46 - Jetlag
"Waaaahhhh...."
"Shatap! Ang OA mag-react ah."
Natigilan ako nang malingunan ko si Roxy. Sya pala ang biglang humawak sa akin. Tapos muli akong sumilip sa loob ng unit. Anong nangyari habang wala ako? Ang laki ng pagbabago.
"Anong nangyari sa bahay ko?" Tanong ko sa kanya nang makabawi na ako.
"Edi nagkalaman. Duh." Maarteng sagot nito sa akin.
Oo nga, alam ko iyon. Pero paano nangyari yun? Kaninang umaga pag-alis ko, isang kama, isang cabinet at isang full length mirror lang ang alam kong gamit ko. Paano ako nagkaroon ng tv, sala set, at dining table?
"Nakow Chinyang. San mo ba natisod ang fafa mo at nang makapunta rin ako. Swerte mo ah, gwapo na, mayaman na, generoso pa." Parang kinikilig na sabi nito habang mahinang hinahampas pa ang braso ko.
Lumayo ako ng bahagya kay Roxy at tinitigan sya. Hindi kaya?
"Nakita nyo ba yung bisita ko? Si Jinyoung?"
As if on cue, biglang may pumaradang taxi sa tapat ng gate namin. Bumaba doon si Ate Lindy, kasunod nito si Jinyoung na may dalang mga paper bags.
Nagtatakang tinitigan ko lang silang dalawa. Nang tuluyan na silang makapasok sa loob ay mabilis ko silang sinalubong.
Agad namang ngumiti si Jinyoung nang makita ako na nakatayo lang. Tapos ay nagpaalam ito kay Ate Lindy at nilampasan lang ang kinatatayuan ko. Dumiretso na ito sa loob ng apartment ko.
"Ang bait naman pala ng manliligaw mo. Ang yaman, pero sinasabi ko sayo Chinyang, magtapos ka muna ng pag-aaral ah. Huwag magmadali."
"Anong nangyari Ate Lindy?"
Nakarinig daw kasi sila ng ingay sa loob ng apartment. Nagtataka sila kung sino iyon dahil alam nilang wala ako. Kaya kinatok nila at nabungaran si Jinyoung. Kaso hindi sila nagkaintindihan. Nagpakilala sa isa't isa, nagkwentuhan hanggang sa nagpasama si Jinyoung na mamasyal.
"Yang Koreano mo, wag mo nang pakawalan. Sobrang concern sayo eh. Nagpatulong pa nga sa akin na bilhan ka ng gamit."
"Pero..."
"Sige na, puntahan mo na. At baka maunahan ka pa ni Roxy." Inginuso nito si Roxy na ngayon ay nakakapit na sa braso ni Jinyoung.
Lihim akong natatawa dahil nakikita kong medyo naiilang si Jinyoung pero hindi nya magawang umiwas kay Roxy.
"Ate Rox, baka pwede ko nang mabawi ang bisita ko sayo kung okay lang?"
"Ay award! May ownership na ang ateng. Oh sya hindi na ako manggugulo pa." Sabi nito at humiwalay na kay Jinyoung. Pero bago tuluyang umalis ay pinagsawaan munang pisilin nito ang pisngi ng bisita ko.
Once inside, mabilis na ni-lock ni jinyoung ang pinto, pasimple pa itong sumilip sa bintana bago muling inayos ang kurtina.
"Jung Jinyoung."
Agad naman itong umayos ng tayo nang marinig ang pagtawag ko sa kanya.
"Anong ginawa mo?"
"I bought you things. Okay ba? I asked for Ate Lindy's help to rearrange your unit." Nakangiti pa nitong inilibot ang paningin sa buong paligid Satisfied sa achievement nito.
"You arranged all of this?" Kumpleto na ang buong sala ko. May TV at sala set, may carpet pa sa gitna. Yung cabinet ko ay ginawa nyang division ng kwarto at sala. May maliit na round dining table din na may dalawang upuan malapit sa lababo.
"Do you like it?"
"You don't need to this Jin. I really don't need these things."
"But I want to provide for you."
"What for?"
Malapit na akong sumuko sa kaiisip. Ano ba kasi talaga ang gusto nyang mangyari? We said our good byes and that was for good. Pero bakit andito sya ngayon?
"I guess, this is the right moment that we talk." Mahinahong sabi nito. Hinawakan nya ang dalawang kamay ko at iginiya ako paupo sa malambot na sofa.
"What happened to you these past six months? You seemed to change a lot and it's confusing me."
"Within those six months, after you left, we became really busy in our album promotions. We came from place to place doing shows and fan meetings. And I don't change Chin. It's just me now showing you my true feelings."
"Jinyoung, do you understand what you are saying? You came all the way here just to tell me that? Don't you think that you are just wasting your time?"
"Come here, Chin." Sabi nito at kinabig ako palapit. Niyakap nya ako nang mahigpit kaya hindi na ako nakagalaw pa. "I may not be able to show it before, but I really do like you. Nung umalis ka, hindi ka na nawala sa isip ko. I even talk to Shinwoo about this thing. He made me realized my true feelings for you."
"And?" Tanong ko. Kumawala na ako sa yakap nya para makita ang mukha nya. Pinipigilan ko lang ang sarili ko pero sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko.
"And so I'm here. I let you go once with Baro dahil inayos ko muna ang issues kay Ericka. But I won't miss this chance this time with you Chin. Kasi mahal kita and I'll do everything to prove to you that it's true. Please belive in me."
Mahal nya ako?
Gusto kong maiyak sa narinig ko. Totoo na ba ito? Hindi na basta imagination ko lang?
"Kelan pa?" Tanong ko sa nanginginig na boses. Gusto kong malaman. Gosh, ano ba ang ginawa ko para sabihin nya sa akin ito?
"I already liked you even before Baro started to notice you."
Pero kailan nga kasi yun? Hindi ko naman alam kung kailan ako nagustuhan ni Baro. Lagi lang kasi kaming nagtatalo o nag-aasaran eh. Umamin lang sya na gusto nya ako nung paalis na ako eh.
"Since then, we had this silent competition towards you, ayaw lang namin i-acknowledge yun dahil magkaibigan kami. But we became awkward with each other when you are around." Patuloy na paliwang nito.
"You always choose Ericka. How can you say that you like me?"
"I never did that, Chin. I know Baro's always with you when that scandal came out. Sinabihan ko sya na samahan ka. While doing that, while staying away from you, inaayos ko ang lahat para pwede na kitang lapitan ulit. Pero nung time na gagawin ko na, nakita kong iba na ang tingin mo sa kanya. Natakot ako, kasi nakikita kong nagsisimula ka nang magustuhan sya. You even kissed infront of me. Nainis ako kaya sinubukan ko ulit na lumapit sayo."
Yun yung nalasing kami at hinalikan ako ni Baro dahil sa kakulitan ko. Pero wala namang pake si Jinyoung dun eh. Ni hindi nga nya ako tiningnan nun.
"I guess I was too late. Pero ang nakakainis, sa tuwing sinusubukan kong lumapit, may nangyayari nanaman. Seems like the destiny is against us. Kaya nakuntento na lang ako sa mga chances na nakakausap kita na tayo lang. I treasure and I became contented with those short conversations."
Hinawakan nya ang baba ko at bahagyang itinangala ang mukha ko para tuluyang humarap sa kanya. Tinitigan nya ako sa mga mata at nababasa ko doon ang sinseridad sa mga sinasabi nya.
Mahal nya talaga ako. Hindi ko na dapat pagdudahan. Patunay na ang pagpunta nya dito para lang makita ako. Pwede bang this time, hindi ko muna aalalahanin ang magiging opinyon ng mga tao? Kahit ngayon lang, magiging makasarili na muna ako para sa lalaking nasa harap ko.
Hindi ko napigilan ang pagluha. Sobrang saya ko.
"Jinyoung..."
"Please don't cry Chinee, it's giving me the impression that I did wrong again this time."
Umiiling ako at hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya.
"I'm just happy. I can't explain what I feel. It's too overwhelming." Sabi ko habang humihikbi.
"I love you Chin, no matter what. It's true, please belive me."
Tumango lang ako at nagsimula nanamang dumaloy ang mga luha ko. Naiiyak ako sa sobrang saya. Parang sasabog ang dibdib ko at ang gaan ng pakiramdam ko.
Sino ba naman ang mag-aakala na ganito ang mangyayari sa aming dalawa? Tinatanaw ko lang sya dati sa malaayo. Tapos ngayon, abot kamay ko na sya.
Pinahid nya ang mga luha ko at sinabihan akong tumahan na. Napapikit na lang ako nang halikan nya ako sa noo.
Ito yung na-miss ko sa kanya. Hanggang sa bumaba ang halik nya sa tungki ng ilong ko. Bigla akong kinabahan dahil sa sobrang antisipasyon. Ito na ba yun?
Matagal kong hinintay na mangyari ito. Nanatili akong nakapikit habang hinihintay ang paglapat ng labi nya sa akin. Pero ilang sandali na ang lumipas ay hindi pa rin ito kumikilos kaya dumilat na ako.
Sinalubong ako ng matamang titig at magandang ngiti ni Jinyoung.
Napataas kilay na lang ako. Wala ba syang balak na halikan ako? Ang tagal kong hinintay yun, ang tagal kong pinangarap, tapos titingnan nya lang ako?
Dahil sa inis ay ako na mismo ang tumawid sa distansya sa pagitan naming dalawa. Ikinawit ko ang dalawa kong braso sa batok nya at hinila sya palapit para halikan sa labi.
This time, finally he's mine...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro