Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

30 - Rooftop Conversation

Ang tahimik ng paligid. Medyo malamig ang hangin. Street lights lang ang nagsisilbing ilaw sa labas. Panaka-naka lang ang nagdaraan na sasakyan sa kalsada sa baba.

Sinadya siguro ng management na dito mag-dorm ang lima para hindi masyadong expose sa mga tao.

Ang sarap sa pakiramdam ng hangin. Napatingala ako sa langit at napangiti. Ang payapa.

Humawak ako sa railing at muling sumilip sa baba.

"You aren't trying to jump, are you?"

Bigla akong natigilan. Hindi ko na kailangang lumingon pa para malaman kung sino ang nagsalita. Umayos ako ng tayo nang tuluyan syang makalapit.

"Okay na pakiramdam mo?" Tanong nya sa akin. Tumango lang ako.

Nasaan na si Ericka?

Okay na ba kayong dalawa?

Ang hopeless ko. Hindi ko kayang itanong sa kanya ng harapan ang mga gusto kong malaman.

"Ericka and I officially ended our relarionship."

Napatingin ako nang sabihin nya iyon. Tumingin din sya sa akin tapos ngumiti.

"It is bound to end anyway."

Pero bakit parang ang lungkot mo?

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ko.

"I'm fine."

You don't need to pretend you are fine, if you're not.

"Sorry sa nangyari sa inyo ni Ericka."

"Bakit ka nagso-sorry? Hindi naman ikaw ang dahilan kung bakit kami naghiwalay."

Alam ko! Asa naman ako diba!

"Next time na lumapit sya ulit sa iyo, umiwas ka na lang. Muntik ka na nyang saktan kanina."

"Hindi mo kasi sya kinakausap kaya sya nagkaganun."

"Matagal na kaming nag-usap. Naging busy lang kami pareho. We thought of cooling our temper down first bago mag-usap ulit. Pero hindi na talaga pwedeng maayos."

"Totoo ba ang video?"

Alam kong totoo ang video, kay Ericka na mismo galing iyon. Pero gusto kong malaman ang side ni Jinyoung.

"Let's not talk about it." Ipinasok nya sa magkabilang bulsa ang mga kamay nya at ngumiti ulit sa akin.

Bumuntong hininga ako. At least kahit papaano, nakikita kong may repseto pa rin sya sa ex-girlfriend nya kahit ganun ang ginawa sa kanya.

Real men don't talk around about their failed relationships nor give bad opinion about it, in respect of their exes. Even at the expense of their own image.

Malas lang na hindi nagawang pahalagahan ni Ericka ang pagmamahal ni Jinyoung sa kanya.

"Baba na tayo, kakain na. Ako lang ang nautusan na tumawag sayo dito dahil busy silang lahat."

"Sino'ng nagluto?"

Usually kasi ay si Kuya Shinwoo at Jinyoung ang nagluluto eh.

"Baro." Tapos nagsimula na syang maglakad patungo sa pinto.

Napakunot noo ako. Si Baro?!

Pababa na kami sa first floor nang biglang huminto si Jin sa huling step ng hagdan at humarap sa akin.

Nakasunod lang ako sa kanya kaya nagulat ako sa pagharap nya. Napahawak tuloy ako sa balikat nya.

"I'm sorry." Nahihiyang binawi ko ang mga kamay ko.

"What are you thinking?"

"Huh?"

May isang baitang lang ang pagitan namin kaya medyo mas matangkad ako sa kanya ngayon. Pero humakbang sya paitaas kaya nagpantay na tuloy kami.

Walang nagsasalita sa aming dalawa. Nakatitig lang kami sa isa't isa.

What am I thinking?

Makakapag-isip pa ba ako ng ibang bagay kung ganitong ang lapit lang nya sa akin?

"Chinee."

Pangalawang beses na nyang nasabi ang totoong pangalan ko simula noong magkakilala kami.

Pero pagkatapos nyang banggitin ang pangalan ko, hindi na ulit sya nagsalita. Tumalikod na lang sya at tuluyan nang pumasok sa loob habang naiwan naman akong nagtataka sa mga kilos nya.

Naabutan kong nag-iingay sa kusina ang lima.

"Chinee-ya, com'on let's eat."

Iginiya na ako ni Sandeul paupo sa mesa habang inaayos pa ni Baro at Channie ang mga plato. Si Kuya Shinwoo ang in-charge sa pag-aayos ng mga pagkain.

"Ano'ng meron? Bakit ang daming pagkain?"

"Si Baro-hyung, gusto yata magpaimpress. Ang daming sinubukang lutuin." Sagot ni Channie na kakaupo lang.

Napatingin ako kay Baro na tahimik lang na nakangiti. Umupo na rin sya sa kabilang side ng mesa katapat ko, katabi si Gongchan. Nasa magkabilang dulo naman si Jinyoung at Kuya Shinwoo.

"Bakit gusto mong matutong magluto?" Biglang tanong ni Kuya Shinwoo.

"Sinipag lang ako."

Bigla akong nailang nang tumingin sa akin si Baro. Pagkatapos kasi nya akong halikan kanina, nahiya na akong harapin sya kaya tumakbo ako sa kwarto ko at hindi na lumabas hanggang sa magsidatingan na silang lahat.

Gosh! I freaking respond to his kisses. At hindi lang iyon basta smack.

Nagsimula na kaming kumain at puro papuri ang natanggap ni Baro mula sa amin. Masarap naman kasi talaga.

"This is really delicious, hyung." Sabi ni Channie habang humihigop ng soup.

"Pwede ka na mag-girlfriend." Sabi ni Sandeul na nag two tumbs up pa at bumaling sa akin. "Right, Chinee?"

Nailang ako. Ang kulit ni Sandeul, bakit ba kailangan pa nya akong isama sa usapan?

"Eat a lot Chinee, and grow taller." Sabi ni Baro at naglagay ng isang beef strip sa plato ko, na kinuha naman ni Sandeul at mabilis na isinubo. Nagreact silang lahat, pero tumawa lang ito.

"Chinee's on a diet. May sasalihan kasi syang cosplay at kailangan nya maging fit."

"Cosplay event?"

Akalain mo yun, nagchorus pa silang apat. Tumango lang ako. Si Sandeul lang kasi ang nakakaalam nun, dahil sya lang naman ang lagi kong kakwentuhan eh.

"Anong character mo ngayon?"

"Gusto ko yung sa war of rings. Kaso ayaw ni Sandeul, the costume's too revealing daw." Napasimangot ako.

"I have to protect my wife." Simpleng sagot nito at umakbay sa akin.

"Hey! Stop calling her your wife."

"Why? Endearment ko yun kay Chinee."

Oo nga naman. No one's taking us seriously naman. Nung una lang ako nailang, pero pag nasa dorm at tinatawag ako ni Sandeul nang ganun, nasanay na rin ako katagalan.

"Just don't call her that." Halos pabulong na sabi ni Baro at tinuon na ang pansin sa pagkain. Nakasimangot ito habang tahimik na sumusubo.

"Ikaw nga, sinabi mo sa school na girlfriend mo sya." Singit ni Gongchan sa usapan. Lumalabas nanaman ang kapilyuhan nya.

Masamang tingin ang ipinukol sa kanya ni Baro nang tusuk-tusukin ni Gongchan ang pisngi nito. Pero hindi pa rin ito nagpaawat.

"Chinee, kapag nakulitan ka na sa kanila, isumbong mo sa akin. Paparusahan ko sila."

"Thank you, Shinwoo oppa." Nakangiti kong sagot at tinapos na ang pagkain.

Si Gongchan ay tinigilan na si Baro pero kinukulit nanaman nito si Jinyoung ngayon.

Pagkatapos ng masarap na hapunan, nagtutulakan naman sila sa paghuhugas ng plato.

"Rock, paper, scissor..."

Napapailing na lang ako habang pinapanuod sila. Para talaga silang mga bata.

Tumayo na ako at sinimulang iligpit ang pinagkainan. Ako na ang nag-volunteer tutal at sila naman ang nagluto.

Pinaalis ko na silang lahat sa kusina para makapagsimula ako ng tahimik.

Pero habang naghuhugas, bigla na lang tumabi sa akin si Baro at nakihugas na rin.

Nagtatakang tiningnan ko sya.

"Don't give me that stare. It is tempting me to kiss you now."

Ayan nanaman ang kaba ko. Langya ka talaga Baro.

"Ahhh..." Hingang malalim. Kalma lang, heart. "Nasaan sila?"

"Nasa rooftop."

A moment of silence again...

Ano'ng sasabihin ko? Ang tahimik. Bakit kasi hindi sya nagsasalita?

Hindi na ako halos nakagalaw dahil nakatanga lang ako sa kanya kaya sya na ang tumapos ng hugasin. Pagkatapos ay hinuli nya ang dalawang kamay ko at itinapat sa gripo para alisin ang bula doon.

Nakatanga lang talaga ako hanggang sa kumuha sya ng towel para tuyuin ang mga kamay ko.

Bakit ka ba ganito ngayon? Mas sanay ako na nag-aasaran tayo eh.

"Sa rooftop na tayo." Nakangiti sya sa akin. Tumango lang ako at wala sa sarili na naglakad na.

"Chinee-ya."

Napatigil ako. Naglakad sya para humarap sa akin.

"I really can't take Sandeul calling you his wife. But it ticks me off when you look at Jinyoung-hyung admiringly. Can you just look at me now?"

Tiningnan ko sya sa mga mata at ngumiti naman sya. Biglang parang tumalon ang puso ko.

I left my country admiring Jinyoung, aiming to meet him to tell him in person my feelings towards him. But I just can't ignore this guy infront of me.

I think I'm having my change of heart.

Oh heart, you're in big trouble.

07092017.1226H

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro