Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

63 - Throwback

Hindi na muling nagsalita si Jinyoung pagkatapos nyang ipagtulakan si Sandeul pababa ng rooftop. Nakasimangot pa rin ito at hindi na umiimik.

"Let's go." Tipid na sabi nito at hinila na ako pababa sa hagdan.

Nagsisimula na rin akong mainis dahil sa kinikilos nya kaya bago pa kami makarating sa pinto papasok ng dorm ay huminto na ako sa paghakbang at pilit na hinila ang kamay ko. Hindi naman nya iyon binitawan at nilingon lang ako.

"What?"

"Hindi ka nanaman nagsasalita." Reklamo ko pero wala syang reaksyon. Nakatingin lang sya sa akin pero blangko ang ekspresyon ng mukha. "Kakatapos lang natin mag-away. Ganyan ka nanaman. Akala ko ba pag-uusapan muna natin ang lahat ng bagay para hindi lumaki ang gulo?"

Nagbuntong-hininga ito at tuluyang humarap sa akin.

"I asked Shinwoo about the arranged marriage your father is talking about, hindi naman daw totoo iyon. Pero bakit tumatawag pa rin sayo si Seokjin?"

"Hindi ko alam. Nasalubong ko kasi sya kanina nung papunta ako sa studio dahil nagkita sila ni Sandeul."

Maski ako ay nagtataka kung bakit sya tumatawag.

Natulala ako nang humakbang palapit sa akin si Jinyoung. Aatras sana ako pero nagawa na nyang ipalibot ang braso nya sa bewang ko at hinila ako palapit sa kanya. Wala na akong nagawa kundi ang tumitig sa magaganda nyang mga mata, pababa sa mapula nyang labi.

Namimiss ko na ang mapalapit sa kanya na gaya nito, pati na rin ang yakap at halik nya.

Tumingin muna sya sa mga mata ko bago bumaba ang tingin sa labi ko kaya ako kinabahan dahil sa antisipasyon.

Pero yung inaasahan ko na halik ay hindi nangyari dahil itinaas nya ang kanang kamay ko at tiningnan iyon.

"Nasaan na ang singsing na ibinigay ko sayo?"

Bigla akong napalunok dahil sa kaba. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong na iyon dahil noong isang araw ko pa talaga hinahanap ang nawawalang singsing. Hindi ko rin namalayan na naiwala ko iyon.

Nag-iwas ako ng tingin pero narinig ko ang palatak nya.

"Para mo na ring itinapon ang pagmamahal ko sayo sa pagkawala ng singsing na iyon." Puno ng lungkot ang boses nito.

"H-hahanapin ko yun, pangako. Baka na-misplace ko lang."

"Wag na!" Tumalikod na ito at hinawakan ang door knob ng pinto.

"Jinyoung." Tawag ko dito at pilit syang hinila paharap ulit sa akin. Nagpaubaya naman ito pero hindi pa rin umiimik.

"Lagi mo na lang akong sinasaktan at binabalewala."

"Sorry. Hahanapin ko talaga iyon. Pangako." Ako na ang kusang yumakap sa kanya, pero hindi sya gumagalaw. Tapos ay naramdaman ko ang paghawak nya sa balikat ko at bahagya akong inilayo sa kanya.

"Pasalamat ka talaga at mahal kita." Sabi nito katagalan pero pinitik naman ang noo ko at tuluyan nang lumabas ng pinto.

Hindi na ako nakapagreklamo dahil umalis na ito. Hinawakan ko na lang ang nasaktan kong noo at nagsimula na ring maglakad palabas. Ang hirap talaga hulaan ang mood ng lalaking iyon.

Pagdating sa sala ay nagkakasiyahan na silang lahat. Kausap ni Channie yung isang babae na ipinakilala sa amin bilang si Jana. Si Kuya Shinwoo naman ay nakikipagharutan kay Sandeul.

"Dongsaeng, tumatawag si Seokjin, ako na ang sumagot. Nagtext ka daw sa kanya eh, pero late na nya nabasa dahil may practice sila." Kinunutan ko ng noo si Kuya Shinwoo na hawak ang cellphone ko at iniaabot sa akin.

Hindi ko matandaan na nagtext ako sa kanya. Habang tinitingnan ang inbox ko ay narinig ko ang pagtikhim ni Jinyoung kaya saglit ko syang tinitigan. Itinuro nya ang bakanteng pwesto sa pagitan nila ni Kuya Shinwoo at sinenyasan na maupo doon.

Dumating na rin sina Baro at Kalih na hindi namin alam kung saan nagpunta. Wala silang imikan nang sumalampak sa carpet si Baro at tumabi ng upo si Kalih kay Sandeul. Malapit lang silang dalawa sa pwesto naming tatlo.

"Ano yan?" Nagulat ako nang biglang dumukwang palapit sa akin si Jinyoung at sinilip ang hawak kong cellphone.

Nakakunot noo ako na muling binalingan ang screen. May mga text nga ako na pinadala pero alam kong para iyon kay Jinyoung. Pag-check ko sa phonebook ay nakita ko na magkasunod ang pangalan ni Jinyoung at Seokjin na Jin lang ang nakalagay.

Napailing na lang ako. Si Seokjin kasi ang nag-save ng number nya sa phone ko kaya hindi ko alam kung ano ang nilagay nya. I just sent him a text message, apologizing for the wrong sent messages tapos itinago ko na ulit ang phone ko.

Ang ingay nanaman ni Sandeul na inaabot sa amin isa-isa ang mga bottled beer na pinapabuksan kay Jinyoung.

Nang abutan na ako ni Sandeul ng bote ay dalawang kamay ang sabay na pumigil niyon.

"She can't drink." Sabay nanamang sabi ni Kuya Shinwoo at Jinyoung. Nagreklamo ako pero tiningnan lang nila akong dalawa. Ito ba ang dahilan kung bakit pinaupo nila ako sa pagitan nila? Para bantayan ako at hindi makainom.

"Chinee-ya, gusto mo ng gatas? Meron pa sa ref." Natatawang pang-iinis sa akin ni Channie. Inirapan ko lang sya at tiningnan ang mga kasama namin. Nagsisimula nang uminom si Kalih at Baro na pareho paring walang imik.

"Bakit sila Kalih at Jana hinahayaan nyong uminom?" Pagmamaktol ko, nakakasama na sila ng loob. Bakit ba nila ako pinipigilang makipagsaya?

"Because you are still our baby. Gatas lang ang pwede sayo." Binato ko ng throw pillow si Channie na mukhang nag-enjoy sa pang-aasar sa akin. Natutuwa talaga silang pag-tripan ang pinakabata sa grupo.

"Ako ang bahala sayo, Chin." Sabi ni Sandeul at muling sinubukan na iabot ang bote ng beer pero pinigilan ulit ni Jinyoung.

"Nakasama na natin uminom si Chinee dati, diba. Bakit bawal sya ngayon?"

"Kayong dalawa lang ang walang paalam na uminom noon at hindi mo nagawang alagaan si Chinee dahil mas una ka pang nalasing." Pagtatama sa kanya ni Kuya Shinwoo.

Parang naguguluhan naman na napatungo lang si Sandeul, matapos ay bumaling sya sa akin.

"Wife, what happened to you after I fell asleep that time?" Inosenteng tanong ni Sandeul.

"Someone got her first kiss." Natatawang sagot ni Channie at natahimik kaming lahat.

Napatingin ako kay Baro na natigilan din sa pag-inom at marahas na bumaling kay Channie. Bigla akong napayuko, pakiramdam ko ay nag-init ang magkabila kong pisngi nang mapansin ko na sa akin naman ngayon nakatutok ang tingin ni Kuya Shinwoo at Jinyoung.

"Ang ingay ng maknae natin." Naiiling na sabi ni Baro, nag-peace sign lang sa kanya si Channie.

"Someone got..." Nanlalaki ang mga matang bumaling sa akin si Sandeul na parang noon lang na-process ang pinag-uusapan namin. "Who stole your innocence that time without my consent?" Nagdududang tumingin ito kay Kuya Shinwoo.

"What?" Naiinis na tanong nito. "Tingin mo magagawa ko yun sa kapatid ko?" Sabi ni Kuya Shinwoo sabay batok kay Sandeul.

Naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Jinyoung. Nang lingunin ko sya ay nginitian lang nya ako.

"That's the reason why we don't want you to get drunk. Ang hirap mong alagaan kapag lasing." Bulong nito sa akin na hinalikan pa ako sa pisngi. Pakiramdam ko ay mas lalong pumula ang pisngi ko sa ginawa nya. Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid pero mukhang wala naman nakapansin sa ginawa nya.

"Ang tahimik dito sa bahay, Chin nung umalis ka na. Wala na kasing kaaway si Baro, e."

"Hindi naman kami laging nag-aaway." Depensa ko sa sinabi ni Sandeul.

"Akala ko talaga may gusto sayo si Baro kasi lagi syang nagpapapansin dati. Pero lagi din nyang inaaway si Kalih ngayon kaya alam kong natural na kay Baro na mang-away ng babae." Natatawang pahayag ni Sandeul kaya sya nanaman ang umani ng throw pillow mula kay Baro.

"Ang kulit mo Sandeul." Sabi ni Kuya Shinwoo na tinakpan ng isang kamay ang bibig ni Sandeul. Nagpumiglas ito pero hindi nito kayang talunin ang lakas ni Jinyoung na nakisali na rin sa kanilang dalawa.

Napapailing na tiningnan ko lang ang kaguluhan nilang tatlo. Si Channie at Jana ay natatawang pinapanuod rin ang trio.

Napadako naman ang tingin ko nang ibagsak ni Baro ang hawak na bote sa mesa na gumawa ng mahinang ingay. Tumingin ito sa akin bago nagsalita.

"But then Chin, kapag may nanakit ulit sayo, sabihan mo lang ako. Hinding-hindi na kita pakakawalan pa."

08092017.1246H

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro