubsob ang mukha sa unang nahablot ko.
Wala pa man ay kinikilig na ako, na noo'y hindi ko naramdaman sa ex-crush kong si Patrick Acosta. Shit talaga, kapag nagkataon na niligawan ako nitong si Jayson, ako na ang pinakaswerte sa buong universe.
Bebe Boy:
You mean Regina?
Na kaibigan ni Salve?
Sa nabasang text ay sandali akong napatigil, iniisip ko pa kung tama bang sabihin ko ang totoo o hindi. What if kapag sinabi kong oo? Baka i-turn down niya ako bigla.
What if hindi naman? Baka mas lalo lang ako nitong dedmahin kasi 'di hamak na stranger lamang ako sa kaniya. Fuck! I'm stuck between yes or no.
Maybe?
Kaya iyan ang na-reply ko— bahala na. Hindi rin nagtagal nang mag-text ito na labis kong ikinasabog sa kilig.
Is this your number?
Save ko 'to, ah?
"Tangina—"
Hindi na natuloy ang kakiligan ko nang mauntog ang ulo ko sa pader na nasa gilid ko dahil sa unan na tumama sa mukha ko, rason para mapangiwi ako sa sakit.
Halos magdilim din ang paningin ko at marahas na nilingon ang kung sino mang may sala. Mula sa taas ng double deck ay nakadungaw doon si Roxie, ang nakatatanda kong kapatid.
"Kanina ka pa sigaw nang sigaw diyan, animal ka. Kita mong may natutulog dito." Matigas niyang sambit habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin.
Imbes na patulan ko pa ito ay inirapan ko na lang siya at baka lalo lang kami magkagulo, matuloy pa bigla ang World War 3. Knowing her, mapanakit siyang tao at ataw magpatalo.
"Maghugas ka ng plato ro'n, hindi 'yung nag-iingay ka riyan na parang binudburan ng asin." Pahabol nito bago tuluyang umayos sa pagkakahiga.
"Whatever, bitch." Bulong ko sa sarili, making sure na hindi aabot sa pandinig ni Roxie.
Tch, panira ng mood talaga.
Huminga ako nang malalim, muling ibinabalik ang sarili sa huwisyo. Nagulat pa ako nang makita ang unread message mula kay Jayson, nangunot ang noo kong binuksan iyon.
You still there?
Okay lang ba?
Of course, no prob.
Basta lagay mo na
name, bebe girl.
Alright.
Palihim na lamang akong natutuwa, kinikilig at the same time. Tangina kasi ni Jayson! Hindi ko alam kung pinagtitripan lang ako o ano, pero shit, bahala na talaga.
Tumagal ang palitan namin ng mensahe hanggang gabi na inabot na ng umaga. Hindi ko na nga rin namalayan na ilang araw na pala kaming magka-text— araw-araw at walang palya.
Bebe Boy:
Umuwi ka na rin
agad, papakasalan
pa kita, okay?
"Baliw amp." Bulong ko at mahinang humagikgik.
Napansin ko pa ang biglaang paglingon sa akin ni Salve, abala kasi ito sa pagre-review dahil nalalapit na rin ang exam namin kaya narito kami sa Computer Laboratory.
Malawak ang naging ngiti ko, hindi pa man ako nakakapagtipa ng ire-reply ay dinungaw na ni Salve ang phone ko. Imbes na itago ay hinayaan ko na lang, kasi proud na proud ako.
"Kapag ba ikaw bumagsak sa exam, may maitutulong ba 'yan si Jayson?" Anas niya sa mahinang boses.
Oo naman, sabi nga nito ay pakakasalan niya ako. Kaya bumagsak man o pumasa, may future na ako sa kaniya.
Bumuntong hininga ako bago nilingon si Salve, isinantabi muna ang phone ko at inilapag sa mesa. Baka kasi nagseselos na itong bestfriend ko, hmm.
"Eh, kasi gurl, sinusulit ko lang naman 'yung free time ni papi Jayson. Alam mo naman 'yon, sobrang busy." Paliwanag ko sabay kibit ng balikat.
"Ano na bang status niyo?" Maagap niyang tanong saka pa itinaas ang isang kilay.
"Hmm, getting to know each other pa lang naman gurl, pero infairness, ha? Ang sweet niya." Kinikilig kong pahayag, kulang na lang ay tumirik ang mata ko sa sobrang tuwa.
Ang saya kaya sa feeling, kahit hindi mo sure kung tama bang pinagtitripan ka lang. But whatever, I don't care as long as hindi pa niya ako gino-ghost.
Sabi nga ng iba— mas masarap kapag walang label. Yes, masarap talaga!
Sa hindi matapos-tapos na kakiligan ay niyapos ko ang isang braso ni Salve upang yugyugin, idinadamay siya para naman maramdaman niya kung gaano kasaya na mayroong nagpapasaya sayo.
Paano kasi at marami naman ang nanliligaw sa kaniya, ewan ko ba at ayaw nitong patulan. Minsan nga ay naiisip ko nang tomboy ang isang 'to at babae pala ang nais.
While me? Wala ako masyadong admirer, kung mayroon man ay halos puro sa facebook at messenger. Kadalasan pa ng mga message nila, kung hindi "hi dear" ay "send noodles" naman.
Kairita, hindi ba?
"Sabi niya, kapag nagkaroon siya ng free day, labas daw kami." Sambit ko pa sa katotohanan.
Well, it's true. Sa loob lamang ng ilang araw ay inaya na niya ako mag-date. Akalain mo 'yon, nakapa-smooth at speed ni Jayson and I wonder, baka babaero ang lalaking iyon.
Hmm, like I always say, bahala na muna. Kung masasaktan, it's fine. Kasama naman iyon sa paglaki, unless hindi ka talaga lumaki.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro