Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

52 - Fly Away

"Pagod na ko..."

Iyon ang huling salitang nabanggit ko bago ako nakulong sa mainit na yakap ni Kuya Shinwoo. Doon, muling bumuhos ang luha ko.

Habang yakap nya ako, pakiramdam ko hindi ko na kailangang magpanggap na matapang. Kasi may kakampi na ako. May magtatanggol na sa akin.

Nakarinig ako ng ingay at ilang pagkilos sa paligid ko pero hindi ako binitawan ni Kuya Shinwoo. Ipinagpatuloy ko lang ang pag-iyak ko at ibinuhos doon ang lahat ng luha ko.

Nang humupa na ang nararamdaman ko at mas kalmado na ako, muli akong hinarap ni Kuya Shinwoo.

Alam ko naman na wala sa ayos ang itsura ko pero parang walang paki ang kaharap ko dahil sa klase ng titig nya sa akin. Nakangiti kasi ito at kung tingnan ako ay parang ako ang pinakamagandang nilalang na nakita nya sa buong buhay nya.

"Okay ka na?"

Marahan akong tumango. Sabay kaming nagbuntong hininga, tapos inakbayan na nya ako.

"Let's go to the clinic. Lagyan natin ng first aid ang mga sugat mo."

Nakakaisang hakbang pa lang kami nang humarang sa amin si Julian at Remarie.

"Besh." Tawag ni Remarie sa akin.

Nagdududang tiningnan ng mga ito ang katabi ko, pero balewala lang iyon kay Kuya Shinwoo.

"Kilala mo ba sya?" Nagdududang tanong ni Julian sa akin. Napansin ko na halos magkasingtangkad lang sila, matamang nakatingin sa bawat isa at parang nagsusukatan kung sino ang unang titiklop.

"Chinee." Untag ni Julian.

"She won't let me hug her and weep in my arms, if she doesn't know me." Shinwoo said, matter-of-factly. Common sense, narinig ko pang pahabol nito pero halos pabulong na kaya imposibleng marinig pa iyon ng kausap nya.

Nang akmang hahawakan ako ni Julian ay umiling lang ako para pigilan sya.

"Magiging okay lang ako. Kilala ko sya." Nginitian ko silang dalawa ni Rem para i-assure na ayos lang talaga ako. Bago kami tuluyang pumasok ni Kuya Shinwoo sa school building at dumiretso sa clinic.

Pagdating doon ay sinalubong kami ni Sir Reynold Badilla, ang OIC ng Mater Dei at ni Mrs. David, ang Dean namin.

"Mr. Shin Dong Woo." Sabay na bahagyang yumuko ang mga ito pagkakita kay Kuya Shinwoo kaya naisip ko na kilala nila sya.

Tinanguan lang ito ni Kuya Shinwoo at inalalayan na ako sa loob ng clinic.

Naabutan namin doon si Chelsea at ang mga kaibigan nya. Pagkakita sa akin ay binalak ako nitong sugurin pero bigla itong natigilan nang mapatingin sa kasama ko.

"Let's go." Baling sa akin ni Kuya Shinwoo. Nakangiti na sya nang tingnan nya ako. Inalalayan nya akong maupo sa isang kama doon at sya na mismo ang kumuha ng first aid kit.

Pero biglang nagsalita si Mr. Badilla kaya mabilis akong nilapitan nung nurse na gumagamot kay Chelsea at inunang lapatan ang mga sugat ko.

Sinulyapan ko si Chelsea na halatang pinipigil ang nagpupuyos na galit habang masamang nakatingin sa akin. I gave her my most expressionless reaction, void of any emotion before looking away.

"Mr. Shin, kailangan naming tanungin ang mga involved party sa nangyaring gulo."

Tumayo naman si Kuya Shinwoo para harapin ang nagsalita.

"What's the name of the person that got my sister into trouble?"

Nakita kong sinulyapan ni Mr. Badilla si Chelsea kaya sinundan ito ng tingin ni Kuya Shinwoo.

"Bumalik na sa Seoul ang parents namin, so ako ang magiging guradian ni Chinee. Anything that you need from her, sa akin nyo na lang sabihin. My sister's emotion is unstable and she's suffering from emotional distress kaya kung balak magreklamo ng kabilang party sa nangyaring gulo, I can summon a lawyer to talk to them."

"I don't think that's necessary, Mr. Shin. Dito na lang natin ayusin ang gulo, sa dean's office. Willing naman makipag-usap si Ms. Ybañez, and I'm sure your sister is also willing to fix this here." Bumaling sa akin si Mr. Badilla. "Right, Ms. Shin? Pwede na nating pag-usapan dito ang nangyaring gulo?" Nakangiti ito sa akin.

Minsan lang namin makita at makausap si Mr. Badilla, para kasing ang hirap nyang i-approach, isa pa nangingilag kaming mga estudyante sa kanya dahil sya ang may pinakamataas na posisyon sa buong school.

Pero ngayon, habang nakangiti sya ay nahahalata ko ang pag-aalangan sa mga kilos nya at pananalita.

Tiningnan ko si Kuya Shinwoo na diretsong nakatayo at nakatingin kay Mr. Badilla. Ngayon ko lang nakita ang istriktong aura nya. Hindi sya ang madalas na makita kong idol na may nakakabighaning ngiti.

"Payag po ako." Bahagya pa akong kumislot nang maramdaman ko ang hapdi sa braso ko na pinapahiran ng nurse ng bulak.

Halos isang oras ang itinagal namin sa clinic, hinayaan muna nila kaming mag-ayos. Wala na ang nurse, at ang kasama ko na lang ay si Julian, Remarie at Kuya Shinwoo.

"Nakakatakot ang itsura mo kanina, Chin. Alam mo ba yun? Unang beses kitang nakita na ganun." Umpisa ni Julian sa akin. Humila lang ito ng isang upuan at umupo sa tapat ng kama. Si Remarie naman ay nakaupo sa tabi ko habang nakatayo at nakasandal sa pader si Kuya Shinwoo, tahimik na nagmamasid sa aming tatlo.

"May damit ka ba sa locker mo? Kailangan mong magbihis.

Umiling ako kay Remarie. Tiningnan naman nito si Julian.

"Dongsaeng, alam kong laging nakalagay sa isang plastic envelope ang lahat ng documents mo, including your passport. Dala mo ba iyon ngayon?" Singit sa amin ni Kuya Shinwoo.

Tumango ako. Hindi ko pa iyon naaalis sa shoulder bag ko simula nang makauwi ako, that was two days ago. Masyado kasi akong pre-occupied kaya hindi ko pa naaayos ang mga gamit ko.

"That's good. May kakausapin lang ako. Okay lang ba na maiwan ka dito?" Tanong pa nito sa akin. Nakarinig ako ng mahinang pag-angal mula sa dalawa dahil halos hindi ito pinapansin ni Kuya Shinwoo. Tumango ako sa kanya.

Pagkatapos ay nakangiting lumapit si Kuya Shinwoo sa akin. Hinaplos ang buhok ko at yumukod para halikan ako sa noo, bago magpaalam na lalabas muna.

"Sino ba yun? Ang angas naman ng dating nya." Tanong ni Julian habang nakatingin sa nilabasang pinto ni Kuya Shinwoo.

"Bakit? Masyado na bang natatabunan ang angas mo?" Nakangiti kong sagot dito. Bigla namang napatingin ito sa gawi ko at nanlalaki ang mga mata na tinitigan ako.

"I-ikaw na ba ulit yan, Chinee? Okay ka na talaga?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa akin.

Ngumiti lang ako at itinaas ang dalawang kamay ko para mag-inat. Pagkatapos ay impit na sumigaw na ikinagulat nilang dalawa.

"Parang biglang gumaan ang pakiramdam ko ngayon kahit na masakit ang buong katawan ko."

"Paano'ng di gagaan e, nabugbog mo ng husto si Chelsea. Sa kanya mo yata naibuhos lahat ng kinikimkim mong galit." Sarkastikong sagot sa akin ni Julian.

"Pamilyar sa akin ang mukha nung lalaking iyon." Singit sa amin ni Remarie. Nakatuon sa sahig ang tingin nito pero halatang wala doon ang tinatanaw.

Lihim akong napapalatak. Wala talagang alam sa music ang babaeng ito. Hindi ko alam kung paano ko sya naging matalik na kaibigan. Inabot ko ang cellphone ko na nasa side table at pumunta sa gallery. Hinanap ko ang picture ng B1A4 kung saan magkakasama silang lima. Nang makakita ako ay itinapat ko kay Remarie ang screen para ipakita sa kanya ang picture.

Kumunot ang noo nito habang nakatitig doon.

"Last week, yung isang lalaki ang kasama mo. Ngayon naman, isang member pa ulit. Baka bukas, iba nanaman ang pumunta dito."

"I doubt that." Nakangiting sagot ko. Pero mukhang masaya kung mangyayari man iyon.

Nakarinig kami ng ingay mula sa labas ng clinic kaya sabay kaming napalingon sa pinto.

"Tita mo ba yun?" Tanong sa akin ni Julian. Hindi ako sigurado pero parang kaboses nga ni Tita Gina, yung mama ni Kyle.

Tumayo na ako para tingnan ang kaguluhan, nakasunod naman ang dalawa sa akin.

Pagbukas pa lang ng pinto, sinalubong agad kami ng ingay ng nagsisigawang boses. Si Tita Gina nga iyon na pinipigilan ng dalawang security guards ng school. Nakatayo sa isang gilid si Chelsea na inaalalayan ng dalawang kaibigan nito. Naroon din si Mrs. David, Mr. Badilla at si Kuya Shinwoo na halata sa gwapong mukha ang iritasyon.

"Ikaw!" Duro sa akin ni Tita Gina nang makita akong sumilip sa pinto. "Ano'ng karapatan mong saktan ang pamangkin ko? Wala kang utang na loob. Pagkatapos ka naming kupkupin at buhayin, ang lakas ng loob mong saktan si Chelsea?"

Humarang sa harap ko si Kuya Shinwoo kaya sya nanaman ang pinagbuntunan ng galit ni Tita Gina. Kung anu-ano ang sinasabi nito sa kanya, magsasampa daw sila ng kaso laban sa akin kaya medyo kinabahan ako.

"Go ahead. Sue her all you want. But make sure na magagawa nyo ring harapin ang mga lawsuit na isasampa ng pamilya ko laban sa inyo. Nasa akin na ang lahat ng ebidensya. Hindi man namin magawang sampahan ng kaso ang parents ng pamangkin mo dahil patay na sila, mahahanapan naman namin ng butas ang involvement ninyo sa pagkidnap sa kapatid ko. Sampahan nyo sya ng physical assault, magagawa ko kayong ipakulong ng lifetime imprisonment dahil sa pagsira ninyo sa pamilya namin."

Bigla namang natigilan si Tita Gina dahil sa sinabi ni Kuya Shinwoo. Hindi na ito makapagsalita at pinipigil ang nagpupuyos na galit.

Tiningala ko si Kuya Shinwoo para makita ang mukha nya. Bakas dito ang tinitimping galit. Nagiging visible din ang maliliit na kulay blue na ugat nito sa sentido dahil doon.

"Mr. Shin and Ms. Ybanez, I'm sure pwede natin tong pag-usapan." Singit ni Mr. Badilla sa gitna ng pagtatagpong iyon.

"Pwede nating isipin na away magkapatid lang ang nagyari, which is normal to siblings. Para hindi na lumaki ang gulo at hindi na umabot pa sa korte." Dugtong ni Mrs. David.

Medyo kumalma naman ang panig nina Tita Gina. Nang sulyapan ko ang gawi ni Chelsea ay halata rin ang takot sa mga mata nito.

"Sa office na lang natin pag-usapan ang lahat." Alanganing ngumiti sa aming lahat si Mr. Badilla at nauna nang naglakad. Isa-isa naman kaming sumunod sa kanya.

08032017.1218H

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro