Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

22 - You are my girl


Pag-akyat ko sa rooftop, nakita ko agad si Jinyoung na nakatayo habang nakasandal sa railing. Yung dorm kasi nila ay parang isang maliit na building. First floor ang parang pinakabahay. Second floor, yung parang mini gym dahil sa maliliit na gym equipments at nagsisilbing practice room na rin nila. Third floor ay ang open air rooftop. May mga halaman doon at isang umbrella type cottage kung saan minsan nakatambay ang grupo.

"Bakit ang tagal mo?" Agad na tanong nya sa akin nang magkaharap na kami.

Magpa-flashback na ba ako?

Langya naman kasi ang lalaking to eh. Sulatan ba naman ako gamit ang Korean letters. Nag-abala pa akong i-search sa net ang ibig sabihin ng sulat nya. Kaya wag nya kong sisihin kung bakit ang tagal ko.

 
 
I'm sorry. Please come to the rooftop. Let's talk.

- Jin

Yan lang pala ang note, pinahirapan pa ako. I rolled my eyes, remembering the note. At bakit kailangang sa rooftop pa?

"Ano'ng pag-uusapan natin?" I simply asked habang naka-crossed arms sa harap nya.

Hindi nanaman sya nagsalita. Nakatingin lang sya sa akin habang tipid na nakangiti.

"You look at ease with me now." Sabi nya imbes na sagutin ang tanong ko. I raised a brow with that.

Ano nanaman ba ang trip nito?

"Kung wala ka naman palang sasabihin, babalik na ko sa loob at matutulog."

Tumalikod na ako sa kanya at nagsimulang maglakad pabalik sa loob. Akala ba nya por que nginitian nya ako at pinakatitigan ng magagandang mga mata nya, magiging okay na ulit kami?

No way! Pagkatapos nya akong sigawan kanina na pumasok sa kotse, pagkatapos nyang hindi ako pansinin habang nasa byahe. Pagkatapos nyang--

"Chinee-ya."

Natigil ang paghakbang ko. Tama ba ang narinig ko? Tinawag ba nya talaga ako sa totoong pangalan ko? Hindi iyon basta imagination ko lang?

Lilingunin ko na sana sya nang maramdaman ko ang pagyakap nya sa akin mula sa likuran ko.

Hindi na ako nakagalaw. Nakatulala lang ako at nararamdaman ko nanaman ang malakas na tibok ng puso ko.





Gakkeumssik himi deul ttaen
Nae eokkaee gidae billyeojulge
Ojik neomani naega pillyohal ttaen
Saranghae neol saranghae
I mal hanmadiron bujokhae
Jichyeo himdeul ttaen
Ni nuneul bomyeon dasi tto utge dwae my baby


Napakunot noo ako nang marinig ko syang kumanta. Ano ba yung kinakanta nya? Hindi ko pa yun naririnig sa kanila dati eh.

Pero kahit ganun, hindi nun maitatago ang ganda ng boses nya. Kung sana alam ko lang ang ibig sabihin nung kinakanta nya.

Pagkatapos nun ay naramdaman kong bahagyang humigpit ang yakap nya sa akin bago nya ako pakawalan at harapin.

He's now smiling widely while looking at me. Nahawa tuloy ako sa ganda ng ngiti nya kaya napangiti na rin ako.

"Do you love it?"

Tumango ako kahit di ko naman talaga naiintindihan yung kanta nya. Ang hopeless ko talaga kapag kaharap ko sya.

I love you.

Sabi ko sa utak ko habang nakatingala lang sa kanya.

"Let's go back. Gumagabi na." Hinila na nya ako papasok sa loob.

Bakit ganyan ka Jinyoung? Baka masanay na ko sa paghawak mo sa kamay ko. Baka hindi ko na gustuhing bumitaw. Nakakainis ka.

Ni-lock na nya ang pinto at sabay na kaming naglakad pababa sa first floor.

Dahan-dahan pa kaming naglakad sa sala kasi baka magising ang mga kasama namin.

"Goodnight." Sabi nya nung nasa tapat na kami ng kwarto ko.

"I don't think I like the sound of that goodnight." Pabirong sabi ko sa kanya tapos mahinang kinanta ko sa ang lyrics ng song nila na Baby Goodnight.

"Please don't use our song against me now. This is different." Tapos kinulong nya sa dalawang kamay ang mukha ko at bahagyang itiningala sa kanya.

"Goodnight." Sabi nya at hinalikan ang noo ko.

Nakatulala lang ako kahit nagpaalam na sya at pumasok na sa kwarto nila. Nung marinig ko ang pagsara ng pinto, dun lang ako nabalik sa sarili kong katinuan.

Mabilis na rin akong pumasok sa kwarto ko at humarap sa salamin.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Nag-iinit nanaman ang magkabilang pisngi ko at nararamdaman ko pa rin ang malambot na mga labi ni Jin sa noo ko.

Waaahhh ... Talaga bang hinalikan nya ako? Hindi pa rin ako makapaniwala.

Si Remarie! Kailangan kong makausap ang bestfriend ko. Tulog na kaya sya? Agad kong hinanap ang phone ko at nag-online. Kaso 5 hours offline na si besh.

Awtz, gusto ko nang magkwento sa kanya. Miss ko na sya. Nahiga na lang ako sa kama ko at pumikit.

Siguradong maganda ang panaginip ko nito.

--

Morning came.

Akala ko maaga na ako sa paggising ng 6AM kaso may mas maaga pa pala sa akin. Sa sobrang engrossed nya sa ginagawa, hindi na nya napansin na nakaupo na ako sa mesa at pinagmamasdan ang malapad na likod nya.

"Oh, andyan ka na pala." Sabi nya pagharap sa mesa para isalin ang sunny side up egg.

"Yeah, kanina pa." Nakapangalumbabang sagot ko sa kanya. "Bakit ang aga mo kuya Shinwoo?"

"Classes. Ikaw?"

"Maaga ang part time ko ngayon."

"Hindi ka papasok?"

"Mamaya pa ang klase ko."

Three hours lang ang work sched ko ngayon. So bago mag lunch ay nasa school na ako.

"What do you want for breakfast?"

"Don't mind me." Tumayo na ako at nakialam sa cupboard. Ang alam ko may sliced bread pa dito eh. Lalagyan ko lang ng butter at isasalang sa oven toaster.

"Nakauwi na sila mommy. Baka pabalikin ka na sa bahay mamaya."

Natigilan ako sa sinabi nya. Andito na sila Mrs. Shin. Hindi ko na makakasama ang magugulo at makukulit na B1A4.

Nakakalungkot naman.

Hinarap ko si Kuya Shin na busy pa rin sa pagluluto.

"Can you just adopt me? Ang sarap mong maging kuya. Sana kayo na lang ang family ko."

"I also like you as my sister."

Natunaw ang puso ko sa ngiti nya. Bakit ba ang gwapo nito?

"Aw kuya Shin." Yun na lang ang nasabi ko at agad akong yumakap sa kanya. Ang swerte ng babaeng mamahalin nito.

"What's happening?"

Nalingunan ko si Channie na bagong gising lang. Humuhikab pa sya at pupungas pungas ng mata habang nakaupo sa isang silya. Pero kahit ganun, hindi naman napingasan ang kagwapuhan nito.

Agad ko syang nilapitan at pinisil ang magkabilang pisngi nya.

"Ang gwapo mo talaga Channie."

Tinabig nya ang kamay ko at tiningnan ako ng masama. Pero natawa lang ako kasi ang gwapo pa rin talaga nya. Mas matanda sya sa akin ng 5 buwan kaya natutuwa sya sa akin kasi hindi na daw sya ang bunso sa bahay.

"I'll go now."

"You haven't eaten anything."

"Ibabaon ko na lang yung toasted bread." Sagot ko kay Kuya Shin at bumalik na sa kwarto para kunin ang bag ko. Pagbalik ko sa kusina, inabot na sa akin ni Kuya Shin ang packed sandwich na gawa nya.

"Ito na lang ang baunin mo. Mas nakakabusog."

My expression softened with his concern. This man, really. I tiptoed and kiss him on his cheek.

Bago pa ako makalabas ng gate, nagulat ako kasi bigla akong hinarang ni Jinyoung. Muntik ko pa tuloy syang mabangga dahil tumatakbo ako.

"Good morning." Bati nya sa akin na hindi ngumingiti man lang.

"G-good..." I cleared my throat. "Good morning." I smiled.

Walang imik syang lumapit sa at hinalikan ako sa labi bago sya naglakad na at pumasok sa loob ng bahay.

Ano yun?

Kung hindi lang talaga naghihintay si Mr. Yoo sa akin, baka hinabol ko na si Jinyoung.

Pero mamaya ko na lang sya tatanungin. Kahit na naguguluhan at kinakabahan pa rin ako dahil sa ginawa nya, umalis na lang ako kasi nakakahiya naman kay Mr. Yoo na naghihintay.

Pero tatanungin ko talaga sya. Smack lang yun, pero ramdam na ramdam ko pa rin ang paglapat ng labi nya.
 
 
06192017.04:45H

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro