Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Three

[three]

Sa hindi mabilang na pagkakataon, muli na naman akong napahikab dahil sa antok. Anong oras na- 6:38 PM na pala pero nandito pa rin ako sa waiting shed.

Kung saan isang oras na akong naghihintay ng taxi. Hindi ko nga alam kung may darating pa ba. Geez. Hindi ko namalayan na nagtagal ako sa mall na 'yun.

Medyo napasarap kasi ako dahil nandoon si Lee Min Ho para sa fashion show ng Bench. Nabanggit ko na ba na siya ang super duper crush ko na korean actor. Syempre isama na natin si Park Seo Joon at Hyun Bin.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo dahil nababagot na ako. Masakit pala ang maghintay, ano? Lalo na kapag alam mong wala ka naman palang hinihintay.

Ang sakit pala.

Siguro, ganito rin 'yung pakiramdam niya noong iniwan ko siya nang walang paalam. Siguro, mas higit siyang nasaktan kaysa sa akin.

Dahil mas masakit ang naiiwanan, pero naisip din ba nila na bago umalis ang isang tao... ilang beses pa siyang nag-isip bago piliin kung ano ang mas makakabuti?

Pinili ko ang umalis dahil alam kong iyon ang tama. Tama dahil iyon ang mas makakabuti sa akin. Ang naging mali ko lang ay hindi ako nagsabi.

Wala akong pinagsabihan sa kung ano ang dahilan ko. Nagsinungaling ako at nanatiling tikom ang bibig. Sa madaling salita, natakot ako. Naduwag ako.

Gusto ko lang naman ang maging okay ako. Gusto kong gumaling kaya nagbabakasali ako na sa pag-alis ko, magiging maayos ang lahat.

Wala sa sariling napabuga ako sa hangin. Okay, tama na 'to. Puro iyon at iyon na lang ang iniisip ko. Wala na bang pahinga itong utak ko sa kakaisip?

Napahinto ako nang may makita akong taxi sa hindi kalayuan. Mula rito sa pwesto ko ay nakikita kong wala pang pasahero iyon kaya madalian akong tumakbo papalapit doon.

Huminto ito sa gilid at saktong paghawak ko sa handle ng taxi ay may isa pang kamay ang humawak doon. Kaya bali nakapatong ang kamay niya sa akin. Nag-angat ako ng tingin upang tignan ito.

"Ako ang nauna." Inunahan ko na ito sa pagsasalita dahil baka maunahan niya pa ako.

"Look, Miss, kanina pa kami naghihintay ng taxi kaya kung okay lang sayo, paunahin mo na kami." Mariing saad nito, tila nababagot at nabuburyo.

Kusa namang tumaas ang kilay ko. Tinitigan ko siya at hindi rin ito nagpatinag ng tingin. Napahinga ako ng malalim saka binitawan ang handle.

Labag man sa kalooban ko ay nagpaubaya na ako. Maghahanap na lang ako ng iba, kaysa ipilit ko pa ang gusto ko dahil mukha namang wala akong laban sa lalaking ito.

"Thank you. Sir, papasukin niyo na 'yan dito." Sigaw nito at doon naman sumulpot ang isang lalaking naka-all black.

Medyo mataba ito at parang bouncer sa isang bar. Akay nito sa balikat niya ang isa pang lalaki, nakayuko ito at parang lantang gulay.

Lupaypay kasi ang katawan nito at kung wala lang sa tabi nito iyong bouncer ay baka tuluyan na itong bumagsak sa lupa. Mukhang lasing pa ang isang 'to.

Sige, paunahin na nga.

Binuksan na ni kuyang naka-uniform ang pinto ng taxi. Ngayon ko lang napansin iyon. Para siyang barterder, hindi ako sure pero sa iyon ang paningin ko. Bumaba ang atensyon ko sa akay nitong lasinggero.

"Ramille?!" Gulat na sigaw ko nang makilala iyon.

Nag-angat ito ng mukha pero nanatiling nakapikit pa rin ang parehong mata. Natulala ako sa mukha nito. Geez. Ang laki na ng pinagbago niya.

Hindi ko alam kung anong ire-react ko. Nagulantang lang talaga ako kanina kasi hindi ko expected na sa ganitong lagay ko siya makikita ulit.

"Kilala mo siya, Miss?" Pagtatanong ni kuyang bouncer.

"Huh? Hindi, ah! Hindi ko 'yan kilala." Mabilis pa sa kidlat na pagtanggi ko.

"Pero tinawag mo siya 'di ba? Pwede bang ikaw na lang ang maghatid sa kanya sa kung saan man siya nakatira. Marami pa kasi kaming naiwan na trabaho sa loob." Pahayag naman ni kuyang bartender.

Ano? Tinignan ko silang dalawa. Pabalik-balik na tipong hindi ako makapaniwala sa sinabi nila. Ako? Ako ang maghahatid sa lalaking 'yan?

Eh, hindi ko nga 'yan kilala. Malay ko bang kamukha lang pala 'yan ni Ramille. At sa pagkakatanda ko, hindi ganyan si Ramille. Wala akong kilalang Ramille na lasenggo.

Ni hindi nga iyon naninigarilyo, hindi rin siya umiinom ng alak dahil iwas siya roon. Wala siyang bisyo bukod sa pagtugtog nila ng banda niya.

"Ano, Miss? Kailangan na naming umalis." Sabi ni kuyang bouncer saka ipinasok na sa loob ang lalaking iyon.

"Ano po bang nangyari diyan? Bakit parang mukhang wasted?" Naguguluhang tanong ko sa kanila.

"Nagwawala kasi iyan sa bar. Naghahamon ng away at mukhang naparami na ng inom kaya napilitan kaming palabasin 'yan. Oh, sige na, ikaw na ang bahala diyan."

"What the hell!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko nang nagsimula na silang maglakad palayo.

Sobrang labag sa kalooban ko pero wala na akong nagawa kung 'di ang pumasok na rin sa taxi. Doon naman pinaandar ni manong driver ang engine at pumasada na.

Napatingin ako sa lalaking nasa tabi ko, mahimbing ang tulog nito at mabibigat ang paghinga. Lasing? Nagwawala? Si Ramille Francisco ba talaga 'to?

"Saan po tayo, Ma'am?" Pagtatanong ng driver.

Iyon na nga ang pino-problema ko. Hindi ko naman alam kung saan siya nakatira. Malay ko ba kung lumipat na pala sila at nagbago na ang address nila?

"Sa Don Quintin Residence na lang po." Sagot ko sa driver, sinabi ko 'yung address ng bahay nila dati.

"A&D Tower tayo, Manong." Paos na sambit ng katabi ko.

Gulat na nilingon kong muli si Ramille. A&D Tower? Condominium 'yun kung hindi ako nagkakamali. Doon na sila nakatira? Kailan pa?

Umayos ito ng pagkakaupo at isinandal ang ulo sa bintana. Pikit ang mata pero alam mong gising na siya. Si Ramille ba talaga 'to? Hindi ba ako minamaligno?

"Saan ba talaga?" Nalilitong tanong sa amin ni manong.

"Sa A&D Tower po." Maagap na pagsagot ko sa kanya bago pa kami pababain sa taxi.

Oh, my goodness!

Ano ba 'tong nangyayari sa akin? In all places and in all state. Bakit ganito pa? Kailan pa siya nagsimulang uminom at maglasing?

Naguguluhan pa rin ako. Nagkataon nga lang ba o ano. Oh my fucking goodness! Hindi kinakaya ng utak ko kaya wala sa sariling napahilamos ako sa mukha ko.

Sabihin niyo nga, nagkataon lang 'to 'di ba? Baka may dinaluhan lang siyang party sa loob kaya siya nandoon at umiinom. Mariin akong napapikit at sumandal na lang sa head rest ng taxi.

"Nandito na po tayo."

Nagmulat ako saka inilibot ang tingin sa labas. Pagkatapos kong magbayad ay lumabas na rin ako at umikot para pagbuksan si Ramille.

Inilalayan ko itong makalabas at makatayo ng maayos. Inilagay ko ang isang kamay nito sa balikat ko habang ang isang kamay ko naman ay sa baywang niya bilang suporta.

Pumasok na kami sa loob at dumeretso sa elevator. Nang makapasok ay isinandal ko muna ito sa dingding dahil ang sakit na ng paa at balikat ko.

"Ang bigat mo..." Halos maiyak na daing ko rito. "Anong floor?" Inis na tanong ko pa rito.

"26th." Mahinang sambit niya pero sapat na para marinig ko.

Kaming dalawa lang naman ang laman ng elevator na 'yon. Nilingon ko ito at nakitang nakayuko lang siya, kulang na lang ay hipan ko siya para tuluyan na itong matumba.

Nang bumukas ang pinto ng elevator ay muli ko na naman siyang inakay palabas. Mabuti na lang talaga at maayos na ang katawan ko kaya nakakaya kong alalayan ang isang 'to.

"Nasaan 'yung room mo rito?" Sakto namang huminto ito sa isang pintuan. "Ito 'yung room mo?"

Hindi siya sumagot bagkus ay tumango lamang ito. Saglit ko siyang isinandal sa dingding para maiunat ang nangalay kong balikat. Ghad, ang sakit. Ilang segundo pa akong nag-unat bago siya tapikin.

"Hoy, nasaan 'yung susi?"

Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin at nagtataray ako ngayon. Bahala siya sa buhay niya.

Nang hindi ito sumagot ay nagkusa na akong kapkapan siya. Alangan namang hintayin ko pa siyang mag-response. Eh, mukhang nakatulog na ang lasenggero.

Wala naman akong balak. Ang gusto ko na lang mangyari ay ang umuwi. Hindi ko alam kung bakit nawala bigla 'yung antok ko kanina.

Kinapa ko ang pantalon nito, ang leather jacket niyang itim pero wala rin. Ano 'yan? De-magic ang pintuan, ganoon? Nang handa na akong sumuko ay bigla itong nagsalita.

"Here." Aniya saka inilahad sa akin ang susi.

Kahit banas na banas na ako ay tumahimik na lang ako. Walang imik ko iyong kinuha sa palad niya at isinaksak sa doorknob ng pintuan.

Nang mabuksan ay muli ko na naman siyang inalalayan pero bigla na lang ako nitong itinulak dahilan para mapalayo ako sa kanya at manlaki ang mata.

Pasuray-suray itong naglakad papasok sa kwarto niya yata. Hindi pa man ako nakakabawi sa ginawa niya ay sinundan ko ito at muling inalalayan.

"Shit! Why are you even here?" Tanong nito na siyang ikinatahimik ko. "Bakit nandito ka? 'Di ba umalis ka na? Bakit ka pa bumalik?" Sunud-sunod na tanong niya pero nanatili akong walang imik.

Bumagsak ang katawan niya sa kama niya at hinayaan ko na lang siya doon. Tumalikod ako dahil pakiramdam ko, tinatraydor ako ng sarili kong puso.

Aaminin ko, nasaktan ako sa sinabi niya. Ang sakit. Mas masakit pa sa iniinda kong balikat. Ang sakit pala, na 'yung taong mahal mo pinagtatabuyan ka.

"Stop acting like you're my girlfriend."

Hindi pa man naglalaho ang kaninang sakit ay nadagdagan na naman ng isa pang salita. Hindi ko na lang iyon pinansin. Tama na... tama na. Sobra na.

Huminga ako ng malalim bago pumunta sa banyo ng kwarto niya para kumuha ng basin para mahimasmasan siya. Lumapit ako sa kanya at dahan-dahan na pinunasan ang mukha niya.

Tahimik ko iyong ginagawa at ganoon din naman siya. Matagal ko siyang tinitigan, ang mukha nitong mas lalong nadepina. Mula sa buhok, mata, ilong, labi at sa jawline nito.

Natauhan lang ako nang biglang may kumatok sa labas. Hindi ako sure pero siguro mama o mga kapatid niya iyon. Siya lang kasi ang tao rito ng pumasok kami.

Itinabi ko ang basin saka tumayo at lumabas para buksan ang pintuan. Inayos ko muna ang sarili ko bago binuksan iyon at bumungad sa akin ang isang babae... magandang babae.

"Ay, hello po. Nandiyan po ba si Ram?" Tanong nito pero hindi ako umimik.

Binuksan ko ng mabuti ang pinto para makapasok siya. Hindi pa masyadong tinatanggap ng utak ko iyong mga sinabi niya kanina. Nanatili akong nakatingin lang sa kanya.

Hindi ko alam kung anong ire-react ko. Hindi ko talaga alam. Bakit feeling ko maiiyak na lang ako rito nang wala sa oras?

"Uhmm, tinawagan niya po kasi ako. So, baka nandito na siya." Aniya nang mapansing tahimik lang ako.

"Here!" Sigaw ni Ramille sa nakaawang na kwarto niya kaya tumakbo ang babae papasok doon.

Okay. Kalma. Hingang malalim. But... fuck! Hindi ko na napigilan ang sarili ko nang biglang bumuhos ang luha ko. Bullcrap! Sa isang taon, ngayon na lang ulit ako umiyak.

Ngayon ko na lang siya ulit iniyakan at nakalimutan ko na iyong panghuli. Kumaripas ako ng takbo palabas ng unit niya. Takbo lang ako nang takho.

Sa gabing iyon, uuwi akong luhaan. Uuwi akong masakit ang puso. Ngayon ko lang na-realize, mahal ko pa nga siya. Mahal na mahal. Walang nagbago.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro