Chapter Nine
[nine]
Matapos kong maglagay ng pagkakapal-kapal na concealar sa ilalim ng mata ko ay huminto na ako. Huminto na ako kasi kahit anong lagay ko ay kitang-kita pa rin na namamaga ang mata ko.
Wala sa sariling napasandal ako sa head rest ng swivel chair na siyang inuupuan ko. Nandito pa rin ako sa loob ng dressing room, nag-iipon ng lakas ng loob para harapin ang mga tao sa labas.
Nakakahiya.
Ano na lang ang sasabihin nila? At ano na lang ang sasabihin kong palusot? Na kinagat ako ng ipis? Parang kakasabi ko lang kanina na nakatanggap ng award itong A's Agency dahil napapanatili nito ang kalinisan.
"Whatever." Napairap ako sa hangin at nagdesisyong tumayo na.
Binuksan ko ang pinto at sinilip kung may tao sa labas na siyang makakakita sa akin. Bakit ko ba 'to ginagawa? Bakit ko ba iniisip kung ano ang magiging reaction nila?
Natural lang naman sa tao na manghusga. Nature na natin iyon dahil pakiramdam natin hindi tayo mabubuhay kapag walang tsismis na nasasagap—
"Boo!"
Fuck!
Wala sa sariling nasampal ko ang walangyang nanggulat sa akin dahilan para magsinghapan silang lahat. Sinasabi ko na nga ba, hindi dapat ako ginugulat.
Inis na binalingan ko ng masamang tingin ang baklitang ngayon ay nakahawak na sa pisngi niyang medyo namumula. Bakas pa roon ang mga daliri ko.
"Bakit mo ako sinampal?" Bulyaw nito sa akin, nagulantang ko yata ang mundo niya.
Napabuntong hininga na lang ako saka hindi na nagsalita. Walang imik akong tumalikod at naglakad na palayo sa kanila. Dumeretso ako sa cocoon lab para kunin ang bag ko.
Hindi ko naman namalayan na nakabuntot pala sa akin 'tong lima— si Bernard, Kyla, Jan, Jin at Jun. Isinuot ko ang aviators ko at nagsimula na ulit maglakad.
Rinig ko sa likod kong nagbubulungan sila. And for sure, ako lang naman ang pinag-uusapan nila, na kung bakit ganito-ganyan ang inaasta ko.
"Adelle... okay ka lang ba?" Pagtatanong ni Kyla na siyang tinabihan ako.
"Tingin mo ba, mukha akong okay?" Sambit ko saka huminto sa paglalakad.
Ganoon din ang ginawa nila at isa-isa nila akong hinarap. Bumuntong hininga ako at tinanggal ang aviators ko para makita nila kung gaano ako ka-miserable.
Nang matanggal ko na ay halos lumuwa ang mga mata nila nang titigan ako. Alam ko, aware ako na mukha akong zombie na pagala-gala sa hallway na 'to.
"Ganito ba ang mukhang okay?" Halos pumiyok na pagtatanong ko. "Sabihin niyo nga, ito ba 'yung okay? Kasi hindi ko talaga alam kung okay ako, e." Dagdag ko pa, at kung hindi ako magpipigilan ay babagsak ulit ang mga luha ko.
"Ano bang nangyari sa'yo? Anong klaseng ipis ba ang kumagat diyan?" Wala sa sariling tanong ni Jin dahilan para maluha ako sa tuwa.
Mga walangya! Parang tanga talaga. Sa sinabi nito ay natawa kaming lahat, kahit ako ay tumawa na rin kasabay ng mga luhang tumatakas sa mata ko.
"Tara na nga!" Natatawang anyaya ni Bernard kaya tumango ako sa kanila.
Nagsimula na ulit kaming maglakad sa hallway ng building. Hindi na ako nagsuot ng aviator dahil wala rin namang kwenta. Para saan pa? Para itago itong mata ko? Pero ni hindi ko man lang magawang itago itong nararamdaman ko.
Kumapit sa braso ko si Kyla at sinabayan ako sa paglalakad. Hindi na ako umimik at hinayaan na lang. Nang malapit na kami sa exit ay nakasalubong namin si Ramille... kasama si Salve.
"Hi, Ramille!" Masiglang bati ni Kyla rito at huminto sa paglalakad.
At dahil nakasabit siya sa braso ko ay nadamay pa ako. Huminto rin sina Bernard at ganoon din sina Ramille at Salve. Nang makita ako ni Salve ay gulat ako nitong itinuro.
Kumunot ang noo ko. Napatingin ang mga kasama ko rito na parang may ine-expect silang mangyayari. Kahit ako ay nagulat kaya hindi ako nagsalita.
"Ate!" Pagtawag niya sa akin na ikinagulat ng mga kasama namin.
Problema nito? Inalis nito ang pagkakalingkis ng kamay niya sa braso ni Ramille at naglakad palapit sa akin. Ako naman ay tulala lang na nakatingin sa kanya.
Kusang natanggal ang kamay ni Kyla nang tuluyan ng makalapit si Salve. Ngumiti ito sa akin saka kinuha ang aviator na hawak ko. Walang pasabing isinuot nito sa akin.
Rinig ng dalawang tainga ko ang pag-singhap nina Kyla. Hindi ako gumalaw, nakatitig lang ako sa mukha nitong ngiting-ngiti, animo'y walang problemang dinadala.
"Namamaga po iyong mata niyo. Halatang kagagaling niyo lang sa pag-iyak." Bulong niya at muli na naman ako nitong nginitian bago lumayo. "Sige po, mauuna na po kami."
Hinila na nito si Ramille at nakatulala lang ako sa kanila, sa daang nilalakaran nila. Lumingon sa akin si Ramille pero agad ding nag-iwas ng tingin nang mapansing nakatitig ako sa kanila, hanggang sa mawala na sila sa paningin namin.
Binunggo ni Kyla ang balikat ko dahilan para matauhan ako. Nilingon ko silang lahat na matamang nakatitig sa akin. Hindi na ako nakaangal nang tanggalin ni Bernard ang aviator ko.
"Kwento mo sa amin mamaya kung bakit ka umiyak. Tara na! Kumain muna tayo." Aniya saka ako kinaladkad.
"Sino 'yon, Adelle? Close kayo no'n?" Pagtatanong ni Jun.
"Ha? Hindi. Hindi ko naman kilala 'yun. Sino ba 'yun? Pagkukunwari ko pa tumaas ang kilay sa ere.
"Ah. Baka concerned netizen lang." Natatawang pahayag ni Kyla na sinamaan ko ng tingin.
Dumeretso kami sa isang fast food chain at um-order. Umakyat kami sa ikalawang palapag dahil punuan na iyong sa baba. Naupo kami malapit sa glass wall kaya kitang-kita ang tanawin sa labas.
Nagsimula na kaming kumain. Sa una ay tahimik lang kami, natatakot na masigawan ko sila pero kalaunan ay nagsimula na silang magdaldalan.
Tahimik pa rin akong kumakain. Pinapakinggan ko lang ang kwento ni Kyla habang natatawa naman ang tatlong J, si Bernard na siyang nasa tapat ko ay nagmamasid lang sa akin.
Si Salve at Ramille ba ay totoong sila na? Kung hindi naman, anong mayroon sa kanila? Bakit ganoon na lang kung makadikit sila sa isa't-isa?
At bakit pumapayag si Ramille na hinihila na lang siya basta ni Salve? At bakit ba napakaelamera ng babaeng 'yun? Hindi naman kami close pero kung makaasta akala mo kung sino.
Kung hindi ko pa nga 'yun tinarayan kanina ay hindi talaga siya lalabas sa dressing room. Ewan ko ba kasi sa sarili ko, bakit sa kanya pa ako nagkwento.
Dumapo ang tingin ko sa labas nang makita ang grupong patawid ng kalsada. Ang Ace, kasama si Salve na ngayon ay masayang katabi niya si Ramille.
Hindi ko alam kung anong mayroon sa kanila, pero nasasaktan talaga ako. Nanatili ang tingin ko sa kanila hanggang sa tuluyan na silang mawala, marahil ay kakain din dahil tanghalian na.
"Hoy! Earth to Adelle! Yuhooo! Kanina pa kita tinatawag." Saka pa ako binato ng tissue sa mukha.
Nilingon ko silang lahat na nakatingin na naman sa akin. Ano bang problema ng mga 'to? May dumi ba ako sa mukha at ganyan sila makatitig?
"Ano?" Inis na tanong ko sa kanilang lahat.
"Alam ba ni Madame na nagrerebelde ka, ha?" Pagtatanong ni Bernard.
"Mukha ba akong nagrerebelde? Kung sampalin kaya ulit kita?" Pagbabanta ko habang pinanlalakihan siya ng mata.
Nanlaki rin ang parehong mata nito kaya itinikom na lang ang sariling bibig at hindi na nagsalita. Tumatawa naman sa tabi ko si Kyla na inirapan ko na lang.
Tinukod ko ang siko ko sa lamesa at kumulumbaba. Ayoko na ng ganito. Dapat yata ay may gawin ako para matapos na 'to... dapat siguro, magmove-on na ako.
"Bakit ka nga pala umiyak kanina?" Biglang tanong ni Kyla kaya nilingon ko ito.
"Nami-miss ko lang si Mama." Wala sa sariling sagot ko.
"Bakit alam ng babaeng 'yun na umiyak ka?" Si Jan naman ang nagtanong.
"Malay ko. Baka tsismosa. Tsk! Ang dami talagang epal sa mundo." Sambit ko pa saka kinalampag ang lamesa.
"Hindi mo ba talaga kilala 'yung babaeng 'yun?" Segunda ni Jin.
"Hindi nga, e. Sino ba 'yun? Anak ba 'yun ni Poncio Pilato kaya dapat kong makilala?" Inis na bulyaw ko sa kanila.
"Ano ka ba! Anak 'yun ni Attourney Junio, 'yung lawyer ng Ace." Sambit ni Jun.
"Talaga? Eh, pakialam ko naman?" Mataray kong sambit habang umiikot ang eyeball.
Kaya pala nakapasok siya sa loob ng ganoon kadali dahil nandoon ang papa niya. If I know, nagpumilit lang siyang isama ng papa niya para makapasok siya.
At para na rin malandi niya si Ramille. Bloody hell, ano ba 'tong pinag-iisip ko? Hindi naman ako ganito dati, e. Hindi naman ako malditang tao.
Siguro lumalabas lang ang kamalditahan ng isang tao kapag nasasaktan siya, para kahit papaano... kahit sobra na siyang nasasaktan, naipapakita niya pa rin sa tao na malakas siya.
"Tara na? Inaantok na ako." Sambit ko saka tumayo na.
"Oo nga pala, magpe-perform ang Ace ngayon." Pahayag naman ni Bernard.
Nagsitayuan na silang lahat at nagsimula na kaming maglakad palabas. Tumawid kami ng kalsada para makarating sa A's Music Recording.
Nang makapasok ay bumungad sa pandinig namin ang sigawan ng mga tao. Nagsimula na rin kasing tumugtog sa stage ang grupong Ace.
NP: Stay A Little Longer by Brothers Osborne.
Yeah something like a strong wind is coming over me
It's got a hold of me, yeah
Thinking and doing things I shouldn't be
I really shouldn't be
Give it one more call
It's one more whatcha doin' right now?
It's one more trip to my side of town and you walk right in
One more here we go again
"Yieee. Ang ganda talaga ng boses ni Ramille." Kinikilig na pagpuri ni Kyla.
Huminto kami saglit para panoorin ang Ace. Hindi ko alam na may mga audience pa lang darating, kaya pala ang daming tao kanina. Kaya rin siguro nakapasok si Salve.
Nag-iwas ako ng tingin ng dumapo ang tingin ni Ramille sa pwesto namin, habang si Kyla naman ay tumatalon sa kilig. Napairap ako bigla sa hangin.
"Tara na nga!" Sigaw ko at nagsimula ng maglakad.
One more drink leads to another
You slide up close to me
Tear the t-shirts off each other
Your hands all over me
I tell myself I'm not in love
But one more time is not enough
One last kiss and then you're a goner
And I'm here wishing you could stay a little longer
Deretso lang kami sa paglalakad pero rinig na rinig pa rin hanggang sa hallway ang pagkanta niya dahil sa mga nakasabit na speakers.
Hindi na ako magpapa-apekto— iyan ang magiging prinsipyo ko ngayon. Alright. Hindi na talaga ako iiyak. Last na 'yung kanina.
So calm and so cool, yeah I try to be
Like it don't bother me
The last time was the last time
Until I'm all alone then I'm picking up the phone
One more call
It's one more whatcha doin' right now?
It's one more trip to my side of town and you walk right in
One more here we go again
Bwisit kasi na Ramille 'yan, e. Bakit ba lahat ng kinakanta niya, pakiramdam ko para sa akin 'yon. Feeling ko kasi pinaparating niya ang gusto niyang sabihin gamit ang mga kinakanta niya.
Nagkataon lang ba na iyon ang choices nilang kanta? Pero what the hell lang 'di ba? Pang-apat na beses ko na silang narinig na kumanta pero iyon at iyon pa rin ang pakiramdam ko.
Isang kanta pa. Isang kanta pa talaga, sasabihin ko ng para sa akin lahat ng kanta niya. Oo, masakit umasa pero mas masakit kapag hindi ka sumugal.
One more drink leads to another
You slide up close to me
Tear the t-shirts off each other
Your hands all over me
I tell myself I'm not in love
But one more time is not enough
One last kiss and then you're a goner
And I'm here wishing you could stay a little longer
Pabagsak na umupo ako sa swivel chair ko sa cocoon lab. Hanggang dito ay abot ang lakas ng kanta nila, pero hindi na masyadong malakas katulad kanina.
Minimize na lang ang volume dahil office nga naman ito. Bawal ang maingay at ang mga unauthorized person. Balik sa pagseseryoso sina Kyla at ang tatlong J.
One more drink leads to another
You slide up close to me
Tear the t-shirts off each other
Your hands all over me
I tell myself I'm not in love
But one more time is not enough
One last kiss and then you're a goner
And I'm here wishing you could stay a little longer
"Stay a little longer... mukha mo!" Bulong ko sa hangin.
"Huy! May sinasabi ka?" Bulong din ni Kyla sa tabi ko.
"Wala!"
Stay a little longer
Wishing you could stay a little longer
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro