Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Fifteen

[fifteen]

"Patrick, pwedeng lakasan mo ang boses mo? Iyong normal voice mo lang,"

"Okay, sige. Sorry." Sagot niya.

Kumanta ulit siya sa pangalawang pagkakataon. Si Patrick ang unang kumanta para sa unang verse. Ginawa niya nga ang kaninang sinabi ko.

Hindi naman pala siya mahirap diktahan at turuan dahil nakukuha naman niya kaagad. Akala ko ay puro drums lang ang kaya niya at hindi niya kayang kumanta.

"Teka! Topher!" Pinindot ko ang button na nasa harapan ko para mapahinto ang tugtog.

Nandito kami ngayon sa recording booth at kasalukuyang kumakanta ang buong grupo ng Ace para sa unang album nila na ire-release under A's Music Recording.

Narito rin sa loob si Bernard at Kyla bilang gabay ko. Kasama namin ang isang DJ kung saan ino-organize nito buttons para mas mapaganda ang kalabasan ng buong kanta.

"Bakit po?" Pagtatanong nito saka bahagyang inangat ang headphones.

"Isa ka pa! Try mo kayang ibuka 'yang bibig mo para mas makakanta ka ng maayos. Kinakain mo 'yung sarili mong kanta.

"Ay, ganoon ba?" Aniya saka pa tumawa. "Sorry. Sige, isa pa."

Kahit wala naman akong background pagdating sa pagkanta ay marunong naman akong kumilatis at pumuna ng mga boses. Alam ko ang mga pagkakamali nila.

Basta pakinggan mo lang ng maigi ang boses nila ay malalaman mo kaagad kung sino ang sumasablay sa kanila. Napatingin ako kay Kyla na bahagyang naghe-headbang.

Natawa na lang ako ng palihim sa kanya. Halatang super fan din siya ng Ace, kaya sa bawat pagkanta nila ay napapaindak siya.

"Stop!" Sigaw ko dahilan para mapahinto sila.

Sabay-sabay na napa-facepalm kaming tatlo dahil sa pagpiyok ni Jayson nang sumabay ito sa pagkanta ng chorus.

Ano ba naman 'to!

"Ulit! Jayson, ayusin mo, ah? Mababawasan ka ng sweldo niyan." Natatawa kong pahayag.

"Sorry na boss! Hindi kasi ako ready." Sambit niya saka pa nag-peace sign.

Tumango na lang ako at muling in-on ang minus one na kanta. Nagsimula ulit kay Patrick, sunod kay Topher para sa pangalawang verse.

Para naman sa unang chorus ay kailangan nilang magsabay-sabay— Patrick, Topher at Jayson na kaninang pumiyok kahit isa naman itong backing vocalist. Hanggang ngayon ay natatawa pa rin si Bernard na siyang nasa tabi ko.

Tahimik lang naman na nakikinig ang DJ na nakaupo sa harapan namin, sa harap nito ay ang mga gamit para sa music recording. Nasa likod lang niya kami, nanonood.

Lima sila ngayong kakanta. Walang drummer, walang guitarist at walang mangungunang vocalist. Para kapag nilabas ang unang album nila ay boses nilang lima ang maririnig.

Madali naman silang turuan, basta sabihin mo ng deretso ang gusto mong mangyari sa mga boses nila. Hindi siguro sila sanay na kumanta dahil may kanya-kanya silang instruments.

Ilang minuto pa nang sabay-sabay kaming natawa dahil sa katangahan ni Jack. Kahit ang DJ na kaninang tahimik ay hindi na napigilan ang humagalpak. Nang sumabak kasi si Jack sa pagkanta para sa unang verse after ng unang chorus ay naubo ito.

Tinapik-tapik pa nito ang dibdib niya dahil hindi pa rin natigil ang pag-ubo niya. Tinulungan na siya ni Patrick na hinihimas ang likuran niya.

Habang kaming narito sa labas ay walang humpay sa kakatawa. Nakikita namin sila mula rito thru glass wall, kaya kitang-kita namin ang bawat galaw nila.

"Ano bang nangyayari sa mga talents mo, Adelle? Okay naman sila kapag live, ah?" Pagtatanong ni Kyla.

"Oo nga, natanong mo na ba kung may problema sila? Tignan mo si Ramille, oh! Mukhang ang lalim ng iniisip." Segunda ni Bernard.

Napatingin naman ako sa gawi ni Ramille. Tahimik lang ito at mukhang seryoso. Ipinagkibit balikat ko na lang iyon at hindi na nagsalita.

"Okay, okay! Last try tayo and let's have a break." Sigaw ni Bernard sa kanila.

"Sorry po! Hindi na mauulit. Okay, game!" Sagot ni Jack.

Paunti-unti ay nagiging okay na ang flow ng pagkanta nila. Normal voice na ang gamit ni Patrick at naririnig naman ng maayos ang boses ni Topher.

Nakakasabay na rin si Jayson pagdating sa unang chorus. Wala na ring problema sa lalamunan itong si Jack kaya naging smooth na ang pagkanta nila.

Si Ramille na ang sumunod para sa pangalawang verse bago ang pangalawang chorus. Okay naman siya, hindi nagka-problema kaya tuloy-tuloy lang.

Kasama ni Ramille sina Jack at Patrick para sa second chorus. Habang tumatagal ay napapangiti ako dahil malapit ng matapos ang kanta ng walang problema.

Hindi pa ito 'yung official na kanta na ilalagay sa album. Kinukuha lang dito ang tamang tempo, at kung saan sila banda sisingit para kumanta.

"Ganyan dapat. Buti pa 'to si Ramille, kahit mukhang may pinagdadaanan ay maayos pa rin ang pagkanta." Pagpuna ni Bernard na hindi ko na lang pinansin.

Nagpaulit-ulit ang ikot at si Patrick naman ngayon ang kumakanta. Sunod si Topher na sinundan naman ni Jayson. Muling bumalik kay Jack at Ramille.

Hanggang sa matapos ang kanta. Pumalakpak kaming tatlo. So far, okay naman na, wala na masyadong problema. Iyon nga lang ay nakukulangan sila sa emosyon.

Kapag pinakinggan mo kasi ang boses nila, wala roon 'yung "the feels", iyon bang ramdam na ramdam at damang-dama mo ang lyrics. Hindi ko iyon nakita sa kanila kanina.

"Okay! One hour break. Bumalik kayo rito on time, alright?" Pahayag ni Bernard na siyang tinangunan nilang lahat.

Mamaya pa ang official recording kaya lumabas na muna kami ng recording booth para makapag-lunch. Gaya ng dati ay sa isang fast food chain kami pumunta.

Sama-sama kami ulit nina Bernard, Kyla at ang tatlong J na sina Jan, Jin at Jun kung nakalimutan niyo na. Same food pa rin ang in-order ko.

"Sana mas maganda ang kalabasan ng mga boses nila, para kasing may kulang e." Sambit ni Kyla saka pa ito nag-isip.

"Emosyon." Maikling sagot ko na agad naman niyang tinanguan.

"Gotcha! Iyon pala 'yon, kanina ko pa iniisip kung ano." Pahayag niya saka pa malakas na tumawa.

"Wala yata sa mga mood iyang talents mo, Adelle. May problema ba?" Pagtatanong ni Bernard sa akin.

Tinignan ko siya at matamang nakatitig lang ito sa akin para sa sagot ko. Tumigil ako sa pagkain ko at uminom ng softdrinks bago magsalita.

"Hindi ko rin alam. Tatanungin ko na lang siguro mamaya, hindi naman sila masyadong open sa akin." Pagsisinungaling ko.

"Ganoon ba? Sabagay, bago pa lang kayo sa isa't-isa kaya siguro hindi pa sila kumportable."

Iyon ang akala mo. Kung usapang "kumportable" lang naman, masasabi kong sobrang kumportable nilang kasama. Naramdaman ko iyan noong sobrang close pa namin sa isa't-isa.

Iyong mga panahon okay pa kami, pero dahil sa nangyari sa amin ni Ramille kaya medyo nagkakahiyaan na. Isama mo pa 'yung nangyari sa resort kaya siguro sila nahihiya sa akin.

"Nga pala, bumalik na si Madame hindi ba? Ibig bang sabihin ay araw-araw na siyang bibisita sa A's?" Si Jan naman ngayon ang nagsalita.

"Hindi ko sure. Base sa nakita ko sa office niya sa bahay ay tambak ang mga paperworks niya."

"Ay, sayang naman. Mas maganda kasi kung nandito siya dahil namo-monitor niya iyong mga nangyayari sa A's."

Hindi lang naman kasi A's Music Recording ang business ni nama. Mayroon ding Clothing Company, iyon nga lang ay sa States nakabase.

Kaya nga may sarili kaming bahay doon para kung sakaling uuwi si mama ay may matutuluyan siya. Mas marami rin ang mga gawa roon kaya palagi siyang nandoon.

Kaya nga itong A's Agency ay balak niyang ipa-manage sa akin para wala na siyang masyadong iniisip na problema. Kaya ko naman siguro i-manage 'to kung sakaling ibigay niya sa akin ang A's Company.

Unang-una ay nandiyan naman si Bernard na special assistant para tulungan ako. Nandiyan sina Kyla na pwede kong pagtanungan kung sakaling hindi ko alam 'yung ginagawa ko.

Kilala na rin naman na ako ng mga empleyado roon kaya hindi na mahirap makisama sa kanila. Marami na akong kilalang artist dito kaya siguro okay lang naman kung ako na ang maghahawak.

Pagkatapos naming kumain ay agad din kaming sumibat para mabilis na matapos ang music recording ng grupong Ace. Sana nga lang ay mas maayos na ang pagkanta nila.

Humiwalay na ang tatlong J at kaming tatlo na lang ang dumeretso sa recording booth. Pagdating namin doon ay naroon na sila sa loob at mukhang handang-handa na.

"Ready na?" Pagtatanong ko.

"Yes!" Sabay-sabay na pagsagot nila.

Nag-ayos na sila sa loob at kanya-kanya na silang pwesto, dating gawi— si Jack, Patrick, Ramille, Topher at Jayson. Ganyan ang pwesto nila sa loob.

In-on na ni kuyang DJ ang lahat ng dapat in-on kaya nagsimula ng tumugtog ang entrance beat ng kanta. Si Patrick ang unang sumabak.

NP: Truly Madly Deeply by Savage Garden.

Patrick:

I'll be your dream, I'll be your wish, I'll be your fantasy.
I'll be your hope, I'll be your love, be everything that you need.

Halos mapapalakpak sa tuwa si Kyla ng seryosong kumanta si Patrick. Gaya ng inutos ko ay tagos hanggang puso nga niyang kinanta ang part niya.

Bahagya pa itong nags-sway sa beat ng instruments. Napatango ako ng dumapo ang tingin niya sa akin saka ako nag-okay sign na ikinangiti niya.

Topher:

I love you more with every breath, truly madly deeply do
I will be strong, I will be faithful 'cause I'm counting on a new beginning.
A reason for living. A deeper meaning.

Gaya ni Patrick ay nagtagumpay naman si Topher na gawing emosyonal ang boses niya. Halos tumayo nga ang balahibo sa batok ko dahil sa sobrang sineryoso niya ang kanta niya.

Napatalon-talon sa tuwa si Kyla na kanina pa mahinang pumapalakpak. Napapangiti na lang ako dahil nakikita ko ng magiging maayos ito.

Patrick, Topher & Jayson:

I want to stand with you on a mountain.
I want to bathe with you in the sea.
I want to lay like this forever.
Until the sky falls down on me

Nagthumbs-up si Kyla sa tatlo habang feel na feel ang chorus. Tahimik namang nanonood si Bernard na nasa left side ko, wala itong side comments kaya alam kong okay sa kanya ang ginagawa nila.

Jack:

And when the stars are shining brightly in the velvet sky,
I'll make a wish send it to heaven then make you want to cry
The tears of joy for all the pleasure and the certainty.

Halos kiligin naman si Kyla nang mag-umpisang kumanta si Jack. Seryoso rin ito, minsan pa ay nagkakagat labi dahilan para mangisay sa kilig 'tong si Kyla.

Sa bawat successful na ginagawa ng bawat isa sa kanila ay nariyan si Kyla para i-cheer ang mga ito. Natatawa na lang kami ni Bernard dahil sa kakulitan niya.

Ramille:

That we're surrounded by the comfort and protection of
The highest power, in lonely hours, the tears devour you

"Oh, my... ghad!" Sabay na sambit nina Kyla at Bernard.

Tinakpan ko ang bibig ko para maiwasan ang pagkakalaglag no'n. Kung dati ay nagagandahan ako sa boses ni Ramille, ngayon naman ay manghang-mangha ako.

Kahit si Bernard na kaninang tahimik ay napahanga niya. Sobra kasing seryoso ng boses niya at nadadala niya iyong mga lyrics. Ang ganda pakinggan ng boses niya.

Wala talagang kupas ang kagalingan niya pagdating sa pagkanta. Kaya wala ring kupas ang pamumuri ko sa kanya. Ang galing. Naiinggit tuloy ako sa boses niya.

Jack, Ramille & Patrick:

I want to stand with you on a mountain,
I want to bathe with you in the sea.
I want to lay like this forever,
Until the sky falls down on me

Nags-sway ang mga katawan nila kasabay ng beats ng kanta. Bahagya rin silang naghe-headbang habang pikit-matang kumakanta. Hindi ko 'to inaasahan, akala ko ay trial and errors ang mangyayari ngayon.

Ramille:

Oh can you see it baby?
You don't have to close your eyes
'Cause it's standing right before you.
All that you need will surely come

I'll be your dream, I'll be your wish, I'll be your fantasy.
I'll be your hope, I'll be your love, be everything that you need.
I'll love you more with every breath, truly madly deeply do

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro