Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

54 - Blissfulness


Ganito pala ang pakiramdam ng isang buo at masayang pamilya.

Nag-uumapaw sa hindi maipaliwanag na kasiyahan ang puso ko ngayon habang pinagmamasdan sina Kuya Shinwoo at Mr. Shin Dae Ho - I mean si daddy, na parehong nakasuot ng apron at nagluluto ng hapunan para sa aming apat.

Nakaupo naman kami ni mommy sa magkasalungat na panig ng kitchen counter. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nya binibitawan ang pagkakahawak sa mga kamay ko na para bang natatakot sya na anumang oras ay bigla nanaman akong mawala sa kanya.

Kanina, habang nagkikwentuhan kami ni Kuya Shinwoo sa kwarto ko tungkol sa anim na buwan na nawalan sila ng contact sa akin, ay bigla namang dumating ang mga magulang namin.

Naiiyak na lumapit at agad yumakap sa akin si mommy nang alanganing ngitian ko sila. Pagkatapos ay nakiyakap na rin si daddy habang panay ang pasasalamat na bumalik na ako sa kanila.

Ang dami pa naming napag-usapan, tapos ikinuwento ni Kuya Shinwoo ang nangyaring gulo sa amin ni Chelsea dahil napansin nila ang mga galos sa braso ko, sa mukha at pasa sa bandang cheekbone. Tinanong ko sila kung balak ba talaga nilang magsampa ng kaso laban sa mga Ybañez, dahil nabanggit na rin ni Kuya Shinwoo ang tungkol doon. Nasa kanya na kasi yung box ng mga sulat na kinuha ko sa kwarto nila mama at papa.

"First, gusto ka naming ipakilala sa lahat bilang si Shin Mei Yuk. Aasikasuhin natin ang mga papel mo, from now on, yung totoong pangalan mo na ang gagamitin mo." Sabi ni daddy.

"We have to face the court, para matransfer ang lahat ng records mo bilang Chinee sa record ng totoong pangalan mo." Paliwanag sa amin ni mommy.

Kung ganun, hindi pa rin talaga maiiwasan ang pagharap namin sa korte. Nakiusap na lang ako na hangga't maari ay ayokong may makulong. Kahit papaano ay minahal ko rin naman talaga ang kinagisnan kong pamilya. Kahit na nakakainis si Ate Chelsea, tinuring ko pa rin syang kapatid.

"Ten more minutes, our dinner will be ready." Nakangiting anunsyo ni daddy sa amin habang naghahalo sa frying pan ng ulam. Si Kuya Shinwoo naman ay tahimik na inaabala ang sarili sa soup na niluluto nito.

"Our boys are trying to impress our princess." Nakangiting bulong sa akin ni mommy. Hindi ko napigilan ang sarili na kunin ang cellphone ko para kunan sila ng picture. Upon seeing the camera's flash, sabay silang napatingin sa gawi namin.

"Remembrance." Paliwanag ko at sinubukan ulit silang kunan. Bigla namang lumapit si Kuya Shinwoo kay daddy at nag-pose silang dalawa para sa akin. Pagkatapos ay si mommy naman ang lumapit sa pwesto ko para sa picture naming dalawa.

True to their words, after ten minutes ay lumipat na kami sa dining area para maghapunan. Kami naman ni mommy ang magkatulong na nag-set ng table at mga gagamitin sa pagkain.

We said our prayer of gratefulness at muntik nanamang maiyak si mommy nang magpasalamat sya dahil unang dinner daw namin iyon na magkakasama. Lagi daw nyang pinapangarap na mangyari iyon, at sobrang saya nya na sa wakas ay nangyari na talaga.

Pagkatapos ng masayang dinner ay nagpaalam na akong aakyat sa kwarto ko para makapagbihis. Alone in my room, wala akong ibang ginawa kundi ang magpalakad-lakad habang hindi inaalis ang tingin sa cellphone ko na tahimik na nakapatong sa ibabaw ng kama.

Ano na kaya ang ginagawa ni Jinyoung ngayon? Hindi pa kami ulit nakakapag-usap. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari sa buhay ko, hindi ko na nagawang kausapin pa sya. Sigurado akong hindi pa nya alam na narito ulit ako sa Seoul. Ang kwento sa akin ni Kuya Shinwoo ay basta na lang sya umalis sa dorm at hindi na nakapagbigay ng maayos na paliwanag sa mga kasama nya. Nang malaman kasi nya ang tungkol sa akin, ay wala na syang ibang ginusto kundi ang mapuntahan ako.

Ano kaya ang magiging reaction ni Jinyoung kapag nalaman nya ang totoo kong katauhan?

Namimiss ko na sya. Gusto ko na syang makita ulit at makasama. Gusto kong ikwento sa kanya kung gaano ako kasaya ngayon. Gusto kong makita ang ngiti nya, gusto ko na syang mayakap.

Ilang mahinang katok ang narinig ko sa pinto bago iyon bumukas.

"Dongsaeng..." Si Kuya Shinwoo iyon na sumilip lang muna, pero nang makita akong gising pa ay tuluyan nang pumasok sa loob.

"Do you need anything, oppa?" Nakangiti kong tanong. Umupo lang ito sa kama at tumitig sa akin.

"I'm just happy that you're finally here." Hinila nya ako paupo sa tabi nya at matamang tiningnan ang mukha ko.

"Huwag kang umiyak ngayon, Kuya Shinwoo. Please." Biro ko sa kanya nang makita kong parang naiiyak nanaman sya. Kay mommy yata sya nagmana sa pagiging pusong mamon, e.

Nakarinig nanaman ako ng ilang katok sa pinto. Pareho naming nilingon iyon ni Kuya Shinwoo, at pagbukas ay sabay na sumilip sina mom at dad sa amin. Tapos ay parang mga batang nagtutulakan pa silang dalawa papasok sa loob ng kwarto ko. Nagkatinginan lang kami ni Kuya Shinwoo.

"Can we sleep here tonight?" Nag-aalangan na tanong ni mommy. May niyayakap pa syang malaking unan at pareho na silang nakapajama ni dad.

"Of course!" Sagot ko sa kanila. Nagmamadali naman silang naglakad patungo sa amin. Tapos pumwesto na si mommy ng higa sa gilid ng kama. Tumabi sa kanya si dad, sa kabilang panig naman ako ni mommy.

"Dito na rin ako matutulog. I won't miss this night." Anunsyo ni Kuya Shinwoo. Kaya ang naging posisyon namin sa kama, si dad, si mommy, ako at si Kuya Shinwoo. Nakayakap sa akin si mommy at Kuya Shinwoo, si dad naman, dahil mahaba ang abot ng braso ay nagawa ring makiyakap sa akin kahit nasa gitna namin si mommy.

Nakangiti na akong pumikit para matulog.

This is our first night as a whole and happy family.

--

Kinabukasan paggising ko ay mag-isa na ako sa kwarto. Pero nag-iwan ng note si Kuya Shinwoo at sinabing hihintayin ako para sabay kaming mag-agahan.

Binilisan ko na ang kilos ko sa pag-aayos para makababa na rin sa dining area.

Naabutan ko silang tatlo na nakabihis na. May meeting daw si dad sa isang supplier nila. Si mommy ay aasikasuhin ang mga sponsorship ng concert ng B1A4. Si Kuya Shinwoo, as usual ay sa studio ang tungo para sa practice nila.

"Pwede kang sumama sa akin, 'saeng kung gusto mo." Alok sa akin ni Kuya Shinwoo.

Gusto ko rin naman talagang sumama pero kailangan ko munang ihanda ang sarili ko sa muli naming pagkikita. Anim na buwan ko silang hindi nakausap eh. Baka nagtatampo na sa akin si Sandeul at Channie.

"Pwede ba akong sumilip mamaya sa studio, may gagawin lang ako dito. Tatawagan ko pa si Remarie kasi hindi ako nakapagpaalam na aalis. Pati yung landlord ko, magpapaalam din ako dahil siguradong mag-aalala yun."

Inilapag ni Kuya Shinwoo ang cellphone nya sa tapat ko. Ito yung mismong phone na pinagamit nya sa akin noon.

"I saved all the numbers you need there, including ours. Kung may kailangan ka, don't hesitate to call us, especially mom and dad."

Nagpasalamat lang ako sa kanya. Natapos na ang agahan namin at nagpaalam na silang tatlo sa akin.

Habang mag-isa, nakaisip ako ng pwede kong maging pasalubong sa kanila. Nakangiti kong binagtas ang daan patungo sa kusina.

08042017.1847H

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro