16 - Lee Jung Hwan
"Okay na ang mga dadalhin mo? Wala ka nang naiwan?"
I double checked my back pack. Dala ko ang laptop ko, digicam at notebook. Okay naman na.
"Okay na po." Nginitian ko sya.
"Okay, let's fly!"
Natawa ako nang umakbay siya sa sakin tapos itinaas niya ang isang kamay niya at itinuro ang langit. Sinakyan ko na lang ang trip niya at sabay kaming nag-martsa palabas hanggang marating namin ang kotse.
Hindi pa namin alam kung kailan babalik sina Mr. at Mrs. Shin pero ibinilin nila ako sa driver nilang si Mr. Yoon para patuloy akong ihatid-sundo sa school at part time job ko.
"Today, I will be your tour guide," nagmamalaking sabi niya nang buksan niya ang pinto ng backseat.
Nakangiti lang sa amin si Mr. Yoon.
"Sandeul-ssi, from now on I place my life in your hands. Please take good care of me," sabi ko at nag-bow sa kanya.
Yumuko naman siya na parang isang magiting na kabalyero at pinauna na akong sumakay.
After our petty talk last night, Sandeul promised to accompany me to one of the historical places in Korea. In exchange, I will cook some home dishes that I know of.
Ang ibang members ay natutulog pa sa dorm nang umalis kami kaya nag-iwan na lang kami ng note sa pintuan ng room nila.
Si Sandeul na ang nagsabi kay Mr. Yoon kung saan kami pupuntang lugar.
Habang nasa biyahe, panay ang kuwentuhan naming dalawa. We both love good sceneries and taking pictures. We talked about places we want to visit someday, about food we tasted. About song he likes, about the cosplay events I joined. Basta halos lahat na yata napagkuwentuhan na namin. Ang saya niyang kausap. May pagka-playful din siya gaya ni Channie although Channie always claimed himself to be the most sensible guy in the group. Sandeul is just pure playful.
"Here we are."
Nag-park lang kami sa parking area tapos bumaba na kami pareho. Naiwan roon si Mr. Yoon habang kami ni Sandeul ay nagsimula nang maglakad.
Nakasuot siya ng bull cap at face mask para itago ang kalahati ng mukha niya. Naiintindihan ko namang umiiwas siya na makilala ng mga tao lalo at kasama niya ako. Baka kung ano pa ang isipin ng ibang makakakita sa aming dalawa.
Nagpunta kami sa isang temple na halos walang tao.
"Wala bang mga nakatira dito?"
"Caretakers and official guards. Naging tourist spot na rin kasi ito."
The tour goes on. May mga makalumang bahay na gawa sa kahoy ang preserved at pinagbabawal puntahan. Sabi ni Sandeul, baka raw delikado at marupok na ang structures kaya ipinagbabawal na sa tourist. Maganda na lang talaga silang kuhanan ng litrato.
Isang beses rin na may mga nasalubong kaming foreign tourists na namamasyal gaya namin.
So far, pasalamat na lang din kami na wala namang fans na nangulit sa kanya at walang nakakilala sa kanya kaya naging madali ang pamamasyal namin.
He talked well about history, a little bit of politics and some Korean tradition. Natatawa na lang ako kapag ang ibang kwento niya sasabayan ng actions, may sound effects pa at kung minsan sa sobrang enthusiastic niya, nanlalaki pa ang mata niya habang nagsasalita. Ang saya talaga niyang kasama.
Naglibot pa kami sa isang shrine na may one hundred steps paakyat bago marating ang mismong spot kung saan nagdarasal ang mga tao. Hanggang sa marating namin ang isang napakalaking traditional hall. May isang middle aged woman na bumati at tinuro kami sa receiving area nila.
Nagtataka ako pero hindi naman tumanggi nang hilahin ako ni Sandeul para sundan ang matandang babae. I shrug at Sandeul pero nagtuloy naman kami dun.
Habang kausap ni Sandeul ang receptionist ay marahan kong inilibot ang paningin ko sa buong silid. Gawa rin sa kahoy ang establishment na pininturahan ng red at gold. Ang mas nakakaagaw ng pansin ay ang mga old paintings na nakakabit sa dingding na parang inilalarawan ang klase ng pamumuhay noong unang panahon.
Sa isa pang gilid ng silid ay nakasabit naman ang mga makukulay na traditional Korean dress nila. 'Yung mga nakikita ko sa historical drama, ganitong ganito. Hindi ko tuloy napigilan na haplusin ang tela ng bawat isa.
"Do you want to have pictures wearing traditional dresses?"
Mabilis akong napalingon dahil sa gulat. Hindi ko namalayan na nakatayo na pala sa likuran ko si Sandeul. Nakapamewang siya at wala na ang face mask sa mukha niya.
"Seriously?" I confirmed. Tumango siya.
Shuckz! Pinagsalikop ko ang dalawang kamay ko na parang nagdadasal tapos nakangiting tumango sa kanya. Habang tinitingnan ko siya, parang bigla na lang siyang tinubuan ng puting pakpak, pinalibutan ng makikinang na bituin at sinisinagan ng malamlam na liwanag ng sikat ng araw.
"Do I look like an angel to you now?" natatawang tanong niya.
Sunud-sunod akong tumango. Even his voice became angelic in my ears.
He gave me a satisfied grin. He even patted my head like a younger sister.
Maya-maya, lumapit ulit iyong babae na sumalubong sa amin kanina at sinabing pwede naming rentahan 'yung mga traditional dress nila. Kaya mabilis akong pumili ng dress na kasya sa akin, mas na-excite ako nang maging si Sandeul ay nakipili na rin.
Hindi ko na natandaan kung gaano kami katagal nagbihis. Habang tinuturuan ako sa kung paano isusuot ang mga damit, ipinapaliwanag din ang tawag sa bawat parte ng mga damit nila.
Gaya no'ng maiksing parang jacket na may maluwag at mahabang manggas na Jeogori ang tawag. Pati yung goreum na pulang ribbon na pinantali sa jeogori. And finally yung mahabang palda na natakpan na ang mga paa ko na Chima naman ang tawag. Gawa sa silk ang mga damit na ipinasuot sa akin dahil iyon ang outer layer ng damit noong unang panahon. May disenyo pa iyon na ang sabi ay manu-manong tinahi ng gumagawa.
Nakita ko kung gaano kakulay at kayaman sa tradisyon ang lahi nila.
Hindi ko alam kung kasama pa ba sa serbisyo nila ang pag-aayos ng buhok ko dahil napagkatuwaan ng matanda na itirintas iyon at iipit paikot sa ulo ko. Dinikitan pa niya ng pulang bilog na papel ang magkabilang pisngi ko sa di malamang dahilan.
Gusto ko sanag tanggalin iyon pero sinabihan ako ng matanda na pagpatungin sa harap ko ang dalawa kong kamay na kapantay ng taas sa bibig ko. Pagkatapos ay pinatungan niya ng mahabang tela na royal blue ang kulay at burdado ng disenyo ang gilid.
Ilang sandali pa ay biglang sumigaw ang babae at hinila ang tali sa gilid ng pinto para tumunog ang bell. May dalawa pang assistant na sabay binuksan ang sliding door sa kwarto na pinagbihisan ko.
And there, natulala ako kasi sabay na binuksan ang sliding door sa katapat ko na kwarto at nakatayo din pala roon si Sandeul. Wearing his own traditional Jeogori and Baji.
Hindi ko mapigilan ang mamangha sa hitsura niya. Para talaga siyang Crown Prince sa suot at tindig niya. Parang huminto saglit ang oras nang ngitian niya ko, kasabay kasi ang mata niya na parang nakangiti rin.
"Let's fly!" hiyaw niya tapos nag-salute pa sa akin.
Ano bang gagawin namin? Basta sabi ng matandang babae, sabay daw kaming maglakad sa hallway. At kailangan naming maglakad ng mahina habang nakaangat pa rin ang kamay ko kapantay sa aking bibig.
Para talagang Korean historical drama ang dating naming dalawa ni Sandeul. Hindi naman ako masyadong nahirapang sumunod sa instruction nila. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit pinapagawa sa amin 'to ni manang eh, magpapa-picture lang naman kami suot ang hanbok.
Narating na nga namin ang dulo ng hallway at may tao na nakaupo roon.
Anong drama 'to? Kinawayan niya kami at sinabihang lumapit. Umupo kami sa sahig habang nakapagitna sa amin ang maliit na parisukat na lamesa. Magkaharap kami ni Sandeul habang nasa gilid namin ang lalaki.
May pinainom siya sa amin na sa tingin ko ay rice wine. Hindi ako sigurado pero minsan na kasi akong nakainom niyon kaya pamilyar ang lasa.
May masarap ring rice cake na iba't iba ang kulay. Pagkatapos kumain ay tumayo na kami at kinuha ang digicam na nakakuwintas sa akin kanina pa.
Doon na nagsimula ang pictorial namin suot ang hanbok. Hindi ko masyadong maintindihan ang nga pangyayari pero si Sandeul, namumula na sa kakatawa. Nagtataka akong tiningnan siya pero patuloy lang siya sa ginagawa niya.
Pagkatapos naming magbihis ay lumabas na kami sa Shrine. Nakaalalay sa pagbaba ko si Sandeul at hindi na niya binitawan ang kamay ko hanggang sa makabalik kami sa parking lot.
Bago sumakay ay pilit ko siyang tinanong kung ano ang dahilan ng walang humpay na pagtawa niya.
"You don't know?"
Malamang kaya nga nagtatanong eh. Umirap lang ako bilang tugon.
"We just got married."
What!
--
06092017.16:40H
FUN FACTS : Red circles on both cheeks of the bride in traditional weddings indicate fortune and good luck. Somehow, it also indicates that the groom is being wed to a virgin bride.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro