61 - Happy Birthday
"Hey fiancé."
Natigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.
Kim Seok Jin
Ilang sandali lang ay naramdaman ko agad na may umakbay sa akin. Nang tingalain ko kung sino iyon ay nakumpirma kong tama ang hinala ko.
Ang ganda pa ng ngiti nito sa akin at mahinang natawa nang igalaw ko ang balikat ko tanda ng pagtutol sa akbay nya. Ilang sandali pa ay biglang lumitaw sa harap ko si Kim Taehyung na nakataas ang dalawang kamay at paikot na tumatalon sa harapan namin ni Seokjin.
"Noona!" Masayang bati nito sa akin.
"Ano'ng ginagawa nyo dito?"
"Manliligaw si Jin hyung." Mula sa likuran ay sumulpot naman si Jhope at nakangiting bumati sa akin.
Yung totoo, ano'ng ginagawa ng BTS dito malapit sa building ng Shin Entertainment?
"May kinailangan lang akong ibigay kay Sandeul."
Naalala ko na close nga pala sila.
"Noona, may drawing ka ulit?" Makulit na tanong sa akin ni Taehyung. Mukhang nagustuhan nya yung drawing ng One Piece na ibinigay ko sa kanya.
Pagkatapos ko kasing kumalma mula sa pag-iyak ay inaway si Jin nung mga kasama nya. Tapos binilhan ako nina Jimin at Jhope ng drinks. Si Taehyung naman ang kumakausap sa akin. Nagulat pa nga sila na mabilis kaming nagkasundo kahit kakakilala lang namin. Nalaman ko kasi na mahilig sya sa animé gaya ko kaya natuwa akong mag-drawing para sa kanya. Buti na lang dala ko pa ang sketch pad ko nung araw na iyon.
"E ikaw, bakit mag-isa ka dito sa labas? Ayaw mong nakikita si Jinyoung hyung na may ibang babaeng kasama?" Bulong sa akin ni Seokjin. Nakaharap sya at bahagyang dumukwang palapit sa tenga ko.
"I know Taekwondo." Sagot ko sa kanya na may pagbabanta. Wala talaga akong alam sa martial arts, sinubukan ko lang syang bantaan.
Natatawang lumayo sa akin si Seokjin at muli akong tiningnan.
"Will you please stop calling me your fiancé? Mamaya, marinig yan ng fans nyo, bigla na lang may humila ng buhok ko."
"Ipagtatanggol kita, noona." Pa-cute na singit ni Taehyung sa amin. Nginitian ko sya bilang ganti.
"Yung fans ba talaga namin ang inaalala mo..." Tiningnan ko sya nang masama, nagbabanta na wag na ngang ituloy ang sasabihin. "O si Jinyoung hyung na pwedeng marinig ang sinasabi ko." Laglag ang balikat ko dahil sa sinabi nya. Nagawa pa nitong kumindat kahit inirapan ko na. Ibinaling ko na lang sa ivang direksyon ang pansin ko.
"Ang kulit talaga." Napapailing na lang ako nang matanaw ko si Taehyung at Jhope na pinagdidiskitahan yung water pump sa kalsada. Sumisigaw pa si Taehyung ng minions at tumatawa ng malakas. Mabuti na lang at walang masyadong tao na nagdaraan kaya walang nakakakita sa ginagawa nila.
"So kamusta na kayo? Nag-usap na ba kayo?"
Muli akong napatingin kay Seokjin na nakatayo lang sa gilid ko habang nakapamulsa. Nakatanaw din ito sa mga kasama nya.
"Mahirap makipagsabayan sa demand ng schedule ng isang idol na gaya nyo. Hindi mawawala ang fans na nakapalibot sa inyo. Hindi rin maiiwasan na magselos ako, pero tingin ko kakayanin ko na iyon. Magtitiwala na lang ako sa kanya at maniniwala sa aming dalawa." Nakangiti kong sagot dito.
Mas magaan na ngayon ang pakiramdam ko na nakausap ko sina mommy at Kuya Shinwoo, kaya nga nang inaya nya ako kanina na magpunta sa dorm para i-celebrate ang birthday ng P.A. nila ay agad akong pumayag. Ako na ang gagawa ng hakbang para magkaayos kami ni Jinyoung.
"Sayang." Sabi ni Jin at pumitik pa bago tumawa. Naguguluhang tiningnan ko sya. "Kasi kung hindi na kayo magkakaayos ni Jinyoung hyung, liligawan talaga kita. Anyway, kapag may problema ka, or gusto mo ng kausap, you can call me anytime."
Alam ko naman na nagbibiro lang sya. Pero ngumiti lang din ako at tumango.
Ilang sandali pa naming pinanuod si Taehyung na abala sa pakikipag-usap sa nananahimik na water pump bago sila tuluyang nagpaalam.
Ang gwapo pero weird.
Nang wala na sila ay dumiretso na ako sa building at naghintay na lang sa lobby. Wala ngayon si mommy sa office nila dahil may pinuntahan sila ng assistant nyang si Ms. Kim.
Dapat sa mga panahong ito ay nasa Pinas ako at nag-aaral. Pero ayaw pa akong paalisin ni mommy at sinabihan na dito na lang ituloy ang last sem ko at on the job training.
Nagmessage sa akin si Sandeul kanina na nasa dorm na daw sila. Si Kuya Shinwoo na lang ang naiwan dahil hinihintay ako.
"Let's go." Napatingala ako mula sa magazine na binabasa ko nang may magsalita sa bandang gilid ko.
Si Kuya Shinwoo na isang ngiti agad ang isinalubong sa akin. Napakagwapo nito sa suot na long sleeve, naka-eyeglass nanaman ito at naka-bonnet.
"Ang gwapo talaga ng kuya ko." Puri ko sa kanya.
"Mas gwapo pa kay Jinyoung?" Umingos ako dahil sa tanong nya, natawa naman ito at inakbayan ako.
Sabay na kaming naglakad papunta sa parking lot para kunin ang kotse nya doon.
"Seatbelt."
"Checked! Let's fly!" Masayang sabi ko at pinaandar na nya ang sasakyan. Nagplay pa sya ng isang kanta nila habang nasa byahe ay iyon ang napagtripan naming kantahin hanggang sa makarating kami sa dorm.
"Do you think Kalih will like my gift?" Alanganing tanong ko kay Kuya Shinwoo. Hindi pa kasi kami masyadong close pero may kaunti na akong nalalaman sa kanya base sa mga kwento ni Kuya Shinwoo. Isang beaded bracelet lang naman iyon na nakita ko sa souvenir shop kanina.
"She'll like it for sure." Sagot ni Kuya Shinwoo at pinindot na ang passcode ng pinto para kami makapasok.
Naabutan namin na nagkakasiyahan na sila. Si Kalih ang unang sumalubong sa amin kaya binigay ko agad ang regalo ko.
Pagkatapos ay naupo na ako sa tabi ni Sandeul dahil sa pagtawag nya sa akin. Naroon si Baro at Channie. May isa pang babae na hindi ko kilala, at si Jinyoung na tahimik lang na nakaupo sa sofa.
"Chi- Aish! I really don't know how to call you now." Reklamo ni Sandeul habang inaabot sa akin ang gitara na alam kong pag-aari ni Jinyoung.
"Dongsaeng, just call her dongsaeng." Singit sa amin ni Channie.
"Hindi pa kita natatanong kung bakit bigla kang nagdeactivate ng SNS accounts mo." Sabi ni Sandeul sa akin.
"Pati yung mga sugat mo sa mukha nung unang punta mo sa studio." Dugtong ni Baro. Hindi ko inaasahan na napansin pa pala niya iyon.
"Mei-mei got into trouble on her school." Si Kuya Shinwoo na ang sumagot sa mga tanong nila. "Naabutan ko sya na nakikipag-away pagdating ko."
"Okay ka lang ba? Hindi ka ba nila sinaktan?" Umiling ako sa tanong ni Channie at ngumiti.
"Dapat siguro itanong nyo kung hindi ba nasaktan yung kaaway nya. If you only see my dongsaeng that time, magugulat kayo. Nabugbog yung babaeng kaaway nya."
Sinimangutan ko si Kuya Shinwoo. Kailangan talaga sabihin pa yun?
"Yung older sister mo ba ang nakaaway mo? What was her name again? Chelsea?"
Lahat kami ay biglang natahimik nang si Jinyoung naman ang nagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya at tipid na nakangiti sya sa akin. Yung ngiti na parang nag-aalangan.
"I was just so fed up with Chelsea's tantrums that time. Dumagdag pa yung nalaman ko ang tungkol sa tunay kong pagkatao. Nagalit ako sa lahat, sa biological parents ko for leaving me alone when I was just a baby. Sa parents na nagpalaki sa akin pagkatapos kong malaman na sapilitan nila akong kinuha sa pamilya ko. Parang wala ng worth ang naging buhay ko at hindi ko na kilala kung sino talaga ako." Mahabang paliwanag ko na hindi inaalis ang tingin kay Jinyoung.
Naramdaman ko ang isang kamay na pumatong sa balikat ko. Nilingon ko iyon at ang nakangiting si Kuya Shinwoo ang nakita ko.
"Kung hindi dumating si Kuya Shinwoo para iligtas ako sa sarili kong galit, baka hindi nyo ako kasama ngayon dito. I gave up on life that time. Pero humingi ng sorry sa akin si Kuya Shinwoo, we talked, ask for forgiveness and forgave each other. All of a sudden, biglang gumaan ang pakiramdam ko."
"Someone must be sorry for everything that happened." Sagot ni Kuya Shinwoo. Yumakap ako sa kanya at hinalikan nya ang noo ko.
"Hyung." Sabi ni Sandeul na pinapungay pa ang mga mata sa harap ni Kuya Shinwoo.
Natawa naman ako sa reaction niya. Noong unang beses kasi na makita nya ang sweet gesture namin ni Kuya Shinwoo ay sinita nya kami.
"Hindi dapat tayo malungkot ngayon, we're celebrating a birthday, right?" Sabi ko na lang kasi baka mag-asaran nanaman silang dalawa.
"Bawal uminom ang mga girls." Pahayag ni Baro nang ilapag nito sa center table ang mga bote ng bottled beer.
Sabay kaming umangal ni Kalih, pero pinagtinginan lang kami ng B1A4.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro