33 - The Road
As soon as I stepped out of the center stage with Baro, I crushed into the open arms of Yumi who's standing beside Sandeul.
"Please help me make sense of what I just did out there." Sabi ko kay Yumi sa nanginginig na boses. Pagkatapos ng stunt na ginawa ko ay doon lang parang pumasok sa utak ko ang buong pangyayari.
"You should be proud of yourself. You did great." Tuwang tuwa namang sabi nito.
Humiwalay ako ng yakap sa kanya at pinakatitigan ang mukha nya. Naroon na si Mi Cha at nakisali sa umpukan namin.
"You're awesome Chinee. Para kang professional performer." Sabi nito. Smile visible on her beautiful face.
"I agree. Ang galing nyo kaya ni Baro kanina. Parang nag-practice talaga kayo para sa song na iyon. To think na ngayon lang naman kayo nagkita, diba." Yumi said.
Natigilan ako at napatingin kina Kuya Shinwoo na nagmamasid lang sa amin. Hindi kasi alam ni Yumi na kilala ko ng personal ang B1A4.
Biglang lumapit si Baro sa amin kaya natahimik ang dalawa. Naramdaman ko ang pagpisil ni Yumi sa braso ko. Si Mi Cha naman ay puno ng paghangang nakatingala sa kanya.
"You did great. It was an awesome performance." Mahina nyang tinapik ang balikat ko, ngumiti sa aming tatlo bago nagpaalam na aalis na.
When Baro is out of earshot, halos mabingi naman ako sa matitinis na tilian ng dalawa.
"What is with you Chinee? Manhid ka ba? Ni wala kang reaction sa ginawa nyang paglapit?" Sita sa akin ni Yumi. Pinalo pa nya ako sa braso.
Makahampas ang babaeng to, kala ata sa akin punching bag ako.
"Oo nga. Kung ako yung tapikin nya ng ganun, my gosh, hindi ako makakatulog talaga. I would treasure this day my whole life." Tila nangangarap na sabi ni Mi Cha.
"You know that I really like Jinyoung, right Yumi? Baka ganun nga ang reaction ko if it was him who approached me." Sabi ko na lang sa kanya.
Pero ang awkward kasi eh. Hindi ko alam kung ano ang iaakto ko sa harap nya.
"You're right. Kung si Sandeul din naman ang lumapit sa akin, baka himatayin na ako. Kanina nga na pinapanuod namin kayo, sobrang tensed ako na katabi ko sya eh."
Buti naman tinanggap nya ang pagdadahilan ko.
"Magbibihis lang ako." Paalam ko sa dalawa na hindi naman ako pinansin dahil busy pa sila sa pagkuha ng picture. Napailing na lang ako at tinungo ang daan papunta sa dressing room.
"Hi."
Nilingon ko ang isang lalaking bumati sa akin.
"Do you want to be a trainee?"
"Pardon?"
Naka-polo shirt at slacks ito. Kung titingnan ang physical appearance ay nasa mga early 30's na ang edad ng lalaki.
Tipid itong ngumiti pagkatapos ay may kinuha sa back pocket ng pantalon. Iniabot nya sa akin ang isang maliit na calling card at nagtatakang tiningnan ko lang iyon.
"I am a talent manager from Big Hit Entertainment. If you're interested, you can call me. I can see a lot of potential in you."
Pagkatapos ay nagpasalamat sya at umalis na. Sinundan ko lang sya ng tingin hanggang sa pumasok sya sa dressing room nina Baro.
"Ano yan?"
Tiningnan ko si Yumi nang basta na lang nya kinuha mula sa akin ang maliit na piraso ng papel.
"From Big Hit. Bakit meron ka nito?"
Nagkibit balikat lang ako. Hindi nito kasama si Mi Cha ngayon.
"Wait!" Biglang nanlaki ang mga mata nito. Nagpapalit palit ang tingin mula sa mukha ko at sa calling card na hawak nya. "Don't tell me..."
Nagtatalon ito habang impit na tumitili. "OMG!!! You got an invitation to be their trainee? You should never let it slip. It's your chance to fame." Excited na sabi nito.
Napailing na lang ako at nauna nang pumasok sa dressing room para magbihis.
Trainee?
Yun yung ginagawa ng mga girl group at boy groups diba. Sa ganun galing ang B1A4.
"C'mon Chin. It's a once in a lifetime chance. You'll be famous here. You got the talent. You're pretty, you can dance. You have a great voice. You can do it."
I just smiled at Yumi at ipinagpatuloy na ang pagkolekta ng mga isusuot ko pauwi.
"I'll think about it." Final na sabi ko bago pumasok sa isang cubicle para magbihis.
Fame? Yeah, it's tempting.
"Seriously, you should think about it."
I pout infront of the mirror while looking at Yumi through our reflections. Tapos na akong magbihis at inaalis na lang ang excess make-up ko. Nagkakagulo na rin sa loob ang ibang contestants na nagbibihis.
"This is not so common that you got a personal invitation, Chin. Yung iba, talagang nag-undergo pa ng audition. Pipila ng matagal just to get noticed. But you," muli nitong sinulyapan ang card at buntong hiningang bumaling sa akin. "You just don't know what landed infront of you."
"I haven't turn the invitation down. Ang sabi ko pag-iisipan ko. Sa ngayon, gusto ko na muna'ng umuwi at matulog. This activity is really tiring."
Kinuha ko na sa kanya ang card at ipinasok sa bulsa ng bag ko. Baka kasi hindi nya ako tantanan habang hawak ang papel na iyon. Sumimangot na lang sya at pinanuod ako habang nag-aayos.
After dropping the topic off, mabilis nanamang na-divert ang atensyon ni Yumi sa ibang bagay. Hindi talaga sya napapagod na magsalita kapag Kpop Idols nya ang pinag-uusapan. Somehow, ay naiintindihan ko sya. Kasi madaldal din naman ako sa mga ka-chat ko online kapag ang topic ay ang B1A4. Pero in person, back in Phillipine ay halos wala akong makakwentuhan. Hindi kasi mahilig sa ganun si Remarie at wala naman akong ibang kaibigan maliban sa kanya.
"Let's go." Aya ko sa kanya. Hindi ko na sya pinatapos sa kwento nya about sa cafe. Namimiss ko lang kasi ang part-time job ko doon.
Nasa labas na kami nang magpaalam sya dahil may naiwan daw sya sa dressing room, kaya huminto ako sa paglalakad at hinintay muna sya.
"Chin."
"Kuya Shin."
"Sabay ka na sa amin pag-uwi. Gabi na rin eh."
"Kasama ko si Yumi. Magsa-subway na lang kami."
"Isama mo na lang sya. Let's just pretend that we don't know each other."
Gusto ko sana talagang sumabay na kasi nakakapagod na talaga at sobrang inaantok ako, pero inaalala ko rin naman ang privacy nilang lima.
"CNU-oppa." Yumi shrieked behind us kaya sabay kaming napalingon ni Kuya Shinwoo. Hindi ko namalayan na nakabalik na pala sya.
"Hi." Alanganin syang binati ni Kuya Shinwoo seeing the excitement in her actions. "Pauwi na kasi kami at nakita kong mag-isa siya. So I offered to take her home." Paliwanag nya kay Yumi.
"Okay lang po kami." Patuloy kong tanggi. Pero nagulat ako nang bigla akong hampasin ni Yumi sa likod kaya hindi ko naiwasan ang tapunan sya ng masamang tingin. Pati si Kuya Shinwoo ay nagulat din.
"Sure, you can take us home. Pero kahit sa subway na lang tapos dun na kami sasakay pauwi." Nakangiting sagot nito.
"Saan ba ang bahay nyong dalawa?"
Sinabi ni Yumi ang mga lugar ng tirahan namin. We are actually on the opposite directions kaya after naming mag-bus ay maghihiwalay na kami sa subway.
"We'll take you home first since ikaw ang mas malapit dito. Then we'll take her next since her house is on the way to our dorm." Paliwanag ni Kuya Shinwoo. Sunud-sunod na tango naman ang sagot nito sa kanya.
Wala na akong nagawa pagkatapos noon. Nakasunod na kami kay Kuya Shinwoo hanggang sa marating namin ang service van nila na naghihintay sa parking lot. Pagbukas ng pinto ay naabutan namin na kumakain ng junk foods si Channie at Sandeul. Malapit sa driver's seat si Baro at nasa pinakalikod naman si Jinyoung.
"Ganito pala ang itsura ng loob ng van nila." Bulong sa akin ni Yumi pagkatapos libutin ng tingin ang loob ng sasakyan.
"Nakita ko lang sila so naisip kong isabay na dahil delikado na sa daan kapag gabi."
"Chin.." I suddenly warned Sandeul in calling my name. Nakuha naman nya agad iyon kaya tumahimik sya. Pagkatapos ay ngumiti kay Yumi.
Sumakay na kami sa van. Nauna si Kuya Shinwoo na tumabi agad kay Baro. Sumunod ako na sinabihan nilang sa likod na umupo, at si Yumi ay tumabi kay Sandeul dahil sya naman ang pinakaunang bababa.
"Wow, I still can't believe I'm seeing you up close, guys." Patuloy nito sa pagsasalita. Halos silang dalawa lang naman ni Gongchan ang nag-uusap.
Ako? Tahimik lang. Natetense kasi ako dahil sobrang tahimik lang din ng katabi ko. Nakatuon din ang atensyon nito sa cellphone. I awkwardly smiled when Yumi looked my way. Tapos nagpatuloy lang sila sa pag-uusap ni Gongchan, this time, with Sandeul na rin.
Congratulations on winning. You did great.
Napatingin ako kay Jinyoung matapos kong basahin ang nasa screen ng cellphone nya nang iharap nya iyon sa akin. Ngumiti pa sya bago tumingin kay Sandeul nang tawagin sya nito.
Hanggang sa marating namin ang lugar nila Yumi ay tahimik lang akong nakikinig sa kanila.
"Thank you for taking me home. Take care on your way." Sabi ni Yumi tapos kinausap ako saglit bago tuluyang nagpaalam sa aming lahat.
"Ang kulit ng kaibigan mo." Baling sa akin ni Sandeul nung kami na lang ang nasa sasakyan. Nginitian ko na lang sya at muling naidlip. Pagod na talaga ako. Tumahimik na rin naman silang lahat kaya alam kong pagod na rin sila.
Pero ilang sandali lang ay naalimpungatan ako nang maramdaman kong may nagtanggal ng suot kong salamin. Hindi ko naman magawang dumilat. Tapos bahagyang isinandal ang ulo ko sa isang malambot na bagay. Naramdaman ko rin ang mahinang paghaplos ng mainit na palad sa aking mukha, ang pahalik sa noo ko at ang pagpisil sa isang kamay ko. Tuluyan na akong nagising pero nanatiling nakapikit.
Hindi ko mapigil ang sobrang kaba.
What are you doing Jinyoung?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro