Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

13 - Cosplayer Photoshoot


"Chinee-ah!" sigaw ni Sandeul nang sumilip siya mula sa likod ni Jinyoung. "Whoa! What are you doing here?" tanong niya nang makalapit na talaga sa akin.

Nakita kong napailing na lang si Jinyoung tapos pumasok na sa loob. Nakasunod naman sa kanya si Gongchan na nginitian lang ako.

"Aw!" Lumingon si Sandeul sa likuran niya. Inangilan nito si Baro nang bungguin siya pagpasok. Nagulat pa nga ako dahil muntik sumubsob sa'kin si Sandeul.

Napatingin ako kay Baro tapos tumingin lang din siya pero hindi naman namansin.

Paki ko naman 'di ba. Naiinis pa rin ako sa kanya!

"Are you with mom?" nakangiting tanong sa akin ni Kuya Shinwoo. Hindi ko namalayan na nakapasok na rin pala siya.

"Sabi niya sa akin, dito muna ako mag-stay." sagot ko. Tapos kumapit ako sa kanya nang malingunan ko ang mga lalaki na nakatingin pa rin sa akin.

Ano bang mga problema nila? Napatingin na din sa kanila si Kuya Shinwoo tapos inakbayan niya ako bigla.

Nakaramdam ako ng kapanatagan. Nakakailang naman kasi ang klase ng tingin na ibinibigay ng mga lalaking iyon sa akin. Hindi naman sila mukhang gagawa ng masama at kung titingnan ay parang hindi nalalayo ang mga edad namin. Pero syempre, nakakatakot pa rin kaya yung bigla kang hihilahin papunta sa isang lugar tapos puro lalaki ang nandon at hindi mo pa kilala.

Maiiyak na sana ako kung hindi lang dumating ang B1A4.

"This is my little sister. She'll be watching us today, so all of you must behave."

Anunsyo niya sa lahat na parang siya ang boss. Tapos naalala ko na ang pamilya nga pala nila Kuya Shinwoo may-ari ng Shin Entertainment so technically, anak siya ng boss.

Si kuya na basta na lang ako hinila kanina, parang apologetic na binigyan pa ako ng folding chair, siya na rin ang nag-ayos no'n para sa akin. Nagpasalamat na lang ako at ngumiti.

"Hyung, before we start with the practice, can we take a picture with her?" paalam ni kuya na Yan Su ang pangalan.

Tumingin sa akin si Shinwoo na parang nagtatanong. Naintindihan ko naman agad iyon kaya ipinaliwanag ko sa kanya na nakilala nila ako kasi nagpunta sila sa cosplay event na sinalihan ko kung saan ako ang grand winner.

"You were there?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Shinwoo. Tapos ikinuwento niya na ang unang Asian Tour nila at first time sa Pilipinas.

Napapalatak na lang ako. I can't believe how destiny works. Ang hotel kung saan sila naka check in para sa two-night concert, ay ang parehong hotel kung saan ginanap ang cosplay event.

And all along, ang mga makukulit na nagpa-picture sa akin noon na hindi ko na nga matandaan sa dami, kasama pala ng B1A4? Sila pala ang back up dancers na isinama ng grupo para sa first concert nila sa Pinas.

Nagkakatuwaan na silang lahat. Pumayag ako na mag-papicture sa kanila. Nakabantay lang si Shinwoo sa munting photoshoot na iyon. At sinaway pa niya 'yung isang lalaki nang sinubukan akong akbayan. Napangiti na lang ako, para talaga akong nagkaroon ng instant kuya sa kanya. Ang gwapo pa.

Medyo nakakailang pa rin lalo at nakatingin sa akin sila Jinyoung. Mas confident lang kasi ako kapag naka-costume eh. Pero ngayon na naka-casual attire ako at tanging contact lens lang ang suot ko para itago ang totoong kulay ng mata ko, hindi ako mapalagay.

"Ok, let's start with the rehearsal now," sabi ni Shinwoo pagkatapos. Ayaw pa akong tantanan ng ibang kasana nila habang ang iba naman, nakita ko na nag-stretching na kasama ang B1A4.

Habang pinagmamasdan sila, bigla kong na-realize na practice pala nila to. Napatutop ako ng bibig dahil doon.

Mapapanuod ko sila ng live? Hindi ko mapigilan ang mapangiti. Parang biglang nagliwanag ang buong paligid. Tumingin ako sa kabilang dulo ng practice room at nakita ang nag-iisang lalaking nakakuha ng atensyon ko.

Jinyoung ko...

Nakatanaw lang ako sa kanya habang pinapanuod siya na nakikipagkulitan kina Channie at Sandeul. Grabe, hindi na ako makapaghintay.

Nakaupo lang ako sa isang sulok ng practice room at sa gitna pa ako pinapwesto ng mga lokong back up dancers nila. Kitang kita ko tuloy silang lahat.

Ang kukulit pala nila kapag ganitong practice lang. Gusto ko rin ang uniform black jacket nila na may B1A4 na tatak sa likod.

Grabe sila! Kinikilig ako sa di ko malamang dahilan eh. Dahil ba sa nakikita ko si Jinyoung? O dahil sa ang gwapo nilang lima.

Ay mali, apat lang pala. Ayokong isama si Baro dahil naiinis pa rin ako sa kanya.

Ang isang gilid ng practice room na katapat ng pinto ay gawa sa salaming dingding. Sa kabilang gilid naman na katapat ng kinauupuan ko ay may mahabang upuan at dalawang silya sa magkabilang dulo.

Props nila?

Nagulat na ako nang biglang tumayo si Baro sa tapat ko. Nasa kabilang panig pa rin siya ng practice room kaya dulo sa dulo kaming dalawa.

Bigla siyang nag-form ng baril sa isang kamay niya at sa akin naka-target, pinasingkit pa niya ang isang mata na parang ako talaga ang inaasinta, tapos nang imaginary na binaril ako, sinimangutan ko lang siya, pero ang loko bigla ba naman akong dinilaan at nag-make face pa.

Isip bata talaga. Ano na namang problema no'n? Napapalatak na lang ako.

"What's your problem, Baro?" tanong sa kanya ni Jinyoung, nakita yata nya ang ginawa ni Baro.

"Beautiful target," nakangiti niyang sagot pero nang tumingin sa akin, bigla akong inirapan.

Wow ah, dinaig mo pa ko sa pag-irap ah!

Aambaan ko sana siya ng kamao kaso natigilan ako kasi nakita kong nakangiti si Jinyoung habang nakatingin sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro