47 - Reconcile
Pagkatapos ng anim na buwan, hindi ko inaasahan na muli akong makakarating sa lugar na ito. Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid ng airport.
"Stay beside me." Naramdaman ko ang paghawak ni Jinyoung sa kamay ko at bahagyang paghila nya sa akin palapit sa kanya.
Muli akong tumingin sa buong paligid, sa pag-aalala na baka may makakita sa kanya at makilala sya. Nakatakip ng malaking face mask ngayon si Jinyoung at naka-bonnet kaya halos mata lang nya ang nakikita habang naglalakad kami patungo sa parking lot.
Hindi ko rin naman alam kung saan kami pupunta. Ang sabi lang nya ay gusto nyang ubusin ang buong bakasyon na ako ang kasama. Bago iyon ay ilang araw pa syang naghintay muna at tumambay sa apartment ko dahil kailangan ko pang tapusin ang buong linggo sa pag-aasikaso ng mga school requirements ko. Nakilala na rin nya sina Julian at Remarie, at mukhang okay naman sya doon liban na lang kay Julian lalo nang maalala nya ang kwento ko sa kanila noon tungkol sa binata.
Tinulungan na ako ni Jinyoung na ilagay ang lahat ng gamit ko sa loob ng kotse nito, pagkatapos ay inalalayan na nya ako paupo sa passenger's seat.
Kasalukuyan na kaming nasa highway nang may maalala akong itanong sa kanya.
"Ahmm, Jin..." Saglit syang tumingin sa akin bago muling itinuon ang mata sa kalsada. "I don't want to sound sceptical, but do you really know where we are going?"
"Don't you trust me Chinee-ya? You are hurting me."
"Knowing your poor sense of direction, honestly..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko at natawa na lamang ako nang tingnan ako ng masama ni Jinyoung at tahimik nang nagpatuloy sa pagmamaneho. Lumipas ang isang oras ay huminto kami sa isang convenience store, ibinigay nya sa akin ang wallet nya at sinabihang ako na ang bahalang bumili ng mga pagkain. Hindi ko naman alam kung ano ang mga dapat bilhin kaya packed sandwich, mineral water, bottled juice at ilang junk foods lang ang binili ko na kinailangan ng dalawang plastic bags.
Pagkatapos kong mamili ay nagpatuloy na kami sa byahe. Jinyoung let me play my choice of music para daw hindi ako mainip sa byahe. I was singing along with one of Ariana's when he suddenly spoke up.
"You surprised me with your performance on that event." Tumingin ako sa gawi nya. "You really look good while singing and dancing on the stage."
"Ah that..." Naalala ko ang impromptu performance ko noong cosplay event. Nag-enjoy din naman ako nun sa kabila ng kaba ko.
"Yung kinanta nyo ni Baro, did you practice for it?"
"Yung Best Mistake? Isang beses ko lang kinanta yun, nung nagpunta kami sa mall, nagulat ako na nagawa nyang i-rap yun part na yun, pero masaya rin naman kasi kung hindi sya sumulpot baka napahiya na ako sa harap ng madaming tao."
"Kasalanan yun ng organizer, hindi dumating yung isa pang performer pero mali na kayo ang inilagay sa spot para mabuo ang oras nila." Paliwanag ni Jinyoung. "I really voted for you as the champion, even Rapmon."
"Rapmon?"
"Rapmon is the leader of the other group performer. Nakilala mo na sila sa dressing room, remember? Anyway, bakit ka nga pala nakarating dun?"
"Tumawag si Sandeul that time, gusto nya akong makita in full costume. I want to see him for my moral support so I agreed in meeting him."
"Kaso hinarang ka ni Jin at Jimin."
"But you came, so I'm saved from those kids." Pinalitan ko na ang playlist at pinatugtog ko ang kanta ng B1A4. This time ay nakikisabay na rin sya sa mga kanta nila na tumutugtog sa loob ng kotse.
Dahil masyado akong nag-enjoy sa soundtrip at kwentuhan namin ay hindi ko na masyadong ininda ang apat na oras na byahe hanggang sa huminto kami sa isang malaking parking lot.
"Nasaan na tayo? Are we lost now?"
"Talagang iniisip mo na maliligaw tayo? You're hurting my pride Chinee-ya." Kunwari ay nagtatampo ang boses nito. Sumimagot pa ito at yumuko habang nakasandal sa gilid ng kotse nito. Nakangiti ko naman syang nilapitan at tumayo ako sa harap nya.
"It's getting cold out here. Let's go?" Pinisil ko ang magkabilang pisngi nya kaya napatingin sya sa akin, pagkatapos ay inakbayan na nya ako at nagsimula na kaming maglakad dala ang mga bag namin.
"A friend lends me his cabin uphill, so we're staying there."
"Akala ko naman makikita ko ulit sina Sandeul pagbalik ko dito."
"We are on our separate vacation, isa pa, kapag kasama sila mahahati nanaman ang atensyon mo sa aming lima. I don't want that to happen."
"Kelan pa? Everytime we are on the dorm, si Sandeul naman ang lagi kong kausap eh, or Gongchan."
"Oo nga. Bakit lagi syang nagpupunta sa kwarto mo? Anong ginagawa nyong dalawa?"
Inirapan ko sya. Ano bang iniisip nya?
"And why does Sandeul kept on calling you his wife? Iniisip ko talaga na gusto ka rin nya."
"Sandeul got a crush on me. He admitted it before." Nakangiti kong sagot sa kanya. Naalala ko tuloy yung isang beses na nagkukulitan kami. Nakaupo ako sa kama, sya naman ay sa bangko, nakapatong sa sandalan ng upuan nya ang dalawang braso at nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung paano kami nakarating sa topic about relationships tapos sinabi nyang gusto nya ako. But we both take it lightly and we came to the crush definition. Gusto nya daw ako dahil magaling akong kumanta at magkasundo kaming dalawa when it comes to music.
"Wait." Napahinto rin ako sa paglalakad nang tumigil si Jinyoung. Tiningala ko sya at nakakunot ang noo nya habang nakatingin sa akin. "Sandeul admitted to like you?" Nakangiting tumango ako. "And even Baro?" Hindi ako nakasagot, at nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Tinanggal nya ang kamay nya na nakaakbay sa akin at nagsimulang maglakad mag-isa.
Ano namang problema nun?
Tanong ko sa sarili ko habang sinusundan ang bawat hakbang nya. Hindi na kami nag-usap ulit hanggang sa marating namin ang sinasabi nyang cabin. Fully furnished na ang buong cabin. Kahit yari sa kahoy ang kabuuan niyon ay modern naman ang interior design pati na ang mga kagamitan. Binuksan nya ang isang pinto at pumasok doon kaya sinundan ko sya. Nagulat pa nga ako nang basta na lang nyang ibagsak sa sahig ang mga bag namin.
"We only have one room here. Nasayo na iyon kung gusto mong matulog sa sofa or matulog sa tabi ko." Pabagsak itong humiga sa kama, spreading his arms widely occupying the whole bed. "But I'm telling you, it's more comfortable beside me."
Napailing na lang ako habang nakatanaw sa kanya. Binigyan pa nya ako ng choices pero sasabihan din naman ako na tumabi na lang sa kanya. Kakaiba talaga mag-isip ang lalaking ito. Naglakad ako palapit at tumayo sa gilid ng kama.
"Why are you being so grumpy all of a sudden?" Bulyaw ko dito. Bigla kasi itong pumaling sa ibang direksyon at pumikit nang makita nyang palapit ako sa kanya. Hindi naman ito sumagot, tumingin lang sa akin bago bumangon para hilahin ako pahiga. Sabay kaming bumagsak sa malambot na kama. Napapikit pa ako dahil sa gulat.
"I told you, it's more comfortable beside me." Sabi nito kaya napadilat ako at napatingin sa kanya. Inayos nya ang pwesto namin at mas hinigpitan pa ang yakap sa akin.
"Nag-usap kami ni Baro bago natapos ang promotion namin. Tinanong ko sya kung may nararamdaman pa sya para sayo."
"Anong sabi nya?"
"Bakit curious ka?" Masungit na pakli nito sa akin. Hindi na ako nakasagot sa huling sinabi nya. "Pinakawalan ka na nya. So I told him that I wanted to pursue you." Patuloy naman nito.
Napapailing na lang ako. Grabe, kakaiba talaga ang lalaking ito. Hindi mo alam kung kelan ngingiti, tatahimik, magagalit o magiging makulit. Paano ko ba minahal ang isang ito?
"Kaya right after we wrap up succesfully, nagbook na agad ako ng flight para mapuntahan ka. Walang nakakaalam ng gagawin ko pero gusto talaga kitang makita ulit."
"Paano kung may iba na pala akong gusto pagkakita mo sa akin."
"I trust you, and I have faith in you."
"Paano mo nasiguro na ikaw pa rin ang gusto ko pagkatapos ng anim na buwan. Wala tayong communication. Wala tayong agreement."
"We made an agreement before. Nakalimutan mo na ba?"
Napakunot noo ako. Kelan kami nag-usap?
"Sa rooftop, during your last day. Sabi mo next time that I fall in love, piliin ko yung babae na ako lang ang gusto, so I choose you. Ang sabi mo pa, make time for her, kaya ito, I'm making time for you now so you won't look for someone else."
"How sure are you na ikaw talaga ang gusto ko?" Paghahamon ko sa kanya, base kasi sa mga sinasabi nya ay parang sigurado syang gusto ko talaga sya.
"Bakit may iba ka pa bang gusto, maliban sa akin?"
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Mula noon, lalo ngayon ay sya pa rin naman ang gusto ko. Minsan lang akong nalito dahil nasaktan ako at natakot, pero sa kabila nuon, narealized ko na sya pa rin pala talaga.
"Meron pa ba?" Ulit nito sa tanong. Hindi pa rin ako sumagot kaya sinimulan nyang pagapangin ang kamay sa tagiliran ko at kiniliti ako doon. Natatawang umiwas ako sa kanya, pero ayaw nya akong pakawalan. "Meron pa bang iba bukod sa akin?" Tanong ulit nito sa akin.
"Fine, wala na. Okay? So please stop." I said while giggling. Mukhang nakuntento naman na sya sa sagot ko kaya huminto na sya at hinalikan ako sa noo bago muling niyakap ng mahigpit. Gumanti ako ng yakap at pumikit para mas lalong damhin ang presensya nya.
08312017.2002H
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro