Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

65 - Last Dance

Kasalukuyan akong nasa back stage kasama ang mga staff at ang B1A4. Patalun-talon pa ako sa pagbabakasakali na kahit paano ay maibsan ang kaba na nararamdaman ko.

"Relax, Chin. You did this before and you were awesome back then." Sabi ni Sandeul sa akin. Hinawakan din nya ang dalawag kamay ko at nakikisabay ng talon sa akin, salitan ang dalawang paa.

Iba kasi ang sitwasyon ngayon. Manunuod ang parents namin ni Kuya Shinwoo, at kilala ko ang halos lahat ng naroon. Hindi ko kasi alam kung bakit nagpapilit pa ako kay Kuya Shinwoo na mag-perform din para sa fourth anniversary ng Shin Entertainment. Lahat ng nagtatrabaho sa buong building, kasama ng mga trainees, by group or solo ay andito.

Patapos na ang speech ni mommy kaya ang susunod ay ang solo performance ko na. Hinanap ng mga mata ko si Jinyoung na nakita kong palapit na rin pala sa akin.

"Are you okay?" Simpleng tanong nito at bahagyang ngumiti pero sapat na iyon para mabigyan ako ng lakas ng loob.

I can't believe that the guy I've been loving from afar is now standing in front of me now, staring at me affectionately and loving me in return.

Sa dami ng pinagdaanan ko, ng hirap na dinanas ko, luha na ibinuhos ko at sama ng loob na naramdaman ko, lahat ng iyon ay nabura ng makilala ko sila.

Tumingin ako sa gawi ni Kuya Shinwoo na tahimik lang na nakangiti habang nakatingin sa akin. Akalain ko ba na sa tagal kong naghanap at umasam ng pagmamahal mula sa ibang tao, dito ko lang pala iyon matatagpuan. Sa isang bansa na nuon ay pinapangarap ko lang mapuntahan. Hindi ko inaasahan na yung simpleng kagustuhan ko na makita ang grupo nila ang magiging daan para makilala ko kung sino talaga ako.

Dumaan sa gilid namin si Kalih kaya napatingin ako sa kanya. Halata rin dito ang nararamdamang kaba.

"Ready?" Tanong ko sa kanya at bahagya syang ngumiti. Bumaling ulit ako kay Jinyoung at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Sinalo naman niya ang mga kamay ko, pinagsalikop iyon bago hinalikan.

Napangiti ako nang mag-angat na siya ng tingin. Sa mga simpleng gesture niya na iyon ay hindi pa rin nasasanay ang puso ko, nakakaramdam pa rin ako ng kaba sa simpleng titig lang nito.

"Mei Yuk and Kalih, stand by." Sabi sa amin ng crew. Lumapit na rin sa amin sina Channie at Baro at sinabihan kami na huwag kakabahan.

"Payakap naman." Malakas na sabi ko sa kanila. Hindi na ako nagdalawang sabi pa dahil ilang sandali lang ay nakakulong na kami ni Kalih sa yakap ng lima. Nang muli kaming tawagin ng crew ay bumitaw na sila pero si Kuya Shinwoo ang nanatiling nakayapos sa akin.

"Good luck." Nakangiti nitong sabi sa akin.

Magkahawak kamay na kami ni Kalih na lumabas sa stage. Sa gitna sya pumwesto kung nasaan ang spotlight. Ako naman ay sa gilid kung nasaan ang grand piano.

Noong sinabi ni Kuya Shinwoo na kailangan ko ring mag-perform para sa anniversary ng company namin ay iminungkahi ni Jinyoung na gumawa kami ng sariling kanta. Siya ang katulong ko sa pagbuo ng melody, sa arrangement, pati na sa lyrics. Ibinuhos ko ang lahat ng nararamdaman ko sa kantang ito kaya nang unang beses naming i-record iyon ay hindi ko napigilan ang mapaiyak.

Muli akong tumingin sa backstage kung saan nakasilip ang lima. Sumenyas pa sila sa akin kaya nginitian ko na lang sila. Bumaling ako sa center stage kung saan nakatayo si Kalih na hinihintay ang cue ko.

Sinimulan ko ang pagtipa sa piano, habang ginagawa iyon ay tumingin ako sa baba kung nasaan ang parents namin. Para sa kanila ang kanta'ng ito.

As I rest against this cold, hard wall, will you pass me by? Will you criticize me as I sit and cry?

Habang patuloy ako sa pagtipa ng nota sa piano kasabay ng pagkanta ay nakatutok lang ang tingin ko kina mommy at daddy. Hindi nila alam na pati ako ay aakyat sa stage.

Will my weakness for an hour make me suffer for a lifetime? Is there any way to be made whole again? If I'm healed, renewed, and find forgiveness, find the strength I've never had. Will my scars forever ruin all God's plan?

Matagal kaming nawalay sa isa't isa. Muntik na kaming mawalan ng pag-asa na mabubuo pa bilang isang pamilya. Isang malalim na pilat ang idinulot nito sa mga puso namin. Pero umaasa pa rin kami na balang araw ay maghihilom din iyon.

That you are strong enough. That you are pure enough. To break me, pour me out and start again. That you are brave enough, to take one chance on me. Oh Thank you for my chance to start again...

Nang matapos ang kanta ko ay halos napaluha na ako. Tumayo ako at nagtungo na sa center stage para samahan si Kalih roon. Unang pumalakpak si daddy na napatayo pa, naluluhang pumalakpak din si mommy at nagsisunuran na ang ibang audience. Nakatayo na rin sila habang pumapalakpak. Tiningnan ko si Kalih na hindi mawala ang ngiti dahil sa sobrang tuwa. Bumaling siya sa akin at nagyakap kaming dalawa.

Matapos magpasalamat sa amin ng emcee ay bumalik na kami sa backstage. Si Jinyoung ang unang sumalubong sa akin na nakabukas ang dalawang braso para yakapin ako.

"You did great." Bulong nito sa akin. Humiwalay ako sa yakap nya at tiningnan sya ng mabuti. Pagkatapos ay tumingkayad ako at mabilis na hinalikan siya sa mga labi. Kung may makakita man sa amin, bahala na sila.

Hindi naman naka-public ang tungkol sa relasyon namin pero hindi rin naman namin iyon dini-deny kapag may nagtatanong na mga kakilala namin. Hindi ako sigurado kung alam na iyon ng mga empleyado ng Shin Entertainment dahil wala naman ang naglalakas ng loob na magtanong ng diretso. Basta, bahala na sila.

Muling nag-speech si mommy para sa mga plano ng company sa mga susunod pa na taon. Nagbigay na rin siya ng sneak peek para sa girl group na malapit nang mag-debut. Tumagal ito ng isang oras at para sa finale ay ang B1A4 naman ang masayang umukopa ng buong stage. Lahat kami na naroon ay masayang nag-cheer para sa kanila. Sila kasi ang pinaka-unang talent na binuo ng Shin Entertainment at sobrang naging successful ng grupo kaya sila talaga ang tinitingala ng lahat ng trainees.

Kahit na madalas ko silang nakakasama at nakakasalamuha, hindi ko pa rin maiwasan ang humanga sa live performance nila. Kakaiba kasi ang karisma nilang lima kapag nasa stage na.

Una nilang kinanta ang Solo Day kung saan lahat kami ay halos nakatayo na at nakikiindak sa kanila. Sumunod ay ang You Are my Girl na umani ng impit na sigawan at tilian sa mga babaeng audience. Maski ako ay hindi naiwasan ang kilig nang bigla na lamang kumindat si Kuya Shinwoo.

Ang swerte talaga ng babaeng mamahalin niya.

Pero siyempre, hindi naman magpapatalo ang Jinyoung ko sa kaniya.

Nang matapos ang number nila ay bumaba na sila sa stage at nagtungo sa assigned seats nila kasma ang iba pang talents na nasa kabilang panig ng event hall. Sila na ang huling performer at patapos na ang buong program. Muling nagsalita ang emcee para i-welcome ang parents namin. Magkaagapay na umakyat sa stage sina mommy at daddy.

Nagpasalamat sila sa success ng event.

Pagkatapos ay ipinasa ni mommy ang mic kay daddy at ito naman ang nagsimulang magsalita. Lahat kami sa audience ay natahimik nang tumikhim ito.

"This has been a fruitful year for us. And a blessed year for our family since our princess finally came back after so many years." Panimula ni daddy at tumingin sa gawi ko.

"Nawalay sa amin ng matagal ang prinsesa ng pamilya at nakakagulat na sa pagbabalik niya ay isa na siyang ganap na dalaga. Isa siguro sa maraming kinatatakutan ng isang ama na gaya ko ay iyong isang araw, lalapit sa iyo ang anak mo at sasabihing may lalaki nang nagpapatibok ng puso niya. But besides that, Mei-mei, you will forver be our baby." Muling umikot ang tingin nito sa kabilang panig ng hall, nakatingin naman ito sa pwesto nina Kuya Shinwoo. "And to you young man, take care of our Mei-mei. Don't do anything that would make her cry and her heart broken. I've seen you through these years from being a trainee to a professional performer. I know you are a fine young man so I trust you. Keep your words as you promised me before. I'm giving you now my blessing as my daughter's special someone."

I gasped upon hearing his last word. Napatingin ako sa gawi ni Jinyoung at tumango lang ito sa akin. Noong unang beses kasi na bumisita siya sa bahay ay silang dalawa lang ni daddy ang nag-usap. Hindi ko alam ang pinag-usapan nila dahil ayaw naman sabihin ni Jinyoung. Lagi lang akong pinapaalalahanan ni daddy tungkol sa complication ng relasyon namin. Hindi man nito tahasang sinasabi ay ramdam ko naman ang cold treatment nito kapag nasa bahay si Jinyoung para dalawin ako. Hindi naman niya kami pinagbabawalan na magkita pero hindi niya ito kinakausap.

"And to all, just enjoy the party." Itinaas ni daddy ang wine glass na kanina pa nito hawak. Ganuon din ang ginawa naming lahat. Nakipag cheers ako kay Ms. Kim na katabi ko lang at sabay-sabay kaming uminom.

Matapos nuon ay tumugtog na ulit at nagsisimula nang magtumpukan sa gitna ang mga tao. Bumaba na mula sa stage ang parents namin at sinalubong ko sila ng yakap. Kakarating lang din ni Kuya Shinwoo.

"You take care of your sister, okay." Mariing bilin ni daddy kay Kuya Shinwoo.

"Thank you so much, daddy. It means a lot to me." Sabi ko nang bumaling naman ito sa akin.

Nagpaalam na silang dalawa. Ang ilang matatandang staff, employee at mga board members ay umalis na rin. Ang mga naiwan na lang ay ang mga gustong um-attend ng after party.

Nilapitan ko si Kalih na tahimik lang sa sulok. Umupo lang ako sa katabing silya nito at tahimik na pinanuod ang mga sumasayaw sa gita. Ang ingay na rin ng sound system at naghihiyawan pa ang iba habang umiindak sa saliw ng musika.

"Wall flower tayong dalawa ngayon, Kalih. Nasaan ba sila Baro?"

Inilibot ko ang paningin. Dimlighted na ang lugar at puro disco lights na lang ang nagsisilbing liwanag.

"Parang andun silang lima." Sabi ni Kalih sabay turo sa isang panig ng event hall. Nagkakaingayan sa panig na itinuro nito.

Tumayo ako at bahagyang lumapit, pero ang una kong nakita ay si Yesha na umiindak at pinagkakaguluhan ng mga kasama nito.

Nakangiti itong umiindak na parang nang-aakit. Nang makita ko kung sino ang sinasayawan nito ay hindi na ako nag-atubiling lumapit sa kanila.

Ang balak ko lang naman ay maglakad sa gitna at hilahin palayo si Jinyoung. Pero hindi ako hinayaan ni Yesha, hinablot nya ako at sumayaw sa harap ko. Napapalatak ako dahil parang hinahamon niya akong patulan siya.

Akala ba niya ay hindi ako lalaban? Ginaya ko ang ginawa niyang pagsasayaw at mas ginalingan ko pa. Pero imbes na sa kaniya humarap ay sumayaw ako sa harap ni Jinyoung na napapangiti naman sa ginawa ko. Inikutan ko sya habang pinapadaan ang isang daliri sa malapad niyang likod. Nung muli ko syang makaharap ay bahagya kong hinablot ang batok niya at inilapit sa mukha ko. Sinulyapan ko muna si Yesha na halata sa magandang mukha ang pagkainis, bago ko kinintalan ng halik ang leeg ni Jinyoung, leaving a hint of my lipstick there.

Mas lalong nag-cheer ang crowd na nakapalibot sa amin. Nakita ko na rin doon sina Baro, Kalih at Channie. Nang tumayo ng tuwid si Jinyoung na sapo pa ang leeg na hinalikan ko ay agad kong hinawakan ang necktie niya at hinila siya paalis sa gitna ng umpukan na iyon.

"Wow! That was hot. You just labelled me as your own." Nakangiting sabi ni Jinyoung nang kaming dalawa na lang ang nag-uusap. Maingay pa rin ang disco music kaya nang magsalita siya ay lumapit pa siya sa akin. Napangiti ako sa sinabi niya. Akala ko ay maiinis siya kapag naging possessive ako sa kaniya pero mukhang ikinatuwa pa niya iyon.

"You bet." Sagot ko sabay kindat.

08102017.1412H
AN** Nasa media ang performance ni Kalih at Chinee ...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro