59 - Kim Seok Jin
Umorder muna ako ng isang frappe bago pasimpleng nagtanong sa cashier noong magbabayad na ako.
"Miss, pwede ko bang malaman kung may staff kayo dito na Park Yumi ang pangalan?"
"May kailangan po ba kayo sa kanya?" Biglang nagliwanag ang tingin ko dahil sa tanong nya. Posibleng andito nga si Yumi. Dumaan kasi ako sa cafe na pinapasukan namin dati pero ang sabi ng manager doon ay nalipat na sya sa ibang branch kaya ako napadpad dito.
"Naka-leave sya kaya wala sya dito ngayon." Nginitian ko yung babae at nagpasalamat na. At least, alam ko na kung saan ko sya mahahanap. Dala ang tray na may frappe at isang slice ng cake na order ko ay pumihit na ako patalikod para maghanap ng mesa na pwede kong kainan.
"Shin Mei Yuk." Natigilan ako nang tawagin ako ng lalaking nakaharang sa daraanan ko. Nagtataka ko syang tiningnan kaya bahagya nitong tinanggal ang face mask na nakatakip sa mukha nya at itinaas ang suot na sombrero.
"Kim Seok Jin?"
"Yeah. Ikaw, ano'ng ginagawa mo dito?" Itinaas ko ang dala kong tray para sagutin ang tanong nya. Bahagya pa itong natawa bago muling nagsalita. "Ang layo pa ng pinuntahan mo para lang sa frappe. Wala bang cafe malapit sa lugar nyo?"
Sinimangutan ko lang sya at nag-excuse na para maghanap ng lamesa.
Magsisimula na sana akong kumain nang biglang may naglapag ng isang tray sa parehong mesa na ginagamit ko. Pagkatapos ay umupo sa tapat ko si Seokjin, at nakangiting humalukipkip.
"Hey fiancé." Bati nito sa akin. Pabagsak na itinusok ko sa cake ang hawak kong tinidor at tiningnan sya ng masama. "Easy ka lang. Hindi naman totoo ang arranged marriage na gusto ng parents natin." Natatawang dugtong nito.
Kagabi sa party ay bigla na lang iyon nabanggit ng daddy ni Seokjin dahil nakita nila na nag-uusap kami. Ang nakakainis lang doon ay saktong binanggit nila ang tungkol doon sa harap ni Jinyoung. Hindi ko tuloy alam kung paano pa sya kakausapin dahil halata sa mukha nito ang iritasyon.
"Ano'ng ginagawa mo dito Seokjin?"
"Hey, I'm older than you so you should talk to me politely." Sita nito, inismiran ko lang sya. Tumikhim naman ito at umayos ng upo. "I should be the one asking you that. What are you doing here alone?"
"May hinahanap lang ako na kaibigan." Mahinahong sagot ko at itinuon na ang pansin sa pagkain.
"Nagulat ako nang mamukhaan kita kagabi. Yung unang pagkikita natin, sa cosplay event at kasama mo si Sandeul. Hindi ko inaasahan na magkikita tayo ulit, at pwede pa na maging fiancé kita. Ang saya diba."
"Ikaw lang ang masaya." Nakasimangot na sagot ko.
Natuon ang tingin ko sa entrance nang cafe nang biglang tumunog ang bell na nakasabit sa taas ng pinto tanda na may papasok sa loob. Isang babae ang nakita kong pumasok, saglit na inilibot ang paningin at kumaway nang siguro ay makita ang naghihintay dito.
Nakarinig ako ng mahinang pagsipol kaya nilingon ko ang lalaking nakaupo sa tapat ko. Nakatingin din pala ito sa babae kaya ganoon ang reaksyon. Sinundan pa talaga nito ng tingin ang babae hanggang sa umupo ito sa table na nasa bandang likuran ko lang. Ito pala ang kausap sa phone nung babae na kanina pa naghihintay.
Nang tumingin ulit sa akin si Seokjin ay inirapan ko lang sya.
Pervert!
Nakasuot kasi ng mini skirt ang babae at fit ang damit nito na pinatungan ng mahabang coat, naka black boots din ito kaya talagang madaling makaagaw ng pansin. Napakunot noo ako dahil pamilyar sa akin ang boses ng babae. Umupo pa ito sa upuan na kadikit lang din ng upuan ko kaya magkatalikuran kami ngayon. Bahagya ko pang naamoy ang gamit nyang pabango.
"May lakad ka ba pagkatapos mo dito?" Narinig kong tanong sa akin ni Seokjin kaya napatingin ako sa kanya.
"Nung sinabi mo na ngayon ka free, ay nag-cancel agad ako ng schedule ko for today, Minsan na lang tayo magkita eh."
"I'm sorry, ngayon lang ulit ako free eh. Wala kaming dance practice kaya ako nakalabas."
"Busy ka na talaga. How was it?"
"I'm having a dance number with B1A4's Jung Jinyoung oppa."
"No way! You are lucky."
"I know, then next time, I'll officially be Jinyoung oppa's girl."
Muntik na akong mabilaukan sa narinig ko mula sa kanilang table.
B1A4?
Jung Jinyoung?
Natatandaan ko na kung sino sya. Yung babae sa likod ko ay yung nakita kong kapartner ni Jinyoung na sumasayaw noong unang beses na nagpunta ako sa studio.
"Will that happen?"
"Of course, Jung Jinyoung will be mine. Just wait and see."
Nakaramdam ako ng panginginig ng katawan. Hindi dapat ako nakikinig sa usapan ng ibang tao, pero automatic na naging aware ang pandinig ko nang marinig ko ang pangalan ni Jinyoung.
Sya rin yung babaeng nakita kong kausap ni Jinyoung matapos naming magtalo. Nagtatawanan pa sila habang ako ay sobrang sama ng loob sa kanya.
"Okay ka lang?" Napakislot ako nang maramdaman ko ang paghawak ni Seokjin sa kamay ko. Tiningnan ko sya at nakita ko ang concern sa mga mata nya. Bahagya pa nyang nilingon yung dalawang babe bago muling tumingin sa akin at marahang ngumiti.
"Let's go." Sapilitan nya akong hinila patayo at wala akong lakas na tumanggi sa kanya. Lumabas na kami ng cafe, naglakad palapit sa isang kotse.
"Get in." Utos nito sa akin matapos nya akong alalayan papunta sa passenger's seat. Nagdududang tiningnan ko lang sya pero ipinilit pa rin nya ang pagpapasakay sa akin. Ipinatong pa niya ang isang kamay sa ulo ko para hindi ako mauntog sa bubong ng kotse.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Naka-seatbelt na kami pareho at nagmamaniobra na sya ng sasakyan.
"Ngayon alam ko na kung bakit hindi mo matanggap ang arranged marriage natin at kung bakit ganun na lang ang pagkainis mo sa presensya ko." Sabi nito habang nakatuon ang tingin sa kalsada.
Nagtatanong ang mga matang tiningnan ko ang gawi nya. Hindi naman na ito nagsalita pa. Saglit lang ang lumipas ay pumasok na kami sa isang secured parking lot.
"Si Jung Jinyoung diba." Sabi nito pagkababa namin sa kotse. Nakasunod lang ako sa kanya habang naglalakad sya.
Saan ba kami nagpunta? Hindi ako pamilyar sa building na pinasok namin.
"Saan mo ko dinala?" Angil ko sa kanya. Pumasok kami sa elevator at paakyat sa fifth floor pero hindi pa rin ito nagsasalita.
"May rehearsal kasi ako ngayon, hindi naman kita pwedeng iwan dun dahil baka awayin mo yung babaeng gustong maging boyfriend si Jung Jinyoung." Natatawang sagot nito sa akin. "Napansin ko ang tinginan ninyo kagabi, noong una ay nagtataka lang ako, pero napagdugtong ko ang lahat mula sa cosplay event hanggang sa kagabi. Something is going on between you two."
Hindi na ako sumagot. Sinubukan ko pang pindutin ang button pababa pero mabilis akong napigilan ni Seokjin. Hanggang sa makarating kami sa loob ng practice room nila.
"Hyung!"
Narinig kong sigaw ng kung sinuman pagbukas pa lang ni Seokjin ng pinto.
"Sino sya hyung?" Tanong nung binata na taglay ang napakagwapong mukha pero matalim tumitig ang mga mata.
"Pauso ko." Sagot ni Seokjin tapos humarap sa akin. Ginulo nya ang buhok ko na halos matatakpan na ang buong mukha ko, tapos isinuot sa akin ang sombrero na suot nya kanina.
"Ayan hindi ka na nila mapapansin." Nakangiti nitong sabi sa akin tapos hinila ako papunta sa sulok at pinaupo sa isang stool na naroon.
"May girlfriend na si Jin Hyung." Sabi nung isang gwapo'ng lalaki na natatandaan kong Jungkook ang pangalan.
"Wala pa sina Rapmon at Suga?" Tanong ni Seokjin sa mga kasama. Hindi pinansin ang tuksuhan ng iba.
"Hi." Nakangiting lumapit sa akin si Jimin pero naharang agad ito ni Seokjin.
Ang kukulit nilang lahat. Natatandaan ko naman na sila ngayon dahil minsan ko na silang nakilala. Isa pa, kaninang umaga ay nag-research na rin ako ng tungkol sa kanila dahil curious ako kay Seokjin.
"Jin hyung, girlfriend mo ba talaga sya?"
"Bakit, may angal ka?" Naghahamong tanong nito sa lalaking may matalim na titig na si Tae Hyung.
"Alam ba nya?" Natatawang banat pa nito sabay tingin sa akin. Nginitian ko lang sya dahil ang cute rin ng ngiti nya sa akin. Mukhang hindi na nya ako natatandaan.
"Sigurado kang si Jin hyung ang gusto mo? Pwede ka pa magbago ng isip. Ano ba ang ideal boyfriend mo?" Hindi sumusukong pangungulit pa sa akin ni Jimin nang naging abala si Seokjin sa pakikipag-usap kay Tae Hyung at Jungkook.
Ano ang ideal boyfriend ko?
Tumayo ako ng tuwid para harapin sya at napangiti nag makumpirma kong hindi kami nagkakalayo ng tangkad.
"Ideal boyfriend ko yung mas matangkad sa akin."
"Woah! I like this girl." Sigaw ni JHope na pumapalakpak pa. Nginitian ko lang ito kahit na nakasimangot na sa harap ko si Jimin.
Maya-maya lang ay bumalik na rin ako sa kinauupuan ko nang maging abala na sa paghaharutan sina Tae Hyung, Jungkook at Jimin. Si Seokjin at JHope naman ay pinag-aaralan ang ilang steps nung kanta na pinapatugtog nila ngayon. Tahimik lang akong nanunuod habang maya't-maya ang silip sa cellphone ko. May usapan kasi kaming magkikita ni Sandeul pero hihintayin ko pa kung kailan matatapos ang practice nila.
Kasalukuyan akong nagtetext nang mapansin ko na tumahimik ang buong paligid. Pasimple akong sumilip at eksaktong tumugtog ang isang kanta ni Bruno Mars tapos namalayan ko na lang na nakatayo sa harap ko si Seokjin. Gulat na tiningala ko sya pero nginitian lang nya ako at inilahad pa ang kamay sa harap ko.
Ano 'to?
Dahil hindi man lang ako kumilos ay siya na ang nagkusang kumuha ng kamay ko at inalalayan ako patayo. Inakay nya ako papunta sa gitna ng practice room pagkatapos ay humarap sa akin.
"Follow my lead." Bulong nito sa tenga ko, agad na lumapat sa bewang ko ang isang kamay nya.
Let's take our time tonight, girl. Above us all the stars are watchin'
Nagsimula kaming gumalaw sa pangunguna ni Seokjin. Nakatulala pa rin ako sa kanya at nagtatanong ang mga tingin pero patuloy lang sya sa paggabay sa akin.
So just turn down the lights. And close the door. Ooh, I love that dress, but you won't need it anymore.
Nabigla ako sa ginawa ni Seokjin. Pinaikot nya kasi ako kaya nakatalikod ako sa kanya, at sa isang iglap ay nagawa nyang hubarin ang suot kong cardigan.
Agad kong naramdaman ang malamig na tama ng hangin mula sa centralized air-con sa likod ko dahil naka halter top na blouse ako at exposed ang likod ko kapag wala ang cardigan.
Magsasalita pa sana ako pero hindi ko na nagawa dahil naramdaman ko ang mainit na hininga ni Seokjin sa bandang leeg ko. Napasinghap naman ako nang pahaplos na paglakbayin nya ang mga daliri mula sa braso ko pababa sa kamay ko hanggang sa hawakan nya iyon at muli akong igiya paikot, paharap naman sa kanya.
Let's just kiss 'til we're naked, baby. Versace on the floor.
Ipinatong ni Seokjin ang dalawang kamay ko sa magkabila nyang balikat. Ang isang kamay nya ay nasa bewang ko, habang ang isa pa ay iniangat nya para hawakan ang pisngi ko at bahagya nya akong pinatingala para makaharap sya.
Nang sinubukan nyang lumapit at akma akong hahalikan ay mabilis ako umiwas at pilit na kumawala sa pagkakahawak nya.
Ganitong-ganito ang naabutan kong eksena ni Jinyoung kasama yung babae na nakita ko sa cafe kanina. Muli ko iyong naalala dahil kay Seokjin.
Ano ba ang gusto nitong iparating sa akin? Gusto ba nyang maramdaman ko ulit ang sakit at selos kaya ginagawa nya ito ngayon?
Nararamdaman ko na ang nagbabadyang luha sa mga mata ko kaya nagpumiglas ako at tumalikod agad nang sa wakas ay bitawan nya ako.
Nakakaisang hakbang pa lang ako nang maramdaman ko ang paghila sa iang kamay ko kaya muli akong napaharap kay Seokjin.
"Iiyak mo lang, hanggang sa wala ka nang mailuha. I'll be here for you." Iyon ang huli kong narinig bago ako tuluyang magpatalo sa lungkot na nararamdaman ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro