Chapter Four
[four]
"Oh, ghad!" Bulong ko habang tumatakbo pababa sa hagdan ng bahay namin.
I'm doomed. Bloody hell!
Higit isang oras na akong late sa lakad ko which is 'yung pagbisita ko dapat sa A's Music Recording on time, para maabutan ko iyong audition.
Halos magkandarapa ako sa pagmamadali ko, dala ang handbag ay kumaripas na ako ng takbo palabas ng bahay at kaagad nagpara ng taxi.
Kung hindi sana ako nagpuyat kagabi ay baka medyo maaga-aga pa akong nagising. Kung hindi ako ngumawa-ngawa ay baka nakatulog ako kaagad. Pero kasalanan ko ba iyon?
Halos hindi nga ako makatulog dahil paulit-ulit na nagbabalik sa isip ko iyong nangyari kagabi. Kung hindi pa ako iiyak ay hindi pa ako makakatulog.
Mariin akong napapikit nang muli ko na namang maalala iyon. Wala na bang mas sasakit pa sa nangyari kagabi o mayroon pa? So, kinonsider niya ngang wala na kami?
"Stop acting like you're my girlfriend."
Okay! Wala naman na talaga kami. Noong iniwan ko siya, ibig sabihin wala na kami. Noong umalis ako, ibig sabihin pinutol ko na ang kung ano mang naka-connect sa amin.
Hindi na kami. Wala na kami. Naghiwalay na kami. We broke up! Suprise madapaker, walang forever!
Pinilig ko ang ulo ko upang walain ang mga bumabagabag sa isipan ko. Kailangan kong mag-concentrate at walang sinuman ang dapat na nanggugulo sa akin ngayon.
Huminto ang taxi hudyat na narating na namin ang A's Music Recording. Madalian akong nagbayad at bumaba roon saka muli na namang kumaripas ng takbo.
Mamaya bibilangin ko kung ilang beses na akong natapilok dahil sa five inches kong pump. Sa ngayon, kailangan kong abutan ang mga magpe-perform.
Matapos akong pagbuksan ng guard ng glass door ay tinahak ko ang daan papunta sa elevators. Saktong magsasara na iyong isa kaya mabilis kong pinindot ang button para huminto iyon.
Pero agad din akong nagsisi sa ginawa ko. Nanlalaki pa ang mata kong napaatras ako. Tinitigan niya lang ako na para bang isa akong out of the world species— isang nakakadiring alien.
Hindi nagtagal ay unti-unti ng nagsasara ang pintuan ng elevator pero hinayaan ko na lang. Wrong move. Pumunta ako sa isa pang elevator at doon na lang sumakay.
Pagkalabas ay dumeretso ako sa isang office, ang Cocoon Lab kung saan alam kong doon nagtitipun-tipon lahat ng empleyado sa company na 'to. Malakas kong itinulak ang pintuan noon kaya naagaw ko ang pansin ng lahat ng tao sa loob.
"Good morning po." Masiglang bati ko sa kabila ng paghahabol ko ng hininga.
Tinignan ko sila isa-isa. Lahat sila ay maang na nakatingin sa akin gaya ng kaninang pagtingin sa akin ni Ramille. Teka, may dumi ba ako sa mukha kaya sila ganyan makatingin? Wala sa sariling kinapa ko ang mukha ko, hinahanap kung may mali ba sa akin.
"Uhmm, ako pala si Adelle Miranda. Anak ni Amelia Miranda, pinapunta niya ako rito para tulungan kayo tungkol sa audition na magaganap... o naganap na?"
Ilang segundo pa silang natulala sa mukha ko. Ang ilan sa kanila ay nahinto sa ere ang ginagawa dahil sa sinabi ko. Ano na naman ba?!
Maya-maya lang din ay sabay-sabay silang tumayo mula sa pagkakaupo at natatarantang lumapit sa akin. Isa-isa nila akong niyakap at nakipagbeso habang ako ay clueless.
"Ano pong nangyayari? May nangyari po ba?" Naguguluhang tanong ko.
"Wa— wala. Magandang umaga rin po, Ma'am Adelle. Ako si Bernard ang Major League Scouts ng A's Music Recording. Also known as special assistant ni Ma'am Amelia." Pahayag ng isang bakla sa gitna.
"Ako naman po si Kyla, isa sa mga Talent Scouts. Kasama ko sina Jan, Jin at Jun."
Hindi ko na natandaan ang ilan sa kanila dahil sobrang dami nilang nagpapakilala sa akin ngayon. Ang natatandaan ko lang ay si Bernard, si Kyla at ang tatlong J.
Matapos nila akong i-tour sa bawat kwarto at lab o booth ay dinala ako ni Kyla sa dressing room. Doon ay nagpahinga ako sa isang swivel chair.
"Tapos na ba iyong audtion?" Pagtatanong ko rito.
"Hindi pa po. Nagbigay kami ng thirty minutes break para sa last performers. Na-late daw po kasi iyong lead vocalist nila."
"Talaga?" Nagtaas ako ng kilay dito nang may maalala ako.
Lead vocalist? Teka teka, huwag mong sabihing si Ramille Francisco ang tinutukoy nila? Siya lang naman iyong nakita ko sa elevator kanina kung bakit dinaga na naman itong puso ko.
Huh! Pa-VIP ang peg? Napaismid ako dahil sa naisip ko. Hindi na ako nagsalita at binasa na lang iyong list ng mga naunang nag-perform.
"Matagal pa ba?" Tanong ko pang muli.
"Inaayos na lang nila iyong instrument sa baba."
"Masyadong pa-VIP. Dapat 'yang mga ganyan, hindi na tinatanggap." Wala sa sariling pagtataray ko.
"Pero kahit late naman po, bumawi naman sa itsura. Hindi ba nga po sa isang klase, ang palaging mga late, iyon 'yung mga magaganda at gwapo."
Halos matawa ako sa pinagsasabi nitong babaeng 'to. Kumislap pa iyong mata niya na parang nagde-daydream. Obvious naman kung sino ang iniisip niya.
Dati, sanay na sanay ako sa mga babaeng nahuhumaling sa kanya pero ngayon? Pakiramdam ko, gusto ko na lang bigla ang manabunot ng buhok.
Oh, well. Bakit ko naman iyon gagawin? Wala naman akong karapatan dahil walang kami. Inirapan ko ito pero hindi naman niya iyon napansin.
"Sa ganitong industriya, let's all be professional." Madiing sambit ko rito dahilan para matigil ito sa kahibangan niya.
"Oo nga po. Sabi ko nga, sige po, alis muna ako saglit." Aniya saka kumaripas ng takbo palabas.
Marami nga ang nagbago sa kanya pero ganoon pa rin ang epekto niya sa mga babae. Lalo na sa akin. Hindi pa rin nawawala iyong sparks.
Napahilot ako sa sentido ko nang ma-realize ko iyong sinabi ko. Sparks? Yuck.
Geez, ba't ba ang tagal? Next time talaga, dapat wala ng second chance sa mga taong pa-VIP.
Masyadong pa-importante. Akala mo naman ay mayroon talagang ginagawang importante. Eh, sa pagkakatanda ko ay naglasing lang naman ito kagabi kaya paniguradong may hangover pa siya ngayon.
"Okay na raw po, nasa stage na sila." Sabi sa akin ni Kyla na siyang tinanguan ko lang.
Mula rito sa kinauupuan ko ay naririnig ko ang beats ng mga drum dahil sa speakers na siyang nakakabit sa bawat sulok ng kwartong iyon.
Nanatili akong nakaupo roon habang pinapakinggan ang intro ng kanta. Infairness, ang smooth ng pagkakatugtog nila mula sa string ng gitara hanggang sa beats ng drum.
Nice. Sa lahat ng kanta ay iyan pa ang ipinanlaban nila. Wala sa sariling napatayo ako saka dumeretso sa isang pintuan. Pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang lyrics ng kanta.
NP: On Bended Knees by Boyz II Men.
Darlin' I can't explain
Where did we lose our way
Girl it's drivin' me insane
And I know I just need one more chance
To prove my love to you
If you come back to me
I'll guarantee
That I'll never let you go
Mula rito sa kinatatayuan ko ay kitang-kitang ko ang tao sa baba. May railings na siyang nakaharang para hindi ka mahulog. At mula rito sa taas, nakikita ko lahat.
Sa kung sino ang nakahawak ng bass guitar, lead guitarist, drummer, second voice o ang backing vocalist at ang lead guitarist. Hindi nga ako nagkamali.
Can we go back to the days our love was strong
Can you tell me how a perfect love goes wrong
Can somebody tell me how to get things back
The way they used to be
Oh God give me a reason
I'm down on bended knee
I'll never walk again until you come back to me
I'm down on bended knee
Nandito sila... si Jack, Topher, Patrick at Jayson.
Nandito siya... si Ramille. Ang buong Ace, iyon ang pangalan ng banda nila. Sila ang nagpe-perform ngayon sa stage.
Buong akala ko ay ayaw niyang pumasok sa Agency namin. Naguguluhan lang ako dahil sinabi niya noon na hindi siya papasok dahil ayaw niya akong gamitin para lang makapasok dito sa A's Music Recording.
Kahit anong pilit ko sa kanya noon ay tinatanggihan niya pa rin ako. Pero ano 'to? Porket wala na kami ay nakakaya niya ng pumasok dito?
Huh! Ang kapal talaga.
So many nights I dreamt
Holding my pillow tight
I know that I don't need to be alone
When I open up my eyes
To face reality
Every moment without you
It seems like eternity
I'm begging you, begging you come back to me
Naroon sa harapan nila ang mga naatasang hurado o ang tinatawag na talent scouts, na seryosong pinapanood ang Ace. Lumapit ako sa railings at doon sumandal upang mapanood ko ng mabuti.
Okay fine. Aaminin ko, magaling ang Ace, nakakasigurado ako riyan.
Sa apat na taon kong nakasama sila noon sa college days, hindi sila pumalya dahil binibigay nila ang best nila kapag kumakanta.
Malakas ang hatak nila sa audience lalo na sa mga babae, isama mo pa ang mga baklang todo pa-cute sa kanila. Teenagers nowadays, tsk!
Can we go back to the days our love was strong
Can you tell me how a perfect love goes wrong
Can somebody tell me how to get things back
The way they used to be
Oh God give me a reason
I'm down on bended knee
I'll never walk again until you come back to me
I'm down on bended knee
Bukod sa magaling ang mga ito, panghatak din ang mga itsura nila. May kanya-kanya silang appeal sa mga manononood dahilan para kahumalingan sila noon.
Nandiyan ang sex appeal ni Jack, ang bad boy look ni Topher, ang cute na dimple ni Patrick, ang karisma ni Jayson sa mga babae at ang over sa kagwapuhan na si Ramille.
I'm gonna swallow my pride
Say I'm sorry
Stop pointing fingers the blame is on me
I want a new life
And I want it with you
If you feel the same
Don't ever let it go
You gotta believe in the spirit of love
It'll heal all things
It won't hurt any more
No I don't believe our love's terminal
I'm down on my knees begging you please
Come home
Nakita kong pumikit si Ramille para sa clean vocals nito. Tipong dinadama ang bawat lyrics na lumalabas sa bibig niya dahilan para matulala ako sa kanya.
Sobrang seryoso niyang tignan at dahil din doon kaya na-realize ko kung gaano ko siya na-miss. Kung gaano ko na-miss ang magandang boses nito.
Ang boses na isa sa mga dahilan kung bakit ako nahulog sa kanya. Ang isa sa mga paraan niya noon para mas madali niya akong makuha at mapasagot.
Can we go back to the days our love was strong
Can you tell me how a perfect love goes wrong
Can somebody tell me how to get things back
The way they used to be
Oh God give me a reason
I'm down on bended knee
I'll never walk again until you come back to me
I'm down on bended knee
Kaya lang parang may kulang. May kulang kay Ramille. Hindi niya na ipinapakita iyong famous signature smile niya na siyang kinababaliwan ng lahat.
Ngayon ay napalitan na iyon ng cold stares. Poker face. The hell! Paano sila matatangap kung ganyan ang mukha niya? Nakabusangot at wala man lang emosyon.
Kung ako ang magiging hurado, sisiguraduhin kong hindi ko sila kukunin. Sus! Akala mo ang po-pogi, nagfi-feeling gwapo lang naman.
Wanna build a new life
Just you and me
Gonna make you my wife
Raise a family
Matapos ang kanta ay nagpalakpakan ang mga talent scouts na para bang sobra silang nagalingan sa Ace.
It's true. Ang galing talaga nila.
Pero syempre, sa akin na lang iyon. Anong akala nila, makakapasok na lang sila ng ganoon kadali? Inaayawan nila 'to dati tapos ngayon magpapa-impress sila?
Mukha nila! Dumaan muna sila sa kamay ko bago sila makapasok. Napangisi ako dahil sa mga naisip ko. Ewan ko ba, bigla akong nainis sa kanila. Bwisit kasi 'yang Ramille na 'yan.
Naalala ko na naman kasi iyong babae sa condo unit niya. Hindi ko natanong ang pangalan niya dahil natameme ako sa gulat.
Sino siya sa buhay ni Ramille? Magkaano-ano sila? And the worst part things is, sa iisang kama kaya sila natulog kagabi? Posible naman iyon dahil isang kama lang naman ang nakita ko.
Damn it!
Tumalikod na ako saka pumasok sa loob. Salubong ang kilay ko nang biglang pumasok si Kyla mula sa main door. Nangingiti ito na parang nanalo sa lotto.
"Napanood niyo po? Kamusta? Maganda po ba?" Sunud-sunod na pagtatanong nito sa akin dahilan para mas mairita ako.
Bwisit na mood swings 'to. Ang hirap magpigil. Hindi ko alam kung saan ako banda naiinis, basta ang alam ko, lahat ng makita kong haliparot ay masasabunutan ko ng wala sa oras.
Pero pasalamat si Kyla dahil nakapagtimpi ako. Umupo ako sa swivel chair at inikot iyon upang maiharap ang sarili ko sa malaking salamin. Tinignan ko si Kyla mula sa likod ko.
"Hindi. Pakantahin mo ulit sila, napapangitan ako."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro