Chapter Twelve
[twelve]
"Hi!" Masiglang bati ko saka tumatalon-talon na lumapit sa kanila.
Nandito na ako sa resort kung saan magaganap ang nasabing reunion ng klase namin. Kumpleto na sila at mukhang ako na nga lang talaga ang kulang.
Lumingon sila sa akin at nang makilala ako ay halos sinabayan na nila ako sa pagtalon-talon dahil sa pagka-excite. Kahit papaano pala ay na-miss ko rin sila.
"Adelle!!" Sabay-sabay na sigaw nila saka ako dinamba ng yakap.
Nag-group hug kaming mga babae at puro tawanan at hagikgikan ang maririnig sa buong resort na iyon. Private place kasi 'yun kaya kami-kami lang ang tao roon.
Umikot-ikot pa sila dahilan para makisabay na rin ako habang nakayakap pa rin sa isa't-isa. Natatawa naman ang mga lalaki dahil sa kabaliwan naming mga babae.
Pagkatapos nila akong pakawalan ay isa-isa nila akong sinabutan sa buhok. Mahina lang naman pero kahit papaano ay masakit pa rin. Friendly gestures ika nga ng ilan.
"Aray naman! Mga walangya kayo!"
Tumawa naman ang ilan sa kanila.
"Look at you! Ibang-iba ka na." Pahayag ng babaeng hindi ko na matandaan ang pangalan.
Ako naman ang natawa. Sa tagal kong nawala at sa tagal kong hindi sila nakikita, halos makalimutan ko na ang mga pangalan nila. Tanging mukha na lang ang natatandaan ko.
"Ang ganda mo na, Adelle! Para kang dyosa."
"Mas lalo ka pang naging sexy."
"Oo nga! Kaya siguro stick to one lang sa'yo si Ramille."
Sa sinabi nito ay natahimik ako. Kahit silang lahat ay walang alam. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil wala silang alam tungkol sa nangyari sa amin ni Ramille one year ago.
O magagalit dahil pilit pa rin nilang idinidikit ang pangalan ko kay Ramille. Nakakainis na pero hinahayaan ko na lang, hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin.
Kung paano ko sisimulang sabihin ang lahat. Hindi naman siguro lahat ng taong nakapaligid sa'yo, alam dapat ang lahat ng nangyayari sa buhay mo.
Mas maganda kasi kung 'yung ibang sikreto mo ay sa'yo na lang. Huwag mo ng ipagkakalat kasi kapag mas maraming nakakaalam sa kwento ng buhay mo, mas marami silang dahilan para siraan ka.
At ayokong mangyari 'yon, na kapag sinabi ko sa kanilang lahat, mawawalan ako ng kaibigan. Dahil alam ko naman kung kanino sila kakampi kung sakaling magkwento ako.
Nariyan ang posibilidad na saktan nila ako. Sasaktan nila ako kasi ako ang may kasalanan. Iyong iba, ginagawa pang dahilan ang pag-iwan ko para protektahan lang ang idol nila.
Ilang minuto rin akong hindi nagsalita at tuloy lang sila sa pamumuri sa akin. Hanggang sa hindi na talaga ako nakapagsalita dahil dumating na ang kinatatakutan ko.
"Kyaaaaah! Ang grupong Ace!"
"Waaaah! Si fafa Ramille! Pa-autograph mga lodi!."
"Ang cute-cute mo, Patrick!"
"Akin ka na lang, Jack at Jayson!"
"Please, marry me, Topher."
Napuno ng tilian ang buong resort na iyon. Ang akala kong malakas na sigawan nila kanina ng dumating ako ay mas doble ang lakas ng tilian nila ngayon.
Halatang mga kinikilig dahil after one year, nakita na rin nila sa wakas ang mga iniidolo nila. Tumalikod ako saka tumabi para hindi nila ako mabangga dahil sobra nilang ligalig.
Ganito ba talaga ang epekto nila sa mga babae? Kung 'yung dati ay natitiis ko pa, ngayon yata ay parang hindi na. Sumasakit ang tainga ko.
"Oh, my ghad! Ang gwapo mo, Ramille!!"
Hindi pa rin sila natinag sa pagpapantansya. Matapos batiin ng mga lalaki ang grupong Ace ay nagsimula ng pumasok ang ilang mga kalalakihan sa loob.
Sumunod na rin ako dahil baka ma-out of place lang ako. Hindi ko rin naman kasi masakyan ang trip nila dahil unang-una, hindi ako fan ng grupong Ace.
Siguro dati, oo. Ako pa nga ang number one fan nila way back in college. Ako ang nangungunang fan nila sa higit apat na taon namin sa college.
"Adelle!" May tumawag sa pangalan ko pero hindi ko na pinansin.
Deretso ang lakad ko papasok habang nagmamasid sa paligid.
"Adelle!!" Mas malakas na sigaw nila sa akin dahilan para mapahinto ako sa paglalakad. "Halika rito, dali!"
Hindi ko alam kung susunod ba ako sa kanila. At saka sino ba sila para sundin ko? Sinasabi ko na nga ba, dapat kasi nagmatigas na lang ako at hindi na lang sumama.
Napabuga ako sa hangin at unti-unting umikot para harapin sila. All eyes on me. Kahit ang grupong Ace ay nakatingin lang sa akin. Lumapit na rin ako dahil ayoko namang may masabi pa sila.
"Bakit?" Maikling tanong ko at halatang bagot na bagot ang tono ng boses ko.
"Nandito na kaya ang Ace. Hindi ka ba natutuwa?" Pagtatanong ng isang babae.
Bakit naman ako matutuwa? Iyong dapat na araw na pahinga ko ay ito pa ang nangyayari. Iyong araw na dapat ay hindi ko sila makikita, heto at narito sila sa harapan ko.
"Uy! Okay ka lang ba? Masama ba pakiramdam mo?" Tanong pa ng isang babae.
"Ha? Hindi. May naalala lang kasi ako." Pagdadahilan ko.
"Yieee. Siguro naalala mo 'yung mga panahon na sobrang sweet niyo ni Ramille noong college tayo, ano?"
Facepalm.
"Hindi, ah!" Sambi ko saka malakas na tumawa.
Bahala kayo kahit sabihin niyong nababaliw na ako.
"Teka nga, hindi yata kayo nagpapansinan? May LQ ba kayo?"
"Wala!" Sabay na sigaw namin ni Ramille.
"Yieeeeee! Kayo, ah."
Napatingin ako kay Ramille na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin, kahit isang sulyap ay hindi niya ginagawa. Napabuga ako sa hangin.
Tuloy lang sila sa pang-aasar sa amin ni Ramille, nakikisabay na rin ang apat na miyembro ng Ace, na parang hindi nila alam ang buong nangyari sa amin.
Tumalikod na ako at nagsimula nang maglakad palayo. Hindi ko na pinansin ang ilang tumatawag sa akin. Wala na akong panahon para pagtuunan pa sila ng pansin.
Matapos kong ilagay sa all girls room ang dala kong bag ay bumaba na rin ako para tulungan ang mga lalaki sa pagluluto. Nasa barbecue section ako kaya halos maubo-ubo ako dahil sa usok.
Tatawa-tawa naman itong mga lalaking kasama ko. Nagpatuloy lang ako sa pag-iihaw ng mga karne, habang ang mga babae ay abala na sa pagtatampisaw sa pool.
"Ayaw mo pa bang maligo, Adele?"
"Mamaya na. Pagkatapos na lang siguro nito." Sagot ko habang nakatuon pa rin ang paningin sa ginagawa.
"Nga pala, saan kayo nagtago ni Ramille at hindi man lang kayo ma-contact ng isang taon?"
Huminto ako sa pagpaypay ng iniihaw ko. Tinignan ko siya at hindi ako aware na isang masamang tingin na pala ang binigay ko kaya tumawa ito at nagpeace-sign.
Kung ako ang tatanungin, hindi ako ma-contact dahil obvious naman na nasa States ako para magpagaling. Ewan ko lang doon kay Ramille at hindi raw nagpaparamdam sa higit na isang taon.
Ano ba ang nangyari sa isang taon na 'yun habang wala ako?
"Sige, roon muna ako. Maliligo na rin ako." Paalam ko sa kanila at tumalikod na.
Hindi ko na sila hinintay na magsalita pa at umalis na ako. Dumeretso ako sa pool kung saan nagkukumpulan ang mga babae habang nakalubog sa tubig ang mga katawan.
Nang mapansin ako ng mga ito ay niyaya nila akong maligo na tinanguan ko naman. Mas maganda siguro kung aalisin ko muna ang lahat ng bumabagabag sa isip ko at magsaya na lang muna.
Tinanggal ko ang suot kong loose na t'shirt at short shorts kaya tanging two piece na black na lang ang naiwan sa akin. Hindi ko na pinansin ang mga side comments ng lalaki sa kabilang side ng pool.
Tumalon ako sa malamig na tubig, gabi na kaya naman ay nanunuot sa katawan ko ang lamig. Sumisid ako ng isang beses bago sumampa sa gilid ng swimming pool.
Nandoon na rin ang ilang mga babae sa tabi ko. Ang ilan sa kanila ay walang sawang kinu-kwento ang mga nangyari sa buhay nila sa nakalipas na isang taon.
"Adelle, kwento ka naman. Kanina ka pa tahimik. Ano ba kasing nangyari sa inyo ni Ramille?"
"Ilang araw na kayong may LQ?"
"Ano ba 'yung pinag-awayan niyo? Mukhang seryoso, ah. Hindi kayo nagpapansinan."
Gusto kong manahimik na lang sa gabing 'yun pero parang ayaw yata nila akong patahimikin. Nilingon ko silang lahat na ngayon ay matamang nakatingin na sa akin.
Hinihintay ang pagbuka ng bibig ko para sagutin ang mga ibinabato nilang tanong. Huminga ako ng malalim saka tumingin sa mga paa kong nakalubog sa tubig.
"Parang ganoon na nga, masyadong seryoso kaya mahirap i-explain. At saka... nagpapahinga lang kami saglit. Pero 'wag kayong mag-alala, maaayos din kami."
Iyon na lang ang sinabi ko dahil ayokong pahabain ang pagku-kwento. Iyong huling sinabi ko, I really meant it. Gusto kong magkaayos kami kahit magkaibigan na lang.
Though, umaasa pa rin ako na balang araw ay maayos na 'yung talagang pagsasama namin. Na sana maayos ko pa ang nasirang relasyon dahil sa akin.
Tumayo na ako saka nagpaalam na kakain lang ako. Lumayo ako ng kaunti sa kanila at naupo sa isang bench malapit sa isang puno ng niyog. Ilang minuto akong nag-stay doon.
Binabaliwala ang mga ingay na nagmumula sa sigawan at tilian ng mga babae. Sa mga pang-aasar ng mga kalalakihan at ang mga tawanan na bumubuhay sa loob ng resort na iyon.
Gusto ko na talagang maayos 'to, kaya lang ay hindi ko alam kung saan ko uumpisahan. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko, o kung kailan ako magsisimula.
"Hey..."
Napatingala ako nang may biglang magsalita sa tabi ko. Akala ko kung sino, si Patrick lang pala. Ngumiti lang ako at naupo naman ito sa tabi ko.
"Kumusta? Usapang magkaibigan 'to, ah? Walang A's Agency ang masasali sa usapan." Aniya ng natatawa kaya natawa na rin ako. "Kapag nasa labas tayo, magkaibigan tayo pero kapag nasa A's tayo, Manager ang tawag ko sa'yo, okay?"
"Okay, Patrick." Natatawa kong sambit. "Nga pala, may gusto sana akong itanong." Panimula ko.
Hindi ko alam kung sino ang lalapitan ko. Siguro uunahin ko na lang muna 'tong si Patrick, since siya ang malapit kay Ramille.
"Sige. Ano 'yun?" Interesado niyang sambit at hinarap ang pwesto ko.
"Noong nawala ako ng isang taon, ano 'yung mga nangyari? Anong nangyari kay Ramille? At saka nagtataka rin kasi ako, bakit walang alam ang mga kaklase natin? Bakit hindi nila alam na wala na kami ni Ramille? Bakit paulit-ulit pa rin nilang idinidikit sa akin si Ramille? Bakit—"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng magsimula na namang tumulo ang mga luha ko. Tahimik lang si Patrick na nakamasid sa akin.
Nilingon ko siya. Wala siyang balak na magsalita kaya nagpatuloy ako pero kaagad din naman niyang pinutol ang kung ano man ang sasabihin ko.
"Mas maganda siguro kung si Ramille na lang ang tanungin mo." Seryosong pahayag niya.
"Paano? Hindi ko nga alam kung paano ko siya ia-approach. Ganoon ba siya kagalit sa akin?"
Magsasalita pa lang sana si Patrick nang may biglang humila sa akin dahilan para mapatayo ako at kinaladkad sa kung saan.
Si Ramille.
"Ano ba, bitawan mo nga ako!" Sigaw ko rito pero tuloy lang ito kahit na kamuntikan na akong madapa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro