Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Eleven

[eleven]

Nag-angat ako ng tingin sa nakatayong lalaki sa gilid ko at nakitang kunot-noo ito habang pinupunasan ng panyo ang damit nitong namantsahan ko dahil sa kaninang pagyakap ko sa kanya.

Hindi maipinta ang mukha nito, parang banas na banas. Nakaupo lang ako rito sa waiting shed para maghintay ng taxi, habang pinapanood iyong lalaking nakabanggaan ko kanina.

"Ayan! Tignan mo ang nangyari. Nako naman, oh!" Bulyaw nito sa akin habang abala pa rin sa pagpunas.

"Sorry na nga, e. Sorry na, okay? Galit na galit, gusto mo na ba akong saktan?"

"Anong magagawa ng sorry mo? Nadumihan mo na 'tong damit ko!"

Kahit na kasalanan ko 'yun ay hindi ko maiwasan na mapairap sa hangin. Saan ba pinaglihi itong lalaking 'to, grabe kung maka-react. Nag-sorry na nga ako.

Tapos kuda pa nang kuda. Kung anu-ano pang binubulong sa hangin na para bang dinadasalan niya ako, minsan pa ay biglang magmumura.

Muli akong nag-angat ng tingin sa mukha niya. Pagkainis pa rin ang mababakas sa mukha niya, pero hindi na katulad kanina na kulang na lang ay sakmalin niya ako.

"Bakit ka ba kasi umiiyak, ha?!" Sigaw na naman nito.

"Bakit kailangan nakasigaw? Bingi ba ako? O may dalaw ka lang?" Balik sigaw ko rito.

Hindi ko na nakontrol ang bibig ko at iyon ang mga nasabi ko. Nanlaki ang mata ko ng ma-realize ko ang sinabi ko at maagap na nagtakip ng bibig pero huli na.

Tinignan ako nito ng masama. As in masama na para bang may binabalak siyang hindi maganda. Unti-unti na ring nagkakaroon ng black aura sa likod niya, kung posible ba 'yun.

"Sorry..." Bago pa man siya magalit ay nag-sorry na lang ulit ako.

Yumuko ako para hindi nito makita ang mukha ko. Sobrang aware ako na mukha na talaga akong aswang sa itsura ko ngayon. Ilang beses ba naman akong umiyak kanina.

Nakatingin lang ako sa mga paa kong nakaunat. Wala pa ring dumadaan na taxi. Kanina ko pa gustong umuwi dahil bukod sa ang panget ko na, inaantok na rin ako.

Hindi ko alam kung ito ba 'yung nakatadhanang mangyari sa akin. Hindi ko alam na mas masakit palang tanggapin ang pagkawala niya kaysa sa tanggapin na may sakit ako.

"Ano ba kasing nangyari?" Mas malumanay siyang sambit pero naroon pa rin ang inis sa boses niya.

Nilingon ko ito nang umupo siya sa tabi ko. May ilang dangkal ang layo namin, nakatingin lang ito sa malayo.

"Ano kasi... naiyak ako kanina sa kanta." Wala sa sariling pagdadahilan ko.

"Huwag ako, pwede? Iba na lang. Alam ko na 'yang mga palusot ninyo, napuwing ako, nakakaiyak 'yung movie... ano pa ba? Ganoon 'yun, hindi ba? Kayo talagang mga babae, hirap i-explain."

"Huwag mo kayang lahatin! Hindi naman lahat, at saka totoo naman. Naiyak ako sa kanta kasi may naalala ako."

"Ayun ang sabihin mo. Ang labo mo rin e, 'no? Tss."

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung nature na ba niya ang pang-aasar o ano, hilig mambara e. May attitude din 'tong lalaking 'to.

"Iyong humabol ba sa'yo kanina, siya ba 'yung dahilan kung bakit ka umiiyak?" Seryosong tanong nito.

Huh?

May humahabol ba sa akin? Oo, in-expect kong hahabulin niya ako pero hindi naman nangyari. Walang Ramille ang sumunod sa akin para pigilan ako.

Walang Ramille ang yumapos sa akin mula sa likod. Walang Ramille ang nagpakita para sabihing mahal niya pa ako at ako lang ang mahal niya. Walang Ramille.

Iyong in-expect ko kanina parang 'yung pag-aasam ng karamihan na mayroong forever, kasi... walang ganoon. Walang Ramille kasi walang forever.

"May humahabol ba sa akin kanina?" Naguguluhang tanong ko rito.

"Oo, naka-uniform siyang puti at naka-black pants. May hawak pa ngang batuta e."

Sa sinabi nito ay halos manginig ang kalamnan ko sa inis. Kung hindi ko pa napigilan ay kanina pa itong nakahandusay sa lupa dahil sa tumatagingting kong sapak.

"Alam mo may future ka—"

"Future? Future na ano? Na maging tayo? Sus! Mukha mo. Huwag ka ng umasa kasi alam kong masakit umasa. Okay? Single ako pero hindi ako available."

Sa sinabi nito ay malakas ko siyang binatukan. Wala na akong pakialam kung sino siya at anong klaseng nilalang siya.

"Aray! Bakit mo ako binatukan, ha? Close ba tayo?" Balik na naman ito sa pagiging beastmode.

"Asa ka naman! Sa lakas ng bagyong dala mo, baka hanginin lang ako."

"Malamang naman na hahanginin ka dahil ang payat-payat mo!"

"Huwaw! Nakakahiya naman sayong mukhang palito, patpat, kawayan and whatever!" Inirapan ko ito saka tumayo na.

Huh!

Ang lakas talaga ng loob ng lalaking 'yun. Bukod sa may PMS ito, malakas din ang apog. Nako! Nagkalat na ang masasamang tao sa paligid.

Tumabi ako sa kalsada para makakita ako kaagad ng taxi na paparating. Tinalikuran ko iyong lalaking hindi ko alam ang pangalan at hindi na pinansin.

"Steve!" Sigaw ng boses babae sa hindi kalayuan.

Hindi na ako lumingon dahil hindi naman Steve ang pangalan ko. At kailan pa ako naging lalaki? Mga yabag ng paa ang sunod kong narinig mula sa likuran ko.

"Nandito ka lang pala. Ang tagal mo, kanina pa kita hinihintay."

"Paano naman akong hindi magtatagal, may isang babae diyan ang bigla akong niyakap at umiiyak na parang tanga. Aish! Tara na nga!"

So tanga na pala ako ngayon? Ganoon ba? Tanga na bang matatawag ang isang taong wala namang ibang ginawa kung 'di ang magmahal? Iyon ba ang tanga?

O sige, tanga na kung tanga. Ano naman? Minsan lang naman sa buhay ng isang tao ang maging tanga. Iyon nga lang, sa lahat pa ng bagay, sa pag-ibig tayo nagiging tanga.

Tanga ang umaasa. Tanga ang mga nagpapa-asa. Tanga ang mga manhid. Katangahang matatawag ang magmahal ng sobra. Nagiging tanga lang naman tayo para sa taong minamahal natin.

Nilingon ko ang likuran ko. Wala na siya... buti naman. Dahil kung hindi pa siya nawala ay baka kung ano nang magawa ko sa kanya. Namumuro na siya sa akin.

Akala mo kung sinong makapagsalita. Akala mo hindi pa siya nagmamahal kaya hindi niya maramdaman 'yung nararamdam ko. Akala mo naman ang gwapo, ubod naman ng kahanginan sa katawan. Liparin sana 'yun!

"Adelle?"

Napalingon ako sa kabilang side ko at doon tumambad sa paningin ko ang tatlong babae. Nakangiti ang mga ito na siyang tinaasan ko ng kilay.

Ano na namang eksena ang mangyayari ngayon? Kanina nakatagpo ako ng kurimaw na pinaglihi sa sama ng loob, tapos ngayon ay ito?

"Sino naman kayo?" Taas noong pagtatanong ko saka pa nag-cross arms.

"Hindi mo ba kami natatandaan?" Balik tanong ng babaeng nasa right side.

"Magtatanong ba ako kung kilala ko kayo? Oh wait! Baka may utang kayo sa akin noon at ngayon lang kayo magbabayad?"

Halos matawa iyong isang babae. "Kami 'yung nagpa-picture sa inyo noon ni Ramille, way back in college." Pahayag ng nasa gitna.

"Remember, noong graduation natin?" Sabat ng nasa left side.

"Kayo 'yun? Wow!" Kunwaring namamangha pa ako. "Oh, so? Anong kailangan niyo?"

Naalala ko na, sila 'yung mga fans ni Ramille "way back in college" ika nga ng isang babaeng nasa harapan ko. Tinignan ko sila isa-isa.

Tulad ng pagbabago sa paligid, kasama na sila roon. Mga nag-evolve at ngayon masasabi mo ng isa silang tao. Geez. Ang mean ko na masyado.

Epekto ito no'ng lalaking 'yun. Teka, Steve ba pangalan niya? Siya ba 'yung tinatawag ng babae? Ang ganda naman pala ng pangalan niya, cool... kaya lang, ang panget ng ugali.

"May gaganapin kasing reunion ang batch natin sa darating na sabado. Baka gusto mong sumama, since isang taon kayong hindi nagparamdam ni Ramille sa amin."

"Kayo, ah! Congrats nga pala, ang tagal niyo na. Biruin mo, higit limang taon na kayo."

Teka nga. Teka nga!

Doon muna tayo sa reunion, sigurado akong hindi ako makakapunta. At isang taong hindi nagparamdam si Ramille sa kanila? Ano 'yun? Bakit, close ba sila?

At ang malala, congrats daw! Dahil limang taon na kami ni Ramille. Ha-ha-ha. Joke ba 'yun? Napatawa ako ng pagak sa isip ko. All this time, wala silang alam sa nangyari.

"Hindi ako makakapunta, busy akong tao." Palusot ko dahil iniiwasan ko lang hindi sumama dahil paniguradong nandoon din si Ramille.

Syempre, umiiwas lang ako sa gulo. Baka pagkatuwaan lang kami doon, dahil hanggang ngayon ay hindi nila alam na isang taon na kaming wala.

"Ay, bakit naman? Sayang naman. Sure na kasing pupunta ang buong Ace at si Ramille, kaya sumama ka na rin."

"Ayoko nga. Hindi niyo ba maintindihan? Wala akong oras sa mga ganyan." Naiinis kong sigaw, ewan ko na lang at hindi pa sila patahimik.

"Sige na. Alam mo kasi, hindi mabubuo ang araw ni Ramille kapag nalaman niyang hindi ka sumama. Alam mo naman 'yun, sobrang clingy pagdating sa'yo."

Mga walangyang babaitang 'to! Sukat ba namang dumugin ako at yugyugin na para akong artista sa isang palabas. Ugh!

"Sumama ka na kasi..."
"Oo nga! Masaya do'n panigurado."
"Mag-eenjoy kayo ni Ramille."

Muli na naman nila akong niyugyog. At sabihin niyo nga, anong laban ko sa tatlong 'to? Kung kanina ay gustung-gusto ko ng umuwi. Ngayon ay parang mas gusto ko silang habulin ng itak.

Hindi pa sila nasiyahan sa pagdumog sa akin kaya niyakap nila ako ng sabay-sabay, kulang na lang ay matuluyan ako rito.

Mga bwisit!

"Oo na, oo na! Sasama na ako, tantanan niyo lang ako!!" Sigaw ko sa kanila dahilan para matigil sila. "Mga walanghiya kayo! Kung may dos por dos lang ako rito, kanina ko pa kayo nahampas."

"Yey! Yiee. Sa Saturday, ah? Five PM, overnight tayo. Text ko sa'yo 'yung address."

"Kapag hindi ka pumunta, tuluyan ng mawawala sa'yo si Ramille." Pananakot ng isa, as if talagang takot ako. "At! Sa akin siya mapupunta. Babush!"

Matapos nilang magbigay ng closing remarks ay isa-isa na silang rumampa at naglakad palayo sa akin. Wala pa rin akong imik habang pinapanood ko silang mawala sa paningin ko.

Mga hinayupak! Napa-oo tuloy ako ng wala sa oras. At ano raw? Tuluyan ng mawawala sa akin si Ramille? Mga kulang sa aruga! Matagal na kaming hiwalay!

"Pinilit ka rin siguro nila."

Halos lumundag sa gulat ang puso ko nang biglang may magsalita sa likuran ko. Tumalikod ako upang makita ang lalaking nakapamulsa habang matamang nakatitig sa akin.

Nalaglag ang panga ko pero agad ko rin namang nasara. Okay, kalma! Si Ramille Francisco lang naman 'yan, Adelle Pakita mong hindi mo siya iniyakan kanina.

"Parang ganoon na nga. Hirap kasi nilang tanggihan, e." Palusot ko na sana um-effect.

"Ginamit din ba nila 'yung pangalan ko para mapapayag ka?" Sambit nito saka umiling-iling pa.

"Hindi ako pupunta dahil nandoon ka. Gustuhin ko mang umayaw, kaya lang ay nami-miss ko na rin sila. Ang totoo kasi niyan, nandoon din 'yung crush ko no'ng college." Kunwari pang kilikilig kong pahayag.

Maniwala ka, please.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro