Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

58 - Shin Mei Yuk

Tahimik kong tinatanaw mula sa pintuan ng kwarto ko sa second floor ang mga abalang tao sa baba.

Lahat sila ay paikut-ikot sa buong receiving area habang may kanya-kanyang bitbit na mga gamit. Ang isang tao naman ay abala din sa pagbibigay ng instructions sa iba.

Ngayong araw kasi ang founding anniversary ng chain of schools na pag-aari ng pamilya namin na si daddy ang punong namamahala. Isinabay na nila ang pagpapakilala sa akin sa mga tao na malapit sa kanila.

"Dongsaeng."

Napalingon ako sa kasunod na pintuan ng kwarto ko at nakitang nakatayo roon si Kuya Shinwoo. Nakapajama pa ito at halatang bagong gising.

"Good morning Shinwoo oppa." Bati ko sa kanya. Hindi ko alam na umuwi pala sya kagabi. Baka tulog na ako nang dumating sya.

"Are you nervous?" Tanong nito sa akin nang makalapit ako sa kinatatayuan nya. Sabay na kaming naglalakad sa hagdan pababa para magtungo sa kusina.

Nervous is an understatement. Paano ko ba ipapaliwanag ang nararamdaman kong pag-aalinlangan? Ipapakilala ako bilang si Shin Mei Yuk. Matatanggap ba ako ng mga tao? Paano kung ayawan din nila ako? Paano kung hindi nila ako magustuhan?

Nakarating na kami sa dining area at naabutan namin doon sina mom at dad na nagsisimula nang mag-agahan.

"Good morning po." Pareho kaming humalik ni kuya Shinwoo sa kanilang dalawa bago umupo sa kanya-kanyang pwesto.

"Mei, yung night gown na isusuot mo mamaya, darating yun before lunch. May kaibigan ka ba na inimbita sa event?"

Umiling ako kay mommy. Wala naman akong naging kaibigan dito maliban kay Yumi pero hindi pa kami nagkikita ulit.

"Puro business colleagues ng dad ninyo ang bisita pati na ang board members ng school. Kaya Woo, papuntahin mo ang co-members mo. Nasabihan ko na rin ang manager ninyo tungkol dito."

"Yes mom, I'll just call them for the details."

Pupunta sila dito?

Minabuti kong tahimik na tapusin na lang ang agahan. Nagpaalam na sa amin si daddy dahil may meeting pa ito. Si mommy naman ay abala sa pag-aasikaso ng buong event kahit na hindi kailangan dahil may kinuha naman itong organizer. Gusto lang talaga nyang maging hands on sa preparation.

Before lunch ay dumating nga ang gown na gagamitin ko. Pinasukat agad iyon sa akin para matingnan kung kailangan ng adjustment.

Umalis lang kami sandali ni Kuya Shinwoo para samahan akong bumili ng bagong contact lens na clear ang kulay. Hindi daw kasi bagay kung magsusuot pa ako ng eyeglass habang naka-gown.

Pagbalik namin ay sinimulan na kaming ayusan ni mommy. Gusto nya na pareho kami ng hairstyle. Pareho din ang kulay ng gown namin na mas conservative lang ang sa kanya. Halter top kasi ang style ng sa akin na may mahabang slit ang palda.

Matapos ayusan ay sumilip naman bigla sa amin si Kuya Shinwoo. Napangiti ito nang makita kami ni mommy.

"Wow, I'm so lucky to have these two beautiful women infront of me."

"Bukod sa amin oppa, meron pa bang ibang maganda sa paningin mo?" Nagbibirong tanong ko sa kanya. Wala kasi akong alam sa lovelife ni Kuya Shinwoo. Kahit noong magkasama pa kami sa dorm.

"Meron pa ba?" Tanong ni Kuya Shinwoo sa sarili. Mukhang nag-iisip pa ito habang hinihimas ang isang kamay sa kanyang baba. Pagkatapos ay ngumiti ito bigla sa akin at hindi na nagsalita.

"Pupunta na ako sa kwarto namin para magbihis, ikaw rin Mei." Tumayo sa likuran ko si mommy at bahagyang yumuko para magpantay ang mga mukha namin. Nagkatitigan kami sa salamin at sabay na napangiti.

We had the same smile. Iyon ang na-realized ko habang nakatitig sa repleksyon namin sa salamin.

Ilang oras pa ang lumipas ay kinatok na ako nung isang staff ng event organizer para sabihing maghanda na dahil malapit na akong lumabas.

Kanina pa ako mag-isa sa kwarto at naririnig ko na rin ang maingay na tawanan kasabay ng malamyos na musika na nanggagaling sa baba.

Habang naghihintay kanina ay nakatanggap ako ng text mula kay Sandeul. Dumating na daw sila at una nya akong hinahanap dahil alam nyang dito ako nakatira. Hindi ko alam kung may idea na sya sa nangyayari.

Nakatanggap din ako ng text mula kay Jinyoung na I'm sorry lang ang nakalagay. Hindi ako nagreply sa kanilang lahat. Lalo kay Jinyoung. Ano ba ang ibig sabihin ng text nya na iyon?

Hindi na ako nagreply dahil ayokong i-confirm ang text na iyon. Natatakot ako.

I'm sorry dahil nag-away kami at gusto na nyang magkaayos kami.

I'm sorry dahil natuklasan nyang hindi na pala nya kayang ituloy ang kung anumang meron kami.

Kung yung una ang dahilan nya, malamang na matuwa ako. Pero paano kung yung ikalawa ang dahilan? Kakayanin ko ba? Mahal na mahal ko sya, e. Paano ko sya pakakawalan?

Nabalik ako sa reyalidad nang may kumatok sa pinto. Agad na akong tumayo at binuksan iyon. Yung head organizer ng event ang napagbuksan ko at sinabihan akong pwede na akong bumaba.

Isang malalim na buntong hininga muna ang pinawalan ko bago tuluyang lumabas.

Naglalakad na ako sa hallway, at ramdam ko ang mga matang nakatutok sa akin. Pagtapat ko sa hagdan ay nakita ko na ang dami ng taong naroon at hinihintay ang pagbaba ko.

"We may had lost her for a long time, but our princess finally came back. Ladies and gentlemen, let me introduce you our daughter, Shin Mei Yuk." Masayang anunsyo ni daddy gamit ang wireless microphone na hawak nito.

Nagpalakpakan ang lahat at nagsimula na akong humakbang pababa ng hagdan. Nasa baba sina dad, mom at Kuya Shinwoo at nakangiting hinihintay ako.

Nagawa kong mailibot ang paningin ko sa buong paligid. Naroon sa di kalayuan sina Sandeul, Baro at Channie na halata ang pagkabigla sa mga mukha. I smiled awkwardly at them before turning my attention to my parents.

Nang tuluyan na akong makababa ay sinalubong agad ako ng mga yakap at halik mula sa tatlong kapamilya ko. Tapos ay inakay na ako ni dad at mom para ipakilala sa mga kaibigan nila.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na ganun. Napagod na rin ako sa kakangiti at halos hindi ko naman matandaan ang mga pangalan nilang lahat at kung paano sila naging konektado sa pamilya namin in terms of business.

Busy na si daddy sa pakikipag-usap about business, ganon din si mommy sa pag-aasikaso sa mga asawa ng bisita namin kaya nag-excuse na ako at hinanap sina Sandeul.

"Baro-yah." Tawag ko sa kanya nang masipatan ko sya sa isang sulok kausap si Channie. Nilibot ko pa ang paningin ko dahil hindi ko makita ang ibang members nila.

"On the way pa lang si Jinyoung hyung kung sya ang hinahanap mo. May photoshoot kasi sya ngayon kaya hindi sya nakasabay sa amin." Bungad nito sa akin nang makalapit ako.

"You're stunning, dongsaeng." Puri sa akin ni Channie.

"And so are you, Channie oppa." Nakangiting sagot ko sa kanya.

"Kailan mo pa nalaman na ikaw yung nawawalang kapatid ni Shinwoo hyung?" Seryosong tanong ni Baro kaya napabaling ako sa kanya.

Ikinuwento ko ang pinakabuod kung paano namin nalaman ang totoo.

"It's funny how destiny works for us." Sabi ni Channie matapos pakinggan ang kwento ko. Baro and I, both nod in agreement.

"Wow, our little Chinee, my wife. Seriously, I don't know how to address you now." Bulalas ni Sandeul pagkaupo sa mesa namin.

"You can stop calling her wife to start." Sagot ni Baro dito na hindi naman pinansin ni Sandeul.

"I am still your loyal BANA, B1A4's dongsaeng, and the Chinee that you know. Although they adviced me not to use that name anymore."

"No matter who you are, Baro still loves you." Nakarinig ako ng kalampag mula sa ilalim ng lamesa. "I mean, we all still love you the same." Sabi ni Gongchan at natatawang bumaling kay Baro. Nagpatuloy kami sa pagkikwentuhan nang mapansin kong dumaan si Kuya Shinwoo. Tatawagin ko sana sya pero parang lukot ang mukha nito kaya hindi kami napansin.

Naisip ko syang sundan kaya nag-excuse ako sa tatlo. Bahagya ko pang inangat ang mahaba kong palda para hindi makasagabal sa paglalakad ko.

Papunta sya sa garden kaya ako lumabas. Pero hindi ko na sya matanaw pa.

"Hi."

Nagulat ako sa biglang nagsalita sa bandang likuran ko. Paglingon ko ay bumungad sa akin ang isang nakangiting binata.

Napakunot noo ako dahil pamilyar sya sa akin.

"I know I look familiar beacuse we already met before." Inilahad nito ang kamay sa harapan ko. "I'm Kim Seok Jin."

Hindi ko sya maalala pero pamilyar talaga sya. Wala sa loob na tinanggap ko ang pakikipagkamay nya habang matamang nakatitig sa nakangiti nyang mukha.

"Wow, I think our kids are getting cozy here." Sabay kaming napalingon ni Kim Seok Jin sa dalawang lalaki na palapit sa amin.

Nang makita ko si dad ay agad akong napabitaw ng hawak kay Jin.

"Well I won't mind being your in-laws." Sabi nung lalaking kasama ni daddy, sabay pa silang natawa.

"It's not what you think it is dad." Sagot ni Jin. Daddy pala nya ang kasama ng dad ko.

Tapos ipinaliwanag sa akin ni daddy na ang family nila ang supplier ng mga gamit para sa classroom ng bagong tayong school building ng Mater Dei Seoul.

"Our children are both good looking, I'm sure they will make a beautiful offspring." Dugtong pa ulit ng ama ni Jin.

"So are we going to talk about their marriage soon?" Tanong ni daddy.

Kung may iniinom lang ako ng mga oras na iyon ay baka nasamid na ako. Nakatulala lang si Jin na nakatayo sa tabi ko.

Pero kasabay niyon ay ang hindi ko inaasahan na reaksyon mula sa likod namin.

Si Kuya Shinwoo iyon na halata ang pagkabigla dahil sa narinig. Biglang parang umakyat ang lahat ng dugo sa ulo ko nang makilala ko kung sino ang kasama nyang halata rin ang pagkagulat sa gwapong nitong mukha.

Jinyoung...

08072017.0115H

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro