Prologue
"CONGRATULATIONS BATCH 2016."
Kabi-kabilaan ang sigawan ng mga estudyante dito sa West Stadium, kung saan patapos na ang ceremony. Napapangiti na lang ako sa bawat sigawan nila.
Makikita mo kasing sobrang galak nila, at mararamdaman mo 'yung sarap after mong mag-suffer sa thesis, projects at sa mga requirements.
"Adelle!"
Napalingon ako sa lalaking papalapit sa kinaroroonan ko. Tumatakbo ito at halos hindi matanggal-tanggal ang ngiti niya sa labi.
Hawak pa rin nito ang diploma, at suot pa rin ang black toga habang ako ay naka-white dress na lang. Pinadala ko na kasi kay mama ang diploma ko dahil nauna na siyang umuwi.
Yumakap ito sa akin nang tuluyan na siyang makalapit. Sobrang higpit na parang hindi na ako makahinga kaya kinurot ko ito sa tagiliran dahilan para mapahiwalay ito.
"Aray naman!" Reklamo niya pero maya-maya lang rin ay ginulo ang buhok ko.
"Congrats pala, ang galing talaga natin. We made it! Relationship goals?" Aniya saka pa ito tumawa ng malakas.
"Siraulo ka." Sambit ko pero natatawa na rin.
Kahit kailan talaga ang baliw niya.
Kung anu-anong pinagsasabi at ini-imagine, pero ang swerte ko kasi siya ang naging boyfriend ko. Sabi nga ng iba, wala na akong hahanapin pa.
Nasa kanya na lahat. Gwapo, rich kid, matangkad, famous, mabait, matalino at may talent. O 'di ba? Saan ka pa? Ipagpapalit mo pa ba ang isang ganyan?
Nanatili akong nakangiti habang pinagmamasdan siya Kahit saang anggulo mo siya tignan, talagang mapapanganga ka sa aura niya. Kaya nga may ilan sa mga batchmate ko ang nang-aaway at nai-inggit sa akin.
"Oh? Ang pogi ko 'di ba?" Sambit nito nang mapansing nakatitig lang ako sa kanya.
Nakalimutan kong medyo hambog nga din pala siya. Medyo lang naman kaya keri lang. Sa sinabi nito ay isang malakas na hampas sa dibdib ang pinakawalan ko. Tumawa na naman ito na parang baliw.
Nang matapos sa pagtawa ay hinila ako nito saka ikinulong sa mga bisig niya. Ramdam ko ang tibok ng puso niya kaya napapikit ako at pinakinggan iyon.
Kumpara sa akin, mahina lang ang heartbeat ng puso ko. Hindi kasi iyon normal... at hindi ko rin masasabi kung magiging normal pa nga ba iyon.
"Ramille..." Kusa kaming naghiwalay nang may tumawag sa kanya. "Pa-picture naman kami." Aniya nang nahihiya.
Kasunod nito ang ilan pang mga kaibigan niya. Lumayo ako ng bahagya nang nagsimula na silang lumapit kay Ramille para magpa-picture. Nakatingin lang ako sa kanila habang nakangiti. Sanay naman na ako kaya walang kaso iyon sa akin.
Ikaw ba naman magkaroon ng boyfriend na sobrang famous, bukod kasi sa "heartthrob" kuno raw ito ay may boy band din ito at siya ang lead vocalist kaya hindi na nakakapagtakang madami siyang fans.
"Ate, picture-ran mo naman po kami." Anang babae saka nito inabot sa akin ang digital camera niya.
Nahiya pa siya sa lagay na 'yan, ah? Wala na akong nagawa kung 'di tanggapin ito. Mabait naman ako, e. Sobrang bait kaya 'yung iba inaabuso na ako.
"Okay... smile." Sabi ko saka nagbilang— nang biglang sumigaw si Ramille.
"Patrick!" Nilingon ko si Patrick, ang drummer ng banda.
Lumapit siya sa kinaroroonan namin. Humahangos pa ito dahil sa pagtakbo niya kanina. Lumapit naman sa akin si Ramille saka kinuha ang digital camera sa kamay ko.
Naguguluhan man ay binigay ko na rin. Tinapik nito si Patrick at iniabot ang camera rito, pagkatapos ay hinila naman niya ako palapit sa mga babae.
"Picture-ran mo kami 'tol."
Inakbayan ako ni Ramille at mas lalong inilapit sa katawan niya ang katawan ko. Wala na rin akong nagawa kung 'di ang ngumiti at nagpose ng peace sign.
"Isa pa." Sambit ng isang babaeng katabi ko, bali anim silang babaeng may gusto kay Ramille.
Yeah, alam ko iyon. Bilang isang girlfriend, alam mo iyon. Ramdam mo iyon kasi hindi naman ako manhid para hindi mapansin iyong mga babaeng nagkakandarapa kay Ramille.
At bilang isang mabait na girlfriend, okay lang sa akin iyon. Okay na okay. Ano pa bang magagawa ko? Pinatulan ko ang isang kagaya ni Ramille Francisco.
"Isa pa!" Natatawang saad ng isa pang babae.
Nag-angat ako ng tingin kay Ramille, nagkamot ito ng batok kaya napatawa na lang ako, kasabay ng pag-flash ng digital camera. Gulat pa ako noon dahil hindi ako handa.
Natawa si Patrick marahil sa hitsura ko kaya nagmartsa ako palapit dito at inagaw ang camera. Tinignan ko iyon, pero napangiti rin ako dahil hindi naman masama ang pagkakakuha.
Instead, nagandahan pa ako. Para kasing sobrang patay na patay ako kay Ramille sa picture na 'yun, which is sobrang totoo. Pero sa atin lang 'to, hindi kasi ako showy, e.
"Kami naman." Sabi ni Ramille at iniabot ang cellphone nito kay Patrick. "Picture-ran mo kaming dalawa."
Hinila na naman ako nito at nagpose.
"Okay... one, two, three. Click!" Kasabay noon ang paghalik sa akin ni Ramille sa pisngi ko dahilan para manlaki ang mata ko.
What the eff?
Tinignan ko ng masama si Ramille pero pinakita lang sa akin nito ang signature smile niya. Hindi naman sa ayaw ko, okay? Ayoko lang sa PDA.
Inirapan ko ito pero deep inside kinikilig ako. See? Nasa loob talaga ang kalandian ko, gaya nga ng sabi ko, hindi ako showy na girlfriend.
Matapos niyang makuha ang cellphone at ipakita sa akin ay ginawa niya pa itong wallpaper. Sa kabila ng pagiging makulit niya, natatagpuan ko na lang ang sarili ko na mas minamahal ko pa siya.
"Tara na?"
Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Kung paano ko sisimulan ang pakikipag-hiwalay sa kanya, nang hindi siya nasasaktan.
Pero alam nating lahat, break-up is the most painful ending ng mga taong nagmamahalan. Hindi ko pa nasisimulan pero naiiyak na ako, parang hindi ko kaya.
"Hey. Tara na?" Inangat ko ang tingin ko kay Ramille.
Mahal ko siya. Sobra pa sa sobra. Kaya kung magagawa ko man ito, alam kong ako ang mas maaapektuhan.
"May problema ba?" Pagtatanong nito nang hindi ako sumagot o gumalaw man lang.
"Ha? Ah, ano... wala." Pahinto-hintong sabi ko.
Lumapit pa ito sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi upang ipaharap sa kanya. Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Pakiramdam ko, iiyak na lang ako bigla dito.
Napapikit ako. Ayoko... ayokong mawala siya sa akin. Tingin ko kapag ginawa ko iyong pinapagawa sa akin ni mama, mas sasakit itong puso ko.
"Adelle Miranda..." Dumilat ako upang makita ang mata nitong puno ng pag-aalala, tinawag niya pa ako sa buong pangalan ko.
"I love you." Iyon ang nasabi ko imbes na "I'm breaking up with you."
Ayoko. Hindi ko talaga kaya.
"I love you most, to infinity and beyond." Mahinang sagot niya saka dinampian ng halik ang noo ko. "Tara na?"
Tumango ako at nagpadala na lang sa kanya. Minsan ko na lang susuwayin si mama at ito ang first time na gagawin ko iyon. Feeling ko kasi kapag sinunod ko siya sa pinapagawa niya, hindi na ako aabot.
Kasi ngayon pa lang, iisipin ko pa lang na hihiwalayan ko si Ramille, sumasakit na nang todo itong puso ko. Kaya mas pinili kong sundin ang sinasabi ng puso ko.
Dumeretso kami sa bahay nila dahil may handaan na magaganap. Hindi na rin kasi ako nagpahanda kay mama dahil may paglalaanan pa kami ng pera.
Pagkapasok pa lang namin sa loob ay may nagpasabog na ng confetti. Puno ng tawanan ang bahay nila. Naroon ang ilang kamag-anak ni Ramille, ang kasambahay nila at ang pamilya niya.
"Congrats sa inyong dalawa." Sabay-sabay na sambit nilang lahat.
Expected na nilang pupunta ako rito kasi inimbitahan na ako ni Tita Cecille, ang mama ni Ramille.
"Hello po. Maraming salamat po." Pahayag ko ng nakangiti, masyadong nag-uumapaw ang puso ko ngayon.
"Salamat." Maikling saad ni Ramille.
Tuluyan na kaming nakapasok at dumeretso sa likod-bahay nila kung saan naroon nakahanda ang mga pagkain. Iba't-ibang putahe ang makikita.
Sa isang mahabang lamesa kami pina-pwesto. Doon nagtipun-tipon ang mga malalapit na kamag-anak ni Ramille. Legal naman kami both side kaya hindi na ako masyadong nahihiya.
In fact, close ko na rin ang ilang mga pinsang babae ni Ramille. Nandiyan sina Lyra Ann at Jeanaline na talagang nakakasundo ko sa lahat ng bagay.
"Kumain ka ng marami, ah? Ang payat mo na, e." Bulong sa akin ni Ramille na tinanguan ko na lang.
Hindi ko alam na mapapansin pa nito ang pagpayat ko. Kumpara sa dati kong timbang, nabawasan iyon nang kaunti. Kinain ko ang mga nilagay nito sa pinggan ko.
Kahit sobrang dami niyang nilagay ay nagawa ko iyong kainin lahat. Kahit sa ganoong paraan man lang, makita niyang pinapahalagahan ko lahat ng efforts niya.
"Ma, akyat muna kami." Paalam nito nang matapos na kami sa pagkain.
Tumingin sa akin si Tita Cecille at ngumiti kaya sinuklian ko rin ito ng napakatamis na ngiti. Tumango ito sa amin hudyat na pwede kaming pumanhik pataas.
Busy pa kasi ito sa pag-entertain ng mga bisita nila. Pumasok kami sa loob ng kwarto ni Ramille, walang pinagbago. Unang bubungad talaga sa'yo ang manly scent ng kwarto niya.
Naupo ako sa kama nitong sobrang lambot at nahiga habang nasa itaas ko ang dalawa kong kamay. Hinayaan kong pumasok si Ramille sa banyo para makapag-shower.
Hindi nagtagal ay lumabas na rin ito. Basa pa ang upper body nito dahil sa tumutulong tubig mula sa buhok niya. Nakatakip ng tuwalya ang pang-ibabang katawan niya.
Nag-iwas ako ng tingin at napabuntong hininga. Tumingala ako saka nakipagtitigan sa puting kisame ng kwarto ni Ramille. Ang dami kong mami-miss.
Itong kama niyang paborito kong spot. Ang malaking portrait na naroon nakasabit sa gilid, ang bintana nitong over-looking ang siyudad, at syempre, ang nag-iisang nagmamay-ari ng kwartong ito.
"Okay ka lang? Kanina ka pa tahimik. May problema ba? Sabihin mo nga, Adelle, hindi ka ba masaya?" Sunud-sunod na tanong nito nang matapos siyang magbihis.
Umahon ako mula sa pagkakahiga at umupo ng maayos sa kama niya. Naupo rin ito sa tabi ko, ilang dipa ang layo namin sa isa't-isa.
"Okay lang ako. Pasensya ka na, marami lang akong iniisip. At saka... ano ka ba! Masaya ako, 'no! Masaya ako kasi naka-graduate tayo ng sabay. Apat na taon na pala tayo... kaya naman sobrang saya ko ngayon."
"Pero hindi ka mukhang masaya." Pambabara nito sa akin dahilan para mawala ang ngiti ko.
"Paano kung kinabukasan hindi mo na ako makita?"
Sa biglaang tanong ko na iyon ay natahimik siya. Parang pilit pa nitong iniisip kung tama ba ang pagkakarinig niya. Ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin siya nagsasalita.
Lumunok ako saka umusog para malapitan siya. Hinawakan ko ang pisngi nito at marahang hinalikan ang labi niya. Hindi pa rin siya nagsasalita.
"Paano kung bukas, mawala na lang ako bigla sayo? Anong gagawin mo? Paano kung 'yung mga pangarap natin, 'yung mga relationship goals natin hindi matuloy? Paano kung-"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng halikan niya ako. Matagal. Nakapikit ito at hindi gumagalaw, tipong ninanamnam nito ang labi ko.
Isang butil ng luha ang kumawala sa kaliwang mata ko. Pumikit ako at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Hinalikan ko siya. Hinalikan ko siya sa paraang mapapawi ko lahat ng mga gumugulo sa isip niya.
Tinugon nito ang mga halik ko, pababa sa leeg hanggang sa balikat ko. Nakapikit lang ako, sinusuklian ang bawat maiinit na halik niya.
"I love you... I love you." Patuloy ito sa paghalik sa akin habang paulit-ulit na binabanggit ang salitang "I love you."
Kung sakaling matuloy ito, ito ang magiging una namin... at magiging huli na rin. Dahil bukas, bago ako umalis, naibigay ko na ang lahat sa kanya.
Pagkatapos ng masayang gabing ito, kapalit nito ang kinabukasang puno ng kalungkutan. Wala man akong sabihin, wala man kaming official break-up, alam kong dito na magtatapos ang lahat.
Salamat sa lahat, Ramille.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro