Finale
[finale]
Mabilis na napabangon ako mula sa kamang hinihigaan ko. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid, nasa condo unit pa rin ako ni Ramille. Iyong nangyari kanina... panaginip lang ba 'yon?
Napalingon ako sa lamp shade, naroon pa rin ang isang sticky note na naglalaman ng sulat mula kay Ramille. Kinuha ko iyon at nilukot bago itapon sa trash bin.
Alam kong hindi iyon panaginip.
Familiar pa rin sa akin ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Tandang-tanda ko pa kung paano ko sila nakita sa isang boutique. Kung gaano ako nasaktan nang makitang pareho silang masaya na parang bagong kasal.
Ang sakit isipin na sila ang magkakatuluyan at hindi kami. Tumayo na ako at naglakad upang makalabas sa kwartong iyon. Hindi tulad kanina na parang lantang gulay, ngayon naman ay para na akong sasabog dahil sa mga emosyon ko.
Siguro para matapos na itong gulong 'to, marapat na tapusin ko na kung ano man ang namamagitan sa amin ni Ramille, para na rin sa ikasasaya naming pareho.
Dahil hangga't hindi pa natatapos 'to, pareho lang kaming masasaktan. Pareho lang kaming mahihirapan sa problemang parang malabo nang maayos.
Dumeretso ako sa kusina nang makitang walang tao sa sala. Doon ay nakita ko itong nakaupo sa isang stool, nakatalikod ito sa akin kaya hindi nito alam na naroon ako.
"Oo, Salve. Pasensya na sa nagyari kanina." Mahinang pahayag niya sa kausap.
Salve... Salve pa rin ba hanggang ngayon? Kailan ba mawawala ang pangalang Salve sa kwentong 'to? Hanggang kailan ba ako magseselos sa isang Salve?
Puro na lang Salve! Nandito naman ako. Ako itong kasama niya pero panay pa rin ang Salve niya. Ano ba ang meron kay Salve na wala ako?
Matagal ang hinintay ko bago matapos ang tawagan nilang dalawa. Ayaw kong ma-istorbo sila kaya nananatili akong tahimik na nakatayo lang dito.
Nang humarap si Ramille ay ganoon na lang ang pagkakatulala niya sa mukha ko, marahil nagulat ito dahil sa presenya ko. Hindi naglaon ay dahan-dahan na itong naglakad palapit sa akin.
Pero bago pa man 'yun mangyari ay mabilis na akong tumalikod at tumakbo palayo. Aligagang kinuha ko ang bag ko na naroon sa sofa, pero mabilis din akong napigilan ni Ramille.
"Stay..."
Hindi ako gumalaw. Hinayaan kong hawakan niya ako sa mga oras na 'yon. Hinayaan ko ang sarili kong maramdaman ang haplos niya sa huling pagkakataon.
Nananatiling wala pa rin akong imik. Ayoko nang magsalita dahil napapagod na ako, at baka kung ano pa ang masabi ko na siyang mas magpapalala sa sitwasyong 'to.
Hinawakan ni Ramille ang magkabilaan kong balikat at ipinaharap sa kanya, pero imbes na tumingin sa mata niya ay nag-iwas ako ng tingin.
"Please, stay with me." Nagsusumamong sambit ni Ramille.
"Paano?" Lakas loob kong pagtatanong saka marahas siyang nilingon.
Tinitigan ko ang mukha niya. Kahit sa huling pagkakataon, masilayan ko man lang ang mukha niya. Makabisado ang lahat ng features at flaws niya.
"Paano, Ramille? Paano ako mananatili kung paulit-ulit mo akong sinasaktan? Paano ako mananatili kung pati ang puso ko, ayaw nang manatili? Sabihin mo nga, Ramille. Bigyan mo ako ng dahilan para mag-stay. Pagod na pagod na ako, alam mo ba 'yun? Sawang-sawa na ako sa paulit-ulit na pananakit mo sa akin. Lagi na lang ako 'yung nasasaktan dito, lagi na lang ako 'yung umiiyak at rinding-rindi na ako. Paano, Ramille? Bakit ako mananatili kung parating ganito tayo? Kung parating mo akong sinasaktan? Oo, Ramille, malaki ang pagkakamali kong iniwan kita noon nang walang paalam. Malaki ang kasalanan ko sa'yo pero hindi iyon dahilan para ikaw naman itong manakit sa akin, hindi iyon dahilan para maghiganti ka!"
Ilang segundo ang lumipas pero hindi pa rin siya umiimik na parang hirap siyang magsalita. Sa apat na sulok ng sala na 'yun ay tanging pag-iyak ko lang ang maririnig.
Hindi na ako nag-abalang punasan pa ang luha ko para saan pa kung sa bawat punas ko naman ay may panibagong luha na naman ang pupunasan ko. Useless din.
Parang itong nangyayari sa amin. Paano namin magagawang patawarin ang isa't-isa, kung paulit-ulit kaming nagkakasakitan? Paanong mangyayari na magkakaayos kami gayong puno pa rin ng hinanakit ang puso niya?
"Gumaling nga ako sa sakit ko, pero itong sakit na nararamdaman ko sa puso ko ngayon? Pakiramdam ko, mas malala pa 'to. Durog na durog na ako, Ramille. Wasak na wasak na 'tong puso ko." Umiiyak na pahayag ko. "Ano pa ba gusto mong gawin ko para maging okay tayo? Para patawarin mo na ako? Ang lumuha ng dugo o ang lumuhod?"
Sa sinabi kong iyon ay kusang bumagsak ang tuhod ko sa malamig na sahig ng unit na niya, habang walang sawa sa paglalabas ng luha itong mata ko.
Kahit sa huling pagkakataon man lang, susubukan ko ulit na maging maayos kami. Kahit na pagkatapos nito ay wala ng pansinan o imikan.
"Sorry... sorry kung iniwan kita noon. Sorry kung sinaktan kita dahil sa pag-alis ko ng walang paalam. Sorry kung ako 'yung dahilan kung bakit nasasaktan ka. Sorry kung nakilala mo ako. Sorry kung ako 'yung babaeng pinili mong ligawan. Sorry kung sinagot kita. Sorry kung nakaabot tayo ng apat na taon pero nasira lang dahil sa sakit ko. Sorry kung mas pinili kong magpagaling kaysa manatili sa'yo."
Halos wala na akong naintindihan sa mga pinagsasabi ko dahil sa sipon kong nagbabara sa ilong ko. Nakatitig lang ako sa paa niya, hindi pa rin ito gumagalaw.
Hanggang sa maramdaman ko ang paghinga nito sa mukha ko. Lumuhod din ito sa mismong harapan ko dahilan para mas malinaw kong makita ang mukha niyang luhaan. Kinuha nito ang isa kong kamay at dinala sa pisngi niya.
"Sige, Adelle... saktan mo ako. Sampalin mo ako dahil sinaktan kita. Sampalin mo ako dahil iniwan kita kanina. Sampalin mo ako dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo, nasasaktan na kita, pero kahit kailan, kahit ilang beses mo akong saktan, kahit ilang beses mo akong iwan... hindi ko magagawang kalimutan ka. Hindi ko magagawang talikuran ka kasi kahit anong taboy at bato mo sa akin ng masasakit na salita, ikaw pa rin ang itinitibok nito." Saka pa nito itinuro ang dibdib niya.
Ibinaba nito ang kamay ko saka ipinatong sa kaniyang dibdib, kung saan naroong mabilis na tumitibok ang puso niya.
"Diyan ka naman magaling hindi ba? Ang manakit ng damdamin..." Umiiyak na pahayag niya.
Mariin akong pumikit dahil hindi kinakaya ng puso ko lahat ng sinasabi niya. Hindi kayang tanggapin ng isip ko na isang Ramille ang nagpapagulo sa utak ko. Ayoko na ng ganito.
Marahas kong ginalaw ang kamay kong hawak niya dahilan para mapapikit ito, tipong nakahanda niyang tanggapin ang palad kong lalapat sa mukha niya pero kabaliktaran ang nangyari.
Iyong dapat na sasampalin ko siya na siyang inaasahan niya ay hindi nangyari, bagkus ay mahigpit ko itong niyakap at humagugol sa dibdib niya.
"Ramille..."
Naramdaman kong na-tense ang katawan niya sa ginawa ko pero maya-maya lang din ay niyakap niya ako, mas mahigpit pa sa yakap ko sa kanya.
Mas lalo akong napasubsob sa dibdib niya dahilan para marinig ko ang tibok ng puso niya, sobrang bilis no'n na para bang sumali siya sa isang marathon.
Halos magkapalit na kami ng puso dahil sa parehong nagri-rigodon iyon na kulang na lang ay lumabas iyon mula sa kawatan namin.
"Hush. I'm sorry... sorry sa lahat." Aniya saka paulit-ulit na hinahaplos ang buhok ko. "Patawarin mo ako kung ikaw ang napili kong makasama sa pagtanda ko. Patawarin mo ako kung ikaw ang gusto kong makasama habambuhay hanggang sa mamatay ako."
Dalawang buwan magmula ng mangyari iyon, ngayon ay narito kami sa Mall of Asia dahil mall tour ng Ace. Ito ang kauna-unahang mall show nila kaya naman ay hindi iyon pinalampas ng mga Acer, o ang mga nasabing fans ng Ace.
Dapit hapon na kaya medyo madilim na rin ang paligid. Nandito kami ngayon sa sea side at hinihintay ang muling paglabas ng Ace sa stage. Madilim doon kaya hindi pa namin nakikita kung ano ang ginagawa nila.
NP: Stay by Daryl Ong.
I want you to stay, never go away from me
Stay forever
But now, now that you're gone
All I can do is pray for you
To be here beside me again
Muli na namang sumibol ang hiyawan ng mga tao, sa pangunguna ng Acer Club. Hindi ko alam na sa maikling panahon na 'yun ay sisikat sila ng ganito.
Bumukas ang malaking screen na nasa gilid ng stage. Kasabay ng pagkanta ni Ramille ay siyang pag-play ng isang video clip. Halos mapatakip ako sa bibig ko nang makita ang sariling mukha sa big screen na iyon.
Doon sunud-sunod na naglabasan ang mga picture namin ni Ramille, simula first year college kami hanggang sa fourth year at sabay na nagtapos ng pag-aaral.
Why did you have to leave me?
When you said that love would conquer all?
Why did you have to leave me?
When you said that dreaming was as good as reality?
Mas lalong pa silang nagsigawan ng magsimulang umilaw ang stage, dahilan para makita naming nag-iisa lang si Ramille na nasa harapan, habang tinutugtog ang organ.
Seryoso itong nakatingin sa piano na siyang nasa harapan niya, pati ang boses niyang hindi malaman kung saan hinugot dahilan para kaming mga manonood ay nadadala dahil sa samu't-saring emosyon.
Kahit wala sa stage sina Patrick, Jack, Jayson at Topher, nagawa ni Ramille ang magpatindig ng balahibo kahit mag-isa lang siya ngayong tumutugtog.
And now I must move on
Trying to forget all the memories of you and me
But I can't let go of your love that has taught me
To hold on
I want you to stay, never go away from me
Stay forever
But now, now that you're gone
All I can do is pray for you
To be here beside me again
Muli akong napatingin sa video ng lumabas ang mga stolen shots ko. Kumunot ang noo ko nang ma-realize kong bago lang iyon. Iisa lang ang background ko roon— ang A's Music Recording.
Mayroon naroon ako sa recording booth, sa rehearsal studio, sa xonference room hanggang sa cocoon lab ng A's Agency. Nagsimula na namang maging waterfalls ang mata ko.
Naiiyak ako sa tuwa dahil all this time, sobrang mahal na mahal pala ako ni Ramille. Kahit noong nasa States ako, nagawa niya akong sundan para lang makita ang kalagayan ko.
Why did you have to leave me?
When you said that love would conquer all?
Why did you have to leave me?
When you said that dreaming was as good as reality?
Parang alon ng dagat ang bulung-bulungan ng mga tao sa paligid, patungkol sa video na iyon. Sa kung sino daw ba iyong babae at kung sino ako sa buhay ni Ramille.
Dito ako naka-pwesto sa harapan, katapat ng stage kaya malaya kong naririnig ang mga bulungan nila. Ang iba sa kanila ay gulat na gulat, tipong hindi makapagreact.
Nanatili akong tahimik habang walang imik na lumuluha. Wala na akong pakialam kung ilang tao na ang nakakakita sa akin sabay sabing "siya 'yun".
Oo, ako nga. Ako nga ang babaeng nasa screen. Anong magagawa niyo? Hindi ko na lang sila pinansin at itinuon ang atensyon kay Ramille.
And now I must move on
Trying to forget all the memories of you and me
But I can't let go of your love that has taught me
To hold on
Why did you have to leave me?
When you said that love would conquer all?
Why did you have to leave me?
When you said that dreaming was as good as staying with me?
Dalawang buwan na halos ang nakalipas simula ng mangyari ang eksenang iyon at ngayon ay masasabi kong okay na kami ni Ramille, masasabi kong nagkapatawaran na kami.
Nagawa naming patawarin ang isa't-isa dahil mas nangingibabaw ang pagmamahal namin sa bawat isa.
I want you to stay, never go away from me
Stay forever
I want you to stay, never go away from me
Stay forever
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro