Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

40 - What's happening?

Pagmulat pa lang ng mga mata ko ay agad pumasok sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Ang daming bakit na tumatakbo sa isip ko.

Bakit nagawa iyon ni Ate Chelsea? Minahal ko naman sya bilang tunay na kapatid ko. Lahat ginawa ko para magustuhan nya rin ako. Lagi ko syang pinagbibigyan sa mga kapritso nya kahit na madalas ay mapahamak ako sa mga pinapagawa nya. Bakit hindi nya ako kayang tanggapin bilang isang tunay na kapatid?

Hindi ko naman inaagaw ang atensyon ng mga magulang namin sa kanya. Noong mga bata pa kami ay hindi ko na sinasabi kapag may award ako sa school dahil ayokong pagkumparahin kaming dalawa. Lagi kong inuuna ang kapakanan nya para lang hindi sya magalit sa akin.

Hinayaan ko lang din noong kinasabwat nya si Julian para paglaruan ang damdamin ko. Paniwalang-paniwala ako noon na totoo sa akin si Julian, handa na akong tanggapin sya sa buhay ko. Pero kung kailan ibibigay ko na ang sagot ko, doon ko nalaman na palabas lang pala lahat ng pinakita at pinaramdam nya. At nagawa nya iyon dahil sa kagustuhan ni Ate Chelsea na masaktan ako.

Si Ate Chelsea na sobrang minahal ko bilang nakatatandang kapatid. Hindi ko isinumbat sa kanya iyon, kahit na sobrang nasaktan ako dahil nagkaroon na rin ako ng damdamin kay Julian, pero bakit ganun pa rin sya sa akin ngayon?

"Besh."

Natigil lang ako sa pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Remarie. Bumangon na ako nang umupo sya sa kama na hinihigaan ko.

"Ready na ang agahan, sabay na tayong kumain sa kanila." Anito na amg tinutukoy ay ang pamilya nito.

"Besh, ano nang gagawin ko ngayon?" Hindi ko na napigilan ang mapaiyak dahil sa problema na kinakaharap ko.

"Ang alam ko kasi mas lalo syang nagalit sayo dahil nakipag-break sa kanya si Julian."

"Pero bakit kailangang madamay ako sa relasyon nila?"

"Alam mo naman ang kapatid mo diba, lahat ng masamang nagyayari sa buhay nya ay sayo isinisisi."

Mas lalo akong napaiyak sa sinabi ni Remarie dahil tama ito. Pati ang magkasunod na pagkamatay ng mga magulang namin ay sa akin pa rin nya sinisi.

Pagkatapos kong maibuhos ang lahat na ata ng luha na pwede kong iiyak ay lumabas na kami sa kwarto ni Remarie. Tumuloy kami sa kusina at naabutan namin na kumakain na doon ang papa, step mom at step brother ni Remarie. Binati ko silang lahat ng good morning at nag-aalangan na akong umupo sa hapag.

Hindi kasi kumibo ang madrasta nya. Tipid na nginitian lang ako ng papa ni Remarie tapos nakakatakot ang tingin na ibinibigay sa akin ng kuya nya.

"Ano'ng plano nyo ngayong araw na to, Remarie?" Kapagkuwan ay tanong ni Tita Meryl.

"May pasok kami mamayang tanghali."

"Hanggang kailan naman titira ang kaibigan mo dito?" Tanong nito habang nakatuon ang pansin sa pagkain.

Napatigil naman ako sa pagsubo nang marinig ko iyon. Hindi man nya diretsong sabihin ay alam kong hindi ako welcome sa bahay nila. Nilingon ko si Remarie at nabasa ko sa mga mata nya ang paghingi ng paumanhin sa akin. Tipid na nginitian ko lang sya at hinarap si Tita Meryl.

"Plano ko pong maghanap ng malilipatang apartment ngayon kaya pagkatapos kumain ay aalis na rin po ako." Sagot ko dito.

"Ma, hayaan mo na muna ang kaibigan ni Remarie na mag-stay dito. Hindi natin sya pwedeng pabayaan." Sabi nito na may kakaibang ngiti habang nakatingin sa akin. Pakiramdam ko ay biglang nagsitayuan ang mga balahibo sa buong katawan ko nang kindatan pa nya ako.

Alam kong hindi magkadugo si Remarie at ang kuya nya. Pareho silang anak sa kanya-kanyang unang asawa ng mga magulang nila. At base sa kwento ng kaibigan ko ay hindi nya kasundo ang kuya nya dahil sa ugali nito.

Mabilis ko nang tinapos ang pagkain ko at nag-excuse para makapagsimula na sa dapat kong gawin ngayong araw na ito.

Ang plano ko ay maghanap ng maliit na apartment na malapit sa paaralan para hindi ko na kailangang gumastos sa pamasahe. Bawas gastos na rin, kaya doon na ako nagsimulang maghanap.

May ilang boarding house at bed space akong nakita pero nag-ikot pa ako sa pagbabaka sakali.

Hapon na nang magawi ako sa isang kalye na halos 15 minutes kong lalakarin mula sa school ang layo. Nakita ko ang apartment for rent na nakapaskil sa isang gate kaya nagtanong agad ako tingkol doon.

"Kakaalis lang ng dating tenant ko dito. May naiwan pa syang ilang gamit pero hindi naman na babalikan kaya pwede mo nang gamitin kung gusto mo."

Paliwanag sa akin ng landlord na nagpakilalang si Ate Lindy. Muli kong inilibot ang mata ko sa buong unit. Maliit lang ang space, walang partition ng kwarto at kusina. Pagpasok pa lang sa pinto ay tanaw mo na agad ang lababo at katabi nito ang pintuan ng banyo.

Malinis at maayos pa naman ang kabuuan. Sa labas ay may nag-iisang gate ang apat na magkakadikit na unit. Mukha rin namang tahimik at payapa ang lugar.

"So ano, kukunin mo na ba?" Tanong nito na tinanguan ko lang. Inabot ko na sa kanya ang one month deposit at one month advance na bayad ko.

Ginamit ko na lang ang pera na binigay sa akin ni Ms. Kim para sana sa allowance. May extra pa naman ako galing sa part time job ko nuon at sa napanalunan kong cash prize sa cosplay event. Hindi naman ako masyadong nakakagastos dahil lagi akong nililibre ni Kuya Shinwoo at Sandeul.

"So kelan mo balak lumipat?"

"Ngayon po sana. Kukunin ko lang ang mga gamit ko para maiayos ko na dito."

"Okay. Kung may kailangan ka sa akin, ang bahay ko, katabi lang din ng apartment na ito."

Nagpasalamat na lang ulit ako bago umalis si Ate Lindy at iwang akong mag-isa.

Agad akong nag-text kay Remarie at sinabing magkita kami para sabay na kaming umuwi sa kanila.

Hindi na ako nakapasok sa unang araw ng pagbabalik ko dahil sa nangyari.

Nang makatanggap ako ng reply mula kay Remarie ay agad ko na syang pinuntahan sa Mater Dei. Inabangan ko lang sya sa labas ng gate at sabay na kaming umuwi sa kanila para kunin ang mga gamit ko.

Nagpasalamat ako sa papa at step mom nya sa pagtanggap sa akin kahit sandali lang bago kami umalis.

"Sigurado ka bang magiging okay ka lang dito?"

Nginitian ko lang si Remarie at ipinagpatuloy na ang paglilipat ng mga damit ko sa cabinet.

Bukas ay plano kong mamili ng ilang gamit gaya ng maliit na electric stove at ilang gamit sa kusina. Hindi ako pweseng laging bumibili ng pagkain sa labas.

"May pera ka pa bang pang gastos?"

"Meron naman. May naitabi ako sa part time ko."

"Paano ang iba pang gastusin mo? Ang tuition mo?" Nag-aalalang tanong nito. Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanya na susuportahan nina Mrs. Shin ang gastusin ko sa pag-aaral hanggang sa maka graduate ako.

"Ang sama naman kasi ng ugali ng kapatid mo."

Hindi na ako umimik sa komento nya. Nasasaktan pa rin ako kapag naiisip kong nagawa nya akong paalisin sa bahay namin. Mula pagkabata ay ramdam ko naman na ang disgusto nya. Ang mama ko lang talaga ang nagparamdam sa akin na hindi ako iba sa kanila kaya kahit paano ay naging masaya naman ako.

Pero simula nang mamatay ang parents namin ay nahirapan na rin ako, lalo at doon na rin nakatira ang kapatid ni papa na laging pinapaboran si Ate Chelsea.

"Kapag may kailangan ka, tawagan mo ako lagi."

Paalala ulit sa akin ni Remarie. Tumango ako dahil sya lang din naman ang kaibigan ko na pwede kong lapitan.

Bukas, pagkatapos ng klase ay mamimili na ako ng ilang kailangan kong gamit.

Bukas, sisimulan ko na ang buhay na mag-isa lang ako at walang sinasandalan na kahit sino.


--

AN** This is quite lame. Haha, sornaman. Please bear with me ... Bawi ako next chapters. Thank you all..

--simplyfanaticBANA

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro