Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

43 - When in Doubt

I am pacing back and forth on my empty living room while on the phone conversation with my best friend Remarie.

"Yun na nga besh, ikaw na lang ang magpaliwanag kay Julian na hindi na ako makakapunta dahil may emergency." Huminto ako at nakapamewang na humarap sa hindi inaasahang bisita ko nang makita ko syang inabot ang isang unan at amuyin iyon.

"Ano ba kasing emergency yan? Kapag hindi mo sinabi ay susugod talaga kami ni Julian sa apartment mo." Tanong ni Remarie mula sa kabilang linya.

I rolled my eyes, "basta safe ako, so don't worry. Bukas ko na lang ipapaliwanag lahat. Please, just enjoy the night even without me." Pangungumbinsi ko pa rin sa kanya. Nagpatuloy ako sa paglalakad at ang bisita ko ay tahimik lang na sinusundan ako ng tingin. Matapos ang ilang minuto pang paliwanagan ay natapos na rin ang usapan namin.

Ibinulsa ko na ang cellphone ko at nakapamewang na muling hinarap ang lalaki habang prenteng naka indian sit pa sa ibabaw ng kama ko. Niyayakap na nito ang pobreng unan at patuloy na inaamoy. Siguro kung nasa ibang sitwasyon o pagkakataon lang kami ay ma-eenjoy kong panuorin ito habang nakangiting kinikiskis pa ang pisngi sa yakap-yakap na unan.

Kailangan pa nagkaroon ng fetish sa unan ang lalaking ito?

"Now, will you please explain to me what's actually happening?" Tanong ko dito.

Bigla naman itong umupo ng tuwid at matamang tumingin sa akin. Habang nananatiling hostage pa rin nito ang kawawa kong unan.

Kahit anong isip ko talaga ay hindi ko mawari kung paano syang nakarating dito. May kasama ba sya? Tinunton ba talaga nya ako dito, o naligaw lang sya? Ano ang sadya nya?

Nakakagulat naman kasi ang biglaan nyang pagsulpot. Kanina, nang dumating kami ay pinagkakatinginan pa kami ng mga taong nasasalubong namin. Nauuna kasi akong maglakad at nakasunod ito sa akin habang nakahawak sa pulsuhan ko. Tinukso pa kami ng mga babaeng kapitbahay ko na nakatambay sa labas dahil unang beses nila akong makita na may kasamang lalaki. At ito namang kasama ko ay nakangiti pang kumaway sa kanila na akala mo ay isang fan meeting ang pinuntahan nya.

Kinikilig naman ang iba dahil kahit na naka bull cap at simpleng damit lang ang suot ay hindi naman naitago ang kagwapuhan nito.

"Jung Jinyoung, aren't you going to speak now?" Tanong ko dito dahil nanatili lang itong nakatingin sa akin.

"I miss you, so I came here." Seryosong turan nito. Sa wakas ay binitiwan na rin nito ang unan at tumayo na sa harap ko.

Hindi ko alam kung gusto lang ba nya akong i-intimidate sa tangkad nya dahil lumapit pa ito ng husto at nakayuko akong tinitigan. Bigla namang parang umurong ang dila ko at hindi na nakapagsalita. Pasimple akong humakbang paatras para sana dumistansya pero humakbang naman sya paabante para hindi kami magkalayo.

"I came here alone, with anyone not knowing about it."

Isang hakbang ulit ako paatras.

Isang hakbang paabante naman ang kanya.

"Not even the other members?" Tanong ko.

Isang hakbang paatras.

"Not even the management." Tipid na sagot nito at isang hakbang paabante ang ginawa nya.

"Why are you here?" Alanganing tanong ko. Humakbang ulit ako paatras dahil halos magkadikit na ang mukha namin.

"I want to see you." Muli itong humakbang paabante para mawala ang distansya sa pagitan namin.

Aatras pa sana ulit ako pero nabunggo na ng paa ko ang dinding. Paglingon ko ay ang pader na ang sumalubong sa akin. Nagulat ako nang biglang lumapat ang dalawang palad ni Jinyoung sa pader, kapantay lang ng ulo ko. Bahagya pa syang yumuko para magpantay ang mukha naming dalawa.

"I want to see you." Ulit nito sa sinabi kanina pero sa mas mahinang tinig ngayon na halos pabulong na.

Napasinghap ako nang walang pasabi nyang isinubsob sa isang balikat ko ang mukha nya. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko at wala akong nagawa kundi ang ikuyom ang dalawang palad ko.

Ano'ng ibig sabihin nito?

Hindi ba alam ng lalaking ito ang epekto ng ginagawa nya ngayon? Hindi pa ito nakuntento sa ginawa, dahil kumilos ito at idinikit naman ang ilong sa leeg ko.

"I miss your scent." Bulong nito pagkatapos. Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko nang tumama sa aking leeg ang mainit nitong hininga. Biglang nagwala ang buong sistema ko at nablangko ang utak ko.

Hanggang sa wakas ay muli itong umayos ng tayo at tumingin sa akin.

Pakiramdam ko ay nanlambot na ang dalawang tuhod ko at anumang oras ay pwede na akong mabuwal. Tumitig muna sya sa akin bago unti-unting lumapit. Natuon ang tingin ko sa mapupula nyang labi at napalunok ako ng wala sa oras.

Pero nang malapit nang maglapat ang aming mga labi ay saka naman ako bumaling sa ibang direksyon. Narinig ko ang buntong hininga nya.

Ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko.

Not again please.

Hindi na ako nakapalag pa nang hilahin nya ako palapit at mahigpit na niyakap. Hindi ako nakakilos habang nakakulong sa mga bisig nya.

"I've been standing in front of your school for two days, waiting for you. I'm lacking of sleep. I'm tired." Biglang tumunog ang tiyan nito. "And I'm hungry."

Bumitaw na ito sa yakap pero nakakapit pa rin ang dalawang kamay sa magkabila kong balikat. Muling tumunog ang tiyan nito, this time ay mas malakas na kaya hindi ko napigilan ang pagtawa.

Sinimangutan nya lang ako. Natatawa pa rin na muli ko syang binalingan, mas lalo syang sumimangot sa akin.

Ang lakas ng loob naman kasing manglandi ng lalaking ito tapos bigla nyang sasabihin na nagugutom sya.

Napailing na lang ako at nagtungo na sa lababo. Magsasaing na lang ako at bibili ng ulam sa labas.

"Is this really your house? How long have you been living alone?" Tanong nito. Nakaupo na ulit ito sa kama at inililibot ang tingin sa buong apartment. Napangiti ito nang makita ang malaking poster na idinikit ko sa pader sa bandang ulunan ng kama ko.

Poster iyon ng B1A4 noong Beautiful Target era nila. Isa pa rin akong BANA kahit na hindi ko na sila nakausap mula nang bumalik ako dito.

Habang hinihintay ko na maluto ang kanin ay sinabihan ko syang maiwan muna para makabili ako ng ulam sa labas.

Hindi naman maarte sa pagkain si Jinyoung kaya hindi ako mahihirapan sa pagpili ng kakainin.

Pabalik na ako sa bahay matapoa bumili ng ulam nang harangin ako ni Ate Lindy sa may gate.

"May bisita ka daw na mukhang Hapón." Bungad nito sa akin.

"Biglaan lang po."

"Ay day, okay lang naman yun, matanda ka na." Inilabas nanaman nito amg pink na pamaypay. "Pero sinasabi ko sayo, tapusin mo muna pag-aaral mo. Sayang naman."

"Ate hindi naman po kami-"

"Naku mamang, kung makita mo, ang gwapings ng fez." Singit ni Roxy sa amin.

"Nako ha, ako'y hindi nakikialam sa personal na buhay ng tenant ko. Pero concern ako sayo."

Napangiti ako sa sinabi nya.

"Koreano po sya Ate Lindy." Sabi ko na lang.

"Basta, ako'y nagpapaalala lang. Hinay hinay lang muna."

Tumango ako sa kanya pero kunot noong binalingan ko si Roxy nang hawakan nito ang dala kong plastic.

"And don't forget to use protecrion." Nakakalokong ngiti nito nang iiwas ko sa kanya ang dala ko.

Umalis na silang dalawa at bumalik na ako sa bahay.

Naabutan ko si Jinyoung na nakasalampak sa sahig at nakasandal sa pader.

"Wala ka talagang mga gamit dito?" Tanong nito nang ilapag ko sa harap nya ang plastic bag. Nagtungo na ako sa lababo para sandukin ang kanin at kumuha ng mga plato.

"I don't have much time in buying things. I'm busy with school."

Si Jinyoung na ang naglabas ng ulam sa dala kong plastic. Sumalampak na rin ako sa sahig paharap sa kanya.

Nagtaka ako nang bigla syang natigilan habang inilalabas ang ulam mula sa dala ko. Pagkatapos ay nagtatanong ang mata nyang napatitig sa akin.

"What?" Takang tanong ko sa kanya.

Hindi ba nya nagustuhan ang ulam? Ayaw ba nya ng binili ko?

"Is this really part of our food. Are we having this as dessert?"

I gasped when I saw what he is holding.

Paanong nagkaroon ng ganyang sa dala ko?

Hindi ko alam kung paano magrereact. Hindi ko alam kung paano magpapaliwanag.

Dahil kasalukuyang hawak ngayon ni Jinyoung at itinaas sa harap ko ang bagay na ni minsan ay hindi ko pa nagawang hawakan.

Saan galing iyon? 19 years old pa lang ako. No boyfriend since birth. Pero hindi ako ignorante.

I was brought back to reverie when Jinyoung waved in front of me the two sachets of condom.

With silver packaging.

In Strawberry and Chocolate flavor...

07272017.0656H

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro