Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

57 - Fifty Seven

Panay ang hingi ng pasensya nung babae sa driver habang sinisigawan sya nito. Nagsisimula na rin silang pagtinginan nung ibang mga taong nagdaraan sa kalsada.

Habang ako ay nakatayo lang doon at nakatingin sa kanya. Sobrang kinabahan ako sa ginawa nya. Pakiramdam ko tuloy, tumalon palabas ang puso ko dahil sa sobrang pagkabigla.

Buti na lang ay nakapagpreno agad yung driver kaya hindi na napahamak pa yung babae.

Matapos ibuhos ng driver ang lahat ng inis at galit nya ay umalis na ito agad. Tapos yung babae na tumatawag sa akin kanina, parang wala lang na tumakbo ulit palapit sa akin, nakangiti pa.

"Buti naabutan pa kita." Hinihingal na sabi nito. Napakunot noo lang ako sa kanya dahil nagawa pa nyang ngumiti sa kabila ng muntik na nyang pagkasagasa.

"Ikaw yung babae kanina sa practice room diba?" Tanong ko sa kanya. Natatandaan ko na sya. "Kasama ka ba sa entourage? I mean, back up dancer ka?"

Baka kakilala nya yung babaeng kasayaw ni Jinyoung kanina.

"I wish." Sagot nito sa akin na pinaikot pa ang mga mata. Siguro kung nasa ibang sitwasyon lang kami ay baka nakangiti na ako sa kanya ngayon.

Pero kapag naaalala ko ang nangyari sa amin ni Jinyoung kanina, hindi ko mapigilan ang malungkot.

"Busy kasi ang B1A4 kaya ako ang naatasan na sumama sayo ngayon."

"S-sino ang nag-utos sayo?"

"Si... Shinwoo oppa." Nakangiti nyang sagot sa akin tapos nagbuga ng hangin at nag-iwas ng tingin.

Tumango na lang ako kahit na nagtataka sa biglaang pagkabalisa nya.

Asa pa ko na si Jinyoung diba. Nag-away kami kanina kaya malamang ay wala syang pakialam sa akin ngayon.

"Let's go." Sabi nya at kumapit na sa braso ko.

"Saan tayo pupunta?" Alanganing tanong ko sa babae.

"Saan mo ba gusto?"

Kailangan ko lang naman na bumili ng damit kaya iyon ang sinabi ko sa kanya. Tapos sya na ang nanguna sa pagsakay ng bus at nagtungo na kami sa mall.

Halos tatlong oras din kaming nag-ikot para makapamili ng mga damit na pwede kong isuot. Limang paper bags na ang bitbit namin na puro damit lang naman. Salamat sa parents namin na binigyan ako ng malaking allowance.

Tapos inaya ko sya na kumain na lang sa isang fast food.

"Trainee ka din ba o dati ka nilang P.A.?" Tanong sa akin ni Kalih. May pagkamadaldal din pala sya kaya naaaliw akong sagutin ang lahat ng tanong nya.

"Neither." Sabi ko at uminom ng softdrinks.

"Paano mo sila nakilala?"

Sila ba talaga ang pag-uusapan natin ngayon? Hindi ba pwedeng iba na lang?

Nagbuntong hininga ako bago sumagot.

"Exchange student ako. Yung family ni CNU ang sponsor ko dito. Naging classmate ko rin si Channie sa ibang subjects. I'm a fine art student major in Film Production."

"Ang galing naman ni Shinwoo oppa, pati ang family nya."

Tiningnan ko lang sya. Interesado ba sya kay Kuya Shinwoo?

"Ikaw, bagong PA ka ba nila?" Tanong ko sa kanya. Isang lalaki at isang babae kasi ang mga P.A.s nila dati e. Pero hindi ko naman iyon masyadong nakakausap at kilala talaga.

Ngayon lang kasi talaga ako naging aware sa mga closest person around them...

Sige, aaminin ko na... Dahil kay Jinyoung...

Lagi naman dahil sa kanya eh. Yung kaba, saya, excitement...

At lungkot.

"Oo. Pero gusto ko maging idol. Gusto kong sumayaw, kumanta at magperform sa stage. Pero sa ngayon, habang wala pang nahahanap na kapalit ko, kailangan ko munang magtiyaga." Nagbuga nanaman ito ng hangin at sumimsim sa iced tea nya.

"Mababait naman silang lahat." Nakangiti kong alo sa kanya. Para kasing hindi nya gusto ang trabaho nya. Hindi ba sya fan ng B1A4?

Ako nga dati, kung alam ko lang pwede akong mag-apply na P.A. baka ginawa ko na para lang lagi kong makasama ang idol group ko. Kahit tagapunas lang ng pawis nila.

"Hindi lahat." Tutol naman nito. "Hindi ko gusto si Baro. He's frivolous and annoying."

Natawa naman ako sa sinabi nya. We have the same first impression towards Baro. But my opinion about him changed a little later upon getting to know him better.

"Annoying? Yes, he really is. But he values friendship more than anything else. Mabait sya kapag nakilala mo lang talaga sya." Inayos ko ang suot kong salamin.

Mukhang pinag-iisipan naman nito ang mga sinabi ko dahil saglit itong natahimik at nakatitig lang sa akin. Kinakagat-kagat pa nito ang straw ng iced tea nya.

"What happened to your face?" Out of the blue na tanong nito, bahagya akong nagulat. Baka nag-fade na ang nilagay kong concealer.

"I got into a fight." Tipid na sagot ko. Ayoko na rin kasing pag-usapan iyon.

"Sino ang nanalo?"

"Kailangan ba sa lahat ng laban, may mananalo at matatalo? Hindi ba pwedeng magkaayos na lang kayo para wala nang gulo? Para wala ng malungkot at iiyak. Hindi ba pwedeng ganun na lang?"

"Are we still talking about the fight you got involved, or are we talking about something else?"

Huh? Ano ba ang sinabi ko? Hindi ko na kasi masyadong namalayan.

Tiningnan ko lang sya at nakatitig din sya sa akin. Ilang sandali kaming ganon hanggang sa sabay na kaming nakangiti.

"You know what, may naaalala ako sa ngiti mong iyan."

"What kind of smile? At sino ang naaalala mo?"

"That genial smile. Very welcoming, very calming. A kind of smile that says, everything will be fine. Hindi ko lang ma-pinpoint kung sino pero alam kong nakita ko na ang ganyang ngiti somewhere."

Simula nang dumating ako ng SoKor ay madalas ko ng naririnig ang bagay na iyan. May ibang tao silang naaalala sa ngiti ko. Una si Sandeul, noong unang beses ko syang ngitian. Tapos yung mga kasama ko sa dorm, si Yumi na naging kaibigan ko mula sa part time job at si Ms. Kim na secretary ni mommy.

Noong nalaman ko ang totoo kong pagkatao, doon ko lang napagtanto at na-realize iyon. Lahat sila na nagsabi na pamilyar ang ngiti ko, kakilala si Kuya Shinwoo. Unconciously ay nakikita na pala nila ang pagkakahawig namin kapag ngumingiti ako.

Hindi man kami talagang magkamukha dahil most of his features ay namana nya kay mommy, ako naman ay perfect combination of both parents, maliban sa ngiti ko na kay mommy ko nakuha, but we are siblings nonetheless.

"Pagkatapos mo akong samahan, uuwi ka na ba?"

"I doubt. Babalik pa ako sa studio para magreport sa kanila."

May inabot ako sa isang paper bag na dala ko. Isang box iyon ng brownies na inilapag ko sa tapat nya.

"Pwede bang pakibigay ito kay Sandeul? Hindi kasi kami masyadong nakapag-usap. Siguradong nagtatampo pa rin iyon."

Kinuha ko ang sticky note sa dala kong bag at isinulat ang number ng phone na pinahiram sa akin ni Kuya Shinwoo. Idinikit ko iyo sa ibabaw ng box.

"Pakisabi tawagan nya ako, and I'll treat him for a coffee as an apology."

"Ano ba ang nagawa mong kasalanan kay Sandeul?" Tanong nito habang inilalagay ang box sa backpack nya. "Sobrang close ka ba talaga sa kanila?"

"I'm closest to Sandeul and Baro before."

Napansin ko ang pagtaas ng kilay nya nang banggitin ko si Baro kaya napangiti ako.

"Baro once saved me from drowning. Hindi kasi ako marunong lumangoy, sya ang tumulong sa akin. I was bullied before on school because of my indifference, pero lagi nya akong pinoprotektahan. Makulit lang talaga sya pero kapag kailangan mo sya, lagi syang dumarating."

I said dreamily, pero umayos ako ng upo nang makita ko syang nakatitig sa akin na para bang isang malaking kasinungalingan ang sinasabi ko.

"Si Jinyoung lang ang nakikita kong mabait kahit laging tahimik at parang laging may iniisip."

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya nang marinig ko ang pangalang iyon. Ano na ang mangyayari sa aming dalawa ni Jinyoung?

"Anyway, halika na. Baka hinahanap na rin nila ako." Aya nito sa akin na nauna nang tumayo.

Sumunod na rin ako sa kanya at tinawagan si Mr. Yoo para sabihing palabas na kami. Nagtext kasi sya kanina at sinabing nasa parking lot lang sya ng mall.

Paglabas ay saglit lang kaming naghintay bago sya huminto sa tapat namin.

Ipinaliwanag ko na lang kay Kalih na ang mga Shin ang guardian ko habang andito ako. Napansin ko kasi ang pagtataka sa mukha nya kahit hindi sya nagtatanong.

Inihatid namin sya sa Shin Entertainment building bago umuwi. We said our goodbyes at pinaandar na ulit ni Mr. Yoo ang kotse nang tuluyang makaalis si Kalih.

Malapit na kaming lumampas sa building premises nang mahagip ng tingin ko si Jinyoung.

Kasama yung babaeng kasayaw nya kanina, at may iba pa silang kasama. Nakatawa sya habang nag-uusap silang lahat.

I looked away and just focus on the road infront. Paano nya nagagawang tumawa ngayon? Bakit parang balewala sa kanya ang hindi namin pagkakaunawaan?

Bakit malungkot nanaman ako?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro