39 - Homecoming
Paglapag ng eroplano at pagtapak ko sa labas matapos kong kunin ang mga bagahe ko ay sinalubong agad ako ng mainit na panahon at usok ng Manila.
Ito na talaga. Napatingala ulit ako sa langit at bumalik nanaman ang isip ko sa pinanggalingan kong bansa. Ngayon pa lang ay namimiss ko na sila.
"Chinee!"
Hinanap ko agad ang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko. Nakita ko sa di kalayuan si Remarie. Hindi ko napigilan ang mapangiti at mabilis kong tinakbo ang daan palapit sa kanya.
"Beesssshhhhh! Namiss kita ng bongga!" Niyakap ko agad sya paglapit ko pa lang.
"So, kamusta naman ang Korea?" Tanong nito after naming magyakap.
"Ayun, Korea pa rin naman, walang nagbago." Pinaikot lang nya ang mata nya dahil sa sagot ko. Hindi pa rin sya nagbabago sa anim na buwan na hindi kami nagkita. Ang sungit pa rin nya.
Magsasalita pa sana ulit ako nang mahagip ng mata ko ang isang matangkad na lalaking nakatayo sa di kalayuan at nakatanaw sa aming dalawa.
"Ano'ng ginagawa nya dito?" Nilingon na rin ni Remarie ang tinutukoy ko.
Napansin ko ang pagiging uneasy bigla ni besh kaya nagdududang tiningnan ko sya.
"Nalaman kasi nya na ngayon ang uwi mo kaya nagpumilit syang sumama sa pagsundo sayo. I'm sorry besh."
Natanaw kong palapit na sa amin si Julian kaya mas lalong kumunot ang noo ko. Ano nanaman ang pakay nya sa akin?
"Baka naman mamaya magulat na lang ako na may humihila na ng buhok ko ah. Kakarating ko lang besh, pagpahingahin nyo muna ako sa kamandag ni Chelsea."
"Wala na sila besh. Break na, for good."
"Hi Chinee. Long time no see. Kamusta ka?" Nakangiting tanong nito sa akin nang makalapit na ng tuluyan. Tinitigan ko lang sya. Wala na ang galit ko, wala na ang sakit at panghihinayang. Totally ay wala na talaga akong nararamdaman. "Na-miss kita." Dugtong pa nito.
Napataas kilay na lang ako at nanatiling nakatitig sa kanya. How dare he talk to me as if we were close friends? Pagkatapos ng mga ginawa nila ni Chelsea?
Julian Del Valle, ang unang lalaking nagustuhan ko. Sya lang naman ang lalaking kinaibigan ako, pinaramdam na importante ako, sinabing maganda ako pero sa bandang huli ay malalaman ko na plano lang pala nila na paasahin ako. Kung hindi pa dahil kay Remarie ay hindi ko pa malalaman na pinapaikot lang pala ako ni Julian at Chelsea. Na si Chelsea pala talaga ang mahal ni Julian at hindi ako. Ang tapang ko pa noon na kumprontahin si Julian, para lang mapahiya sa lahat ng kapwa namin estudyante dahil ako ang lumalabas na nanggugulo sa relasyon nilang dalawa.
That Chelsea Ybanez and her wicked game. I should have seen it coming. Nasa iisang circle of friends lang silang lahat. Dating kaibigan ni Remarie si Chelsea. Pero nang malaman nito ang masamang balak sa akin ni Chelsea ay kumontra ito at lumapit sa akin. Nakita ko ang sincerity ni Remarie kaya ngayon ay bestfriends na kami.
"May nakita akong cafe malapit dito, try natin dun. Treat daw ni Julian." Singit nito sa mas pinasiglang boses. Nagdududang tinignan ko lang silang dalawa at kinuha na ni Julian ang bagahe ko.
Nagtuloy na nga kami sa cafe na sinasabi nila. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at naalala ko nanaman ang part time job na ginawa ko sa SoKor.
"Let's take picture first bago kumain." Sabi ko kay Remarie at inayos ko na ang phone ko. Kakarating lang ng mga pagkain na order namin.
"Bakit? May ibang nag-aabang ba sa pag-uwi mo bukod sa akin?"
"Wala naman." Sagot ko at kumuha na ng picture. Naipangako ko kasi na ipapaalam sa kanila Kuya Shinwoo kapag nakauwi na ako ng maayos. Gusto ko sana kaming dalawa lang ni Remarie ang nasa picture kaya lang ay nahihiya naman ako na paalisin si Julian. After choosing the best photo, I posted it on my IG account with an additional caption of "Just arrived safely".
Nang masiguro ko na na-upload na ang photo ay binitiwan ko na ang phone at hinarap silang dalawa. Papalubog pa lang ang araw kaya mahaba pa ang oras na pwede kaming magkwentuhan. Una kong kinamusta ang anim na buwan ni Remarie na hindi kami magkasama. Mukhang okay naman ang lahat except sa boyfriend nya na si Kharlo Arrelano. Nung tanungin ko sya ay bigla nyang iniba ang usapan at itinuon sa akin ang topic.
Maybe that talk can be saved for later.
"Kamusta naman ang experience mo sa ibang bansa?"
"Masaya. Nakahanap ako ng part time job. I joined a cosplay event, and I met wonderful people." Napangiti ako nang maalala ko nanaman ang B1A4.
"Kamusta naman ang pag-aaral mo doon?" Tanong ni Remarie. Napaka-concern talaga nito sa academics. Kung wala lang talaga itong lovelife at nightlife ay iisipin ko na nerd itong kaibigan ko.
"Of course I have to maintain my high grades. Medyo mahirap pero kinakaya." Bago ako umalis ay nagpunta ako sa dean's office at ipinakita nila sa akin ang overview ng academic performance ko sa Mater Dei Seoul.
Napatingin si Remarie sa cellphone ko nang umilaw iyon. May notification ako galing sa IG. Agad ko naman iyong tiningnan.
Psyduck started following you.
Psyduck commented on your post.
Psyduck?
"Sino si Psyduck? At anong comment nya?"
Napatingin ako kay Remarie nang bigla itong magtanong. Hawak na rin nito ang sariling cellphone kaya malamang ay nakita na nya ang comment sa post ko sa IG. Naka-hangul kasi ang comment kaya siguro ay hindi nya iyon naintindihan na ang ibig sabihin lang naman ay "Who are you with?"
Kung tama ang hinala ko, malamang ay si Sandeul iyon na sadyang gumawa pa ng ibang account para lang makapag-comment.
"Tinatanong lang nya kung sino ang kasama ko."
"Sino yun?"
Nagkibit balikat na lang ako at iniba ang usapan. Next time ko na lang ikukwento sa kanya ang buong karanasan ko. Kapag kaming dalawa na lang ang magkasama.
Pagkatapos naming kumain ay nag-volunteer na si Julian na ihatid ako pauwi. Wala na akong nagawa dahil silang dalawa ni Remarie ang pumilit sa akin. Isa pa ay dala ni Julian ang sarili nyang kotse kaya mas mapapadali kung papayag ako.
Halos dalawang oras ang naging byahe namin bago makarating sa bahay dahil na rin sa traffic.
"Hintayin mo na lang ako dito sa labas, Julian. Baka kasi magkagulo pa kapag nakita ka ni Chelsea." Sabi ni Remarie na tinanguan lang nito.
Nag-door bell na ako at pinagbuksan agad ako ng isang guard.
"Ano pong kailangan nila?"
"Dito po ako nakatira kuya." Sagot ko at nginitian ko pa sya. Pero yung guard, nagdududang tiningnan lang ako at sinabihan na maghintay sandali tapos sinara ulit ang gate.
Nagtatakang nagkatinginan na lamang kami ni Remarie. Nang muling bumukas ang pinto ay si Chelsea na ang humarap sa akin. Nasa likod nya ang guard na nakausap ko kanina.
"Dumating ka na pala." Taas kilay na sabi nito. Bakas sa mukha ang ngiti na alam mong hindi magdudulot ng maganda para sa iyo.
"Anong ibig sabihin nito Ate Chelsea?"
"Ate? Tinawag mo akong ate? Kailan pa kita naging kapatid? Kahit kailan hindi kita tinuring na kapatid. Ako lang ang tunay na Ybañez kaya wala kang karapatan na tumira sa bahay ko." Pagkatapos ay tinawag nito ang isang katulong na may dalang dalawang malaking bag.
"Oh ayan." Sabi nito sabay haggis ng dalawang bag sa harapan ko. "Nakakaawa ka naman kung pati ang mga basura mo na binili gamit ang pera ko ay ipagdamot ko pa sayo. Donasyon ko na yan kaya dapat na magpasalamat ka pa rin."
"Pero ate, wala na akong ibang mapupuntahan." Nagmamakaawang sabi ko sa kanya.
"Bakit kasi bumalik ka pa? Payapa na ang buhay ko na wala ka. Wala na akong kahati sa lahat ng bagay."
Bigla itong natigilan nang mapatingin sa bandang likuran ko. Pagkatapos ay napapailing na bumaling nanaman sa akin. Nakakuyom ang mga palad at matatalim ang tingin na ipinukol sa akin.
"So ano to? Connivance ninyong tatlo?"
"Ate please. Wala na akong ibang mapupuntahan."
"Ang ex-bestfriend ko at ang ex-boyfriend ko." Mabagal na pumalakpak pa ito at nakakatakot ang mga matang tumingin sa akin. "Kahit kailan wala kang karapatang dalhin ang apelyido namin, hindi kita kapatid!"
Isang masamang tingin pa ang muli nitong ipinukol sa amin bago tumalikod at sinabihan ang guard na isara na ang pinto.
Ayokong umiyak. Hindi ako magpapatalo sa maliit na bagay na ito. Kaya ko to.
Pero matapos kong marinig ang paglock ng gate mula sa loob ay biglang nanlambot ang mga tuhod ko kaya pabagsak akong sumalampak sa lupa at hindi na napigilan ang pagluha.
Ano ba ang masamang nagawa ko kay ate Chelsea?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro