Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

37 - So Long Chinee

Sa kabila ng ingay ng gitara ni Jinyoung at naglalakasang boses nina Sandeul at Kuya Shinwoo, nagawa pa rin akong kausapin ni Baro. Nakangiti kong pinapanuod ang trio nang umupo ito sa bandang likuran ko at tinawag ang pangalan ko.

"Let's say that we broke up."

"Huh?" Hindi ko kasi talaga sya narinig dahil sumabay ang high notes ng dalawa sa pagsasalita nya. Nakita kong bumuntong hininga si Baro, pagkatapos ay hinila ako patayo. Hindi naman kami umalis sa gazebo, medyo lumayo lang kami sa ingay na gawa nung tatlo.

Bahagyang naupo sa isang sandalan ng gazebo si Baro at nakatayo naman ako sa harap nya.

"We don't know when we'll be seeing each other. Ayoko ng may hang ups sa isang relasyon. I'm not even sure if you can call it a relationship." Mahabang sabi nito at nakikinig lang ako. Hinawakan nya ang dalawang kamay ko at tumingin sa mga mata ko. "Hindi naging ganun kaganda ang simula natin. Lagi tayong nag-aaway. But through that, I learned to like you Chin and I really do like you until now."

"I like you too Baro, you know that."

"You only like me as a friend." Mahina ang boses nya nang sabihin iyon. Hindi na ako sumagot.

Oo, gusto ko sya bilang isang kaibigan. Gaya ng nararamdaman ko kay Kuya Shinwoo, Gongchan at Sandeul. Sino ba naman ang hindi matutuwa na maging kaibigan sila diba? Pero aaminin ko sa sarili ko na minsan, kahit saglit lang ay nagustuhan ko rin naman sya ng higit pa sa isang kaibigan. Kasi lagi syang andyan. Lagi syang tumutulong, lagi ko syang nakakaramay. Kahit na may mga panahon na hindi kami nagkakasundo, lagi naman syang andyan kapag kailangan ko ng tulong.

"Let's just say that we liked each other but then decided to drift apart. Sooner when we meet again, we'll be great friends and remember these moments as a happy memory."

Tama sya, mas maganda nga yung ganito. Walang aasa, walang maghihintay, at walang masasaktan.

I smiled at him.

Ngumiti rin sya at hinila ako palapit sa kanya. Hindi na ako tumanggi nang yakapin nya ako.

Kahit papaano ay may kirot sa puso ko nang sabihin nyang maghiwalay na kami. Wala naman kaming pormal na relasyon, walang nanligaw, walang sumagot ng oo, walang 'I love you'. Pero kahit sandali ay naramdaman ko kung paano magustuhan ng isang Cha Baro.

"What was that? What are you doing?" Narinig namin si Gongchan na nagtatanong. Nakatayo sya sa bandang likuran ko. Nang lingunin ko sya ay naroon na rin ang tatlo na kanina lang ay gumagawa ng mini concert nila.

"We just talked." Simpleng sagot ni Baro. Tumingin silang apat sa akin kaya tumango lang ako.

"Miss Chinee, we are nearly approaching the airport." I was snapped back to reality when Ms. Kim, who's sitting beside me, talked.

Tiningnan ko lang sya at ngumiti naman sya sa akin. Hindi kami masyadong nakakapag-usap dati dahil lagi syang nakasunod kay Mrs. Shin. Pero sa mga pagkakataon na nagkikita kami ay lagi syang nakangiti sa akin.

Tumingin ako sa labas ng sasakyan. Malapit na nga kami sa airport. Natatanaw ko na ang mga naglalakihang building. Ilang oras na lang ay nasa Pilipinas na ulit ako. Hindi ko alam kung kailan ako muling makakatapak sa bansang ito. Hindi ako sigurado kung kailan ko ulit makikita ang mga nakilala ko sa lugar na ito.

Nang huminto ang sinasakyan namin ay magkasunod na kaming bumaba ni Ms. Kim ng kotse. Bumaba na rin si Mr. Yoo para bitbitin ang mga gamit ko.

"Have a safe flight Ms. Chinee." Sabi nito at may iniabot na puting sobre sa akin. "Manager Shin told me to give this to you and to apologize in her behalf for not sending you off today."

Sinilip ko ang sobre at nakita kong pera ang laman niyon in Philippine currency. Hindi ko inaasahan na bibigyan pa nila ako ng ganun. Kasi kagabi ay kinausap na ako ni Mr. at Mrs. Shin na sasagutin na nila ang lahat ng expenses ko hanggang sa maka-graduate ako. Magkakaroon din ako ng monthly allowance na ibibigay sa akin ng dean ng Mater Dei Philippine. Naiyak pa nga ako sa sobrang pasasalamat sa kanila. Basta daw ay mag-focus ako sa pag-aaral at bawasan na ang part time jobs na ginagawa ko para hindi ako masyadong mapagod.

"That would be your allowance for now. Ang iba ay yung assigned personnel na ang mag-aabot sayo."

"This is too much Ms. Kim but please tell them my sincere gratitude." Nginitian ko sya. "And thank you also for taking care of me while I'm here." May dinukot ako sa bulsa ng dala kong shoulder bag. Isang key chain iyon na nabili ko sa souvenir shop noong huling beses na mamasyal kami ni Sandeul. Nabigyan ko na rin noon si Yumi at ang B1A4.

"This is for me?"

"Yes." I smiled widely. "Can I hug you for the last time Ms. Kim?" Tanong ko sa kanya at tumango naman sya matapos titigan ang regalo ko. Hindi na ako nagdalawang-isip na lumapit sa kanya.

"Thank you." Sabi ko matapos ang yakap namin.

"You always remind me of someone when you smile like that."

"Sino po?"

Hindi sya sumagot. Nakatitig lang sya sa akin. Nakangiti sya pero hindi nakatakas sa akin ang mabilis na pagdaan ng lungkot sa mga mata nya.

Sino nga kaya iyong naaalala nya?

"I always wanted to have an older sister." Sabi ko sa kanya at ngumiti sya lalo.

"You can call me unnie, if you want."

"Really, unnie?" Excited na sabi ko. Hindi ko inaasahan ang pagiging warm nya ngayon. Kapag kasi kasama nya si Mrs. Shin ay tahimik lang sya at bihirang ngumiti kaya akala tuloy ng iba ay masungit sya.

"You just said it." Natatawang sagot nito. "You need to go now." Sabi nito at tumingin sa suot na relo.

This is it. I am really leaving.

Hawak ko na ang ang trolley ko at papasok na sana sa loob nang may isang van naman ang huminto kasunod ng kotse na sinakyan namin. Ilang sandali lang ay magkakasunod na lumabas doon sina Sandeul, Gongchan at Baro at patakbong lumapit sa akin.

Anong ginagawa nila dito? Ang alam ko ay may photoshoot pa sila ah kaya nga hindi na nila ako naihatid ngayon.

"We packed up early so we can see you before you leave." Hinihingal na paliwanag ni Sandeul sa akin. "I'm going to miss you wife." Sabi pa nito at niyakap na ako.

"Ah, I can't believe that our Chinee will be really leaving us now." Si Kuya Shinwoo iyon habang papalapit sa grupo namin. Nakasunod sa kanya si Jinyoung na tahimik lang habang nakatingin sa akin.

"Akala ko hindi ko na kayo makikita bago ako umalis." Naluluhang sabi ko sa kanila. Muli akong niyakap ni Sandeul, but this time ay nakulong na rin ako sa bisig nilang lima. Tahimik lang na nakamasid sa amin si Ms. Kim.

"Kung hindi lang talaga kailangan, ayoko na sanang umalis. I feel like I already had a family here." Sabi ko sa kanila. Nakayapos ang isang kamay ko sa bewang ni Kuya Shinwoo. Nakaakbay naman sya sa akin kaya nang lumapit ako kay Ms. Kim ay nahila ko rin sya. Iniyakap ko naman ang isa ko pang kamay kay Ms. Kim at salitan silang tiningnan. Pareho silang mas matangkad sa akin kaya nakatingala ako sa kanilang dalawa.

Bakit parang naiilang silang dalawa?

Binitawan ko na si Ms. Kim at muling yumakap kay Kuya Shinwoo. Siguro dahil boss ni Ms. Kim ang ina ni Kuya Shinwoo kaya sila nagkailangang dalawa. Sobrang saya ko kasi ngayon kaya hindi ko na iyon naisip.

"Call us when you arrived safely." Pahabol sa akin ni Kuya Shinwoo. Tumango lang ako at sinimulan nang hilahin ang trolley ko. Nakasave sa phone ko ang mga number nila at ganun rin ang ginawa nila sa mobile number ko.

"Update us from time to time." Bilin sa akin ni Baro. Kagabi ay sinabihan nila ako na mag-update sa mga social media accounts ko na hindi ko na nagawa mula nang dumating ako sa South Korea.

Naglalakad na ako papasok nang muli ko silang lingunin. Nakatayo pa rin sila at nakatanaw sa akin. Sa huling pagkakataon ay muli akong lumapit sa kanila. Una kong niyakap si Ms. Kim at nagpasalamat sa kanya.

Sunod si Gongchan, tapos si Baro at Sandeul. Pagkatapos ay si Kuya Shinwoo na ang lumapit sa akin at unang yumakap. Medyo matagal iyon hanggang sa narinig naming tumikhim si Jinyoung.

"I also need a hug." Nakangiting sabi nito kaya kahit nag-aalangan ay niyakap ko na rin sya.

"Take care Chin. I'll miss you." Mahinang bulong sa akin ni Jinyoung habang nakayakap sya. Naramdaman ko rin na dumampi ang labi nya sa leeg ko nang bahagya itong gumalaw. Nang magbitaw kami ay wala akong nagawa kundi ang titigan sya sa mga mata.

Tama ba ang narinig ko?

Ngumiti ulit sya at lumapit para halikan ako sa noo.

"Have a safe flight." Sabay sabay na sabi nilang lima.

Naipasok ko na sa X-ray machine ang trolley at shoulder bag ko. Nang muli ko silang lingunin sa huling pagkakataon ay hindi ko napigilan ang matawa dahil nag-pose sila ng gaya sa sprout dance nila at magkakasabay na sumayaw.

Pinagtinginan tuloy sila ng mga tao na dumaraan pero binalewala lang nila iyon. Kumaway ako sa huling pagkakataon para magpaalam.

This is going to be sad, but at least I had good memories with them.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro