Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Eighteen

[eighteen]

"Masayang araw, mga ka-tropa! This is Lala from JAM FM at narito po ngayon sa tabi ko ang grupong Ace kasama ang mala-dyosang manager nila na si Miss Adelle Miranda. Hello sa inyo, magandang gabi!"

Wala sa sariling napatawa ako dahil sa natanggap kong papuri mula kay Lala. Bumati kaming lahat sa madla, dahil live streaming itong guest namin sa isang pinakasikat na radio station.

Naka-headphones kaming lahat at may tig-iisa kaming mic na naroon sa tapat ng bibig namin para ma-record at marinig ang lahat ng sasabihin namin.

Katabi ko iyong si Lala, habang nasa kanan ko naman si Ramille. Katabi nito si Patrick, sumunod si Topher, Jayson at Jack na halatang excited.

"Okay. Gusto kong simulan natin itong mainit na diskusyon, char!" Aniya saka humalakhak pa. "Anyway, gusto ko lang malaman kung paano nabuo ang Ace? Buo na ba ang Ace bago pa lang kayo makapasok sa A's Music Recording? O ang A's ang bumuo sa inyo?"

Nagtaas ng kamay si Patrick, hudyat na siya ang unang magsasalita na tinanguan naman ni Lala. Nag-lean ito sa mesang nasa harapan namin at nagsimulang mag-kwento.

"Nagsimula ang Ace noong college kami, freshmen kami that time. Magkakasama kami sa music club, and that time ay mga solo singer pa kami. Hindi pa kami magkakakilala at hindi rin namin naisip na magiging isa kami as a campus band." Sambit nito habang nangingiti.

"Kung nagtataka po kayo mga ka-tropa, si pareng Patrick po ang nagsalita. Okay. So after that? Anong nangyari, Jayson?"

"Ayun nga, dahil sa instramurals kaya kami nabuo at doon nagkaroon kami ng kanya-kanyang position as an official band. Ako bilang backing vocalist o ang tinatawag na second voice. Si Jack at Topher ay nakatoka sa guitars, while Ramille is the lead vocalist."

"Nice! Ibig bang sabihin ay limang taon na kayong tumutugtog? Apat na taon sa college, right? Plus one year is equal to five?"

"No. Bali apat na taon lang kami. Iyon 'yung buong college life namin. Huminto kami after graduation..." Hindi na tinuloy ni Jack ang sasabihin niya.

"Dahil?" Mukhang interesado talaga si Lala na malaman ang kwento ng Ace.

Kahit ako ay gusto ko ring marinig. Hindi ko na alam kung anong nangyari sa kanila pagkatapos kong umalis. Wala na akong balita dahil pinagbawal sa akin ang makipag-communicate sa Pilipinas.

Hindi ko alam kung bakit sila huminto. Kung tama ang hinuha ko, baka tungkol na naman sa akin 'to. Ang kaninang excited na reaksyon nila ay unti-unting nawawala.

Napalitan iyon ng pagkalungkot pero pinipilit pa rin nilang pagaanin ang atmosphere dito sa loob. Tumikhim si Topher at siya na ang nagsalita.

"Dahil nagkawatak-watak kami. Siguro, para i-try ang luck namin sa paghahanap ng trabaho. Pumunta kasi ako ng Italy for six months vacation."

"Yeah. Ako naman nagbakasyon sa probinsya namin." Pagsabat ni Jack.

"How about you, Ramille?" Masiglang tanong ni Lala.

"Nagpunta ako ng States para sundan ang pangarap ko..."

Kumunot ang noo ko at halos malagutan ako ng hininga dahil sa sinabi niya. Kahit katabi ko lang siya ay hindi niya magawang lumingon sa akin.

Ano nga iyong sinabi niya?

Pumunta siya ng States? Paano? Anong ginawa niya roon? Kung pumunta nga siya roon, bakit hindi ko alam? Bakit hindi ko man lang nakita kahit ang anino niya?

"Tapos? Anong nangyari?"

"Pero ang pangarap kong 'yon ay may pangarap din, at hindi lahat ng nagiging pangarap natin ay nakakamit natin. Iyong iba, mahirap abutin."

Tahimik lang ako rito habang pilit na pinapasok sa utak ko ang lahat ng sinasabi ni Ramille. So, sinundan niya ako? Sa oras na 'yon ay gusto kong maiyak.

Maiyak sa tuwa at the same time sa kalungkutan. Hindi ko alam lahat ng napagdaanan niya simula ng umalis ako at gustung-gusto kong malaman lahat 'yon.

"Whoa! Mukhang may pinaghuhugutan ang ating lead vocalist. So anyways, may nag-tweet sa akin. Ang sabi, saan galing ang pangalang Ace? Sinong maaaring sumagot?"

Walang nagtaas ng kamay o nagsalita para sagutin iyon. Hindi ko alam kung naniniwala ba ako sa kanila nang sabihin nilang Ace stands for Awesome.

"Ramille? Since ikaw ang leader, maaari mo bang sagutin iyon?" Pagtatanong ni Lala.

Tumihim muna ito at alanganin akong nilingon, hindi nagtagal ay nag-iwas ng tingin.

"Ace... gaya ng kaalaman natin sa baraha o cards, alas kung matatawag 'yon. Sa banda namin, may naging alas din kami. Siya ang parating nandiyan para suportahan kami. Siya ang naging number one fan namin way back in college, so meaning apat na taon niya kaming sinamahan sa journey namin. Siya ang babaeng naging inspirasyon namin para tumugtog at para marating namin ito ngayon. And Ace stands for letter A, which is the first letter of her name."

"Oh! So babae ang nagsisilbing Ace ninyo?"

"Yup. Until now, nandiyan pa rin siya para suportahan kami kahit isang taon kaming hindi tumugtog. Siya ang dahilan kung bakit pumasok kami sa A's Music Recording, kasi gusto naming mapatunayan na 'yung dating banda na iniwan niya, ngayon ay bumabangon pa rin para sa kanya. Para patunayang siya lang ang nag-iisang alas ng Ace."

Buong atensyon ko ay nasa kaniya lang, pinagmamasdan at pilit na iniintindi ang lahat ng mga binitawan niyang salita.

"Siya rin ang babaeng pinapangarap ko." Dugtong pa nito at bahagyang sumulyap sa akin.

"Wow! Maaari bang malaman kung sino ang swerteng babaeng 'yon?"

Hindi nagsalita si Ramille. Wala ni isang umimik, kahit ang pagbuka ng bibig ay hirap nilang gawin. Ayokong mag-conclude pero pakiramdam ko, iisa lang lahat ng kutob ko.

Hindi ko alam na iyon pala ang totoong meaning ng Ace. Fuck, feeling ko talaga ay maiiyak ako rito nang wala sa oras. Hindi tinatanggap ng utak ko lahat ng nalalaman ko.

"Malalaman niyo po sa tamang panahon." Pahayag ni Patrick para basagin ang katahimikan.

"Ay! Gumagano'n? O siya, since napunta na rin tayo sa usapang inspirasyon. May mga girlfriend ba kayo? Kasi marami sa fans ninyo ang mag-aapply." Natatawang sambit ni Lala.

"Sa ngayon po ay career muna kami, career over love." Masayang sagot ni Jack.

Wow.

"Okay, narinig niyo 'yan mga ka-tropa, ah? Hindi pa hiring ang Ace. Career over love, ika nga nila. Kaya siguro kayo nag-number one sa billboard chart dahil binigay ninyo ang best niyo at stressed free kayo dahil wala kayong mga girlfriends?"

Napatango-tango naman ang buong Ace bilang sagot. Bumalik na ang masayang atmosphere kaya medyo kumportable na ulit ako sa topic nila.

"Congratulations to all of you, guys! You nailed it, I swear. So may inihanda ba kayong kanta para sa mga fans niyong nakikinig sa atin ngayon?"

"Yes." Sabay-sabay na pagsagot nila.

"Okay, here is it! Ace live on JAM FM- starring Ramille, Patrick, Jack, Topher and Jayson!"

Tumayo na ang grupong Ace at pumunta sa isang gilid para puwesto na sa kani-kanilang instruments. Nagsimula ng patugtugin ni Patrick ang drums niya.

Bahagya pa itong naghe-headbang kasabay ng beat ng drums niya. Kung kakanta sila ngayon ay maririnig iyon ng sanlibutan dahil live pa rin kami ngayon.

"This song is dedicated to the girl I love the most, my own ace." Baritonong sambit ni Ramille at muling sumulyap sa akin.

Goodness! Ang puso ko, para ng kakawala sa sobrang pagtibok nito.

NP: As Long As You Love Me by Backstreet Boys.

Although loneliness has always been a friend of mine
I'm leavin' my life in your hands
People say I'm crazy and that I am blind
Risking it all in a glance
And how you got me blind is still a mystery
I can't get you out of my head
Don't care what is written in your history
As long as you're here with me

All this time, wala pa pala akong alam. Sa buong nangyari sa Ace, lalo na kay Ramille. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga binitawang salita niya kanina.

Mula sa pagsunod niya sa akin sa States hanggang sa pagpasok nila sa A's Music Recording. Akala ko ay nagkataon lang, pero sinadya niya pala.

Sinadya niya dahil alam niyang naroon ako dahil gusto niyang patunayan na ako ang magiging dahilan para umangat sila, para patunayang ako nga ang nag-iisang Ace.

I don't care who you are
Where you're from
What you did
As long as you love me
Who you are
Where you're from
Don't care what you did
As long as you love me

Ang nag-iisang Ace ng buhay niya...

Hanggang ngayon, masasabi kong hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko sa kanya. Mahal na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Walang nagbago.

Kung gaano ko siya kamahal noon, ay ganoon pa rin ngayon. Iyon nga lang ay mas lumalim, mas lumubog ako, tipong hindi na ako makakaahon pa sa pagmamahal ko sa kanya.

Every little thing that you have said and done
Feels like it's deep within me
Doesn't really matter if you're on the run
It seems like we're meant to be

Tipong kahit anong gawin kong paglayo, babalik at babalik pa rin ako. Kasi kahit ilang beses ko siyang iwan, ako pa rin itong naghahabol sa kanya.

Dahil noong umalis ako, naiwan ko sa kanya itong puso ko dahilan para hindi ko siya magawang kalimutan, ni hindi ko naisip na magmahal ng iba dahil ang gusto ko, siya lang.

Siya lang ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda namin. Gusto kong siya ang ama ng magiging anak namin, gusto kong siya ang magiging asawa ko.

I don't care who you are (who you are)
Where you're from (where you're from)
What you did
As long as you love me (I don't know)
Who you are (who you are)
Where you're from (where you're from)
Don't care what you did
As long as you love me (yeah)

Handa kong gawin ang lahat para sa kanya, para sa ikasasaya niya kahit na ang kapalit nito ay ang kalungkutan ko. Wala akong pakialam.

Dahil simula ng minahal ko siya, binigyan ko na siya ng karapatan na saktan ako. Ganoon naman talaga kapag nagmahal ka, wala ka ng pakialam kahit paulit-ulit kang masaktan.

I've tried to hide it so that no one knows
But I guess it shows
When you look into my eyes
What you did and where you're comin from
I don't care, as long as you love me, baby

Ganoon ko kamahal si Ramille Francisco. Siya lang... siya lang ang nag-iisang tinitibok ng puso ko kahit isang taon kong hindi naramdaman ang presensya niya.

I don't care who you are (who you are)
Where you're from (where you're from)
What you did
As long as you love me (as long as you love me)
Who you are (who you are)
Where you're from (where you're from)
Don't care what you did (yeah)
As long as you love me (as long as you love me)

Kaya noong bumalik ako, ipinangako ko sa sarili kong aayusin ko na ang gusot na ginawa ko. Aayusin ko na ang mga nasira. Sisiguraduhin kong kami pa rin hanggang huli.

Kasi kapag hindi nangyari 'yon, hindi ko na alam kung saan pa tutungo itong buhay ko kung wala siya. Kaya ngayong nandito ako, ibibigay ko ang best ko para maging maayos na kami.

Who you are (who you are)
Where you're from
What you did
As long as you love me
Who you are (who you are)
Where you're from (where you're from)
As long as you love me
Who you are
As long as you love me
What you did (I don't care)
As long as you love me

"Hindi ko alam na ganyan pala talaga kaganda ang boses nila sa personal." Wala sa sariling banggit ni Lala.

"Kaya nga ang swerte ko dahil na sa akin sila." Masayang sambit ko.

"Maraming salamat!" Masayang banggit ni Ramille matapos ang kanta.

Nagpalakpakan kaming lahat na naroon sa loob, kahit ang radio production ng JAM fm ay pumalakpak din sa galing na naipamalas ng Ace.

"Hindi na ako magtataka kung bakit kayo ang nag-top one ngayon. Ang galing niyo!"

"Thank you... thank you!"

Bumalik na ang Ace sa kani-kanilang upuan. Tumabi sa akin si Ramille na ngayon ay ngiting-ngiti. Nagawa pa ako nitong kindatan dahilan para mapatawa ako.

Hindi iyon napansin ng kahit na sino kaya nagulat pa sila nang bigla akong tumawa. Napayuko ako dahil sa hiya at pagkakataon naman ngayon ni Ramille ang tumawa.

"Okay... so mapunta naman tayo ngayon kay Miss Adelle."

Marahas na napalingon ako kay Lala na nakangiti habang hinihintay ang response ko. Oh, my ghad! Hindi ko in-expect 'to. Akala ko ay ang Ace lang ang i-interview-hin niya.

Bakit nadamay ako? At saka ano namang itatanong niya? Okay lang naman sa akin, huwag lang talagang mapupunta sa seryosong usapan.

"Pansin ko ang pagiging blooming mo. Sino ang nagpapasaya sayo ngayon?"

Bloody hell.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro