Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Two

[two]

Mabilis akong bumaba sa kotse nang makarating kami sa bahay, dito ako pansamantalang nanunuluyan sa kanila. Bukod kasi sa malapit lang ito sa school ay gusto rin ni Tita Cecille-- ang mama ni Ramille dahil madalas ay mag-isa lang siya rito.

Minsanan na lang kasing umuwi rito si Ramille dahil doon siya sa bahay nila ate Adelle tumutuloy since malapit lang din iyon sa A's Music Recording Company.

Nang tuluyan nang makababa ay nilingon ko si Patrick at walang pasabing sinara ang pinto ng kotse kahit naroon pa siya sa loob. Narinig ko naman ang malakas nitong sigaw kaya kumaripas ako ng takbo papasok ng bahay.

Sa kalagitnanan ng pagtakbo ko ay napahinto ako sa may hamba ng pintuan, naroon kasi sa sala ang buong miyembro ng Ace. Tumikhim ako saka kinalma ang sarili bago ngiting-ngiti na pumasok sa loob.

"Hello, everyone!" Masayang bati nang makalapit ako sa kanila. "What brings you here?"

Sa sinabi ay mabilis akong sinamaan ng tingin ni Ramille dahilan para tumawa ako ng malakas, sakto naman nang pumasok si Patrick. Mas lalo akong natawa ng makita ang busangot nitong pagmumukha.

Sa kakatawa ay hindi ko na napansin ang paparating na unan at sumalpok iyon sa mukha ko, parang napipi ang ilong ko sa lakas ng pagkakabato ng walangya!

Marahas kong nilingon si Ramille sa pag-aakalang siya iyon pero nakatitig lang ito sa akin. Nilingon ko ang tatlo pero tahimik lang silang nakamasid sa akin.

"Oh, baka pagkamalan mo kami ah. Ang bait-bait namin sayo." Si Topher sabay kibit ng balikat.

Huminga ako ng malalim nang matanto kong ang kupal na iyon ang may sala. Bago lumingon ay hinablot ko ang unan saka malakas ding ibinato sa pwesto niya.

"Salve!" Suway ni Ramille kaya napangiti lang ako.

Serves him right.

Inirapan ko si Patrick na halos umusok ang ilong at tainga sa sobrang galit. Kung gaano ko kamahal ang ibang member ng Ace ay siya namang kinamumuhian ko si Patrick.

Simula kasi ng umamin ito sa akin noong nakaraang linggo-- tho, hindi talaga  siya direct na nagtapat sa akin, still-- nakakailang.

Nakakahiya. Nakakadiri. Yak!

Hindi ko nga alam kung bakit ayaw na ayaw ko sa kaniya. Kahit naman noong hindi pa siya umaamin ay ayoko na talaga sa kaniya, dahil gaya nga ng sabi ko, palagi niya akong pinagtitripan.

"Kayong dalawa, hindi pa kayo manahimik. Kahit saan talaga, wala kayong pinipiling lugar." Sermon ni kuya habang papalapit sa akin.

Bago pa man siya makarating sa kinatatayuan ko ay tumakbo na ako patungong hagdan saka sila nilingon, lalo na 'yung kupal na Patrick.

"Iyang drummer niyo kasi, ang pangit ng ugali." Inirapan ko pa siya saka mabilis ding tumakbo paakyat.

Narinig ko pa ang ilang sigaw ni kuya pero tinawanan ko lang iyon. Nagmamadaling binuksan ko ang kwarto ko at saka ini-lock, mahirap na. Baka hanggang dito ay sundan ako ng kupal.

Nagpalit lang ako ng damit pambahay at hindi na bumaba sa sala. As long as gusto ko silang makita at makasama, hindi ko naman magawa dahil kay Patrick.

Kukupalin lang ako no'n hanggang sa mainis ako. Wala sa sariling napaismid ako. Sus, kapag siya naman iyong inaasar ko, asar-talo rin naman.

Hindi bale na nga, babawi na lang ako bukas sa mall tour nila. Kaya buong maghapon ay nasa kwarto ako, abala sa pagde-design ng banner ko para kay kuya at sa buong Ace-- except kay Patrick the kupal.

Nang matapos ay nangingiti ko iyong inilahad sa harapan ko at mahinang humagikgik. Panigurado, mas maganda 'tong gawa ko kaysa kay Regina.

Tumayo na ako saka nangingising itinabi iyon bago nag-unat ng mga kamay. Saglit akong napatingin sa relo ko-- 5:45 PM na. Siguro naman ay wala na sila sa baba, nagugutom na rin kasi ako e.

Tahimik akong lumabas ng kwarto ko at marahang bumaba ng hagdan. Prente pa akong naglalakad hanggang sa matigilan ako, mabilis akong tumalikod para umakyat ulit pero nahuli na niya ako.

"Ahh!! Patrick!" Sigaw ko saka hinawakan ang kamay niyang nakapulupot sa leeg ko.

Nandoon siya sa likuran ko at para niya akong sinasakal gamit ang isang braso niya. Tumatawa-tawa lang ito habang kinakaladkad ako pababa ng hagdan.

"Bwisit ka talaga!"

Hindi naman masakit iyong pagkakasakal niya, tama lang pero nabu-bwisit ako dahil ramdam ko sa likuran ko iyong ano niya.

Ahhh!! Jusmiyo, Marimar!!

Nang tuluyan niya na akong maibaba ay doon ko lang nakita na wala na ang ibang miyembro ng Ace, nagpaiwan marahil siya para gumanti sa akin.

"Kuya!!" Sigaw ko kay Ramille nang makita siyang palabas ng kusina.

Nakita niya kami pero tumawa lang siya at nailing-- isa pa 'to. Deretso lang ang lakad niya patungong sala. Naiinis na binalingan ko si Patrick sa likuran saka bumulong.

"Kapag hindi mo pa ako pinakawalan, magsusumbong na talaga ako." Pananakot ko at kahit hindi ko masyadong nakikita ang mukha niya ay alam kong ngumisi siya.

"Ah. So, hindi mo pa pala nasasabi? At sa tingin mo ba, papakawalan pa kita gayong alam kong magsusumbong ka sa kaniya?" Nang-aasar na bulong niya sa akin.

Nakakainis na.

Ano bang problema ng isang 'to? Kapag hindi ko pinansin, siya naman itong todo papansin.

Umirap ako sa hangin saka nilunok ang sariling laway bago malakas na inapakan ang paa niya dahilan para mabitawan niya ako at mapahiyaw siya sa sakit.

Mabilis ko siyang nilingon saka nginisian. Sisiguraduhin kong nasa akin pa rin ang huling halakhak. "Humanda ka na."

Tinaasan ko siya ng kilay at dahil siguro sa sakit ng paa niya ay hindi na siya nakagalaw at sumigaw na lamang.

"Kuya!" Sigaw ko saka nilingon ito na naroon sa sala, nakatayo habang pinagmamasdan kami. "Alam mo ba, Kuya?!"

"Hoy, Salve!" Bulyaw sa akin ni Patrick pero hindi ko na siya nilingon.

Dahan-dahan akong naglakad palapit kay kuya, tila inuudyo si Patrick na nasa likuran. Ngumisi pa ako nang tuluyan na akong makalapit sa kinaroroonan ni Ramille.

"Kuya, alam mo ba si Patrick, may gusto--"

"Hoy, Ramille, alam mo ba 'yang si Salve, nagcu-cutting class!" Sigaw ni Patrick dahilan para matigilan ako.

Nanlalaki ang mata kong napatitig sa mukha ni kuya, ganoon din ang ginawa niya. Nga lang ay kumunot ang noo niya saka hindi makapaniwalang tinignan ako.

"No, Kuya--"

Bago ko pa man matapos ay sumigaw na rin ito. "Salve! Kailan ka pa natutong magbulakbol, ha?!"

Mabilis kong binalingan si Patrick na ngayon ay ngingisi-ngisi na, napaismid ako at tangkang susugurin siya nang hinablot ni kuya ang damit ko.

"Hindi pa tayo tapos, mag-uusap pa tayo." Matigas niyang sambit kaya wala sa sariling bumagsak ang balikat ko.

Nawala na rin lahat ng emosyon sa mukha ko at marahan na lang tumango. Narinig ko pa ang paghalakhak ni Patrick kaya sinimangutan ko na lang siya.

"Bwisit ka talaga."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro