Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

42 - I Miss You Chinee


- Has jinyoung always been this attractive???????????????!!!!!!!!!!!!!!

- CNU shirt says "thank me later" thanks shinwooooo thanks for the feels! :0

- CNU's smile and the way he blinks AHHHHHHHHH

- When jinyoung sings.. b1a4 is just a cute group

- Gongchan and Cnu are really good dancers. ofc they're the dancers of the group but theyre so hot, i'm. a Gongchan biased tho

- Omg.... the part when they're swaying side to side is by far my favourite part of the choreography. It's simple yet it's more than enough to captivate me.

- Omygod baro and sandeul combi

**

Patuloy lang ako sa pag-browse ng mga comments sa dance practice video nila. Mukha naman silang masaya, at parang hindi na nila ako naaalala.

Bumigat bigla ang pakiramdam ko sa isiping iyon. May munting kirot din akong naramdaman sa puso ko. Alam ko naman na mangyayari talaga ito. Sa dami ng nakikilala nila sa araw araw, sa mga out of town or out of the country tours nila, malamang hindi na nila matatandaan lahat ng fans na nakausap, nakasama at nakasalamuha nila.

Para sa isang fan na gaya ko, hindi na mawawala ang kasiyahang naramdaman ko noong panahon na nakaharap ko sila at ngitian nila ako. Pero para sa mga kagaya nila na sikat at maraming taga-hanga, naka-label na ako bilang isa sa napakaraming fans nila.

"Hey."

Naramdaman ko ang mahinang pagsiko ni Remarie sa tagiliran ko. Marahan ko syang nilingon at nakita kong titig na titig nanaman sya sa akin.

"You're spacing out again." Puno ng concern ang boses nito, walang babala na inagaw nya ang hawak kong cellphone. Saglit iyong tiningnan at naiiling na muling ibinalik sa akin.

"Pinapanuod mo nanaman sila. Kalimutan mo na kasi na nakilala mo sila. Isipin mo na lang na magandang experience na lang ang naranasan mo sa South Korea. Live in reality, besh. Hindi ka makakausad sa buhay hanggat lagi mong pinanghihinayangan ang mga bagay na hindi mo na maibabalik pa."

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Napabuntong hininga na lamang ako at itinuon ang tingin sa mga basketball players na kasalukuyang nagpa-practice game sa covered court.

Tama si Remarie, siguro ay dapat ko nang bitawan ang mga baka-sakali na gumagambala pa rin sa akin hanggang ngayon.

"Pinapalungkot ka lang naman ng mga iyan eh. Nasaan na ang makulit na Chinee na umalis dito at nagbalik pagkatapos ng anim na buwan? Namimiss ko na ang kakulitan nya."

"Hindi ka na kasi nakakapag-taray kaya hinahanap mo ang pagiging makulit ko." I timidly answered her.

Ituturing ko na lang na isang magandang panaginip na nakilala at nakasama ko sila. Simula kasi nang lumipat ako sa isang apartment ay naging abala na ako sa paghahanap ng part time jobs para makabayad sa mga gastusin. Hindi ko na sila nakausap pa dahil naka deactivate na ang social media accounts ko. Kung anu-ano kasi ang pino-post ni Ate Chelsea dun gamit ang ibang dummy accounts kaya minabuti kong alisin na lang ang sarili kong account para iwasan sya. Halos pitong buwan na rin pala ang mabilis na lumipas simula nang makabalik ako.

"Hi, sandali na lang matatapos na ang practice game namin. Sabay na tayong umuwi." Nakangiting lumapit sa amin si Julian. Pawisan na ito at hinihingal dahil sa pagtakbo. Nakaipit sa pagitan ng braso nito at tagiliran ang bola na ginagamit nila.

"Okay lang, wala na rin naman kaming gagawin. Sabay na tayong umuwi." Nakangiting sagot ni Remarie dito. Nanatili akong walang imik.

"Chinee." Untag sa akin ni Julian dahilan para tingnan ko sya ulit. "Okay lang ba na sumama ka mamaya? Nag-aaya kasi ang buong basketball team eh. Tutal wala namang pasok bukas."

"Oo, sasama yan. Kailangan din naman ni Chinee na mag-unwind. Sasama kami mamaya." Si Remarie na ang sumagot dito. "Pipilitin ko syang sumama mamaya." Paninigurado pa nito sa binata.

"Okay, susunduin ko na lang kayo mamayang gabi." Nakangiting bumaling sa akin si Julian na tinanguan ko lang at tumalikod na ito para bumalik sa mga kasama nya.

Pero nahinto ito nang makita si Ate Chelsea na nakatayo malapit sa amin.

"May kailangan ka ba?" Mahinahong tanong sa kanya ni Julian. Umirap lang ito at diretsong naglakad hanggang sa nasa tapat ko na sya.

"Hanggang ngayon ay tagapulot ka pa rin ng mga ibinasura ko na." Puno ng pang-uuyam na sita nito sa akin.

"Nananahimik na kami Chelsea. Pwede bang tigilan mo na si Chinee? Hindi pa ba sapat na pinalayas mo sya sa bahay ninyo?" Singit ni Remarie. Hinawakan ko ang kamay nya para pakalmahin sya. Nakalapit na ulit sa amin si Julian at alertong nakabantay sa kung anumang posibleng mangyari.

Hindi naman na sumagot si Ate Chelsea, napapalatak lang ito at tumalikod na. Pero pagkatapos ng dalawang hakbang ay huminto ito at muling bumaling sa akin.

"By the way, just last month, may nagpuntang tao sa bahay at hinahanap ka. NBI officer daw sya at nagtatanong ng impormasyon tungkol sayo. Pero sinabi kong hindi ka na doon nakatira dahil hindi naman talaga tayo magkadugo. Tinatanong pa nga kung saan ka naglalagi ngayon eh. Hindi kaya may criminal records ka kaya ka nila hinahanap?" Nakapaskil sa mukha nito ang nakakalokong ngiti. "Kapag nakulong ka, huwag kang mag-alala dahil dadalawin naman kita." Natatawang sabi pa nito at tuluyan nang umalis.

Nagkatinginan na lamang kaming tatlo ni Remarie at Julian.

"Huwag mo na lang pagtuunan ng pansin si Chelsea. Hindi lang talaga kumpleto ang araw nun nang hindi ka nagagawang inisin."

Sabi ni Julian bago tuluyang nagpaalam na babalik na sa mga kasama nya.

Hindi naman si Ate Chelsea ang iniisip ko ngayon. Bakit may naghahanap sa akin? May kasalanan nga ba akong nagawa? Wala naman akong nilabag na batas sa South Korea. Dahil kung meron man, sana ay sa airport palang ay may humarang na sa akin. Isa pa, ilang buwan na rin ang lumipas.

"Ikaw po ba si Ms. Chinee Ybañez?"

Sabay kaming napalingon ni Remarie nang lumapit ang isang babaeng estudyante sa amin.

"Yes."

"Pinapatawag ka po ng dean." Sabi nito at tumalikod na.

Baka ibibigay na sa akin ang monthly allowance ko. Nag-excuse lang ako at sinabihan si Remarie na maghintay na lamang na makabalik ako. Tumango lang ito at sinundan ko na ang estudyantemg sumundo sa akin.

Tama ang naisip ko na ibibigay na nga ang monthly allowance ko. Pagkaabot sa akin ng white envelope ay nagpasalamat lang ako at lumabas na ng office.

Naglalakad na ako pabalik sa covered court nang mapadaan ako sa school ground.

Napahinto ako sa gitna at napatitig nanaman sa rebulto na nasa gitna ng fountain.

Mother and Child.

Simula nang nalaman ko ang kwento sa likod ng rebulto na iyon ay lagi na lang akong napapaisip kapag nakikita ito.

Kaya ba ang lungkot ng mga mata ni Mrs. Shin kahit nakangiti ito? Nahanap na kaya nila ang nawawala nilang anak.

Kaya pala madalas na umaalis si Mrs. Shin, dahil hinahanap nito ang bunsong anak.

Paalis na sana ako nang biglang mahagip ng tingin ko ang lalaking nakatayo sa labas ng gate na nakatapat lang din sa akin.

Nakasuot ito ng ripped jeans, gray na jacket, bull cap at black face mask. Diretsong nakatingin ito sa kinatatayuan ko kaya nagpalinga-linga ako sa paligid.

Pero walang ibang taong nakatayo malapit sa akin. Kaya sigurdo akong sa akin nga sya nakatingin. Napakunot noo ako.

There's something in his eyes and the way he stares.

Bigla itong tumalikod at naglakad na palayo.

Sino ka ba?

Hindi na ako nag-isip pa. Agad akong tumakbo at hinabol ang misteryosong lalaki.

Paglabas ko sa gate ay hindi ko na sya naabutan pa. Sinubukan ko pang maglakad ng kaunti sa pagbabakasakaling madatnan ko sya.

That kind of cold stares...

Pamilyar sa akin ang klase ng tingin na iyon..

Kahit alam kong napakaimposible...

Marahas akong napalingon nang may tumikhim mula sa likuran ko.

Kaharap ko ngayon ang isang matangkad na lalaki. Mata lang nito ang nakikita dahil sa face mask at bullcap na suot nito.

Nagsimula nang kumabog ng malakas ang dibdib ko.

Tama ba ang nakikita ko? Sya ba talaga ang kaharap ko?

Muli nanamang naglakad ang lalaki at nilagpasan lang ako.

Sa pagdaan nya sa gilid ko ay naamoy ko ang pamilyar na pabango nito.

"Who are you?" Sigaw ko sa kanya bago pa sya tuluyang makalayo.

Huminto naman ito at dahan dahang umikot paharap sa akin.

"It's been long." Sabi nito sa malamig na tinig.

Mas lalong nagrigodon ang tibok ng puso ko pagkarinig sa boses nito. Parang may mga lumilipad sa tiyan ko at biglang parang umikot ang buong paligid.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon.

Napakaimposible nito...

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala hanggang sa unti-unti nitong tanggalin ang suot na face mask.

Pigil ang hiningang napatutop ako sa bibig ko. Naramdaman ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko at panlalamig ng aking buong katawan.

Ilang beses rin akong kumurap para siguruhing hindi ko lang sya basta imahinasyon.

"I miss you Chinee." Maiksing sabi nito sabay ngiti.

Good Lord.

Biglang nagdilim ang buong paligid ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro