26 - Confusions
Baro kept on pulling me until we reached the gate, unmindful of the other students we came across with. Pagdating doon ay naroon na rin si Mr. Yoo at naghihintay.
"Yung mga gamit ko, naiwan pa sa locker." Sabi ko kay Baro nang makasakay na kami sa backseat. He fished for his phone in his pocket and dialled a number.
"Sandeul-ah..." He said after someone answered his call. Nakinig lang ako sa usapan nila habang inaayos ang sarili ko.
"Sandeul will take care of your things." Sabi nya sa akin pagkatapos ng tawag at bumaling na kay Mr. Yoo. May sinabi syang lugar na hindi ko naintindihan.
Habang nasa byahe ay tahimik lang kaming lahat. Tapos huminto kami sa isang mall.
"What are we doing here?" Tanong ko sa kanya nang makababa na kami. Nakasunod lang ako kay Baro.
"We'll buy you a new glasses and contact lens. I know you can't see clearly without those on." Paliwanag nya at nagpatuloy na sa paglalakad pero napahinto ako.
Wala akong pera. Ano'ng gagawin ko?
Siguro ay naramdaman ni Baro na hindi na ako nakasunod sa kanya kaya sya lumingon. Marahan kong humakbang palapit sa kanya.
"I don't have money now." Alanganing pag-amin ko sa kanya. Napailing lang si Baro at hinila na ulit ako papasok sa shop ng mga salamin.
Kinausap lang nya ang receptionist tapos pinasunod na ako sa loob ng isang maliit na kwarto na clinic pala. Tiningnan nila ang grado ng mata ko tapos binigay ko sa kanila ang sirang salamin ko. Okay pa naman ang lens nun eh, pero mas maganda siguro na ma-check up na ulit ang mata ko. Pagkatapos ng halos isang oras ay pinalabas na ako at sinabihan na maghintay na lang.
"Okay na?"
Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Thanks."
"I'm hungry. Let's grab something to eat." Sabi lang nya tapos hinila nanaman ako. Ilang food shop ang dinaanan namin pero hindi pa rin kami humihinto. "What do you want to eat?"
Hindi ako makapag-decide. Isa pa, ayokong magdecide kasi wala naman akong pambayad. Bahala na sya kung ano ang magustuhan nya.
"Oppa!"
Sabay kaming napalingon nang may babaeng sumigaw at patakbong lumapit sa amin. Tiningnan ko si Baro kung sya ba ang tinatawag at nakatingin naman sya sa babae.
"Oppa, I knew it was you even from afar." Malaki ang ngiti nito habang nakatingin kay Baro.
Fan?
"Who are you with?" Tanong nito sa bagong dating. Balik tingin ako kay Baro.
"I'm with mom. We're buying something for our house." Sabi nito tapos tumingin sa akin.
"This is Chinee." Sabi nya sa babae tapos bumaling sa akin. "This is Yoon-ji, my younger sister."
Nanlaki ang mata ko. Yung cute na babaeng yun, kapatid ni Baro?
"Nice meeting you, unnie." Nakangiti pa rin ang babae. Tapos may dumating na older woman na ipinakilala naman sa akin na mommy nilang dalawa. After some more introductions, we decided to eat on Pasta House since yun ang gusto ni Yoon-ji.
"Are you also a trainee that oppa is dating now?"
Napakunot-noo ako sa tanong nya at tiningnan si Baro. Hinihintay na lang namin ang mga order namin.
"No! We're not dating. He just helps me on something." Paliwanag ko sa kapatid ni Baro. Bigla akong kinabahan kasi nakatingin sa akin yung mommy nila. Alanganin tuloy akong ngumiti.
"Yoon-ji is a trainee under Shin Entertainment."
Balik tingin ako sa kapatid nya. Ang bata pa nya tingnan. Siguro three years ang age gap naming dalawa.
"Chinee's an exchange student from Philippines. She's living with Shinwoo-hyung." Paliwanag nito sa kapatid, tapos napansin ko na biglang parang kuminang ang mga mata ni Yoon-ji.
"Really, so how was Shinwoo-oppa? He's the most handsome member of B1A4. Do you agree?"
"Yeah. He really is. He's also the most kind of all members."
"Hey, I bought you new pair of glasses just now." Singit sa amin ni Baro. Hindi namin sya pinansin. Patuloy lang kami sa kwentuhan na ang main topic ay si Kuya Shinwoo. I guess, Yoon-ji had a crush on him. Kasi naman, halos lahat ng feature ni Kuya Shinwoo alam nya. Pati pagngiti, pag tahimik lang. Kapag inaantok. She seemed like a love sick teenager, and I can't really blame her.
After our delightful meal, nagpaalam na kami sa kapatid at mommy nina Baro. Mabait din ang mommy nila kahit na medyo tahimik. Pagkatapos ay bumalik kami sa shop para kunin ang eyeglass at contact lens ko.
Pagkatapos kong isukat ang lahat ng pinagawa namin, binayaran na agad ni Baro ang mga iyon at nag-aya nang umuwi.
May good side din naman pala si Baro. Nakita ko kung gaano sya ka-close sa kapatid nya. Kahit na medyo nagsusungit sya lalo na kapag pinagbabawalan si Yoon-ji na magka-crush kasi 16 pa lang daw sya, dinadaan lang iyon sa biro ng kapatid nya. Nakakatuwa pa la syang maging kuya.
Nasa escalator na kami pababa nang matanaw ko ang arcade malapit sa entrance ng mall. Kaunti lang ang mga naglalaro doon.
"Do you want to stop by?" Nagulat ako nang bigla syang magsalita malapit sa tenga ko. Tumama pa ang mainit na hininga nya sa batok ko kaya medyo kinilabutan ako. Para kasing may gumapang na kiliti sa likuran ko nang magsalita sya.
Mabilis ko syang nilingon pero napaiwas din ako dahil ang lapit na ng mukha nya sa akin. Naramdaman ko nanaman ang kamay nya sa balikat ko nang tuluyan na kaming makababa sa first floor ng mall. Tapos iginiya na nya ako papasok sa arcade. Bumili sya ng maraming token at ibinigay lahat sa akin.
"Let's have fun now." Sabi nya, bumalik nanaman ang pagiging makulit ng aura nya. Kanina kasi ay pinipilit nyang magpaka matured na kuya sa harap ni Yoon-ji. "Where do you want to go first?"
Maraming game machines, may mga video games pero ang nakaagaw ng pansin ko ay mga mga booth na nasa kabilang panig.
Maraming game machines, may mga video games pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang mga booth na nasa kabilang panig.
"Whenever I'm down, I always wanted to shout. But I can't do it here, so let's just sing."
Nauna na ako sa isang closed booth. Nagpa-assist lang kami sa attendant tapos ako na ang pumili ng mga kanta. Buti na lang may mga English songs din sila. Yung first 2 songs ay nakikinig lang sya sa akin. Tapos sya naman ang nag take over sa microphone at ako naman ang tahimik na nanunuod.
Baro had this deep, sexy and soothing voice kapag seryoso sya sa pagkanta. Hindi ko maiwasan ang titigan sya habang kumakanta. Pero kinakabahan din naman ako kapag sumusulyap sya kaya pasimple akong nag-iiwas ng tingin.
Heart, bakit ganyan ka? Masyado ka nang nagpapaapekto sa presensya ni Cha Baro. Hindi dapat.Pero kasalanan din ito ng mga mata ko na laging nakatitig sa kanya. At kasalanan ng utak na napapadalas ang pag-iisip ng mga magagandang bagay tungkol sa kanya.
"Your turn." Medyo nagulat pa ako nang itapat nya sa akin ang mic. Hindi ko na napansin na tapos nap ala syang kumanta. "Make me proud." Bulong nya nang tanggapin ko ang mic.
~~
'Cause if the water dries up and the moon stops shining
Stars fall, and the world goes blind, boy
You know, I'll be savin' my love for you, for you
'Cause you're the best mistake I've ever made
But we hold on, hold on
There's no pot of gold in the rainbows we chase
But we hold on, hold on...
~~
Bakit si Baro ang naiisip ko habang kinakanta ko ito?
Bakit bigla akong naguluhan sa nararamdaman ko?
AN** Hey BANAs like me out there. Napanuod nyo na yung concert ng B1A4 na The Class. Umiiyak sila habang kinakanta yung The Road. Matagal na yan, pero pinanuod ko lang ulit.. Keep reading ♡♡
Gusto kong yakapin si Sandeul.07012017.21:17H
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro