18 - Drunk Conversation
Halos hindi kami magkandatuto ni Sandeul sa pagpapaliwanag kay Kuya Shinwoo. He even told us to calm down before we continue our explanations. Grabe naman kasi magbiro si Sandeul eh. Tapos, after nung mahabang paliwanag, mukhang na satisfy naman na si Kuya Shinwoo kaya bumalik na lang sya ulit sa panunuod after nyang kumuha ng juice.
"Why don't you join them?" Sabi ko habang binabalatan ang mga patatas na natapos ko nang pakuluan.
"I'm fine here." Inaabot nya iyon at sya naman ang nagdudurog sa bowl.
"Ano'ng luto ang gagawin mo dito?"
Saglit akong nag-isip.
"Mashed potato sana kaso parang gusto ko lagyan ng cheese at bread crumbs eh. One of my favourite in the Philippines." Paliwanag ko sa kanya. Nang sinimulan ko nang magluto, tahimik na lang akong pinapanuod ni Sandeul.
"Tada!" Inilapag ko sa harap nya ang niluto ko na may kasamang sauce na. Pinaghalo ko na lang ang mayonnaise at ketchup at nilagyan ng chopped onion leaves. Parang batang pumapalakpak naman sya at tinikman ang isang piraso.
Natatawa ako kasi talagang pumikit pa sya habang nginunguya ang niluto ko.
"It's delicious." Puri nya sabay dampot ng isa pang piraso.
"And the best partner for that is..." Umikot ako at kinuha ang dalawang bote ng soju. Inilapag ko iyon sa harap nya.
"I'll serve you." Sabi nya tapos kinuha nya ang isang bote. "This is how we drink in Korea."
Pinanuod ko lang sya nang alugin nya paikot ang isang bote hanggang sa may maliliit na bubbles na mabuo sa loob. Tapos binaliktad nya ang bote, at pinukpok ang puwitan niyon gamit ang isang siko nya. Pagkatapos ay tsaka lang nya binuksan.
Ako naman ang pumalakpak sa ginawa nya tapos nag bow lang sya sa harap ko bago nya lagyan ang isang shot glass at iabot sa akin.
"No. Don't do that." Sabi nya nang abutin ko ang baso, iniiwas pa nya iyon sa akin. "When receiving a drink from a person older than you, you should receive it with both hands, and bow a little as a sign of courtesy." Paliwanag nya at iyon naman ang ginawa ko. "The first glass should be drunk in one shoot." Dagdag paliwanag nya.
Tumagilid ako ng konti tapos ininom ko ng isang lagok ang buong laman ng baso.
Napapikit lang ako nang maramdaman ang pagguhit ng alak sa lalamunan ko. Sabi na eh. Mukha lang syang masarap, pero ang alak ay mananatiling alak."
"Serve me now." Utos ni Sandeul kaya yung shot glass na hawak ko, pinuno ko rin ng soju at iniabot iyon sa kanya.
"Wow. So this is how it tastes." Sabi pa nya after ubusin ang laman ng binigay ko.
"Hindi mo pa ba yan natitikman?" Tanong ko sa kanya na nagtataka. Umiling sya at sumubo ulit ng niluto ko.
"I think we still have a box of pizza." Sabi nya tapos tinungo ang ref at naglabas nga ng isang malaking box mula doon. Nag-abala na syang initin sa oven ang pizza habang inabala ko naman ang sarili ko sa pag-inom. Nakailang sunud-sunod na lagok na ako bago bumalik sa kitchen counter si Sandeul.
"Inubos mo na lahat?"
"Yeah. Ang tagal mo eh." Sagot ko na medyo nahihilo na. Naubos ko na kasi ang isang bote, tapos inaabot ko sa kanya ang isa pa para buksan ulit nya.
Nung nakita ko yung nakasimangot na mukha ni Sandeul, hindi ko tuloy napagilan ang tumawa ng malakas.
"You're really cute, Sandeul-ssi." Sabi ko tapos pinisil ko pa ang magkabilang pisngi nya kaya lalo syang sumimangot.
"Hey, kids what are you doing?" Pa-cool na tanong ni Kuya Shinwoo nang pumasok na sya sa kusina. Nakasunod sa kanya si Channie at Jinyoung.
"You're drinking?" Tanong ni Jinyoung na itinaas pa ang walang laman na bote ng soju.
"Sandeul." Sigaw ni Kuya Shinwoo. Tapos itinuro ako ni Sandeul. Nginitian ko lang sila.
"Hey, handsome people."
"Whoa, I think Chinee Nami is really drunk now." Narinig kong sabi ni Channie nang makalapit na sya sa akin. Tinusok tusok pa nya ng hintuturo ang pisngi ko. Sinaway ko lang sya.
Hindi naman talaga ako lasing.
Tipsy lang. Yumuko ako saglit sa kitchen counter at ipinikit ang mata ko. Naramdaman kong may humawak sa ulo ko at humaplos sa buhok ko tapos may naririnig akong nag-uusap. Kaya umayos na ako ng upo at nakitang nasa tabi ko na si Kuya Shinwoo. Sya pala ang humawak sa ulo ko.
"I'm fine, really. Sandeul and I are just having fun." Nginitian ko silang lahat para ipakita na okay lang talaga ako.
"Minsan lang naman, hyung. Wag na kayong magalit." Segunda ni Sandeul kaya nag two thumbs up ako sa kanya at ngumiti naman sya sa akin.
Napapailing na lang si Kuya Shinwoo tapos sinundan nya ng tingin si Jinyoung nang kunin nito ang mga naiwang bote na hindi pa namin nagagalaw.
"Saan mo dadalhin yan?"
"Sa sala, dun tayo." Nakangiting sagot ni Jinyoung.
Wow! Ang cool nya talaga. Nawalang bigla ang kalasingan ko nang makita ko ang magandang ngiti nya. Sya talaga ang sunshine ko.
Tumayo na rin ako at binitbit ang niluto ko.
"Let me." Sabi ni Kuya Shinwoo at kinuha na sa akin ang bowl. Nagpasalamat lang ako tapos sumunod na rin ako sa kanila sa sala.
Naabutan ko nang nakasalampak sa carpet at nakapaikot sa center table sina Jinyoung, kasama si Baro na parang kakarating lang. Umupo naman sa couch si Kuya Shinwoo katabi ni Channie.
Parang mas feel ko na sumalampak rin kaya naupo naman ako sa opposite side nina Jinyoung. Tapos naramdaman kong umupo sa bandang likod ko si Sandeul. Nilingon ko sya at nakita kong nakatagilid sya sa akin, paharap sa tv set.
"You sure, you're okay?" Paniniguro ni Kuya Shin. Tumango lang ulit ako at ngumiti tapos si Jinyoung, nakita kong nagsalin na ng alak sa kanya kanyang mga baso namin.
"Just a moment." Sabi ko tapos tumayo na ako at tumakbo papasok sa kwarto na ginagamit ko. Baka kasi malasing ako at hindi na ako makabangon kaya huhubarin ko na ang contacts ko. Tapos isinuot ko na lang ang eyeglasses ko at bumalik na ulit sa sala.
Nagtatawanan na silang lima pagbalik ko doon. Kapag sila talaga ang magkakasama, ang haharot nila. Kaso si Sandeul naman ang kawawa ngayon dahil pinagkakaisahan nila.
Tapos nagkwentuhan na kami ng kung anu-ano habang umiinom. Si Kuya Shinwoo na ang nagsasalin sa mga baso namin.
Grabe, napapangiti na lang ako habang pinapanuod sila na nagtatawanan at nagkukulitan.
Isang simpleng fan lang naman ako. Sino ang mag-aakala na dadating ako sa ganito na nakakasama ko na ang idols ko, nakakausap at naging kaibigan ko pa. Ang saya kaya.
"What are you thinking?" Bulong sa akin ni Sandeul. Nalingunan ko sya na medyo namumungay na ang mga mata at namumula na ang pisngi. Mas lalo tuloy syang nagiging cute sa paningin ko.
"I'm just happy to be here with all of you."
"Kelan pa kayo naging close?" Napatingin kaming lahat kay Baro nang ibagsak nya sa mesa ang baso na hawak nya. Buti na lang hindi yun nabasag.
"Close naman talaga kami." Sagot ko na nakipag high five pa kay Sandeul.
Selos ka? Hahaha, ako na ngayon ang close ni Sandeul.
Hindi na ulit nagsalita si Baro. Si Channie naman, tahimik lang na nanunuod. Nagkikwentuhan at tawanan na kaming lahat nang magsalita si Channie sa wakas.
"Chinee-ya! Sino para sayo ang mas gwapo sa aming lima?" Out of the blue na tanong nya, flashing me his most gorgeous smile.
"Aw, Channie don't make me choose please, it's hard." Sagot ko na pinisil pa ang pisngi nya. Inilibot ko sa kanilang lahat ang tingin ko bago nagsalita. "Ano kaya kung kayo ang maging exchange student sa school namin noh, sigurado pagkakaguluhan kayo sa school."
"Sino sa tingin mo ang magkakaroon ng mas madaming admirers?" Tanong sa akin ni Channie.
"Baro." Maiksing sagot ko. Nakita kong natigilan sa pagtungga ng baso si Baro at biglang napatingin sa akin.
"Why Baro?"
"Because most of school girls like the bad boy style."
"Do I look like a bad boy to you?" Tanong sa akin ni Baro.
"No. You look like a flirt and a player." I answered and stuck out my tongue on him. Natawa naman sila sa isinagot ko at halatang nainis ko nanaman si Baro.
"Pero yung Baby, good night na song ninyo, kaninong idea yun?"
"Why?" Tanong ni Jinyoung.
I shrug, "it gives me the idea that one is cheating to one. Those things."
"Hindi ka pa talaga nagkakaboyfriend?" Tanong ni Kuya Shinwoo.
"Hindi pa nga."
"Edi wala ka pang first kiss." Singit ni Baro.
Yun talaga? Yun talaga itatanong mo?
Sinamaan ko sya ng tingin nang maalala ko yung ginawa nyang paghalik sa akin sa school canteen noon. Tapos bigla kong naalala si Sandeul. "Si Sandeul din naman, hindi pa nagkagirlfriend." Nilingon ko pa sya na nakapikit na at nakaunan sa sofa malapit kay Kuya Shinwoo.
Pero biglang pumasok sa isip ko yung Boy Over Flower Parody nila. Bigla akong natawa at inalog-alog ang natutulog na si Sandeul.
"Hey, wake up." Umungol lang sya at gumalaw ng kaunti kaya mas nilakasan ko pa ang pag-gising sa kanya. Piningot ko pa nga sa tenga para talagang magising na. Haha, ang kulit ko. Medyo tipsy na rin kasi ako eh. Naubos na namin ang anim na bote ng soju.
"What?" Reklamo nya nang sa wakas ay magising na.
"You never had a girlfriend, right?"
"Yeah, but I have you as my wife." Sagot nya tapos pumikit na ulit at bumalik sa dating pwesto nya.
"Seems like Sandeul-ssi really like the idea of your fake wedding."
Grabe sya.
Tinignan ko lang si Jinyoung nang magkumento sya bago muling bumaling kay Sandeul. Kanina kasi, naikwento na ni Sandeul ang mga ginawa namin buong araw, kasama na yung fake wedding ceremony. Pinakita pa nga nya yung mga pictures namin eh.
"Hey, I still have one question."
Bumangon naman ulit si Sandeul at pinilit na ngumiti kahit nakapikit pa rin. Natawa ako sa reaksyon nya kasi nagmukha lang syang ewan sa ginawa nya.
"You are one unlucky man." Sabi ko habang natatawa pa rin.
"Why?" Tanong nya habang nakapikit.
"Hindi ka pa nga nagkakagirlfriend, tapos ang first kiss mo si Baro. Did you really kiss on that 'Boys over flower parody'?"
"Yeah." Parang tinatamad na sagot nya. Hindi ako makapaniwala talaga na nag-kiss sila nung una kong mapanuod yun eh. Baka camera tricks or edited lang pero nagkiss pala talaga sila.
"Don't you have nightmares after that?" Tanong ko pa sa natutulog na si Sandeul habang tumatawa.
"Why? What's your problem with my kiss?" Si Baro na halata ang pagkainis. Tiningnan ko lang sya habang nagpipigil ng tawa. Kaso pagharap ko kay Sandeul bigla nanaman akong napahalakhak. "So how does it feel being kissed by Baro." Tanong ko ulit na tinutusok pa ng daliri ang mukha ni Sandeul. Nakarinig ako ng dabog sa bandang likuran pero hindi ko pinansin, nakafocus lang ako kay Sadeul.
"Hey, answer me."
Nagulat na lang ako nang biglang may humawak sa mukha ko at ipinaling sa ibang direksyon. Lumitaw sa harapan ko ang naiinis na mukha ni Baro. Saglit nya akong tinitigan tapos nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang nya akong halikan.
Sa labi.
Ng medyo matagal.
Nakatulala lang ako hanggang sa maramdaman kong gumalaw ang mga labi nya at bahagya pang kinagat at parang sinipsip ang lower lip ko.
Bigla akong parang kinapos sa hininga.
Hanggang sa bitawan na nya ang mukha ko.
"So how does it feel being kissed by Baro?" Tanong nya pagkatapos, na ginaya ang parehong tanong ko kay Sandeul kanina.
Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. Pakiramdam ko biglang nawala ang pagkalasing ko dahil sa ginawa nya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro