Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Five

[five]

Dahil sa pagtataray ko kanina ay biglang bumusangot ang mukha ni Kyla. Tinignan ako nito nang may pagtatanong sa mata pero hindi siya umiimik.

Talagang tinitigan niya lang ako gamit ang puppy eyes nito. Hindi ako nadadaan sa mga ganyan. Hinawi ko ang buhok kong tumatabing sa mukha ko.

"Bibigyan ko sila ng last chance para mag-perform ulit sa stage. Hindi ko masyadong narinig iyong kanta nila kanina kaya hindi ako sure sa results. But anyways, I will be the one to judge them." Sambit ko saka tumayo mula sa pagkakaupo.

Kinuha ko iyong papers na naglalaman ng mga criteria for judging at lumabas ng dressing room. Kasama si Kyla ay sabay kaming nakababa sa open space, kung saan nandoon silang lahat.

Hinihintay nila ako sa maaari kong ibigay na comment pero nanatili akong walang imik. Umupo ako sa isang monoblock, katapat nito ang isang napakahabang lamesa.

At ang nasa harapan namin ay ang mga naghihintay na miyembro ng Ace sa results. Nakatayo lang sila sa stage habang tahimik na nagmamasid.

Nang matamaan ako ng tingin ni Patrick ay biglang nag-react ang mukha niya, nagulat ito dahilan para manlaki ang mata niya at tinitigan ako.

Siniko niya si Jayson na siyang katabi niya at ganoon din ang naging reaction nilang lahat. Hindi ko naman sila masisisi. Si Ramille lang ang may alam na pagmamay-ari namin itong A's Music Recording.

Hindi naman na nagulat si Ramille dahil paniguradong in-expect niya na ito, ni wala nga itong reaction nang magkita kami sa elevator kanina.

"I'm sorry to tell you this, pero hindi ko nagustuhan ang pagkanta niyo." Panimula ko.

Basher na kung basher na noon ay number one fan naman nila.

Kita ko ang paglukot ng mga mukha nila, tila dismayo sa sinabi ko. Pati itong mga katabi ko na halos salungatin ako.

"But anyways, I will give you one last chance. This time, make me impressed." Matigas na pahayag ko sa kanila.

"One song per bands lang tayo, Adelle." Paalala sa akin ni Bernard na siyang nasa tabi ko.

"So what's the results then?" Tinignan ko siya ng deretso sa mata.

"Positive lahat. Here." Saka nito inabot sa akin ang papers nilang talent scouts.

Tinignan ko iyon isa-isa, positive nga lahat. Almost perfect mula sa Audience Impact, sa Originality, at kung anu-ano pa.

A total score of 98%, 99% at 100%.

Ano 'to? Hindi lang dapat sa panlabas na anyo tumitingin ang isang hurado o talent scouts, dapat sa talento at sa nilalaman ng kanta rin. Dapat alam nila kung ano ang emosyong nakapaloob doon sa kanta nila.

"Wala na bang ibang magpe-perform?" Pagtatanong ko kay Kyla na nasa kabilang side ko.

"Wala na po, sila na ang panghuli."

"Nasaan 'yung iba? I mean 'yung mga nauna nang nag-perform?"

"Pinauwi na namin sila dahil hindi sila qualified at bagsak din ang total grades nila."

"So itong nasa harapan natin ay qualified?" Maang na tanong ko pa.

Pinasadahan ko sila ng tingin nang sunud-sunod silang tumango sa tanong ko. Napabuga ako sa hangin dahil sa frustration na lumalaganap sa buo kong katawan.

Sumandal ako sa inuupuan ko at saglit na nag-isip. Malamang na kanina pa sila naguguluhan dahil sa mga inaakto ko. Hindi naman kasi nila alam ang dahilan ko.

At alam kong hindi nila maiintindihan kung sasabihin ko man sa kanila. Gusto ko silang makapasok pero dapat hindi damay dito ang nakaraan namin.

Ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa lamesa at nag-lean forward para mas maayos na nakikita ko ang Ace. Nananatiling tahimik ang mga ito at nakikinig lang sa pinag-uusapan namin.

Bakas pa rin sa mukha ng apat; Jack, Topher, Jayson at Patrick ang pagkamangha ng makita akong nasa harapan nila. Ang isa sa magiging hurado nila.

"Kumanta kayo ulit, gusto kong marinig 'yung master piece ninyo." Seryosong sabi ko kaya wala ng nagawa ang mga katabi ko kung 'di ang tumango sa gusto ko.

Nagsialisan naman ang miyembro ng Ace sa harap at nagpunta sa kani-kanilang pwesto. Si Patrick sa likod na mahinang pina-practice ang drum niya.

Ang lead guitarist na si Topher na ini-strum ang gitara, tinabihan siya ni Jack na hawak ang bass guitar. Sa kabilang side naman pumwesto si Jayson bilang backing vocalist.

Habang si Ramille ay naiwan sa harapan para sa lead vocalist. Nang nakahanda na ang lahat ay inumpisahan na ni Patrick ang drums.

When you're looking like that
Yeah yeah

NP: When You're Looking Like That by Westlife.

She's a 5 foot 10 in catsuit and Bambi eyes
Everybody's who's staring
Wouldn't believe that this girl was mine
I should have known I was wrong
When I left her for a life in pity
But they say you never miss the water until it's gone, yeah

What the hell?!

Guess I failed to love you
And you're taking it out tonight

Napatakip ako sa bibig ko nang maramdaman kong nalaglag sa sahig ang panga ko. Sa lahat ng kanta, bakit iyan pa? Kanina ko pa 'to napapansin e.

Lahat ng kinakanta nila parang patama. Parang pinapatamaan ako o talagang assume-ra lang ako? Tinitigan ko si Ramille na seryosong kumakanta.

How am I supposed to leave you now

When you're looking like that?
I can't believe what I just gave away
Now I can't take it back
I don't wanna get lost
I don't wanna live my life without you
How am I supposed to leave you now
When you're looking like that?

Sa chorus ay sabay-sabay silang kumakanta. Si Jack at Topher na may parehong lapel, habang si Patrick na naghe-headbang pa. Si Jayson na tumatalon pa sa beat ng drums.

Pero nananatili ang mata ko kay Ramille. Ghad, bakit ba ang gwapo niya? Sa isang taon ba, hindi man lang sya pumanget? Ni hindi man lang ba siya tinubuan ng tigyawat, ha?

Napaka-unfair naman kung ganoon. At magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nai-impress dahil ngayon pa lang, ramdam ko ng niri-rigodon na naman itong taksil kong puso.

She's all dressed up for glamor and rock and roll
Wanna squeeze her real tight, get out of this place
If only I could take control
But she is out of my reach forever
And just a week ago she lied next to me
It's so ironic how I had to lose just to see

That I failed to love you
And you're taking it out tonight

Naglakad ng dahan-dahan si Ramille papunta sa edge ng stage dahilan para mas mapalapit siya sa aming mga judges. Bawat isa sa amin ay tinititigan niya, except sa akin.

May galit yata ang isang 'to sa akin. Lahat natitigan na niya pero ako ay hindi? Ano 'yun? Favoritism, bias? Humanda ka, Francisco. Damn you!

Patuloy lang ito sa paglalakad sa gilid ng stage habang nagpapa-cute. Sus! Hindi naman cute. Mukha ngang aso. Grrr. Ang panget! Nanatili akong walang imik habang sinasarili ang pagkainis.

Tumabi ito kay Jayson nang malapit na naman ang chorus. Nag-fist bump ang dalawa saka siya inakbayan ni Ramille ng lumakas ang beat ng drums ni Patrick.

How am I supposed to leave you now

When you're looking like that?
I can't believe what I just gave away
Now I can't take it back
I don't wanna get lost
I don't wanna live my life without you
How am I supposed to leave you now
When you're looking like that?

Gaya ng naunang chorus ay ganoon din ang ginawa nila. Pero hindi tulad kanina, lahat sila sabay-sabay na naghe-headbang na para bang feel na feel ang kanta.

Halos mapatayo sa galak itong parehong katabi ko. Si Kyla at si Bernard na alam nating bading at may lihim na pagnanasa sa mga Ace.

Umiling-iling na lang ako sa dismaya. Mga bias! Pero ganoon pa man, hindi ko talaga maiwasan na mapahanga sa galing ng talento nila sa pagkanta.

I don't wanna forget you
I don't even wanna try
How am I supposed to walk on by
When you're looking like that?

Muli na namang naglakad si Ramille at bumaba ito ng stage gamit ang hagdan. Ilang hakbang lang naman iyon kaya mabilis siyang nakalapit sa pwesto namin.

At halos mamula ako ng pumunta ito sa mismong tapat ko. Tiningala ko ito at doon ko nakitang titig na titig siya sa akin. Narinig ko ang impit na tili ni Kyla sa tabi ko.

Ilang minuto siyang nanatili sa harapan ko, hindi ako tinantanan ng pamatay nitong ngiti. Oh, my ghadd!! Iyong famous signature smile niya!

How am I supposed to leave you?
I can't believe what I just gave away
'Cause I can't take it back, I'm lost
I don't wanna live my life without you
How am I supposed to leave you now
When you're looking like that?

How am I supposed to leave you now
When you're looking like that?
I can't believe what I just gave away
Now I can't take it back
I don't wanna get lost
I don't wanna live my life without you
How am I supposed to leave you now
When you're looking like that?

Kung hindi pa siya bumalik sa stage ay malamang na natunaw na ako sa uri ng tingin nito sa akin. Itinaas nito ang kaliwang kamay niya sa ere at bahagyang tumalon-talon.

Hindi pa rin ako makaget-over sa ginawa niya, ni hindi ako makahinga at kung ako pa rin 'yung dating mahina ang puso kanina pa ako naglupasay dito.

Nang matapos ang kanta ay nagsitayuan lahat ng naroon sa lamesa, maliban sa akin na hanggang ngayon ay tulala pa rin sa nangyari kanina.

Oh Ghad, gisingin niyo naman po ako kung sakaling panaginip lang 'to. Sa ginawang iyon ni Ramille, pakiramdam ko ay bumalik ako sa dating number one fan niya— nila.

Nagpalapakan silang lahat na umalingawngaw sa buong paligid. Humihiyaw pa sa tuwa si Kyla, habang hindi naman maitago ang kilig ng ilan pang talent scouts.

"Thank you! Thank you..." Sabay-sabay na pahayag nila bago mag-bow.

"Oh, my! Hayop na 'yan, halimaw sa galing. Ang galing-galing talaga." Wala sa sariling papuri ni Kyla.

"Standing ovation, woah!" Natatawang sambit naman ni Bernard habang winawagaygay ang dalawang kamay sa ere.

"Bakit ngayon lang kayo nag-audition, ha? Hindi niyo ba alam na matagal na namin kayong hinihintay?" Hindi ko na kilala kung sino ang nagsalita dahil sobrang dami na nilang side comments.

Hindi pa rin sila magkamayaw dahil hanggang ngayon ay ang iingay pa rin nila. Nanatili akong nakaupo at tahimik na nag-iisip.

Pumikit ako ng mariin at nagpakawala ng maraming buntong hininga. Bakit ginawa ni Ramille 'yun? Hindi niya ba alam na dahil sa ginawa niya ay mas lalo akong nabaon?

Mas lalong lumalim itong nararamdaman ko sa kanya. Akala ko noon, okay na. Akala ko nakamove-on na ako dahil hindi ko na siya gaanong naiisip pero ano 'to?

"Ano pong masasabi niyo, Ma'am Adelle?" Boses ni Jan ang narinig ko na sinundan ni Jin.

"Ano, Ma'am? Kamusta ang performance nila?"

"Na-impressed po ba kayo?" Pang-aasar na boses ni Jun.

Oo, impress na impress!

Kung pwede ko lang isigaw 'yun ay kanina ko pa ginawa kaya lang ay hindi pwede. Dumilat na ako upang makita silang nakatingin na sa akin ngayon.

Humugot ako ng malalim na hininga bago tumayo at iniabot ang papers kay Kyla na kanina ko pa nilagyan ng grades at ng total scores para sa performance na ginawa ng Ace.

"Bumalik kayo bukas para sa final screening. By the way, you did it very well. Congratulations!" Mabilis kong sambit saka nagthumbs-up pa sa kanila.

Matapos kong sabihin 'yun ay umalis na ako. Kinuha ko ang handbag ko saka tinahak ang daan palabas ng A's Music Recording. Hindi ako makahinga.

Feeling ko ay nagbabalik ako sa dating ako. Naninikip ang dibdib ko at kagagawan iyon ni Ramille. Walangya! Kung hindi niya iyon ginawa, hindi sana magiging abnormal itong puso ko.

Nang makalabas ako ay doon ako nakalanghap ng hangin. Pakiramdam ko kasi ay naso-suffocate ako sa loob dahilan para hindi ako makahinga.

"Adelle!"

"Damn it." Bulong ko nang makarinig ako ng mga yabag ng paa.

May humila sa braso ko na naging dahilan para ma-out of balance ako. Akala ko ay babagsak ako pero mabilis si Patrick kaya nasalo niya ako.

"Sorry. Okay ka lang ba?" Pagtatanong nito nang masuri ang mukha ko.

"Okay lang ako. Bakit? May kailangan kayo?" Dere-deretsong tanong ko.

Nakita ko si Ramille na prenteng nakatayo lang sa gilid. Walang pakialam sa kung ano man ang nangyayari sa paligid niya. Lumayo ako ng bahagya sa kanila.

Nakatingin lang silang lahat sa akin maliban kay Ramille na may sariling mundo. Mukha pa silang nahihiya sa akin dahil hindi sila makapagsalita.

Tinignan ko sila isa-isa. Mababakas sa mukha nila ang sobrang pagkagalak, halos hindi na nga maalis-alis sa mga labi nila ang isang malaking ngiti.

"Gusto lang sana naming magpasalamat. Pangako, gagalingan namin bukas." Masayang sabi ni Patrick.

"Oo, gagalingan namin. Thank you sa chance, at least napatunayan naming na-impress ka." Segunda naman ni Jack.

"Maraming-maraming salamat, Adelle." Sabay na bigkas ni Jayson at Topher saka pa sila tumawa.

"Okay, walang anuman. Aalis na ako, may importante pa akong lakad." Paalam ko at huling sulyap kay Ramille bago nagmadaling lumakad palayo.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro