Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Thirteen

[thirteen]

"Whoa! Ano 'yan?" Sigaw ng isang lalaki ng madaan kami sa gilid ng swimming pool.

"Ano ba! Nasasaktan ako!" Bulyaw ko kay Ramille na hindi pa rin tumitigil sa paghila sa akin.

Binitawan lang ako nito sa lugar kung saan walang nagdadaang tao. Tagong parte ito kaya kaming dalawa lang ang naroon. Napatingin ako sa braso ko.

Namumula iyon dahil sa mahigpit na pagkakahawak niya kanina. Napapikit ako dahil sa inis pero agad ding dumilat para harapin si Ramille.

Nagtatagis ang bagang nito habang nakatitig lang sa akin, kuyom ang kamao. Lumunok ako para magsalita pero inunahan niya na ako.

"Nababaliw ka na ba? Kita mong nag-uusap kami no'ng tao—"

"Will you please... stop flirting with my friends?" Matigas nitong sambit.

Sa sinabi nito ay halos malagutan ako ng hininga, tumigil sa ere ang paghinga ko. Nakatitig lang ako sa kanya pero walang lumalabas na salita sa bibig ko.

Parang ang hirap ipasok sa utak ko ang lahat ng binitawan niyang salita. Masakit. Sobrang sakit dahilan para lumagapak ang palad ko sa pisngi niya.

Kahit na medyo masakit pa iyon dahil sa pagkakahawak niya ay buong pwersa ko pa rin siyang nasampal. Tumagilid ang ulo niya dahil sa impact ng pagkakasampal ko.

"Ang kapal ng mukha mo... anong akala mo sa akin? Malandi?" Umiiyak na sabi ko. "Ni hindi ko nga magawang lumandi dahil iniisip ko 'yung... sasabihin mo. Tapos ito? Simpleng pag-uusap lang namin ni Patrick, lalagyan mo na kaagad ng malisya? Ganoon na ba ang tingin mo sa akin? Kahapon may nagsabi sa akin na tanga ako, tapos ngayon malandi naman?!"

Hindi pa rin siya umiimik, hindi niya magawang igalaw ang ulo niya para lingunin ako na ngayon ay halos lumuwa na ang mata dahil sa sunud-sunod na paglabas ng luha ko.

Nang hindi pa rin ito nagsalita ay tumalikod na ako at tumakbo palayo sa kanya. Akala ko magiging okay na, kasi handa kong gawin ang lahat para magkaayos kami, pero hindi pala.

Wala pa man akong nagagawa ay mas lalong lumala ang gulo. Mas binigyan niya ako ng dahilan para huwag ng ituloy ang binabalak ko. Binigyan niya ako ng dahilan para magalit sa kanya ng tuluyan.

Dumaan ako sa gilid ng pool, 'yung kaninang dinaanan namin ni Ramille kaya naman ay naagaw ko ang pansin nila dahil sa malakas kong paghikbi.

Hindi ako tumigil sa pagtakbo hanggang sa madapa ako dahilan para mapasinghap ang lahat ng nakakita sa akin. Nakarinig ako ng mga yabag ng paa na papalapit sa akin.

At bago pa man sila tuluyang makalapit ay dali-dali akong tumayo at muli na namang tumakbo. Lumabas ako ng resort at huminto lang nang ma-realize kong napalayo na ako masyado.

Wala na ring nakasunod sa akin. Mabuti na lang at nasuot ko iyong damit ko kanina dahil mas lalong lumamig dito sa labas ng resort. Bumuntong hininga ako at halos hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses ko na iyon.

Umupo ako sa pavements ng kalsada at doon naglabas ng hinanakit sa taong sobra kong minahal pero dahil sa isang salita, naglaho na lang bigla.

Nawala 'yung pagmamahal ko sa kanya at napalitan ng pagkamuhi... pagkagalit sa kanya. Biruin mo, siya pa mismo ang nagsabi sa akin na malandi ako?

Sa lahat ng tao, sa kanya pa talaga manggagaling 'yun. Okay lang kung ibang tao, dahil wala naman akong pakialam. Pero 'yung magmula mismo sa bibig ng taong mahal mo?

Ang sakit... ang sakit-sakit.

Isang disaster ang napuntahan ko. Sana kasi ay hindi na ako pumunta. Sana kasi ay hindi ko na lang pinansin ang tatlong babaeng 'yun. Mas magandang nasa bahay na lang ako at natutulog.

Pero kailan nga ba napunta sa unahan ang pagsisisi? Lahat naman nasa huli ang hindi ba?. Kaya nga nauso ang pagiging tanga. Pagkakamaling masasabi ang katangahan natin dahil sa huli ay natututo tayo.

Natuto tayong iyong pagkakamali natin noong una ay dapat na hindi na ulitin. Natutunan natin na hindi lahat ng bagay na ikasasaya natin ay siya namang ikasasaya ng taong mahal natin.

Uso ang sumugal pagdating sa pag-ibig. Sumusugal tayo kasi nag-aasam tayo sa isang bagay. Sumusugal tayo kasi nangangarap tayo na makukuha natin ang mga gusto natin.

Ang nakakatakot lang kapag sumugal ka, hindi mo alam kung ano ang kalalabasan. Hindi mo alam kung magiging positive ba o negative ang resulta.

Isang oras siguro akong nagmukmok doon hanggang sa maisipan kong tumayo na at mag-unat ng kamay. Inaantok na ako dahil ang bigat na ng mata ko.

Kung hindi pa ako pinapapak ng mga lamok ay hindi ko pa maiisipan na umalis at bumalik na sa resort. Babalik ako sa resort na 'yun para makuha ang mga gamit ko nang makauwi na ako.

Ayokong may mangyaring hindi na naman maganda. As long as kaya ko pang kontrolin ang sarili ko ay aalis na ako. Ayoko ng masaktan ng paulit-ulit. Nakakasawa na kasi.

"Adelle!" Tawag nila sa akin nang makitang papasok ako sa entrance ng resort.

"Saan ka galing? Kanina pa kami nag-aalala sayo. Umalis ang Ace para hanapin ka!"

"Tawagan mo na lang sila para sabihing nandito na ako." Walang gana kong pagsagot.

Nilagpasan ko na sila at dumeretso sa isang table na napupuno ng mga pagkain. Tahimik akong kumuha ng barbeque at umupo roon para makakain.

Maya-maya lang din ay dumating na sina Patrick, Jack, Topher at Jayson. Ayoko ng alamin kung nasaan si Ramille. Wala na akong pakialam.

Humahangos na lumapit sila sa akin. Galit ang mukha ni Patrick nang humarap siya at walang pasabing binuhat ako nito na parang sako.

"Patrick, ibaba mo ako!" Sigaw ko saka pinagsusuntok ang likod nito.

"Tangina, Adelle! Matagal na akong nagtitimpi sa inyong dalawa, ah! Mag-usap nga kayo!" Saka ako nito ibinaba at itinulak papasok sa isang kwarto.

"Patrick!"

Lumapit ako sa pinto ng marahas niya itong sinarado at ni-lock mula sa harapan. Kinalabog ko iyon ng paulit-ulit hanggang sa may sumigaw sa likod ko.

"Ano ba? Ang ingay mo!"

Kusa akong napaharap sa kanya. Prente itong nakahiga sa kama, pikit ang mata pero malalalim ang bawat paghinga. Napahilot ako sa sentido ko dahil sa sobrang inis.

Sinasabi ko na nga ba, tama 'yung hinala ko na pagkakaisahan nila kami. At ito na nga, nangyayari na nga. Kasunod ng buntong hininga ko ang paghilamos ng palad ko sa mukha ko.

"Ikaw ang may kasalanan nito e. Ang yabang mo! Akal mo kung sino ka, ha?! Ang tagal kong nanahimik pero dahil sa pesteng reunion na 'to—"

"So, anong gusto mong palabasin?"

Napayuko ako nang namalayan ko na lang na nasa harapan ko na siya. Galit na galit ang parehong mata nito, nakatitig siya sa akin na parang gustung-gusto niya akong saktan at ibato sa kalawakan.

"Huwag mo akong sisigawan na parang ako talaga ang may kasalanan dito. Tandaan mo, ikaw ang dahilan kung bakit nangyayari sa atin 'to. Huwag mo akong sisigawan na parang alam na alam mo lahat!"

Fuck!

"Wala kang karapatan na magalit dahil unang-una, Adelle, wala kang alam! Hindi mo alam ang pinagdaanan ko no'ng umalis ka, ni hindi mo alam kung anong nangyari sa akin noon." Sandali itong tumigil para huminga ng malalim. "Matagal ko ng gustong itanong sayo 'to— bakit ka bumalik? Bakit ka pa kasi bumalik?!"

Mabibigat ang hiningang pinapakawalan niya. Tahimik lang ako habang buong puso kong tinatanggap ang lahat ng hinanakit niya sa akin.

Bakit pa nga ba kasi ako bumalik? Ang tanga ko. Tanga na nga, malandi pa. O saan ka pa 'di ba? Pasensya naman dahil sobrang tanga ko at binalikan pa kita.

"Bakit ka pa bumalik? Okay na sana, maayos na ako! Masaya na ako sa buhay na mayroon ako no'ng wala ka! Bakit? Bakit ka umalis? Dahil may sakit ka at dahil malapit ka ng mamatay kaya umalis ka na lang bigla? Tapos ngayon, babalik ka na parang walang nangyari?"

For the first time, nasigawan niya ako. At paano niya nalaman na may sakit ako? Saan niya nalaman at kanino niya nalaman?

"Itatanong mo kung kanino ko nalaman? Na-kwento sa akin ni Salve ang tungkol sa "boyfriend" mo kaya ka umiiyak kahapon. Nasabi niya sa akin na may sakit ka kaya mo iniwan ang boyfriend mo noon. Sabihin mo nga, ako 'yung tinutukoy mo hindi ba? Ako 'yung "boyfriend" mo na iniwan mo dahil may sakit ka!"

Nag-angat ako ng tingin para tignan siya, namumula na ngayon ang parehong mata niya na para bang sobra ang pagpipigil niya na huwag umiyak.

"Bakit, Adelle? Bakit mo ako iniwan? Ni hindi ka man lang nagpaalam? Bakit? Natatakot ka kasi baka iwan kita? Hindi mo ba inisip na mas tatanggapin ko pa kung sinabi mo sa akin 'yung totoo? Kasi kung sinabi mo ng mas maaga, mas pipiliin kong sumama sayo. Sasamahan kita, hindi kita iiwan kahit na anong mangyari. Hindi mo inisip na mas okay sa akin kung pareho nating haharapin ang dinadala mong problema. Hindi mo inisip na mas maganda kung pareho tayong lalaban..."

Nagkamali ako. Tama siya, hindi ko inisip lahat ng mga naiisip niya. Hindi ko naisip na mayroon nga pala akong boyfriend na handa akong samahan sa kahit na anong problema ang dumaan sa buhay ko.

Hindi ko inisip 'yung maaari niyang gawin dahil lahat naman ng makakaya niya, gagawin niya hangga't nariyan ako sa tabi niya. Iyon ang natutunan ko sa ugali niya noon.

Na kahit anong mangyari, nariyan siya sa tabi ko at handa akong ipaglaban sa kahit na ano o saan. Handa akong protektahan sa kahit na kanino. Nandiyan siya pero nabulag ako sa katotohanang may sakit ako.

"Umalis ka nang hindi nagpapaalam sa akin, iniwan mo ako..." Namamaos nitong pahayag.

Nagsimulang pumatak ang luhang kanina niya pa pinipigilan. Kahit ako ay hindi ko na rin napigilan ang umiyak. Mas lalo akong nahihirapan sa sitwasyon namin ngayon.

"Hindi mo alam kung ano ang mga pinagdaanan ko noong wala ka. Hindi mo alam na nilibot ko na ang buong Pilipinas para lang makita ka. Hindi mo alam na halos makapatay na ako ng tao noon. Hindi mo alam na ilang beses na akong nakulong sa kakahanap sayo. Hindi mo alam kung ilang beses kong tinangkang kalimutan ka... pero wala. Kahit anong gawin ko, ikaw pa rin e."

Unti-unti siyang lumapit sa akin at itinulak ako sa pader na siyang nasa likuran ko. Dahan-dahan na nilapit nito ang mukha niya na halos tumama na sa mukha ko ang hininga niya.

Mataman niya akong tinitigan na para bang ako lang ang babaeng nakikita niya. Puno ng hinanakit at kalungkutan ang makikita sa pareho nitong mata.

Umiiyak pa rin siya at hindi ito nahihiyang ipakita sa akin iyon. Mas diniin pa nito ang katawan niya sa akin. Pinagdikit ang noo naming dalawa.

"Habang tumatagal na wala ka sa tabi ko, habang tumatagal na hindi ka bumabalik, naisip kong kalimutan ka na."

Pinunasan nito ang luha ko gamit ang isa niyang kamay. Habang ang isa naman ay marahang hinahaplos ang baywang ko dahilan para manginig ako.

"Pero sa tuwing iniisip ko na kalimutan ka, mas lalo lang lumalalim iyong pagmamahal ko sa'yo. Mas lalo kitang minamahal." Mahinang pahayag niya habang patuloy pa rin ang pagluha niya.

Binitawan ako nito at bahagyang lumayo sa akin, kasabay nito ay ang paghina ng tuhod ko dahilan para mapaluhod ako sa kaninang kinatatayuan ko.

"It's sad how you claim you love me with all of your heart and... you just walk away like that." Malungkot na sambit niya saka ako tinalikuran at iniwan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro