Chapter Ten
[ten]
Matapos ang kanta ay tumahimik na ang mga speaker sa labas. Tinignan ko si Kyla na busy sa pagta-type ng kung ano sa PC na nasa harapan niya.
Samantalang wala akong ginagawa, at saka hindi ko naman alam ang gagawin ko. Sumubsob ako sa desk ko at ipinikit ang dalawang mata. Matutulog na lang siguro ako.
"Oh! Bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong nito.
Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin. Mas lumapit pa siya sa akin para pahirin ang mga luhang kumakawala sa mata ko. Huminga ako ng malalim.
"Ano nga? Bakit ka umiiyak? May nang-away ba sa'yo? Inaway ka ba ng mga fans ko?" Natawa ito sa huli niyang tanong. "Adelle... magsalita ka naman. Tinatakot mo ako, e."
Hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa pagbabasa ng librong hawak ko. Singhot pa rin ako nang singhot, habang wala namang humpay ito sa pangungulit sa akin.
Nang hindi na ito nakatiis ay mabilis pa sa kidlat na hinablot nito ang librong hawak ko at ibinato sa malayo. Lumanding iyon sa fish pond dahilan para manlaki ang mata.
"Ano ba?! Bakit mo tinapon?" Galit na sigaw ko rito at nang tangkang tatayo na ay hinila naman nito ang kamay ko.
Muli akong napaupo, iyon nga lang ay sa kandungan na niya ako dumeretso. Hindi pa rin tumitigil sa pagpatak ang luha ko, bagkus ay mas lalo pa akong naiyak.
Wala namang tao sa parkeng iyon kaya hindi na ako nagpumilit na umalis sa kandungan niya. Niyakap ako nito mula sa likuran at isinubsob ang mukha sa likod ko.
Tuloy lang ako sa paghikbi. Hindi ko rin naman kasi alam kung bakit ako umiiyak. Kung saan banda 'yung iniiyakan ko. Doon ba sa binasa ko kanina o sa realization na paulit-ulit na naglalaro sa isip ko.
"Sorry..." Mahinang sambit nito at mas lalo pang hinigpitan ang yakap sa akin. "Bakit ka ba kasi umiiyak, ha? May problema ba tayo? Maghihiwalay ba tayo? Balak mo ba akong iwan?"
Mas lalo akong naiyak sa mga sinabi niya. Halata sa boses nito ang kalungkutan, pati ang takot dahil sa maaaring mangyari sa amin pagkatapos nito.
Huminga ako ng malalim at unti-unting kinalas ang kamay nitong nakapulupot sa baywang ko. Hindi na rin siya nagpumilit dahil ramdam kong nanghihina ang katawan niya.
"Paano kung oo ang sagot ko?" Pagtatanong ko nang makatayo ako.
"Ano?!" Sigaw nito at wala sa sariling napatayo rin para harapin ako.
"Nagbibiro... ka lang... 'di ba?" Nanghihinang tanong nito "Sabihin mo, mahal mo pa naman ako, 'di ba?" Punung-puno ng pag-asang sambit niya.
Alam ko sa mga oras na 'yun, kapag sinabi kong makikipaghiwalay ako sa kanya, mamamatay siya— mamamatay ang puso niya dahil alam ko kung gaano niya ako kamahal.
Mahal na mahal ko rin naman siya kaya ko 'to gagawin, pero noong mga oras na rin 'yon, alam ko sa sarili kong hindi ko kaya.
Parang nawala bigla sa isip ko 'yung mga sasabihin ko sa kanya dapat nang bigla ako nitong higitin at ikulong sa mga bisig niya.
"Sorry. Sorry kung may nagawa man akong mali sayo. Sorry... pero sana, huwag mong hayaan na masira itong relasyon natin."
"Ano ka ba!" Itinulak ko ito ng malakas dahilan para mahiwalay siya sa akin, pagak akong tumawa. "Mahal kita. Mahal na mahal kita... mahal kita, sobra pa sa inaakala mo. Mahal kita, Ramille. Mahal na mahal—"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong halikan sa labi. Tumigil sa ere ang hininga ko, ni hindi ko maikurap ang dalawa kong mata.
Hindi rin nagtagal ay humiwalay na siya sa akin. Tinitigan ako, pinupunasan nito ang pisngi ko habang paulit-ulit niyang sinasabi kung gaano niya ako kamahal.
"Hindi naman ako makikipaghiwalay sa'yo, e. Umiiyak ako kasi... kasi namatay si Athena. Kawawa naman kasi si Kenji, mahal na mahal niya si Athena pero hindi sila naging maligaya dahil sa sakit ni Athena."
"Sinong Athena at Kenji?" Naguguluhang tanong niya.
"Iyong kaninang binabasa kong libro, iyon 'yun. Kaya lang tinapon mo, hindi ko tuloy alam kung naging sila pa ba hanggang sa huli."
Iyong kwento kasi ni Athena ay damang-dama ko. Ganoon na ganoon din ang nangyayari sa akin ngayon. May mahal ako... pero nag-aabang sa akin ang kamatayan.
Gustung-gusto ko 'yung fighting spirit ni Athena, sobrang mahal niya rin si Kenji, pero dahil sa sakit nito, malabong magkaroon sila ng happy ending.
Matagal ko ng alam na may sakit ako at ito ang unang pagkakataon na tinangka kong makipaghiwalay kay Ramille, pero sa tuwing gagawin ko 'yun, naduduwag ako.
Naduduwag ako kasi siya na nga lang ang nagbibigay sa akin ng lakas, ilalayo ko pa siya sa akin. Paano na lang ako? Paano 'yung kaligayan ko?
To be continue na lang kapag bumalik ako at tagumpay na naisagawa ang operasyon, ganoon? Pero dahil mamamatay ako, wala ng kasunod.
Wala ng happy ending, ni hindi man lang ako binigyan ng happy ending sa sarili kong istorya. Ni wala man lang, they live happily ever after sa huli.
"Sorry. Huwag mo ng uulitin 'to, ah? Akala ko kasi iiwan mo na ako."
"Hindi naman kita iiwan. Aalis lang ako pero babalik din ako..." Bulong ko sa hangin na alam kong hindi niya narinig.
Sa sumunod na mga araw, nag-try ako ulit na makipaghiwalay sa kanya. Kaya lang sa tuwing nakikita ko ang parehong mata niya, napuputulan ako ng dila.
Ilang beses ko rin gustong i-open ang nararamdaman kong sakit pero hindi ko nagawa. Unang-una, nilalamon ako ng takot ko. Pangalawa, hindi ko talaga kaya.
At pangatlo, kapag nangyari siguro 'yun ay baka siya na mismo ang tumapos sa relasyon namin at iwan niya ako, dahil takot din siyang maiwanan siya.
"Hoy, Adelle! Gising!" Naalimpungatan ako dahil sa sunud-sunod na pagyugyog sa balikat ko. "Umiiyak ka, oh! Pati ba naman sa pagtulog?"
Mabilis na inabutan ako nito ng tissue. Maagap ko naman iyong tinanggap at madaliang ipinunas sa mukha ko. Umiiyak na naman pala ako, hindi ko namalayan na nakaidlip ako.
Itinapat ko sa mukha ko ang bilog na salamin saka ini-scan ang mata ko. Mas lalong lumubo ang namamaga kong mata. Wala na talaga akong pag-asa.
"Okay ka lang ba? May problema ka bang pinagdadaanan, ha?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Kyla.
"Wala... siguro, pagod lang ako. Pagod na pagod na kasi ako..." Nanghihina kong sambit.
"Pero wala ka naman masyadong ginawa." Maang na pahayag niya.
"Oo nga. Katawan lang ba ang napapagod? Ikaw ba, hindi ba napapagod 'yang puso mo? Hindi ka ba napapagod na magmahal?" Singhal ko rito.
Hindi ko na hinintay ang sagot nito at mabilis na niligpit ko ang mga gamit ko. Tumayo na ako at binitbit ang bag ko.
"Uuwi na ako. Kailangan ko nang magpahinga." Paalam ko rito at madaliang lumabas ng cocoon lab.
NP: Wherever You Will Go by The Calling.
So lately, been wondering
Who will be there to take my place
When I'm gone, you'll need love
To light the shadows on your face
If a great wave shall fall
It'd fall upon us all
And between the sand and stone
Could you make it on your own?
Sakto naman ang paglabas ko nang tumugtog ang Ace. Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad hanggang sa makarating ako kung saan sila naroon.
Pikit-matang kinakanta ni Ramille ang unang verse, habang sinasabayan naman siya sa pagkanta ng maraming tao. Seryoso ang mukha niya sa kabila ng mga nagsisigawang fans nila.
If I could, then I would
I'll go wherever you will go
Way up high or down low
I'll go wherever you will go
Mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao nang magmulat ito para kantahin ang unang chorus. Ngayon pa lang, nakikita ko nang magiging successful ang grupo nila.
Noon pa naman ay marami na silang taga-hanga, mas dadami nga lang ngayon dahil lalabas na sila sa mga TV station, maririnig na rin ang boses nila thru Radio o sa kahit na anong site.
Hindi magtatagal ay magiging sikat sila. Makikita mo na lang sa EDSA ang mga naglalakihan nilang billboard, at kahit saan ka pumunta, mga kanta ng Ace ang kinakanta ng bawat taong makakasalamuha mo.
And maybe, I'll find out
The way to make it back someday
To watch you, to guide you
Through the darkest of your days
If a great wave shall fall
It'd fall upon us all
Well I hope there's someone out there
Who can bring me back to you
Hindi malabong sumikat sila. Panigurado ako, itataya ko ang sariling pangalan para lang mapatunayan na karapat-dapat sila sa industriyang 'to.
Itataya ko ang buhay ko para pagsilbihan at gabayan sila bilang Manager nila. Ako ang magiging susi para mas makamit nila ang matagal na nilang pinapangarap.
Wala ni sino man ang makakapagbigay noon, kung 'di ako lang. Hindi si Salve, hindi na kahit sino dahil ako lang. At sa huli, papatunayan kong... ako pa rin.
Run away with my heart
Run away with my hope
Run away with my love
I know now, just quite how
My life and love might still go on
In your heart, in your mind
I'll stay with you for all of time
May itinuro si Ramille sa audience dahilan para maghiyawan ang mga tao sa paligid. Halos gumuho ang mundo ko ng mapagtanto kung sino ang itinuturo at kinakantahan niya.
Si Salve...
Ito ba? Ito na ba 'yung time para maggive-up ako? Ito na ba 'yung tamang panahon para magmove-on ako at mawala sa landas nilang dalawa?
Kasi sa palagay ko, parang ako 'yung kontrabida kahit ako naman 'yung naagawan ng eksena. Kahit ako naman 'yung kawawa sa scripted na love story na 'to.
Sabihin niyo nga, ito ba 'yun? Kasi kung oo, nakahanda naman ako. Handa akong magparaya para lang sa ikasasaya nila, lalo na ni Ramille.
Handa ko siyang ibigay kahit na mahirap. Sumugal na ako ng isang beses noon, kayang-kaya ko pa rin naman ang sumugal ngayon kahit sobrang sakit.
Kahit sobrang sakit na... pakiramdam ko nga, bumabalik iyong sakit ng puso ko noon. Gumaling nga ako mula sa heart disease ko pero hindi rin pala ako ligtas sa pagiging heart broken ko.
If I could turn back time
I'll go wherever you will go
If I could make you mine
I'll go wherever you will go
Kilala ko si Ramille. Marunong siyang makuntento at alam kong masaya na siya ngayon. So why not 'di ba? Wala naman akong laban sa taong mahal na niya ngayon.
Umiiyak na naman pala ako. Mabuti na lang at maraming tao sa paligid kaya walang masyadong nakakahalata na ngumangawa ako rito sa likod nila.
Pumikit ako para pigilan ang natitira ko pang luha. Huminga ako ng malalim. Okay lang ako... magiging okay din ang lahat. Tiwala lang, self.
I'll go wherever you will go
Dumilat ako, nanlalabo pa ang paningin ko dahil sa basa kong mata. Unti-unti ay lumilinaw iyon, hanggang sa naging mas malinaw na ngayong nakikita kong nakatingin sa akin si Ramille.
Nakatitig lang siya sa akin, nanlalaki ang mata marahil nakikita niyang umiiyak ako. At para iwas gulo ay tumakbo na ako paalis sa lugar na iyon.
Tumatakbo ako kasi pakiramdam ko, hahabulin niya ako. Susundan niya ako kasi mahal pa niya ako, pero nagkamali ako. Mag-isa akong nakalabas ng building.
"Oh, shit! What the hell?"
Dahil sa nanlalabo ang paningin ko ay hindi ko na nakita ang taong paparating kaya nagkabungguan kami. Hindi ko na alam 'yung ginagawa ko.
Ang alam ko lang sa oras na 'yun, bigla ko siyang niyakap. Niyakap ko ng mahigpit iyong taong nakabungguan ko. Doon ako umiyak sa dibdib niya, doon ko binuhos lahat ng hinanakit ko.
Hindi siya gumalaw marahil nagulat ito, na may isang taong hindi niya kilala pero bigla na lang siyang niyapos. Hindi nagtagal ay marahan na nitong tinatapik ang likod ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro