Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

27 - The Betrayal

AN** Thank you sa bagong book cover ko made by Crystalofthenight .. Ang bait mo po, close na tayo ah. hehe, pero super type ko din yung 2nd pic mo. Sana maisingit si Chobit. hahaha, teinkz ^^,

clap clap clap
now playing : In a dream by B1A4.

--

School day again.

Naghahanap ako ng safe spot na pwede kong puntahan para makakain ako ng tahimik at payapa. Ayoko muna kumain sa cafeteria dahil siguradong makikita ko nanaman yung mga babaeng nang-away sa akin kahapon.

Nagkautang na loob tuloy ako kay Baro nang wala sa oras dahil sya ang bumili ng bagong salamin at contact lens ko.

May mini garden sa likod lang ng building na malapit sa south entrance gate. Walang ibang estudyanteng naroon kaya doon ko naisip na kumain. Napapalibutan ang maliit na garden ng mga bulaklak, may water lily pond at may wooden bridge sa ibabaw para makatawid sa kabilang panig ng pond. Sa kabila ay may isang bench na nasisilungan ng mayabong na puno na kulay orange ang bulaklak.

Napangiti ako nang mapagmasdan ang buong lugar. Apat na buwan na ako sa Mater Dei Seoul pero ngayon ko lang nakita ang lugar na iyon.

"Excuse me."

Gulat na napalingon ako nang may magsalita mula sa likod ko.

"Ericka."

She's not smiling unlike the first time we met.

"Have you seen Jinyoung?"

Umiling lang ako. This girl never fails to awe me. Kahit expressionless sya habang nakatingin sa akin, ang ganda pa rin talaga nya.

"Binigay mo ba ang letter sa kanya? Bakit hindi pa rin sya tumatawag?"

Hindi pa rin sila nag-uusap? Pero sigurado akong nabasa ni Jinyoung yung sulat na nilagay ko sa locker nya.

"We need to talk about the issue. It's his fault anyway." Pagmamaktol nya. Nagulat ako nang dumukot sya sa dalang shoulder bag at maglabas ng stick ng sigarilyo.

"Bawal..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko sana dahil bigla nya akong tiningnan ng masama.

"Do you really want to help me? Why is he not coming?"

"I really gave him the letter."

Not directly but at least I knew he read it.

Mahina akong napaubo nang umabot sa gawi ko ang usok ng sigarilyo ni Ericka.

"This situation is really pissing me off." Nagbuga nanaman sya ng usok.

"Can I ask a question?"

Tumingin sya sa akin, kaya medyo nag-alangan na ako pero tumango naman sya kalaunan.

"When you said that it was Jinyoung's fault, what do you mean by that?" I hesitantly ask her. I don't want to sound inquisitive but my curiosity got the best of me.

Nagulat ako nang bigla syang tumili at parang inis na inis. Nakakuyom din ang dalawang kamao nya, wala na ang kanina'y hawak nyang stick ng sigarilyo.

"This is so frustrating! Is he avoiding me now? If only he gave me much time, I wouldn't be looking for someone else's attention. This issue won't come up. This is all Jinyoung's fault. I really hate him."

Napakunot noo ako. Tama ba ang narinig ko?

"Do you mean that the video is true? It is really you in that leaked scandal?" Biglang nag-init ang tenga ko sa narinig ko mula sa kanya.

Bakit nya nagawa yun? Bakit si Jinyoung pa?

Pero hindi na nakasagot si Ericka. Parang nabigla din sya sa mga sinabi nya.

Napanuod ko ang video dahil pinakita iyon sa akin ni Yumi bago ako mag-resign sa part time job ko. Kung tutuusin, napilitan akong mag-resign dahil nasangkot ako sa issue nilang dalawa. Well, all in all, nasangkot lang talaga kaming dalawa ni Jinyoung sa issue na iyon ni Ericka at nung kasama nya sa scandal.

"Tell me, do you like Jinyoung?"

Natauhan ako dahil sa tanong nya. Yung malambing na ngiti nya nung una nya akong lapitan, napalitan ng pagkainis dahil hindi sya kinakausap ni Jinyoung. Pero ngayon, matinding galit naman ang makikita sa mga mata nya.

Bigla akong nakaramdam ng panliliit nang tingnan nya ako mula ulo hanggang paa.

"You like Jinyoung for yourself that's why you're not helping me to talk to him. You are hiding him from me. Is that it?" Akusa nya sa akin.

"You are wrong. I'm not--"

Napapikit ako nang akma nya akong sasampalin, bahagya ko ring iniiwas ang mukha ko habang inaasahan ang pagtama ng kamay nya sa akin.

"You finally came."

Hindi dumating ang sampal nya. Muli akong dumilat at napatingin kay Ericka.

Pero sinalubong ako ng malapad na likod ni Jinyoung. Umayos ako ng tayo nang tumungin naman sya sa gawi ko habang hawak pa rin ang pulsuhan ni Ericka. Naharang pala nya ang sampal na para sa akin.

"Are you hurt?"

Umiling ako.

"What are you doing here?" Tanong nya nang balingan naman ang nobya.

Marahas na binawi ni Ericka ang kamay nya mula sa pagkakahawak ni Jinyoung.

"What are you doing?" Isang nang-uuyam na tingin nanaman ang ibinigay ni Ericka sa akin bago muling bumaling kay Jinyoung.

"Be careful of your actions here. People might see you."

Mukhang nakinig naman ang babae dito dahil kumalma na ito.

"I've been waiting for you. Why aren't you calling?"

Gusto kong mapailing. Kasi yung mabagsik na boses nya habang kausap ako kanina, napalitan ng lambing nung si Jinyoung na ang kausap nya.

Walang lingon-likod na silang iniwan ako sa kinatatayuan ko. Nakayapos pa ang isang kamay ni Jinyoung sa bewang ni Ericka habang papunta sila sa kotse nito.

Wala akong ibang magawa kundi ang pumalatak na lang habang pinagmamasdan sila palayo.

Ganun na lang iyon?

Nagkita lang kayo, parang nakalimutan nyo na ang ibang tao sa paligid nyo?

Naiinis ako.

Ganun ba nya kamahal si Ericka para magbulag-bulagan sa mga maling ginagawa nito? Sa babae na mismo galing na totoo ang video scandal nito. Pinagtaksilan nya si Jinyoung, pero tanggap lang iyon ni Jinyoung?

Nakakainis kayo! Bagay nga talaga kayong dalawa na magsama!

Sigaw ko sa sarili ko. Wala na akong ganang kumain

What was that popular phrase again?

The dumb and the dumber.

The dumb Ericka Lemoine, for cheating on Jinyoung. And the dumber Jinyoung for still believing in Ericka.

Such losers!

Muli kong ibinalik sa bag ang packed lunch ko at naglakad na pabalik sa classroom.

Pero hindi pa man ako nakakarating sa main building ay naharang nanaman ako nung dalawa sa apat na babae na nakaharap ko kahapon. Hindi ko alam ang mga pangalan nila pero alam kong sikat sila sa school.

"Hey you!"

Not again please!

I rolled my eyes.

Sasagutin ko pa lang sana sila nang biglang may humila sa shoulder bag ko. Dahil dun napaupo ako sa ground tapos nagtatawanan silang apat, looking down at me.

Tumingin ako sa paligid para sana humingi ng saklolo pero yung ibang estudyante, titingin lang tapos maglalakad na ulit palayo.

"Ibalik nyo na ang gamit ko. Sobrang damage na ang naibigay nyo sa akin kahapon."

"That's the price you got to pay for your actions."

Tapos inihagis nila ang bag ko dun sa isang nag-aabang na lalaki.

"You want it?" He asked, teasing. He even waved my bag infront of me.

Mas malala pa sila sa mga bully sa school na pinanggalingan ko.

"Bring it back!" Tumayo na ako at hinabol ang lalaki na mabilis namang nakatakbo palayo.

Hindi ko alam kung saan kami napunta basta kahit hinihingal ay pinilit kong makahabol.

Hanggang sa makarating kami sa pool area ng school.

Pagpasok ko ay nasa bleachers na ang lalaki, hawak pa rin ang bag ko.

I hesitantly went inside while looking at the wide swimming pool.

"C'mon, get it."

Sigaw ulit nung lalaki. Sinamaan ko sya ng tingin habang naglalakad palapit.

There's no other way kundi ang dumaan sa gilid, pero nagsisimula nang mangatog ang mga tuhod ko.

Hindi ko alam kung kelan ko na-develope ang takot ko sa tubig pero at the mere sight of this pool, lalo kung iisipin na malalim yun ay pinanghihinaan na agad ako ng loob.

The man shouts louder, teasing me.

Tumingin ulit ako sa kanya, determinadong mabawi ang gamit ko.

Pero kung kailan naman malapit na ako ay bigla akong nabuwal at bumagsak sa tubig. May tumulak sa akin. Tapos narinig ko ang mataganting na tawanan nung apat na babae.

Nagkakawag pa ako, shouting for help. But the guy with my things, together with those four mean girls I encountered yesterday just laugh at me.

Fear starts to creep inside me.

Is this the end?

Hindi ko alam kung anong vision ang nakikita ko. Basta madilim, it feels like someone is inside a very closed compartment, crying her heart out, screaming for help, wanting to be free.

Someone can't breath.

Then I can't breath.

I'm slowly going down deeper into the bottom.

I'm drowning.

Then everything went black.

07022017.1003H

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro