Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

64 - Sixty Four


Ilang araw matapos ang birthday celebration sa dorm ay sinimulan ko na rin ang on-the-job training ko sa Shin Entertainment. Inilagay ako ni mommy sa production team na assigned sa concert ng B1A4. Hindi ko alam kung ano ang ginawa nila para ma-approved ang papers ko sa school, pero nang maalala ko na kami nga pala ang may-ari ng school ay hindi na ako nagtanong. Ayaw talaga nila akong pabalikin sa Pilipinas para ipagpatuloy ng normal ang pag-aaral ko. Pero nangako naman sila na papayagan akong maka-graduate kasama ang mga kaibigan ko.

Araw-araw akong nasa studio para buuhin ang required na oras ng OJT ko, pero hangga't maaari ay umiiwas ako kay Jinyoung sa takot na maalala nanaman nyang itanong o hanapin sa akin ang singsing. Halos baliktarin ko na kasi ang lahat ng gamit ko sa kwarto pero hindi ko pa rin talaga iyon mahanap.

"Unnie." Napangiti ako nang makita ko ang kapatid ni Baro na si Yoonji na masayang kumakaway sa akin. Saglit itong nagpaalam sa mga kasama nito bago ako patakbong nilapitan. Weekend nga pala ngayon kaya may training sila.

"Na-miss kita Yoonji, ang tagal nating di nagkita." Sabi ko sa kanya matapos naming magyakap.

"Trainee ka na rin ba?" Tanong nito at tiningnan ang kabuuan ko. "Staff ka dito? Dito ka na nagtatrabaho?"

"OJT lang Yoonji, requirements ko bago maka-graduate." Paliwanag ko sa kanya at ipinakita pa ang malaking ID ko na may nakalagay na STAFF.

"Pagkatapos ng training namin mamaya, may pupuntahan ka pa ba? Labas tayo? Magpapaalam ako kay Sun Woo oppa."

"Titingnan ko kung maaga nila akong pauuwiin." Alanganing sagot ko. May ilang mga bagay pa kaming napagkwentuhan bago ito nagpaalam sa akin na babalik na sa training room.

Ako naman ay dumiretso na sa practice room nina Kuya Shinwoo. Pero wala sila doon, yung ibang babaeng dancers lang ang naabutan ko na nagtatawanan habang nakasalampak sa sahig.

Medyo natahimik pa sila habang sinusundan ako ng tingin nang bigla na lamang akong pumasok sa loob. Alanganin akong ngumiti sa kanila at nilapitan si Kalih na tahimik na nakaupo sa sulok.

"Nakita mo si Kuya Shinwoo? Magpapalam lang kasi ako sa kanya."

"Nasa work station ni Jinyoung oppa."

Tumango lang ako sa kanya at inilabas ang phone ko. Tatawagan ko na lang siguro sya para magpaalam.

"Excuse me." Natigilan ako nang biglang may lumapit na babae sa harap namin. Isa sya sa mga dancers na kanina pa nagtatawanan. May bitbit itong plastic bag at inaabot sa akin.

"Pwede bang pakitapon na lang sa labas? Busy kasi kami eh." Maarte nitong tanong sa akin. Lumingon pa ito sa mga kasama na manghang nakatingin lang sa amin.

Napataas ang isang kilay ko dahil sa inakto nito. Sasagot na sana ako nang bigla namang tumayo si Kalih at inagaw ang plastic dun sa babae.

"A-ako na ang magtatapon." Sabi ni Kalih at pilit na ngumiti kaya mas lalong kumunot ang noo ko.

Nagsimula nang maglakad si Kalih pero napigilan ko agad sya sa braso.

"Busy ba talaga kayo?" Tanong ko sa babae. Biglang nagbago ang timpla ng mukha nito. Kung kanina ay nagagawa pa nitong ngumiti, ngayon naman ay halata na naiinis ito. Hindi siguro nito inaasahan na may aalma sa ginagawa nya.

"Are you really busy?" Ulit ko sa tanong ko. "Seeing that you're just out there, laughing your heart out and doing nothing?" Nagpumiglas sa hawak ko si Kalih kaya binitawan ko na sya.

"Chinee." Nang tingnan ko sya ay marahan syang umiling na parang sinasabi na wag ko nang palakihin ang gulo.

Yung mga kasama nung babae ay nagsimula na ring magsitayuan at lumapit sa amin. Nakita ko yung babae na kapartner ni Jinyoung sa dance number. Ito ang nangunguna sa paglapit at una ring nagtanong.

"Ano'ng nangyayari?"

"Unnie, nakiusap lang naman ako na itapon sa labas ang basura natin dahil pagod tayo pero ayaw nila." Nagsusumbong na sabi nung babaeng kausap ko kanina.

Nakita kong tiningnan nito si Kalih, nakakalokong ngumiti bago bumaling sa akin. "Staff ka diba? Alam mo bang pagod kami sa practice, dapat sumunod ka na lang."

"Hindi lang naman kayo ang may ginagawa. Lahat tayo pagod. Nakaupo lang naman kayo kanina, hindi naman mahirap ang lumabas para itapon ang basura nyo, diba." Katwiran ko pa kaya mas lalong nainis yung dance partner ni Jinyoung.

Hindi ko na napigilan ang inis ko at pagod na rin akong magtimpi sa mga kagaya nila na ginagawang past time ang pang-aapi sa mga taong alam nilang hindi makakalaban sa kanila.

Hinablot ko kay Kalih yung plastic at iniabot dun sa babae na nag-utos sa akin kanina.

"Learn how to throw your own trash." Sabi ko dito sa mahinahong boses. Pero hindi gumalaw ang babae ang tiningnan lang ako kaya sa sobrang inis ay binitawan ko iyon at hinayaang bumagsak sa sahig sa tapat nila.

Mas lalong nainis ang dance partner ni Jinyoung dahil sa ginawa ko kaya lumapit pa ito lalo sa akin at dinuro ako.

"Ano'ng karapatan mo na sumuway sa amin? Staff ka lang! Hindi mo ba kami kilala?"

Kilala kita! Ikaw lang naman yung babaeng gustong mang-akit kay Jung Jinyoung.

Binigyan ko sya ng sarkastikong ngiti na mas lalo nyang ikinainis. Kaya bigla na lamang nyang sinipa palapit sa akin ang basura nila.

Tiningnan ko sya ng masama at sinipa pabalik sa kanya ang basura. Tumama iyon sa paa nya na lalo nitong ikinagalit. Sumabog ang laman ng plastic at natapon ang ilang liquid mula doon.

Nagsusukatan pa kami ng tingin at parang hinihintay kung sino ang unang kikilos nang biglang bumukas ang pinto ng practice room at iniluwa noon ang road manager ng B1A4, kasama ang limang miyembro.

Bigla namang parang mga maamong tupa na naglinya ang pitong dancers, kasama doon yung dalawang babaeng nakaaway ko.

"Ano'ng nangyayari dito?"

"L-lilinisin ko na lang po ang kalat. Sorry po." Nagmamadaling sinimulang pulutin ni Kalih ang mga basura pero nang dadamputin na nya ang isang empty bottle drink ay mabilis ko iyong sinipa papunta sa dance partner ni Jinyoung.

Lahat sila, alam kong nagulat sa ginawa ko.

"Bakit hindi kayo ang maglinis ng basura ninyo?" Sigaw ko habang nakatingin sa pitong babae.

"Chinee-ya." Narandaman ko ang paghawak ni Kuya Shinwoo sa braso ko at pilit akong nilalayo sa kanilang pito pero nagpumiglas pa rin ako.

"Inutusan nila kami na itapon ang basura nila kahit wala naman silang ginagawa. Bakit namin sila susundin?"

"Yesha, anong nangyayari?" Tanong ng manager nang bumaling ito sa dance partner ni Jinyoung.

"Nakiusap lang naman po kami kung pwedeng itapon nila ang basura namin sa labas. Wala kaming ginagawang masama." Hindi magkandatuto na paliwanag nito.

"You even dared to lie now? Wow!" Singit ko sa kanila. "Hindi kayo nakikiusap kanina. Inuutusan mo kami na parang mga janitor dito. Bakit hindi kayo ang magligpit ng mga kalat ninyo?"

Tuluyan na akong nailayo ni Kuya Shinwoo, ipinasa niya ako kay Jinyoung na inalalayan naman ako palabas ng practice room.

Gusto ko pa sanang bumalik pero mas malakas sa akin si Jinyoung. Nagawa niya akong dalhin sa work station niya sa kabila ng pagpupumiglas ko.

"What happened out there? Bakit ka nakikipag-away kay Yesha?"

Inirapan ko siya at humalukipkip nang marining kong banggitin niya ang pangalan na iyon.

"Yesha pala! Pinagtatanggol mo ang dance partner mo?"

"Chinee, you shouldn't be wasting your energy on such petty things like those." Biglang naging mahinahon ang boses nito. Umupo pa ito sa armrest ng sofa na kinauupuan ko at sinubukan akong hawakan pero umiwas lang ako sa kanya.

"Hindi mo kasi alam." Pabulong na sabi ko.

"Then tell me what's bothering you."

"Si Yesha. Do you find her pretty?"

Nakita ko ang pagkunot ng ni Jinyoung dahil sa out of the blue na tanong ko. Bumuntong hininga lang ito at umupo sa katabing single seater sofa.

"Yeah, she's pretty." Parang balewalang sagot nito.

Mas lalo akong nainis.

"But you're beautiful. She's my dance partner." Sinubukan nya akong hilahin kaya napatayo ako sa harap nya. "But I love you." Nakangiti nitong sabi habang nakatingala sa akin.

Tumingin ako sa mga mata nya, pilit na pinipigil ang mapangiti.

Wala na, si Jinyoung talaga ang kahinaan ko. Isang ngiti nya lang, napapasuko na ako. Mukhang hindi na talaga ako makakawala sa nararamdaman kong ito.

Kinabig nya ang bewang ko at pinaupo sa kandungan nya. Medyo nagulat pa ako nang gawin nya iyon pero nang ngitian nya ako ay hindi na ako kumontra pa. Sya na ang kusang naglagay ng mga kamay ko sa kanyang batok.

"Sa dance number lang kami magkapartner Chin, pero kung ako ang tatanungin, ikaw ang mas gusto kong partner sa pagsasayaw." Mabilis nya akong kinintalan ng halik sa labi kaya napangiti na rin ako.

"Pero gusto ka ni Yesha. Sa kanya mismo galing iyon."

"Ikaw naman ang gusto ko. Napag-usapan na natin na hindi magiging issue ang mga taong nakapaligid sa atin. Magtitiwala tayo sa isa't isa." Tumango ako dahil tama siya.

"Hindi natin mapipigilan ang ibang tao na magustuhan tayo, pero ang importante ay ang nararamdaman nating dalawa. Mahal mo ako, mahal kita. May tiwala tayo sa ating dalawa. Kahit na gusto ka ni Baro, kinukulit ka ni Sandeul at ngayon ni Seokjin, hangga't sinasabi mong ako ang mahal mo, patuloy akong maniniwala sa iyo." Mahabang salaysay pa nito.

"Patuloy rin akong magtitiwala sa iyo hangga't ako ang mahal mo, Jung Jinyoung." Pangako ko sa kanya.

Ngumiti ulit sya at kinabig ako payakap kaya isinandal ko ang ulo ko sa balikat nya. Naramdaman ko naman ang paghaplos nya sa mahaba kong buhok.

"Maaga kaming matatapos sa practice at umuwi ka na rin agad."

"Pero lalabas kami ni Yoonji." Kontra ko sa sinabi nya. Napapikit ako nang maamoy ko ang mabangong cologne ni Jinyoung.

"Pupunta ako sa bahay ninyo. I'll formally introduce myself to your family."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Seryoso ba siya? Tiningnan ko ang mga mata nya.

"Bakit ka pupunta ulit?"

"I'm dating their princess, natural lang na magpakilala ako sa kanila. Unless ayaw mong ipaalam na ako ang boyfriend mo."

Mabilis akong umiling. Siyempre gusto ko siyang ipakilala sa pamilya ko bilang boyfriend pero hindi ko alam kung magugustugan iyon ni daddy.

"Just prepare for tonight, okay?"

Sabi pa nito nang pareho na kaming nakatayo. Tumango lang ako at nagpaalam na lalabas na.

Sumang-ayon naman ito pero bago ako pakawalan ay nilunod muna ako ni Jinyoung sa napakatamis niyang halik.

--

AN** Waahhh ... Malapit nang matapos ang story na ito. Kaiyak ... Sana nag-enjoy kayo at salamat sa mga nakaabot sa chapter na ito.

-simplyfanaticBANA

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro