53 - Fifty Three
Hindi ko alam kung paano na-settle ni Kuya Shinwoo ang gulo na kinasangkutan ko. Basta namalayan ko na lang na paglabas naming lahat sa office ng OIC ay kalmado na si Tita Gina. Hindi man ito mangiti ay halos purihin at magpasalamat naman ito sa kanya pagkatapos.
"Kumain ka ng madami, dongsaeng." Inilagay nito sa tapat ko ang tray ng mga pagkain na in-order sa room service. Nakaupo ako sa gitna ng malambot na kama habang nakatalukbong ng makapal na kumot.
Hindi na ako pinayagang umuwi ni Kuya Shinwoo sa apartment ko. Gamit ang nirentahan nyang sasakyan ay nagpadrive agad sya mula sa school papunta sa hotel suite kung saan sya nag-check in paglapag dito.
"Nasaan sila..." Napalunok ako. Hindi ko na alam kung paano pa ia-address sila Mrs. Shin. Nakakapanibago sa pakiramdam. Agad naman iyong nakuha ni Kuya Shinwoo.
"Kinumbinsi ko si dad na iuwi muna si mommy. Hindi kasi nya kinakaya ang emotional breakdown nang sa wakas ay mahanap ka na namin. Alam kong hindi pa ulit kayo nagkakausap."
"Okay lang ba sya?" Tanong ko, referring to Mrs. Shin.
"She'll be fine. Pinatatag nya ang loob nya kahit halos mawalan na kami ng pag-asa na makita ka pa ulit. Ngayon pa ba sya panghihinaan na nakita ka na namin?"
Patlang.
Wala ni isa sa amin ang nagsalita.
"Galit ka ba sa nalaman mo?" Tanong nito pagkatapos ng mahabang katahimikan.
Hindi ako nakasagot. Galit nga ba ako? Hindi ko rin alam.
"Kasalanan ko kung bakit ka nawala sa amin, Mei-mei."
Mei-mei.
Iyan din ang narinig kong tawag sa akin ni Mrs. Shin noon. Iyon na rin ba ang tunay kong pangalan?
"Mei-mei ba ang totoong pangalan ko?" I gulped for the imaginary lump in my throat.
"Shin Mei Yuk."
Katahimikan ulit.
Naramdaman ko na lang ang pagyakap sa akin ni Kuya Shinwoo.
"I'm sorry, Mei. It's my entire fault. Kung hindi ako nagpumilit kay mommy na mag-swimming habang nagbabakasyon tayo noon, hindi ka malulunod. At hindi ka kakailanganing dalhin sa ospital. Wala noon si daddy. Lumabas si mommy para bumili ng snacks dahil nagugutom ako. Iniwan nya tayo kasama ang nurse na nagbabantay sayo. Ako ang may kasalanan kung bakit ka nawala. Hindi kita binantayan ng maiigi."
Nagulat ako sa biglaang pag-iyak ni Kuya Shinwoo habang nagsasalita. Hindi ko sya nakilala na ganito. Para sa akin, sya yung tahimik, reserved at laging nasa composure na member ng B1A4. Pero ang makita syang ganito, umiiyak at halatang nasasaktan, pakiramdam ko ay nadudurog din ang puso ko sa nakikitang kalagayan nya.
"I'm sorry, Mei." Paulit-ulit na sambit nito. Pilit akong kumawala sa yakap nya. Tinanggal ang makapal na kumot na nakatabon sa akin, at ako na mismo ang yumakap sa kanya.
"Kuya, patawarin mo na rin ang sarili mo, please. Para sa ikakatahimik natin. Diba ang mas importante ngayon, mabubuo na ulit tayo?" Alo ko sa kanya.
Sobrang iba ng nakikita kong Shinwoo ngayon sa Shinwoo na lumalabas sa TV at kilala ng fans. Wala na yung makulit, palangiti at masiyahing imahe nito.
"Ang bigat sa pakiramdam na makita ang lungkot sa mga mata ni mommy dahil sa pagkawala mo. Kahit ayaw nilang aminin, alam kong kasalanan ko pa rin kung bakit ka nawalay sa amin. Hindi ko kayang punan ang pagkawala mo bilang anak nila, nagi-guilty ako sa kasalanan ko. Pero wala akong magawa kundi sarilinin iyon dahil natatakot ako."
Habang patuloy ang pag-iyak nya sa mga bisig ko, nagsisimulang mabuo sa isip ko ang larawan ng isang batang lalaki na laging may-pag-aalinlangan sa sarili. Yung batang lalaki na dinadala ang bigat ng konsensya habang lumalaki.
Bakit ba ako naging makasarili sa nararamdaman ko? Dapat noong una pa lang ay na-realized ko na iyon. Hindi lang ako ang nahirapan sa pagkawala ko sa kanila. Hindi lang ako ang nasaktan.
Nawalan din sila. Nahirapan din sila. At si Kuya Shinwoo, mag-isa nyang pinapasan ang guilt ng pagkawala ko. Hanggang ngayon ay sinisisi nya ang sarili dahil nawalay ako sa kanila.
"I'm so sorry, Mei."
"Okay na ako Kuya Shinwoo. Nagkita na tayo, nahanap nyo na ako. Magsimula tayo ulit. Hindi pa naman huli. Tanggalin mo na ang guilt sa puso mo." Pakiusap ko sa kanya. Pinipigil ko rin ang mapaluha. Ayokong umiyak, hindi ngayon. Ako naman ang magiging matatag para sa kanya.
"I want to see our parents." Mahinang sabi ko nang maramdaman ko ang pagkalma nya. Mas maluwag na sa pakiramdam ang tawagin silang mga magulang ko.
Tumingin sa akin si Kuya Shinwoo. Tumigil na ito sa pag-iyak pero bakas pa rin ang luha sa magkabilang pisngi. Namumugto rin ang mga mata nito.
"Let's go home, Mei-mei." Sabi nito, pilit ang ngiti.
--
Like what Kuya Shinwoo said, umuwi nga talaga kami. Sa Seoul, South Korea.
Hindi ako makapaniwala na parang ginawa ko na lang na byahe mula Makati hanggang Quezon City ang pagtawid ko sa dalawang magkaibang bansa.
Paglabas namin ng airport ay si Mr. Yoon agad ang sumalubong sa amin.
"May meeting pa sina mom at dad ngayon, pero nasabi ko nang kasama kita. Importante lang din talaga ang meeting na pinuntahan nila, pero uuwi din sila agad kapag natapos na iyon." Mahinahong paliwanag sa akin ni Kuya Shinwoo.
Hindi na ako nakapagpaalam kay Remarie sa pag-alis ko ngayon. Kagabi pagkatapos naming mag-usap, magkwentuhan at makapagpatawaran, ay sinabi sa akin ni Kuya Shinwoo na nakapagpabook na sya agad ng flight pabalik sa Seoul. Hindi na ako umangal dahil kailangan ko na ring harapin ang mga magulang namin.
Hindi ko pa rin kasi makalimutan ang lungkot sa mga mata ni Mrs. Shin - ng mommy namin noong tawagin nya ako pero tinalikuran ko sya dahil sa sobrang pagkabigla ko.
"Everything will be fine." Nakangiti sa akin si Kuya Shinwoo habang nakaakbay. Sumakay na kami sa sasakyan at tahimik na bumiyahe hanggang sa malaking bahay ng mga Shin.
I feel nostalgic upon seeing the high ceiling of the house. Minsan na akong tumira dito bilang exchange student na si Chinee Andromeda. Hindi ko akalain na babalik ako bilang si Shin Mei Yuk, ang nawawala nilang kapamilya.
"Let's go to your room. Pinaayos na ni mommy iyon para magamit mo." Iginiya na niya ako patungo sa second floor.
Ang akala kong kwarto na ipinaayos ay ang kwarto na inokupa ko noong unang dating ko dito. Pero sa ibang direksyon kami pumunta.
Natulos ako sa kinatatayuan ko nang tumapat kami sa isang pinto. Binuksan iyon ni Kuya Shinwoo at nauna syang pumasok. Pero lumabas din sya agad nang hindi ako sumunod sa kanya.
"Okay ka lang?" Tanong nito nang lapitan ako.
Nanatili akong nakatitig sa pinto. Ito yung pink na pinto na madalas kong titigan nuong exchange student pa lang ako. Nagtataka ako dahil ito lang ang naiiba ng kulay pero nahihiya akong magtanong noon.
Minsan ko na ring nakita na lumabas mula dito so Mrs. Shin na umiiyak. Ibig bang sabihin niyon ay mangungulila pa rin sya sa nawawala nyang anak ng mga panahong iyon?
"Don't you like the color of your room?" Narinig kong tanong sa akin ni Kuya Shinwoo. Hindi ako sumagot at naglakad na lang papunta sa loob.
There are different shades of pink all over the room. May isang cabinet na puno ng stuff toys na iba't-iba ang laki. Sa isang side ng malaking kwarto ay may crib pa at mga laruang pambata.
Nasa kabilang side naman ang kama na kulay pink din ang theme ng bed sheet, pillow case, at blanket. Tinawid ko ang malaking kwarto at tinungo ang isang nakasaradong pinto.
Walk-in cabinet iyon na nasa dulo ang banyo.
"Do you like it? Matagal na naming napa-renovate ang kwarto na ito." Narinig ko ang boses ni Kuya Shinwoo mula sa likuran ko.
"Matagal na akong curious sa kung ano ang nasa loob ng pink na pinto na iyon. Hindi ko akalaon na ako pala ang misteryo sa likod niyon."
Nagulat ako nang bigla na lamang akong kabigin ni Kuya Shinwoo para yakapin.
"You're finally home, dongsaeng. Hindi na ako magtataka kung bakit sobrang gaan ng pakiramdam ko unang kita ko pa lang sayo. I always wanted to protect you. Kaya pala ganun, dahil totoong kapatid kita."
Napangiti ako at gumanti na ng yakap sa kanya.
"Do you remember one morning while you are preparing us breakfast in the dorm? I beg you to adopt me coz I wanted you as my older brother, it's funny remembering those times. Hindi mo na pala ako kailangang ampunin dahil kapatid mo talaga ako."
"I'm happy." Naramdaman ko ang mahigpit na yakap sa akin ni Kuya Shinwoo.
Pero may bigla akong naalala kaya kumalas akos yakap nya.
"Wala ba kayong practice ngayon para sa concert nyo?"
Nagtatakang tinitigan nya ako.
Bigla akong napatakip ng bibig nang marealized ang nasabi ko. Hindi pa nga pala nila na-aannounce sa publiko ang tungkol sa concert. Si Jinyoung lang ang nagsabi niyon sa akin, personally.
"How did you know?"
Bigla akong napalunok at pinagpawisan...
08042017.2435H
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro