Chapter Twenty
[twenty]
Pasado alas sais nang ibalik ko kay Mom ang gadgets ko dahil saktong six o'clock nang dumating si Dad sa bahay, wearing his black tuxedo and he looks so dominant in any way.
Bakas ang pagod sa mukha nito, marahil sa trabaho o kung ano mang pinagkakaabalahan niya. Naroon ako sa sofa, tahimik na nanonood at nang makapasok ito sa sala ay mabilis akong kumaripas ng takbo.
"Salve." Pagtawag nito sa akin ngunit hindi ko na nagawang lingunin pa.
Mabibigat ang paang tinungo ko ang second floor at padabog na sinara ang pinto ng kwarto. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko sa hangin at pasalampak na naupo sa kama.
Aaminin ko, masama pa rin ang loob ko sa kaniya. Ginagawa nito kung ano lang ang gusto niya, kahit pa labag sa kalooban ko. Hindi ko lang maintindihan o baka nga sarado na masyado ang isip ko para intindihin pa.
Hindi ko na namalayan ang oras at sa loob na lang ako mismo ng kwarto nagkulong, nakakawalang gana talaga, para akong tinanggalan ng karapatan at pakpak na makalaya.
Matapos kong maligo ay lumabas na ako ng banyo habang tinutuyo ang sariling buhok, it's already past eleven ngunit hindi pa ako dinadalaw ng antok kaya sandali muna akong nagmuni-muni.
Dala ang suklay ay lumabas ako sa veranda na naroon sa loob ng kwarto ko, kasabay ng pag-apak ko sa malamig na tiles doon ay ang pagtugtog ng isang gitara.
NP: All That I Need by Boyzone
I was lost and alone
Trying to grow making my way down that long winding road
Had no reason no rhyme
Like a song out of time
And there you were standing in front of my eyes
Mabilis na dumako ang tingin ko sa baba ng bahay kung saan halos mapanganga ako nang makita ang grupong Ace.
Sina Jack, Topher at Jayson na nasa bandang likuran habang pumapalakpak sa salin ng kanta. Si kuya Ramille naman na hawak ang isang gitara habang si Patrick ang siyang kumakanta ngayon.
How could I be such a fool
To let go of love and break all the rules
Girl when you walked down that door
Left a hole in my heart
And now I know for sure
Fuck! Ito ba 'yung tinatawag nilang harana? Wala sa sariling napahawak ako sa railings nang mag-umpisa ulit kumabog ang dibdib ko.
Ngayong nakikita ko siya ay mas lalo kong naramdaman ang pagka-miss sa kaniya. Ewan ko, pero hibang na nga siguro ako dahil sa sayang nag-uumapaw sa puso ko kahit nasasaktan ako.
You're the air that I breathe
Girl you're all that I need
And I want to thank you, lady
You're the words that I read
You're the light that I see
And your love is all that I need
Wala akong ibang ginawa kung 'di ang manood sa kanila-- lalo na kay Patrick na ngayon ko lang nakita at narinig na kumanta. And honestly speaking, he has an angelic voice na hinding-hindi ko pagsasawaan.
I was searching in vain
Playing a game
Had no-one else but myself left to blame
You came into my world
No diamonds or pearls Just like a castle of sand
Girl, I almost let love slip right out of my hands
And just like a flower needs rain
I will stand by your side through the joy and the pain
Masuyo kong pinunasan ang luhang namalisbis sa aking pisngi. Kung ano ang mainit na titig ang ibinibigay ko kay Patrick ay siya ring sinusuklian niya iyon, sa kabila ng pagkanta nito ay sumisilay pa rin ang ngiti sa kaniyang labi, animo'y ini-enjoy nito ang kanta.
You're the air that I breathe
Girl you're all that I need
And I want to thank you, lady
You're the words that I read
You're the light that I see
And your love is all that I need
Sa salin ng musika ay marahan din silang sumasayaw. Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang mula rito ay nakita ko ang pagbukas ng gate namin at lumabas doon si Dad.
Ilang segundo akong natigilan at pinanood ang kung ano mang gagawin nito ngunit nanatili lang siyang nakatayo, sumunod si Mommy doon at hindi ko masabi kung anong reaction nila dahil nakatalikod sila sa gawi ko.
You're all that I need, girl
You're the air that I breathe, yeah
And I want to thank you
You're all that I need, girl
You're the air that I breathe, yeah
And I want to thank you
Pigil ang ngiti ko nang matapos ang kanilang kanta, gaya ng nakasanayan ay nag-bow pa ang mga ito na siyang labis na nagpatawa sa akin.
Baliw na nga siguro ako.
"Good evening po." Paunang bungad ni Patrick sa magulang ko. "Aakyat po sana ako ng ligaw para sa anak ninyong si Salve."
Tuluyan nang nalaglag ang panga ko sa sahig dahil sa narinig mula sa kaniyang bibig. Saan nito kinukuha ang lakas ng loob? Pero fuck! Sa loob-loob ko ay taimtim akong nagdarasal na sana ay um-okay sina Dad.
"Pumasok muna kayo." Baritonong saad ni Daddy at nauna nang pumasok sa bahay.
Nakita ko pa ang pagsulyap nito sa akin sa taas bago pumasok sa loob ng bahay na sinundan naman ni Mommy. Napansin ko rin ang ngingiti-ngiting mukha ni Patrick at bakas sa kaniya ang tuwa.
Pati sina kuya Ramille ay hindi na naitago ang ngiti sa labi, inakbayan pa nito si Patrick at sabay-sabay na silang pumasok sa loob.
Wala na akong pinalampas na oras dahil mabilis akong kumaripas ng takbo palabas ng kwarto at pababa ng sala, roon ay naabutan ko na silang hile-hilerang nakaupo sa pahabang sofa.
Samantalang sina Mom at Dad ay nakaupo pareho sa pang-isahang sofa na siyang katapat nila. Sa naabutan ay halos panghinaan ako ng tuhod lalo pa't titig na titig sa akin si Patrick, tila ayaw akong mawala sa kaniyang paningin.
"Dad..." Mahinang sambit ko nang tuluyang makalapit at huminto lang nang naroon na ako sa gilid ni Mom.
Ngunit hindi ako nito pinansin, bagkus ay deretso lamang ang atensyon nito kay Patrick dahilan para malaman nito kung gaano kapatay na patay ito sa akin.
"So, tama ba ang narinig ko kanina Patrick? Manliligaw ka sa anak ko?" Matigas na pahayag ni Dad.
Masaya namang ngumiti si Patrick, na para bang wala lang sa kaniya ang nakakatakot na presensya ni Daddy ngayon.
"Ako po si Patrick Niel Acosta at opo, labis ko pong minamahal ang anak ninyo kaya mag-uumpisa muna ako sa panliligaw." Aniya nang hindi natatanggal ang ngiti sa labi.
"Sure ka? Alam mo ba kung gaano katigas ang ulo ng anak ko?" Si Dad, tila sinusubok ang pasensya naming dalawa.
Gusto kong matawa ngunit mas nangibabaw sa akin ang takot, halu-halu na ang emosyon ko kaya mas pinili kong manahimik na lang muna.
"Matagal ko na pong tinanggap 'yon, lahat ng mayroon at kung ano siya, tanggap na tanggap ko."
Wow. I'm very much flattered at na-speechless na lamang ako habang pinapakinggan sila.
"Pasensya na po kung hindi na ako makapaghintay pero... I just can't wait for another day coz I badly missed her." Dugtong nito na siyang tinanguan ni Daddy.
So, pumapayag na ba siya?
Kumuyom ang palad ko dahil sa tensyong naramdaman, kinakabahan ako sa pwedeng sabihin ni Dad.
"Hmm, do you think deserve ka ng anak ko?" Taas ang kilay na paghahamon ni Daddy.
"Dad--"
"Sshh, mamaya ka na." Mabilis nitong pagputol sa sasabihin ko.
Kasabay ng pagbuntong hininga ko ay ang pagsilay ulit ng ngiti sa labi ni Patrick.
"I may not be perfect. In fact, I'm far from it, I know I don't deserve her but she deserved my purest love, my honesty and all of me--"
Huminto ito at saka tila isang batang sinabunutan ang sariling buhok. Kita ko pa ang malalalim niyang paghinga.
"Hindi ko na alam kung ako pang sasabihin ko, I just want her to be mine, mine alone. Nothing else." Aniya na parang sumusuko na, dahilan para bahagyang matawa si Ramille.
Tumikhim si Dad kaya sa kaniya na ngayon ang atensyon ng lahat.
"May magagawa pa ba ako? Hala sige, magmahalan na kayong dalawa."
With that, we cheered our victory.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro