5 - One locker apart
Bakit ba kasi hindi man lang ako nakapagsalita?
Bakit wala man lang akong nagawa?
Naiiyak pa rin ako.
Bakit kasi gano'n ang naging reaksyon ko?
Ang tagal ko nang na-imagine at na-rehearse sa utak ko ang mga gagawin ko kapag na-meet ko sila. Ilang eksena na rin ang naimbento ko sa pagkikita namin, pero bakit noong nasa harap ko na sila, wala man lang akong nagawa? Wala akong nasabi. Nakatulala lang ako. At nakanganga.
Nakakainis ng sobra! Gusto kong sabunutan ang sarili ko.
Tapos kung kelan naman nakabawi na ko sa pagka-star struck ko sa kanila, doon naman biglang dumating ang prof para sa next subject namin.
Nawalan tuloy ako ng chance na makausap pa sila. Kasi pagkatapos ng class namin na 'yon, pinagkaguluhan na agad sila. Ang dami nilang kaibigan. Ang daming lumalapit sa kanila. Kaya siguro lagi silang may nga kasamang security personel.
Pero bakit ako hindi man lang nakalapit?
Hindi tuloy ako nakatulog kagabi dahil sa sobrang panghihinayang sa nawalang chance na makilala ko sila.
Pero classmates kaya kami? Kung oo, bakit kahapon ko lang sila nakita?
Ayoko na! Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip.
Walang sigla kong hinarap ang locker ko para kunin ang gagamitin kong mga libro sa dalawang magkasunod na subjects ko. Yakap ko pa sa dibdib ko ang ilang gamit ko na hindi ko na gagamitin para ilagay naman pabalik sa loob ng locker.
Nakakaiyak lang talaga.
Dahil sa frustrations, wala sa loob na naiuuntog ko pala ang ulo ko sa nakasaradong locker.
Manhid na ko. Hindi ko maramdaman ang sakit.
"Shi--"
Bigla kong narinig na sabi ng kung sino mang nakatayo sa gilid ko. Namalayan ko na lang din na nagbagsakan sa sahig ang napakaraming kung anong bagay pagbukas niya ng locker.
Nakasimangot pa rin ako at nakadikit ang noo ko sa locker nang lingunin ko ang nakatayo sa gilid ko.
"Ouch!" Napasinghap ako nang maramdaman ang pagbagsak ng gamit ko na tumama sa paa ko.
Ilang beses pa 'kong kumurap-kurap para siguruhing hindi lang ako basta nag-iimagine. Gising naman ako 'di ba? Hindi ako nagha-hallucinate.
May nagawa siguro akong maganda sa past life ko kaya nangyayari 'to sa akin ngayon.
Because, standing at the moment, right in front of me is no other than my bias in B1A4 - Jung Jin Young.
"Jin ... Young..."
Kahapon hindi ko siya nakita. I mean, hindi siya kasama nina Baro noong nasa classroom kami kahapon. Tapos ngayon nasa harap ko siya!
Biglang parang tumigil ang oras. Nawala ang buong paligid. Walang ibang naroon kundi kaming dalawa lang.
Nakatayo.
Magkaharap...
Nakatingin sa isat isa...
Siya habang nakatingin sa akin, half smiling. Ako, habang nakatulala sa kanya. Kumakabog ng malakas ang puso ko.
Nagulat ako nang bigla siyang yumuko at lumuhod sa harapan ko.
Shocks! Napatakip ako ng bibig.
Lord, ito na ba 'yon? Tanong ko sa isip habang nakatanaw sa nakayukong si Jinyoung.
Ito na po ba 'yon? Iyong eksena sa mga wedding proposals na lumuluhod ang guy para alukin ng kasal ang girl?
Kung ganon....
"I do!" malakas na sabi ko kaya tiningala niya ako.
Ang mukha niya parang nalilito pero napaka gwapo pa rin.
Tumayo siya tapos inabot sa akin ang mga libro na nalaglag ko kanina lang. Tapos yumuko ulit sya para damputin naman ang mga bagay na nalaglag mula sa locker niya at basta na lang ipinasok sa loob.
Sinilip ko ng kaunti ang pangalawang batch na ilalagay niya at puro mga cards iyon na may iba't ibang designs.
Siguro galing sa fans. Basta na lang niya dinampot gamit ang dalawang kamay ang mga iyon, hindi na niya pinagkaabalahang tingnan.
Napasimangot ako. Ganon ba ang pinatutunguhan ng mga letters at gifts na binibigay ng fans sa B1A4?
Paano na lang pala kung nagbigay ako ng gift para sa kanya? Anong kahihinatnan ng ibibigay ko? Ang sakit lang sa puso ah.
Nakatingin lang ako sa kanya nang isarado niya ang locker, tapos saglit syang tumingin sa gawi ko kaya napasinghap ako. Tapos iyon na, naglakad na siya palayo sa akin.
"Jinyoung ko... Ni hindi mo man lang nalaman ang pangalan ko."
Malungkot kong sabi habang pinagmamasdan siyang unti unting lumalayo sa kinatatayuan ko.
Hay... Naglakad na rin ako papunta sa klase ko.
Pagkatapos ng halos tatlong oras na klase, biglang may lumapit sa akin na prof at sinabing pinapatawag ako sa office nila. Kaya agad akong nagtungo sa faculty pero itinuro naman agad ako patungo sa conference room.
Mukhang bibigyan na nila ako ng special project ngayon. Iyon kasi ang sabi sa akin ni Ms. Amparo bago ako pumunta rito.
May tatlong babaeng kapwa ko estudyante ang nakaupo na roon. Nginitian ko sila pero hindi ako pinansin. Iyong isa lang na mukhang mabait ang tumango sa akin bago bumalik sa pakikipag-usap sa dalawang kasama niya.
Naupo na lang ako sa isang upuan na medyo malayo sa kanila at inilabas ko ang phone ko.
Manunuod na lang ulit ako ng video dahil siguradong may update na ulit tungkol sa grupo nila. Pampawala ng stress.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal maghihintay dahil may klase pa raw ang prof na kakausap sa amin. Kaya manunuod na lang ulit ako ng videos nila.
Nasa chorus na ako ng pinapanuod kong music video at buong pagmamahal na pinagmamasdan ang kagwapuhan ng Jinyoung nang biglang magsitilian ang tatlong babae kanina.
Napatingala ako...
At napatulala.
Bakit andito sila? Tanong ko na lang habang sinusundan sila ng tingin nang isa-isa silang pumasok sa loob.
Una si Shinwoo, kasunod si Jinyoung. Tapos naghaharutan naman sina Gongchan at Sandeul. Huling pumasok si Baro.
Nakatulala lang ako pero ang tatlong babae kanina na hindi ako pinansin, sobrang accomodating naman sa limang kakarating lang.
Bakit ganon sila?
I feel so alone!
Napayuko na lang ulit ako.
"Nami!"
Biglang nasa gilid ko na si Baro at nakasilip sa cellphone ko.
Napangiti na naman siya nang makitang MV nila ang pinapanuod ko.
Ang cute talaga ng mama na to. Napapatulala tuloy ako.
"Hey, it's you." Sabi ni Shinwoo at umakbay kay Baro.
"Yeah, it's me." Sagot ko nang nakangiti. Ginaya ko rin ang sigla ng boses niya. I won't miss this chance this time.
Kahit nanginginig ang boses ko, at kahit kinakabahan ako, hindi ko na palalampasin ang chance na 'to.
Nakatayo na rin sa harap ko sina Sandeul at Gongchan.
Nginitian ko sila tapos nagulat ako nang biglang umakbay naman sa'kin si Baro.
Saglit pa 'kong napapikit nang madikit ang braso niya sa balikat ko. Tiningala ko siya tapos nakangiting lumingon lang siya sa akin.
Hala sya!
Ang bilis ng pangyayari, dahil sa kakulitan ni Baro feeling ko naging at ease na sa presence ko ang mga kasama niya kaya isa isa na rin silang nagpakilala.
Nung lumapit sa amin si Jinyoung, medyo natahimik kami saglit.
Leader... Iba talaga ang lakas ng dating ng leader ng isang grupo. Tipid siyang nakangiti pero sobrang maaliwalas ang mukha niya. Kahit alam kong lagi silang puyat sa mga events na pinupuntahan nila, hindi pa rin iyon nakakabawas sa kagwapuhan niya.
Nagulat na lang ako nang ilahad niya ang kamay niya sa harap ko. Nakakatunaw ang ngiti niya.
"Jung Jinyoung. We are just one locker apart," sabi niya in a normal and most charming tone.
Pero parang musika na 'yon sa pandinig ko. Jusko! Nakakawala sa sarili ang titig niya. Feeling ko tuloy biglang humiwalay sa katawan ko ang kaluluwa ko.
Nanginginig ang kamay ko na inabot sa kanya.
"Chinee Andromeda Ybañez, your girlfriend."
"What!"
Jusko, pwede ba kong lamunin ng lupa? As in now na po. Bakit ko ba nasabi 'yon?
Biglang nawala ang ngiti ni Jinyoung at parang bigla ring nawala ang lakas ko.
Buti na lang...
Buti na lang talaga...
Nakaakbay pa rin sa akin si Baro.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro