Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Six

[six]

Hawak ang coffee frappe sa isa kong kamay at ang handbag ko naman sa kabila ay pumasok na ako sa loob ng elevator. Ako lang ang mag-isa roon kaya hinayaan ko na lang na magkusa iyong magsarado.

Ilang segundo ang lumipas, hindi pa man nagsasara ng mabuti ay muli na naman itong nagbukas saka humahangos na pumasok ang isang babaeng naka-white dress.

Sumandal ako sa pader at pinagmasdan siya. Medyo mababa ang height niya kumpara sa akin na 5'6", payat lang din siya katulad ko pero sa tingin ko ay mas sexy pa rin ako.

Kahit mukhang pagod ay hindi naaalis sa mukha nito ang isang ngiti, na para bang kapag pumasok ka ng Jollibee ay siya ang unang babati sa'yo with all wide smile.

Napaismid na lang ako dahil hindi pa rin nawawala ang ngiti niya. Ano bang nakakatuwa sa kanya? Baliw yata 'to e. Nang bahagya itong gumalaw ay doon ko natitigan ang mukha niya.

And there, pumasok na naman sa utak ko ang isang scenario. A&D Tower. Condo unit ni Ramille... Geez. Siya 'yung babaeng pumasok sa kwarto ni Ramille!

"Anong pangalan mo?" Pagtatanong ko.

Halos matawa ako sa itsura nito ng mapatalon siya sa gulat dahil sa biglaan kong pagsasalita. Humarap ito sa akin para matignan ako pamula ulo hanggang paa.

Kusang tumaas ang kilay ko sa ginawa niya. Hindi niya nakikita ang mata ko dahil nakasuot ako ng aviators. Pero kung pagsusumahin, mas maganda talaga ako sa kanya.

"Salve... Salve Junio." Malumanay na sagot niya.

"Oh. So, ba't nandito ka?" Derektang pahayag ko.

Muli ay ipinakita na naman nito ang nakakairita niyang ngiti. Problema ng babaeng 'to? May saltik yata 'to sa utak e. Next time talaga pagbabawalan ko na ang guard dito na 'wag nang magpapasok ng mga may sira sa ulo.

Hindi na siya nakasagot dahil nagbukas na ang elevator at bago pa man siya makalabas ay inunahan ko na siya. Nauna akong lumabas at parang dyosang naglalakad sa hallway ng building na 'to.

"Good morning, Ma'am." Pagbati sa akin ng ilang empleyado na nakilala ko kahapon.

"Good morning din!" Masaya ko silang binating lahat.

Hindi ko na nakita iyong si Salve at wala naman akong balak na hanapin pa, no ayaw ko siyang makita. Dumeretso na ako sa Cocoon Lab kung saan naroon lahat ng talent scouts.

Maaga akong nagising kaninang umaga dahil ayoko ng maulit 'yung nangyari kahapon. Sobrang hassle kaya hindi ko tuloy naabutan ang iba pang performers kaya in the end, ang Ace na lang ang naabutan ko.

Pumasok ako sa loob at prenteng naupo sa designated desk ko. Yes, may sarili na akong lamesa rito. Balak kasi ni mama na rito na ako magtrabaho as a talent scout, para 'di na rin ako mahirapan sa paghahanap ng trabaho.

Oh well, wala namang masama kung tatanggapin ko. Pang-experience ko lang naman ito, at least kikita pa rin ako kahit na pagmamay-ari na namin itong A's Music Recording.

Kaya lang... sino naman ang magiging artist ko? Sino ang mga hahawakan ko? Papayag kaya sila na maging under ko sila, gayong wala akong history sa pagkanta, though maganda naman ang boses ko.

Kahit madami akong doubts ay natutuwa pa rin ako kasi sa wakas may trabaho na ako. Isang taon din kasi akong tumambay para magpahinga and now, I am so damn excited.

Yikes!

"Huy!" Sigaw nito sa mukha ko sabay kalabog sa lamesa ko.

"Walangya ka! Huwag ka ngang manggulat diyan. Akala mo ba natutuwa ako sa pagmumukha mo, ha?" Dere-deretsong sigaw ko rin sa kanya.

"Easy ka lang." Sambit niya habang tumatawa saka pa ito kumindat.

Kadiri. Ayoko sa lahat ay 'yung ginugulat ako dahil pagsisisihan mo talagang ginawa mo 'yun. Mabuti nga ay nakaupo ako at medyo malayo sa akin si Bernard kaya hindi siya naabot ng kamay ko para sa tumatagingting na batok.

Gumaling nga ako mula sa heart disease ko pero feeling ko ay magkaka-heart attack naman ako dahil sa gulat. Pumikit ako ng mariin at kinalma ang sarili. Dumilat ako para samaan siya ng tingin.

Hindi naman nagkakalayo ang edad namin ni Bernard, twenty five na siya habang ako ay twenty two pa lang. Si Kyla naman ay kaedaran ko lang din kaya tropa-tropa na lang kami rito.

Maisumbong nga ang mga 'to kay mama, pero syempre ay joke lang 'yon. Mas okay nga 'yung ganito dahil mas madali ko silang maka-vibes.

Si Jan, Jin at Jun naman ay magkakapatid kung nagtataka kayo, tatlo silang lalaki at pare-pareho silang talent scouts dito. Napag-alaman kong dati silang artist dito pero hindi na tumuloy matapos mag-end ang contract nila.

Triple J ang dati nilang screen name, at dahil mabait si mama, in-absurb niya ang mga 'to bilang mga talent scouts since may mga alam naman sila sa pag-handle ng mga singers and artists.

"Hoy! Tulala ka naman." Si Bernard na tinatawanan ako saka pa niya sinundot ang pisngi ko.

Siraulong 'to!

"Ikaw, Bernard, pwede ba... naiinis na ako sa pagmumukha mo at bago pa man kita malait, maaaring ibulsa mo muna 'yang mukha mo. Shoo!!"

Ako naman ngayon ang tumatawa dahil parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha niya. Nakabusangot itong umalis with matching pouty lips pa.

Matatahimik na sana ang mundo ko kung hindi lang nag-materialize sa harapan ko si Kyla. Todo ngiti ito na parang inspired na inspired sa buhay.

"Nakarating na ang dalawang lawyer, magsisimula tayo within five minutes." Seryosong saad niya at nagpunta na sa desk niya.

Sinundan ko siya ng tingin dahil magkalapit lang naman ang desk namin. May kinuha itong mga papers sa drawer niya at muli na namang lumapit sa akin.

"Ayan ang kontrata ng A's Music Recording. Nandiyan na lahat ng magiging responsibility mo as a talent scout. Ace group will be the first artist na magiging under ng pangalan mo, ibig sabihin, ikaw ang magsisilbi nilang manager. Tinawagan na namin ang mama mo for the confirmation and approval, and she said yes. Nandito na ang lawyer ng A's Company, ang lawyer ng Ace, nandiyan na rin ang Ace group. Kailangan mong i-close ang deal gamit ang signature mo sa kontrata."

"Come again?" Naguguluhang sambit ko.

Kumunot ang noo nito dahil sa sinabi ko. Unti-unti ay nalukot ang mukha niya. Ang kaninang nakangiti, ngayon ay parang natatae na ewan.

Sa sobrang haba ng sinabi nito ay wala na akong naintindihan, ni wala akong natandaan sa mga pinagsasabi niya o talagang nabibingi lang ako sa bawat bigkas niya ng salita?

"Ano ba naman 'yan, Adele! Ang haba kaya ng speech ko tapos ipapaulit mo sa akin?" Naiiritang sigaw niya.

"Eh, sa hindi ko naintindihan!" Mas naiiritang sigaw ko.

"Eh, 'di sana ni-record mo. Ano bang iniisip mo at para kang lutang? Sabihin mo nga, kaya mo ba 'to? Kasi kung hindi ako na ang sasalo sa Ace." Aniya saka pa nag-cross arms.

Mabilis ko siyang inilingan. "No. Kaya ko, ako na. Nasaan na ba sila?"

"Sa Conference room." Sagot niya saka hinilot ang sentido.

Pasensya naman ho 'di ba? Bago lang po ako rito kung hindi niyo mamasamain.

Tumayo na ako saka sinundan ang nagmamadaling si Kyla. Pumasok kami sa conference room at doon naabutan ang mga naghihintay sa akin.

Hinatid lang ako ni Kyla at mabilis din itong lumarga paalis. Tuluyan na akong pumasok sa loob at lumapit kay Bernard saka naupo sa katabi nitong upuan.

Sa tabi naman ni Bernard ay ang isang matandang lalaki, ito yata 'yung lawyer ng company namin. Sa kabila ay naroon ang isa pang matanda, ang lawyer ng Ace group.

Kumpleto ang limang miyembro ng Ace- sina Jack, Topher, Jayson, Patrick at Ramille. Tahimik lang silang pinapanood ako, habang ako ay humuhugot pa ng lakas ng loob.

Nakapagitan sa amin ang isang mahaba at malapad na lamesa kaya medyo malayo-layo sila. Tumikhim si Bernard upang basagin ang katahimikan sa paligid.

"Good morning everyone. My name is Bernard San Jose, the Major League Scout of A's Music Recording. Also known as the Special Assistant of Madame Amelia Miranda, the owner of these Company. This is Attourney Reyes, our lawyer. And this is Ma'am Adelle Miranda, the daugther of Madame Amelia and the acting General Manager of A's Music Recording." Panimula niya gamit ang baritonong boses nito.

"Good morning." Sabay na pagbati namin ni Att. Reyes.

"Okay. This is Attourney Junio, their lawyer and also the Ace group. We are glad to meet you all." Si Bernard na rin ang nagpakilala sa kabilang side.

Matapos magbatian at magkamayan ay muli na namang tumahimik ang paligid. Kung lutang ako kanina, mas naging lutang ako ngayon. Hindi ako kumportable.

"A's Music Recording is a recording studio or music publishing company that is responsible for talent scouting and overseeing the development of your growing talent."

Tumango-tango naman ang limang miyembro ng Ace, habang ako ay tahimik lang na nakikinig kay Bernard. Nananatiling sa lamesa lang ang tingin ko kung saan nakalapag ang mga papers.

Ni hindi ko sila tinignan o tinatapunan man lang ng tingin. Sa bawat pag-discuss ni Bernard ay siya namang tinatanguan naming lahat.

"We will going to dicuss you about the contract." Sabi nito saka dinistribute ang mga papel sa Ace.

"It will lasted for three years. The name will be given in that papers is the one who held you for about three years. In every activity involving artist to the point of album releasing is generally considered under your talent scout, which is, she's going to be your manager. We, in the A's Company are expected to understand the current tastes of the market and to be able to find artists that will be commercially successful."

Binasa ko ang mga pangalang naka-indicate sa contract papers. Jack Cristobal, Christopher Policarpio, Alvin Jayson Chua, Patrick Niel Acosta, Ramille Francisco, the five members of Ace.

Attourney Reyes & Attourney Junio, the lawyers of both sides. Bernard San Jose, the subsidiary of Madame Amelia's presence. Adelle Miranda, the talent scout.

"Wait! Si Adelle ba ang magiging manager namin?" Boses ni Ramille ang nangibabaw kaya napaangat ako ng tingin.

"It should be Manager Adelle, and yes, I will be your Manager." Mariing sagot ko habang titig na titig sa kaniya.

"Talaga? Wow! Ang swerte naman pala namin. Hi, Manager Adelle." Pagsingit ni Topher na siyang nginitian ko lang.

Nagtagis naman ang bagang ni Ramille at kumuyom ang mga palad na para bang handa niya na akong suntukin. Problema niya? Choosy pa siya? Dapat nga ako itong naiinis e.

Bumuga ako sa hangin dahil nagpupuyos ang kalooban ko. Ayaw kong magsalita dahil baka kung ano pa ang masabi ko sa kanila. Ayokong gumawa ng eksena.

"To close the contract, signed those papers, above your names in order to make this discussion effective. Okay?"

Matapos nilang pirmahan lahat ay binigay na sa akin ni Bernard ang limang kontrata. Isa-isa ko iyong pinirmahan at ipinasok sa isang brown envelope.

"Wala ng bisa kung ano man ang magiging reklamo niyo dahil nakapirma na kayong lahat. So I call it a day. We're dismissed now. Have a wonderful day ahead!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro