Chapter Two
[two]
Tunog lang ng makina ang naririnig ko sa mga oras na 'yon. Alam kong dilat ako, pero puro puti ang nakikita ko. Muli akong napapikit ng masilaw ako sa isang ilaw.
Mariin akong pumikit, iniiwasan na baka sa pagdilat ko, totoong nasa langit na ako. Pinakiramdaman ko ang sarili ko, wala akong maramdaman physically.
Anong nangyari? May nangyari ba sa akin habang tulog ako? Bakit wala akong maramdaman? Bukod sa therapy, ano pang ginawa nila sa katawan ko?
Narinig ko ang pagbukas-sarado ng isang pinto. Nananatili akong nakapikit. Sari-saring emosyon ang kinakaharap ko ngayon, hindi ko alam kung bakit.
Takot, kaba, lungkot, saya at pagkagalak. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong emosyon. Naiiyak ako. Feeling ko talaga nasa langit ako dahil ang gaan ng pakiramdam ko.
"Adelle..." Anang isang boses.
Napadilat ako. Nagising ako sa isa na namang alaala ang nagbabalik. Tumayo na ako mula sa pagkakahiga at dumeretso na sa banyo para maligo.
Isang taon... halos isang taon na pala ang lumipas simula nang tumira kami sa States. Isang taon na rin ng mai-deklarang magaling na ako.
And yup, okay na ako. Okay na okay. Nakakatuwa dahil hindi ko akalain na magiging successful ang operation ko. Natutuwa ako dahil buhay na buhay ako.
Nagpapasalamat ako kay Lord, dahil hindi niya ako pinabayaan. Instead binigyan niya pa ako ng second life, alam niya sigurong marami akong maiiwan dito kung sakaling babawiin Niya na ang buhay na pinahiram sa'kin.
At syempre, sa mama kong todo suporta sa akin. Sa mga oras na sobrang down na down ako, dahil feeling ko hindi ko kakayanin pero nariyan siya at binibigyan ako ng lakas ng loob.
Full support siya sa akin noong mga oras na nasa Hospital ako. Ni hindi siya nawala sa paningin ko, ni hindi niya ako nagawang iwanan during operation.
"Good morning, world!" Bati ko nang hinawi ko ang kurtina ng bintana sa kwarto ko.
Mula rito ay nakikita ko ang malaking gate namin sa labas. Ang ilang mga gamit, halaman, puno at environment na siyang na-miss ko rito sa Pilipinas.
Ang saya sa pakiramdam na nakauwi ka na sa sarili mong bansa. Ang sarap sa pakiramdam na nakabalik na ako sa comfort zone ko, walang iba kung 'di ang kwarto ko.
Hindi mawala-wala ang ngiti ko hanggang sa makababa ako. Nadatnan ko sina manang na kumakain sa dining area kasama ang ilan pang maid.
"Hi po. Pwede pong pasabay?" Masayang pahayag ko.
Nagulantang naman silang lahat dahil sa pagdating ko kaya natawa na lang ako. Tumayo pa ang isa sa kanila, tipong natataranta dahil naabutan ko sila.
"Uhm, good morning, Ma'am. Si- sige, kain po kayo." Sambit ni manang, iyong pinakamatanda sa kanila.
"Naku naman, Manang, Adelle na lang po ang itawag ninyo sa akin. Hindi naman ako teacher o ano, 'di ba?" Tumango ito sa tanong ko at ngumiti. "Huwag na po kayong mahiya, okay? Pamilya naman po tayong lahat dito."
Kumuha ako ng kanin at ulam. Umupo na rin iyong isang maid kanina at nagpatuloy sa pagkain. Sabay-sabay kaming kumain na parang wala lang, walang discrimination between us.
Tahimik lang sila habang nagmamasid sa akin. Hinihintay siguro nila na magpakuha ako ng tubig, pero hindi ko ginawa. Hindi ko sila dapat utusan kasi kumakain pa kami.
"Ang swerte talaga namin sa inyong mag-ina."
Inangat ko ang tingin ko sa isang maid na katapat ko lang. Ibinaba ko ang hawak kong kutsara't tinidor saka siya nginitian ng pagkatamis-tamis.
Isa-isa ko silang tinignan nang mag-umpisa silang magbigay komento tungkol sa topic, which is tungkol sa amin ni mama na ngayon ay naiwan sa States para sa business trip niya.
"Pareho kayong mabait kaya hindi nakakapagtakang tumagal kami ng halos pitong taon dito." Sabi ni manang.
"Laking pasasalamat namin dahil kayo ni Madame ang naging amo namin." Saka pa tumawa ang isang maid sa gilid ko, halos kaedaran ko lang din.
"Ano ba kayo mga ate at manang. Grabe naman po kayo! Kami nga po dapat ni mama ang magpasalamat kasi nandiyan kayo. Pinagsisilbihan niyo kami kaya hindi na kami masyadong napapagod ni mama sa gawaing bahay. Schoolworks at paperworks na lang ang nagpapa-stress sa amin ni mama." Pahayag ko saka pa ngumuso.
Natawa sila dahil sa sinabi ko pero tahimik lang akong nakangiti sa kanila. Totoo naman 'di ba? Kung wala siguro kaming mga maids, paniguradong kulubot na itong mga kamay ko.
Hindi siguro ako ganito kaputi at kakinis dahil sa mga gawaing bahay. Kaya kahit papaano, nagpapasalamat ako dahil nandiyan ang mga maids namin.
"Natural naman po, gawain namin iyon. Kapalit naman noon ang salapi at benefits na nakukuha namin para sa pamilya namin."
Tumawa na lang ako sa sinabi nila. Pagkatapos naming kumain ay tumulong ako sa paghuhugas ng plato. Ayaw pa nga akong pahawakin ni Manang dahil baka daw mabasag ko at masugatan pa ako.
Sabi ko naman; paano ako matututo kung hindi nila ako hahayaan at tuturuan? Kaya sa huli, wala na siyang nagawa kung 'di ang pagbigyan ako.
Tumulong din ako sa pagwawalis, pagpupunas at pagsasampay. Dati kasi ay hindi ko 'to nagagawa dahil sa mahina kong katawan na parati kong iniinda.
"Well done!" Masayang sigaw ko at tumakbo sa sala para kunin ang cellphone kong nag-aalburoto.
Pati ang pagtakbo ay na-miss ko rin. Pinagbawalan kasi ako ng doktor dati na hangga't maaari, iwasan ko raw ang gumawa ng mga bagay na maaaring makapagpapagod sa akin.
Kinuha ko sa sofa ang cellphone ko upang matignan kung sino ang tumatawag. Agad ko rin iyong sinagot ng makita ang roaming number ni mama sa screen.
"Hello, Ma? Kamusta po? Napatawag ka?" Masayang bungad ko sa kanya.
"Wala naman, anak. Gusto ko lang kamustahin ang kalagayan mo diyan ngayon." Mababang boses nitong tugon.
"Bukod sa malakas at magaling na ako, wala naman na po. At maganda na rin." Malakas akong humalakhak saka naupo sa sofa at sumandal doon.
"Saan ka pa nga ba magmamana?" Natatawang tanong ni mama.
"Kanino pa nga ba? Eh, 'di kay papa." Pang-aasar ko rito at muling tumawa.
Narinig ko naman sa kabilang linya ang pagtatampo ni mama. May kung ano pa itong binubulong na... "Like mother like daughter kaya."
"Joke lang, Ma! Maganda tayo pareho." Pagbawi ko at mahinang humagikgik.
Kapag magkasama kami ni mama, hindi mo aakalain na mama ko siya. Bukod kasi sa ang bata pa niyang tignan, may pagka-isip bata rin ito. Medyo lang naman.
At lumalabas lang iyon kapag magkasama kami. Siguro para ipakita na nasasakyan niya lahat ng kalokohan ko. Ang swerte ko dahil isang Amelia ang naging mama ko.
"Nga pala, anak. Nagreport sa akin iyong Senior Special Assistant ng A's Music Recording natin, may audition kasing mangyayari bukas. At gusto ko na nandoon ka para tulungan sila sa pagpili." Pag-iiba nito ng topic.
A's Music Recording. Iyon ang pangalan ng company namin. Recording agency iyon at isa sa mga hottest and famous recording company ng Pilipinas. Naroon ang ilang mga sikat na singer at banda.
Isang beses pa lang akong nakapunta roon, iyon 'yung time na bago ako mag-college. Kami ang may-ari noon kung nagtataka kayo, A's stands for Amelia, Adelle at Antonio- papa ko. A's Family kumbaga.
"Sige po. Pupunta ako bukas, sa ngayon kailangan ko munang magpahinga at matulog dahil may jetlag pa ako." Napahikab ako dahil sa antok.
"Ganoon ba? O sige, anak. Ibababa ko na 'to. Ingat ka diyan, ah? I love you."
"I love you din po, Ma."
Matapos ang tawag ay tumayo na ako at umakyat sa taas. Gusto kong lumabas ng bahay para mag-malling o 'di kaya ay makapasyal sa mga park.
Kaya lang, inaantok na ako. Kaya baka mamayang hapon na lang kapag wala ng init. Humiga ako sa kama ko at nakipagtitigan sa kisame.
Sa tagal kong nawala, paniguradong sobrang dami na ng nagbago. Mula sa mga building sa siyudad, sa environment, sa mga tao at sa akin. Especially sa nararamdaman ko.
Na-miss ko siya, iyon ang totoo. Pero hindi ako sigurado kung may feelings pa ba ako sa kanya. Sa isang taon ko sa States, madalan ko na lang siyang maisip.
Minsan ay aksidenteng papasok na lang siya bigla sa isip ko dahil may nakita akong may similarity sa kanya, pero 'yung feelings ko toward him?
Siguro purong pagka-miss na lang itong nararamdaman ko. O baka dahil sa tagal kong nawala, nawala na rin bigla ang pagmamahal ko sa kanya. Pwede ba iyon?
Pero ano ba iyong inaasahan ko? Paniguradong nakalimutan na rin niya ako. At for sure, may iba ng nagpapasaya sa kanya, na may isang babae diyan ang hindi siya iiwan kahit kailan.
Napahinga ako ng malalim at mariing pumikit. Sinasabi ko lang 'to marahil hindi ko pa nararamdaman ang presence niya. Paano na lang kung magkita kami?
Baka bigla na lang ako tumakbo pabalik ng States at kainin ko rin itong sinasabi ko na hindi ko na siya mahal dahil ang totoo, mahal na mahal ko pa rin siya.
Pero ang alam ko, that day. Wala na kami. Iyon ang pinaniwalaan ko dahil ayokong masaktan kaming pareho at umasa sa wala. Kung iko-konsider niya ang isang 'yun, wala na nga talaga kami.
Paano kung hindi pala? Na buong akala niya ay kami pa rin? May pag-asa pa kaya? Kami pa rin ba hanggang huli? At ang tanong- mahal pa rin kaya niya ako?
"I love you... I love you." Biglang nagpop-out sa utak ko iyong last scene namin.
Nanlaki ang mata ko nang unti-unting bumabalik ang alaalang iyon. Alam kong mahirap kalimutan ang isang 'yun dahil siya ang first ko. Siya naman talaga lahat ng first ko.
First boyfriend, first romantic hug, first kiss at first love making. Whoa! Bloody hell, bakit ba iyon ang iniisip ng utak ko?
"I love you most, to infinity and beyond."
Alam ko kung gaano niya ako kamahal noon, sobrang aware ako roon, pero posible naman 'di ba ang ma-fall out love ang isang tao?
Lalo na sa sitwasyon namin. Posibleng mangyari iyon. Unang-una, gumawa ako ng paraan para kalimutan niya ako, iyon ang iwan siya.
Ako ang umalis, ako ang unang nanakit kaya maaaring wala ng pag-asa. Ang lakas naman ng loob ko kung babalik pa ako, kung iniwan ko naman siyang walang alam.
Hindi niya alam ang dahilan ko kaya paniguradong nag-conclude na iyon, na kaya ko siya iniwan ay dahil hindi ko na siya mahal, na may iba na ako.
Which is very wrong.
Matapos siya ay hindi na ako nagtangkang maghanap pa ng kasunod niya. Hindi ko alam pero mas prefer kong manahimik na lang muna.
"Ugh. Ano ba itong iniisip ko?" Geez.
Ang dami kong iniisip. Napatakip ako sa mukha ko ng maramdaman ko ang familiar na paninikip ng dibdib ko, hindi ito 'yung sakit na nararamdaman ko.
Ito 'yung paninikip ng dibdib ko kapag nakikita ko siya, kapag naririnig ko ang boses niya, kapag sobrang lapit niya sa akin, at kapag magkasama kami.
Kumuha ako ng unan saka itinakip sa mukha ko. Matutulog na lang ako. Itutulog ko na lang itong kahibangan ko. Hindi ko alam na may side effect pala ang therapy na ginawa nila sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro