Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter One

[one]

Nagising ako kinabukasan dahil sa sinag ng araw na siyang tumatama sa mukha ko, nanggagaling ito sa malaking bintana katabi lang nitong kama ni Ramille.

Kahit mabigat sa pakiramdam ay pinilit kong makaupo. Tinanggal ko ang braso ni Ramille na nakapulupot sa baywang ko saka dahan-dahan na tumayo.

Sa pagtayo ko ay doon ko naramdaman ang sakit sa pagitan ng hita ko. Mahina akong napamura, hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam.

Dinampot ko ang mga damit kong nagkalat sa sahig ng kwarto at madaliang sinuot iyon. Sa bahay na lang siguro ako maliligo, mas okay pa 'yun para hindi magising si Ramille.

Kinuha ko na lahat ng gamit ko at nang makitang maayos na ay nagpasya na akong umalis, pero bago ako lumabas ng kwarto, huling sulyap ang ginawa ko.

Napabuntong-hininga ako saka lumapit. Tinitigan ko ang mukha nitong sobrang amo, mahimbing ang tulog niya marahil na rin sa pagod. Marahan ko siyang hinalikan sa noo.

"I love you, Ramille... my man." Mahinang bulong ko sa tainga niya bago ako tumalikod at umalis.

Bumaba ako sa hagdan nila at naabutan ko pa ang mama niya sa sofa, nagbabasa ito ng magazine kaya hindi niya pa napansin ang paglapit ko.

"Tita." Pagtawag ko rito.

"Oh, hija. Nandiyan ka pala. Kumain ka na ba? Si Ramille?" Tanong nito ng mapansing hindi ko kasama ang anak niya sa pagbaba.

"Ay, Tita, tulog pa po siya. Hindi ko na ginising kasi mahimbing po ang tulog. Aalis din po kasi ako kaagad dahil may emergency sa bahay." Pagdadahilan ko pa.

Nag-iwas ako ng tingin nang mapagtanto kong nagsinungaling ako. Hindi ko ugali ang mag-sinungaling dahil iyon ang pinaka-ayoko... ang maglihim.

Pero may mga pangyayari sa buhay natin ang dapat na ilihim na lang. Mga pangyayaring hindi na dapat pang sinasabi sa iba. Kasi ang ilan sa sikreto natin, nagiging sanhi ng kalungkutan sa iba.

Tumikhim ako at nag-angat ng tingin kay Tita ng tumayo ito.

"Hindi mo ba siya gigisingin? Walang maghahatid sa'yo, hija." Aniya ng may pag-aalala sa boses na mabilis kong inilingan.

"Naku, Tita, parang ang layo naman po ng bahay namin. Kaya ko naman po, at saka mahirap pong gisingin si Ramille, tulog mantika 'yun, e."

Sa sinabi ko ay natawa siya ng malakas. Malamang dahil totoo ang sinabi ko. Bukod sa pasaway ang anak niya, tulog mantika rin kaya mahirap gisingin.

"Ganoon ba? O siya, sige. Hatid na lang kita sa labas."

Tumango na lang ako at sabay na kaming lumabas ng bahay nila hanggang sa gate. Huminga ako ng malalim bago ko hinarap si tita.

"Tita, alam niyo po ba kung gaano ko kamahal si Ramille?" Pagtatanong ko rito dahilan para mapalingon siya sa akin.

"Alam mo rin ba kung gaano ka kamahal ni Ramille?" Pagbabalik nito ng tanong.

"Mahal na mahal ko po ang anak niyo, higit pa sa buhay ko. Mahal na mahal ko po siya gaya ng pagmamahal niya sa akin-"

"Teka nga, hija. Bakit mo ba sinasabi 'yan, ha?" Nagtatakang tanong niya.

"Uhmm..." Ngumiti ako saka umiling-iling. "Wala po. Mahal ko lang po talaga ang anak ninyo. Sige po, alis na po ako. Bye po!"

Matapos kong magpaalam ay tumalikod na ako at bago pa man magsalita si tita ay tumakbo na ako. Nakangiti ako habang nilalakad ang gilid ng kalsada.

Masaya ako. Masaya ako na naging parte ng buhay ko si tita. Masaya ako na ang anak niya ang dahilan kung bakit ako masaya ngayon.

Sa apat na taon namin ni Ramille, wala kaming naging problema. Kahit gaano pa ka-hectic ang schedule namin noon ay nagagawan pa rin namin ng paraan para magkita kami.

Hindi kasi kami sanay na hindi nagkikita ng isang araw. Tuwing weekends, bumibisita siya sa bahay. Sobrang clingy niya kaya hinahanap ko rin siya time to time.

Kapag nasa school kami, halos hindi na kami mapaghiwalay. Sabay kaming kumakain sa cafeteria, nagbabasa ng libro sa library, gumagawa ng projects at assignments sa soccer field.

Suportado namin ang isa't-isa lalo na dahil isa siyang band vocalist. Kailangan lagi akong nasa tabi niya para bigyan siya ng motivation sa pagkanta.

Ako raw kasi ang inspirasyon niya kung bakit siya ginaganahan tuwing nagpe-perform sila. Ako ang lucky charm niya, at ako rin ang number one fan niya.

Marami na kaming napagdaanan, nariyan ang trust issue. Ang selos na hindi mawala-wala sa akin dahil ang daming babae ang nagkakagusto sa kanya, pero 'di rin nagtagal ay nasanay na ako.

Sanayan lang naman 'yan. Nariyan ang time issue, dahil na rin sa banda niya kaya minsan nawawalan kami ng time sa isa't-isa, pero at the end of the day, hindi niya ako tatantanan hangga't hindi kami nagkakaayos.

Lahat ng napagdaanan ng ordinaryong couple ay pinagdaanan na rin namin. Ang sabi nga nila; ang problema, dinadaanan lang 'yan at hindi tinatambayan.

"Okay na ba? Wala ka ng naiwan?" Pagtatanong ni mama sa akin habang chine-check ang pagkakalock ng maleta ko.

"Okay na, Ma. Hindi ko na sinama 'yung iba kong gamit, hindi ko na rin naman kailangan 'yun at saka puno na ang maleta ko."

Tumango ito sa sinabi ko saka ako nilapitan. Nakaharap ako sa isang malaking salamin habang pinagmamasdan ang sarili kong repleksyon.

Kinuha sa akin ni mama iyong suklay na hawak ko at siya na ang nagsuklay sa mahaba at itim kong buhok. Nakatitig lang din siya sa akin, tinitimbang ang magiging reaksyon ko.

"Kapag naging maayos ang operasyon mo, babalik tayo dito sa Pilipinas para pagtuunan ng pansin ang Recording Company natin."

"Paano po kung hindi maganda ang kalabasan? Ma, ayoko pang mamatay." Malungkot ko siyang binalingan.

Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha galing sa mata ko. Hindi ko na rin iyon pinunasan at nanatiling nakatingin lang sa mukha ko.

Mahina na ang katawan ko dahil na rin sa mahina kong puso. Namana ko itong sakit kay papa, ang sanhi ng pagkamatay niya. Hindi na iyon naagapan dahil sobrang malala na.

At bago pa man kami makalipad ng United States, binawian na siya ng buhay. Kaya ngayon, kaming dalawa na lang ni mama ang naiwan dahil only one child lang naman ako.

Pulmonary Heart Disease.

Ang dahilan kung bakit naninikip itong dibdib ko. Kung bakit pahirapan ako sa paghinga dahil apektado nito ang lungs ko. Hindi pa naman ganoong kalala kaya may pag-asa pa.

Hindi ko na rin kasi kaya ang pagte-take ng mga gamot, kaya para isahang sakit na lang, magpapa-therapy ako sa States.

Itong sakit ko... matagal kong itinago kay Ramille. Wala siyang alam tungkol sa kalagayan ko dahil ayokong malaman niya kung gaano ako kahina.

Ito ang sikreto kong ayaw kong malaman ng iba, lalo na ni Ramille. Mas nanaisin ko pang kimkimin na lang ito kaysa sabihin sa kanya.

Dahil hindi ko alam kung kaya ko ba. Dahil baka kapag sinabi ko sa kanya, doon ako mag-break down at hindi ko kakayaning makita siyang nahihirapan.

"Hindi ka naman mamamatay, hija, as long as lalaban ka. Alam kong matapang ka, kaya alam kong kaya mo 'to. Mana ka sa akin, 'di ba?" Aniya at patuloy pa rin sa pagsuklay sa buhok ko.

"Oo naman, ma. Iyon nga lang, paano kung pagbalik ko dito... paano kung wala na akong babalikan?"

"Tinutukoy mo ba iyong tungkol sa inyo ni Ramille?" Huminto si Mama saka inilapag ang suklay sa mesa. "Anak..."

Pinaharap ako nito sa kanya at saka naman siya lumuhod sa harap ko para magkapantay ang mukha namin. Hinawi nito ang hibla ng buhok ko at inipit sa likod ng tainga ko.

Huminga siya ng malalim at mataman akong tinitigan. Hinawakan ng mahigpit ang parehong kamay kong nanginginig na ngayon.

"Ang sabi ng mga nakakatanda, kapag mahal ka ng taong iniwan mo, no matter what happen, babalik at babalik siya sa'yo."

Totoo pa kaya 'yon? Ang alam ko, sa mga novels at movies na lang iyon nangyayari dahil sa totoong buhay, kapag mahal ka, handa kang magparaya.

Handa mong ibigay ang alam mong ikaliligaya niya, pero siya namang ikalulungkot mo. Handa kang magparaya kasi alam mong iyon ang tama.

Masakit man sa atin ang maiwanan ng taong mahal natin, sa huli mare-realize mo na lang na kailangan mo na palang magmove-on kasi wala rin namang mangyayari.

Kaya kung aalis man ako ngayon, hindi ako aasa. Tutal naman ako ang nang-iwan, marapat lang na wala na akong aasahan sa taong iniwanan ko.

Kung babalik man ako, handa kong harapin ang lahat... ang galit ni Ramille, pero hindi ko maipapangakong kami pa rin hanggang sa huli.

"Okay. Let's go? Baka mahuli tayo sa flight natin."

Inayos na ni Mama ang mga gamit namin. Tinulungan ko na siyang dalhin ang ilan sa mga maleta namin. Pagkababa ko ay tinulungan din ako kaagad ng isang maid.

Hindi kasi ako pwedeng magbuhat ng mabigat at mapagod kaya hinayaan ko na lang. Sumakay kami sa family van, kasama ang driver namin ay pinaandar na nito ang engine at pinausad.

Pagkalabas ng gate ay tiningala ko ang bahay namin. Lahat ng pwede kong ma-miss sa lugar na iyon ay tinitigan ko. Pumikit ako pero agad ding napadilat ng mapansin ang motor sa likuran namin.

"Mama! Si Ramille, nasa likod!" Tarantang sigaw ko dahilan para magulantang si mama at ang driver.

"Manong, pakibilisan." Sambit ni Mama.

Nilingon ko ulit ang motorbike ni Ramille. Kung anong bilis ng van namin ay siya ring bilis ng pagpapatakbo niya. Gustuhin ko mang bumaba ay hindi pwede.

Napapamura na lang ako sa isip ko dahil baka mapaano si Ramille. Wala siyang suot na helmet kaya kitang-kita ko ang kabuuan ng mukha nito.

May sinisigaw ito pero dahil sa ingay ng motor at ng van namin ay hindi ko marinig. Gusto ko siyang yakapin, halikan, at balikan pero alam ko namang para rin 'to sa amin.

"Adelle..." Iyon ang mino-motion ng bibig niya kaya alam kong tinatawag ako nito.

Wala akong nagawa kung 'di ang tignan lang siya sa malayo habang walang sawa itong sumisigaw. Halatang bagong gising pa ito dahil sa namamagang mata niya.

O talagang umiiyak lang siya kaya iyon namamaga? Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko kinaya. Hindi ko siya kayang tignan na umiiyak at ako ang dahilan ng mga luhang iyon.

"Baka mapaano si Ramille, ma, huminto muna tayo saglit." Wala sa sariling sambit ko.

"Mag-shortcut ka na lang, Manong." Narinig kong sabi ni mama na ginawa naman kaagad ng driver.

Bago kami lumiko ay nakita ko pa si Ramille na hinarangan ng mga MMDA dahilan para hindi na niya kami masundan. Napahinga ako ng maluwag saka sumandal sa head rest ng inuupuan ko at mariing pumikit.

Mas okay na rin iyon. At least walang mangyayaring masama sa kanya dahil kapag nangyari 'yun, baka matagpuan ko na lang ang sarili ko na tumatakbo pabalik sa kanya.

"Magiging okay din ang lahat." Pag-encourage sa akin ni mama.

Ngumiti lang ako, isang ngiti na hindi umabot sa mata ko. Tama... magiging okay ang lahat. Gagawin kong tama ang mga mali.

Ilang minuto lang din ang lumipas nang makarating kami sa NAIA. Sakto lang nang makapasok kami sa loob dahil oras na para mag-departure ang eroplanong sinasakyan namin.

"I love you, Ramille. Goodbye."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro