Way To Love You
Pag-sapit ng dapit hapon ay nagpasya si Asha na maglakad lakad sa dalampasigan.
"T-tulong!" Napalingon naman si Asha sa pinanggalingan no'n at agad niyang hinanap ng tingin ang nalulunod.
"Hala!" Agad siyang sumulong sa tubig at inahon ang lalaki na halos kasing edad niya base sa itsura nito.
"Shit! Buti nalang nakinig ako kay Kuyang Lifeguard no'ng tinuro niya sa amin to!" Sabi nito sa sarili niya at pinump ang dibdib ng lalaki.
Pero hindi parin nagreresponse ang lalaki sa bawat pag-pump niya sa dibdib nito.
'Bilis Asha! Mag-isip ka! Baka mamatay to kung hindi mo gagawin yun! Ha! Gagawin ko na!'
Agad niyang nilapat ang labi niya sa labi ng lalaki at binigyan niya ng hangin ito na nagmumula sa kanyang katawan.
'Sino kaya to?'
********
"Ashley!" Napalingon ako sa tumawag sa akin! Ayt! Nagmamadali ako dahil sobrang lakas ng ulan sa labas at baka hindi kayanin ng payong ko.
"Dylan!" Isang ngiti ang sumilay sa aking labi ng nakita ko siya. Ang lalaking itinadhana para mahalin ko.
"Good morning!"
"Mukhang hindi ata maganda ang umaga dahil umiiyak ang langit." Sabi ko at tumingin sa kalangitan. Makulimlim at walang bakas ng kahit anong sinag ng haring araw.
Ginulo niya ang buhok ko kaya napatingin ako sa kanya. Nag-init ang pisngi ko. At tumingin sa mga mata niya. Napalunok ako. Ang gwapo niya. Ngumiti siya at tuluyan nang nahulog ang puso ko.
"Lika na." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko at hinila na ako papuntang classroom. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak. At sa simpleng bagay na yun ay pinasaya na ang araw ko.
Habang nakikinig sa guro namin sa Araling Panlipunan ay di mapigilan ng utak ko na lumipad sa kung saan saan. Hmmmm? Posible ba yun? Na gusto rin ako ni Dylan?
Tumingin ako sa gawi niya at agad akong napaiwas ng tingin nang makitang sa akin nakabaling ang mga mata niya. Nag-init ang pisngi ko. Oh my gosh! Stop your thoughts Ashley Maria!
Nang mag-recess na ay agad akong tumakbo papuntang canteen! Gutom na ako! Gusto ko ng mainit na champorado! Hihihi! Nakakahungers kayang mag-aral.
"Mariaaaaaa!" Napangiti ako nang makita ko si Josephine ang babaeng tumatawag sa akin ng 'Maria' para raw quits kami dahil makaluma rin ang pangalan niya.
"Oh? Kain na!" Sabi ko at tumawa.
"Kilala ko na yung gusto mo!" Napatingin agad ako sa kanya na nanlalaki ang mga mata! Hindi pwede! Lahat ng meron ako ay nagkakaroon din siya! Yup. Ewan ko nga kung paano yun nangyari.
Pero kasi from my pencils and to my bag ay meron siya. Pagkatapos niyang makitang gamit na gamit ko. Siguro nagkataon lang pero nakakapagtaka lang.
"Yung taong gusto mo diba? Si Dyla-" Agad kong tinakpan ang bibig niya!
"Hoy hindi ah!" Nilibot ko ang paningin ko sa buong canteen at nakuha ng isang lalaki na pinalilibutan ng sandamakmak na kababaihan ang atensyon ko.
"Kita mo yun?" Sabi ko sabay turo sa lalaking gwapo na may brown na buhok na kasing brown ng mata niya.
"Yan yung gusto ko." Nakangising sabi ko. Alam ko na hindi lang ako yung nagkakagusto kay Dylan, pero masama ba kung ipagdamot ko siya kahit kay Josephine lang?
"Si Clyde Leonardo Garcia ng 2nd section? Eh! Ang cliche mo naman dami nang nagkakandarapa diyan. Tss." Sabi niya pero nilingon ko uli ang lalaking sinasabi niya na Clyde ang pangalan.
Gwapo naman, pero daming babae nakakadiri. Pero nang mapansin niyang nakatingin ako ay tinignan niya ako at kinindatan!
Napairap naman ako! Yuck! Pinagsisihan ko na tuloy yung sinabi ko kay Josephine.
"She's Ashley Ferrer! Damn she's one of the hella hot chicks in this school." Napatingin naman ako dalawang lalaki na nagbanggit ng pangalan ko.
Agad na nag-init ang ulo ko. Hindi yan Complement! Pambabastos yan! Mga walang respeto! Susugod na dapat ako ng lumitaw bigla si Dylan sa harap ng dalawang lalaki.
Kinuwelyuhan niya yung nagsabi nun. "Sa susunod na bastusin mo pa ang pangalan ni Ashley ay matitikman mo ang kamao ko!"
'My Knight In Shining in Uniform.'
"Woi! Dylan! Masyado ka naman atang wild ngayon kalma lang. We're just complementing Ashley."
Kita ko ang pag-aalab sa inis ng mga mata ni Dylan. Pano niya nagawang maging ganito ka-gwapo kahit sobrang inis na siya?
"Complement? Ha! Alam niyo ba ang ibig sabihin no'n? Pambabastos ang tawag sa ginagawa niyo."
"Sorry na dre. Nag-uusap lang naman kami." Nakayukong sabi nung isa.
"Wala talaga sa suot ng babae ang problema. Nasa utak ng mga lalaki. Dahil kahit na magsuot ng balot na balot ang babae ay binabastos pa rin." Sabi ni Josephine sa tabi ko na nakatayo kaya napatalon ako.
"Tignan mo yan! Sa haba ng palda na suot mo at longsleeves na uniform natin ay nagawa pa ring icheck ang Vital Statistics mo! Aba ang lufet!" Sabi niya at umupo na sa upuan namin.
Lumapit ako kay Dylan. Namula ang pisngi ko at yumuko ako. "Salamat sa pagtatanggol mo sa akin." Sabi ko at yumuko lalo.
Bumilis ang tibok ng puso ko ng hawakan niya ang baba ko at iangkat iyon para makita niya ang mga mata ko.
"Tignan mo naman ako. Di naman ako ganun kapanget para hindi pagtuunan ng pansin." He said and chuckled. Damn it! Pati mahinang pagtawa niya ay ang gwapo pa rin.
Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. "Ah kasi---"
"Ssshhh! Wag ka na magsalita. You're always welcome. Ayaw ko kasi na binabastos ka nila." Pagkasabi niya nun ay agad akong kumaripas ng takbo palabas ng classroom.
Nang marating ko ang terrace ng floor namin ay tumigil na ako. At humawak sa puso ko. Sigurado akong simpula na ako ng kamatis ngayon. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Epekto ba to ni Dylan?
'Gaga! Tumakbo ka! Kaya natural lang na bibilis ang pagpump ng puso mo! Yan kasi puro landi di nag-aaral!' Napairap ako dahil sa naisip ko.
"Ashley Maria Ferrer." Nagsitndigan ang balahibo ko nang marinig ang isang boses sa likuran ko.
"Clyde Leonardo Garcia." Sabi ko at ngumisi. Anong kailangan sa akin ng lalaking ito?
Tsk. Nagmomoment ako dito tapos guguluhin niya ako. Tsk. Tsk.
"Hmmm.....Dylan Caliber De Vera." Napatingin ako ng diretso sa mata niya ng banggitin niya ang pangalan ni Dylan. Tinaasan ko siya ng kilay.
Tumawa siya at hinawakan ang labi niya. "You like him right?" Gusto ko man siyang barahin at sabihin na hindi ko gusto si Dylan dahil mahal ko siya pero di ko ginawa, di kami close!
"And so? Do you have any problem with that?"
"Hmmm....nothing."
"Papaaaaaaa! Nakauwi na ako!" Masayang sabi ko papasok sa bahay namin. Ang labas ng bahay namin ay flowershop dahil yun ay pagmamay-ari namin at si Papa ang nag-aalaga ng mga bulaklak.
"Ang gaganda niyo talaga." Sabi ni Papa at hinahaplos isa-isa ang mga bulaklak.
"Andito naaaa akooo!" Makulit na sigaw ko at niyakap si Papa.
"Kamusta ang anak ko?" Si Papa ang pinaka-treasure ko sa mundong ito. Dahil siya nalang ang meron ako. At di ko hahayaang masaktan sya dahil sobrang dami na ng pinagdaanan niya.
"Ito Pa, maganda pa rin."
Tumawa si Papa, "Balang araw, magmamahal rin ang baby ko. At sa araw na yun malalaman mo ang tunay na pagmamahal." Hinigpitan ko ang yakap kay Papa. Nagpapakasenti na naman si Papa.
"Papa kahit na di na dumating yung araw na yun. Ngayon palang alam ko na ang meaning no'n. Syempre Pa, ikaw. " Bulong ko sa tainga niya.
"Oh magpalit ka na nga don. Nagdadrama na naman tayo. Oh ito nga pala pink na Santan. Alagaan mo yan." Sabi ni Papa kaya nagsalute ako habang hawak hawak ang paso na iyon.
Humiga ako sa kama at kinuha ang cellphone ko na naglalaman ng kaisa-isang picture ko kasama si Dylan.
"First year highschool palang minahal na kita." Sabi ko at niyakap iyon.
Ilang buwan nalang ay magpapasko na. In short bear months na! Kaya heto ako nangangatog sa lamig kaya nag jacket ako.
"Waaah! Girls! Si Dylan daw may Girlfriend na!" Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang sinabi ng babaeng schoolmate ko.
"Uy! Hindi ah! Dating palang sila!"
"Sino nga yung babaeng yun?"
Agad akong napatakbo sa classroom namin. Nakita ko si Dylan na may babaeng kausap. Baka siya yung girl na nalilink kay Dylan. Hindi ko makita ang mukha niya dahil natatakpan siya ni Dylan.
Napalunok ako. Gusto kong makita kung sino siya! Kaya umurong ako. Naaninag ko ang mukha niya at nalaglag ko ang hawak kong payong nang makita kung sino iyon.
Si....si Josephine.
Bakit siya pa?
Nag-init ang gilid ng mga mata ko. Sa nakikita ko na sweetness nila. Parang winawarak ang puso ko. Tumingala ako para pigilan ang luha ko.
Yung ngiti ni Dylan sa kanya na parang siya lang yung nakikita niya. At di siya lilingon sa iba. At ako yung iba na yun. Hindi niya ako lilingunin kasi iba ako.
"Tsk. Nasasaktan na nga tinitignan pa." Nagulat ako nang sa isang iglap ay natagpuan ko ang sarili ko na hila hila ni Clyde habang tumatakbo.
"KYAAAAAAAAH!"
"OH MYYYY!"
"OH MY GOSH! SI FAFA CLYDE MAY KA-HHWR!"
"ANONG HHWR? PERO KYAAAAH TAKEN NA SI FAFA CLYDE!"
"AY SHUNGA HAHAHA! HOLDING HANDS WHILE RUNNING!"
Sigawan sa bawat classroom at pangalan namin ni Clyde ang sinasambit ng mga estudyante mapababae man o lalaki.
"Wait! Clyde! Saan mo ko dadalhin?" Sabi ko na alam ko na narinig niya pero imbes na sagutin ako ay patuloy lang siya sa paghila sa akin.
Nagulat ako nang pumasok kami sa pintuan patungong roof top. Kung saan kita mo ang ganda ng mga puno na nakatanim sa paaralan namin.
Huminto siya ng makarating kami sa railings nang hawakan ng sandalan don.
"Dito ako pumupunta pag nalulungkot ako o may pinag-dadaanan ako." Sabi niya sa isang seryosong tono.
"Malungkot ka ba?" Inosenteng tanong ko sa kanya at tumingin sa kanyang mukha.
Ngumisi siya at umiling. "Hindi ako, ikaw." Nagulat naman ako sa sinabi niya at pagturo niya sa akin.
Lumuhod siya para mapantayan ako dahil nakaupo na ako ngayon habang hawak ang tuhod ko.
Nilagay niya sa tainga ko ang mga buhok na humaharang sa mukha ko.
"Umiyak ka na." Parang isang gatilyo ng baril ang salita niya at napakawalan ang mga bala ng luha ko.
Ang mga hikbi ko ay rinig na rinig sa buong paligid. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin na mas lalong nagpaiyak sa akin.
Ilang araw na ang lumipas simula nang malaman ko na nag-dedate na nga sila Josephine. At mas lalo akong nalungkot at nasaktan ng si Josephine mismo ang nagkwento tungkol sa pag-aya ni Dylan sa kanya.
Kumakain ako ng chips ngayon habang naglalakad sa corridor. Break time kasi ayaw ko na mag-stay sa canteen baka isabay pa ako ni Dylan at Josephine sa pagkain nila at maiyak lang ako sa panonood sa kanila.
"Oo gusto ko siya!" Isang sigaw mula sa isang silid ang narinig ko. Kilala ko ang boses na iyon. Si Dylan yun.
Kaya agad akong napatakbo at sumilip ron. Kita ko na kinukwelyuhan siya ni Clyde.
"Gusto mo siya pero nakikipagharutan ka sa iba?!" Kita ko ang galit sa mata ni Clyde habang sinasabi iyon kay Dylan.
'Sino yun? May other woman ba si Dylan at niloloko niya lang si Josephine?'
Pero di naman ganun si Dylan eh.
"Tangna! Ano bang pakialam mo?! Masyado ka atang pakilamero!" Sabi ni Dylan at tinulak si Clyde.
"Sinasabi ko to dahil gusto ko siya!" Sigaw ni Clyde. Hindi ko alam kung bakit pero pinabilis nun ang tibok ng puso ko.
"Gusto mo siya? Ha! Pero ito ka at pinagkakanulo siya sakin? Dahil kung ako sayo susulitin ko ang pagkakataon na wala akong karibal!" Sigaw ni Dylan. Nakatingin lang ako sa kanila.
"Seryoso ako sa kanya." Nanindig ang balahibo ko nang marinig kung gaano kaseryoso si Clyde.
"At ang makita siyang masaya, ay kasiyahan ko na."
Ang swerte ng babaeng minamahal ni Clyde. Pero para sa akin, yun ang pinakadakilang gawin sa pagmamahal. Oo ang saya sa pakiramdam nung ipinaglalaban ka ng isang tao kahit hindi mo naman siya gusto. Pero ang palayain ka dahil mahal ka niya dahil gusto ka niyang makitang masaya kahit ang kasama mo ay hindi siya? Not everyone could do that. We have different kinds of love. Some are selfish and obsessive but most of the time it's sacrificing and selfless.
Umalis na ako do'n dahil unang una quota na ako sa narinig ko. Nakaharap ako sa binatanang salamin habang pinapanood ang mga patak ng ulan na tumatama rito.
"Waaah! Late na ako!" Sigaw ko pag-baba ng jeep. Dahil late na talaga ako! Kashushi! Si Papa kasi di ako ginising.
Lakad-takbo ang ginawa ko. Pero nagulat ako nang makita ko si Josephine na tumatakbo papunta sa akin at may dalang cellphone. Hinihingal siya.
"Ha! Maria buti nandito ka na. May ipapakita ako sayo." Hinihingal na sabi niya at tinaas ang kanang kamay niya na may cellphone.
Isang video sa isang facebook page. Nando'n ako at si....Clyde!
Nanlaki ang mata ko nang napagtanto na video yun ng yakapan namin!
"Ano to?!" Sigaw ko at hinablot ang cellphone niya.
"Eh?" Iniwan ko si Josephine at hinanap ang Clyde Garcia na yun!
Pero nang makatapak ako sa corridor ng floor nang mga room ng Grade 12 senior high ay may limang babae ang humarang sa akin.
"Tsk. Tsk!"
"Ashley Ferrer! Ha! Ang lakas ng loob mo!" Sabi ni Malandi One.
"Mas malakas loob ng mo papatalo ka ba?!" Balik na sigaw ko sa babaeng may kulot na buhok A.K.A Malandi 1.
"Ha! Nagawa pa talagang sumagot! Pagkatapos mong gayumahin si Clyde! At napakalandi mo hinalikan mo na nga siya! Niyakap mo pa!" Anong halik?! Wala pa nga akong first kiss! At anong gayuma?! 21st Century na tayo mga tol!
"At sinasabi mo sa kanya na nakatadhana kayo! Ha! Lufet ng imagination mo!" Sabi ni Malandi 2 at yung tatlo ay extra lang na pampadagdag sa kanila.
Sinamaan ko sila ng tingin! Anong pinapakalat ng lalaking yon?!
Tinulak ko sila paalis sa dadaanan ko at agad na tinahak ang kinaroroonan ni Clyde! Bwiset na lalaki! Pinapasakit ang ulo ko! Nakakainers!
Pagkarating ko sa classroom niya ay hinila ko ang kamay niya hindi alintana ang mga babaeng puro dada kulang naman sa gawa!
Dinala ko siya sa isang walang lamang classroom at do'n ko pinatikim sa kaniya ang bagsik ng kamao ko.
"Sh*t!" Angal niya nang tumalsik siya sa sahig.
"G*go ka?! Anong pinapakalat mo na video?! At anong halik-halik? Ha! Wala pa nga akong first kiss!" Sigaw ko sa kanya.
"Tadhana?! Si Dylan lang ang taong nakatadhana sa akin." Inis pa na dagdag ko habang tinitignan siya ng masama.
"Such a badass of you. Asha." Tumayo siya at pinunasan ang dugo sa labi niya.
His brown hazel eyes gaze on me like I'm the only thing he can see in this world. I clenched my jaw and ready my fist for another punch for him!
"Di mo ba naalala?" Takang tanong niya sa akin at kinain ng mga hakbang niya ang espasyo na tinira ko para sa aming dalawa.
Nakatingala ako sa kanya dahil matangkad siya at hanggang baba niya lang ako.
Kinunutan ko siya ng noo. The hell?! Eh ngayon ko nga lang siya nakasalamuha sa buong existence ko sa Earth!
"Sa Palawan, summer 20**." Biglang pumasok sa alaala ko ang isang senaryo kung saan may nalunod at niligtas ko gamit ang hangin galing sa lungs ko!
"You kissed me there. Our first kiss happened at exactly 5:30 in the afternoon, while the sun is setting." Napanganga ako sa sinabi niya.
Kinotongan ko siya. "G*go ka ba?! O may saltik ka?! Ginawa ko yun para maibalik ka sa mundo! That's what we called breath to breath resuscitation!"
"At kung di ko ginawa yun wala ka ngayon dito nakatayo sa harapan ko." Nakatingin siya sa akin na para bang naa-amuse sa nakikita niya.
"At ano tong video na pinakalat mo?" Sabi ko sabay taas ng cellphone ni Josephine.
"Hindi ako ang nagpakalat niyan. Tsk. Magpapakalat na nga lang di pa binuo." Bulong niya sa akin kaya sinapak ko siya sa dibdib niya.
Ay ang tigas!
"Edi bawiin mo yung pinakalat mo na kiss kiss! At yung nakatadhana tayo! Eww!" Sabi ko at umirap.
Seryoso siyang nakatingin sa akin kaya tinignan ko siya pabalik.
"There's one and only way to make that problem vanish." Sabi niya sa isang seryosong boses na nagpatindig sa balahibo ko.
"Ano yun?! Gawin mo na! Dahil ayaw ko---"
"We'll make the talk of the town true."
Nag slow motion ang paligid at parang tumigil ang oras ng sa isang iglap ay naglapat ang labi niya sa labi ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko at tinignan siyang nakapikit na hinahalikan ako. Agad ko siyang natulak.
"Damn you! You're a kiss stealer!" Sabi ko sa sakanya at sinampal siya bago iniwanan.
"Dylan, gusto kita." Bullets of raindrops are hitting my skin while looking to the man I love.
Nakatingin lang siya sa akin dito sa gitna ng kalakasan ng ulan. Alam ko walang pag-asa pero masama bang magbaka sakali? Baka sakaling magbago ang ikot ng mundo at ako pala ang taong kanyang gusto.
"Dylan!" Isang babaeng tumatakbo habang sinisigaw ang pangalan niya, si Josephine.
Hinawakan ko ang braso ni Dylan. "Dylan, Mahal kita!" Sigaw ko sa kaniya kaya kita ko ang paninigas niya sa pwesto niya.
"I......" Damn! Sabihin mo na mahal mo rin ako kundi masasaktan ako. At baka di na ulit ako makabangon sa pagkakahulog ko sayo!
"I'm sorry." Nabitawan ko ang pagkakahawak ko sa kanya at tinalikuran niya ako.
Tumalikod siya at tumungo kay Josephine. Napayuko ako. Oo ako ng tanga. Alam ng may mahal na eh aamin amin pa!
Tears are running down through my cheeks as the drops of the rain mixed on every tear fell on my eyes.
Isang yakap mula sa likod. Isang yakap ng taong hindi ko inaakala na nandito na naman sa tabi ko sa panahon na nasasaktan ako ng todo.
"Don't waste your tears for that stupid bastard."
Isang linggo. Isang linggo akong may sakit dahil nagpabasa ako ng ulan.
"Anak, alam ko wala ka nang lagnat." Napatingin naman ako sa pintuan nandon si Papa at nakasandal sa bisagra ng pinto.
"Hindi Pa! Masakit pa ang ulo ko parang sasabog sa sobrang sakit!" Sabi ko kaya binato ako ni Papa ng towel ko na pink.
"Tsk. Tumayo ka na diyan at maligo. Ang baho baho na ng baby ko." Agad akong napatayo sa sinabi ni Papa! Ha! Ako mabaho? Hindi kaya! Durog lang ang puso pero never baho!
"Ashaaaaaaaaaaa!" Napalabas agad ako ng kwarto habang nagboblower ng may sumigaw ng napakaganda kong palayaw.
"Pa, sino yan?" Tanong ko kay Papa sa may pintuan.
"Sino to nak? Boyfriend mo? Naku napakagwapo!" Agad akong napalabas at nakita si Clyde na naka long-sleeved na Polo na pinalolooban ng isang v-neck shirt. Nakasumbrero rin siya na parang si Michael Jackson.
"Hindi pa ho ako boyfriend ng anak niyo. Pero malapit na po, Pa." Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.
"Huy! Ano bang pinagsasabi mo kay Papa! Pa! Wag ka maniwala diyan. Pa si Clyde Garcia nga pala, Clyde tatay ko." Sabi ko at tinuro si Papa in maangas na way.
"Hihiramin ko po sana ang anak niyo. Mamamasyal kami." Nakangiting sabi ni Clyde at dinala si Papa sa cute niyang dimple.
"Aba! Wag ka sa akin mag-paalam dahil payag na payag ako. Sa kanya ka magtanong." Kindat pa ang loko kong Ama.
"Lika! May bago akong biling camera! And you'll be my model." Sabi niya pero bago kami umalis ay inutusan kami ni Papa na bumili ng kung ano ano para sa lulutuin niya.
"Tingin ka dito! Ashaaaa babe!" Sabi niya habang tinututok sa akin ang camera pilit ko namang iniiwas abg mukha ko.
"Waaah! Cutiepie Ashaa!" Sigaw niya kaya pinagtitinginan kami.
"Sakay tayo do'n." Sabi ko sabay turo ng isang ride na tea cup na naikot.
"Kyaaaaaaaah!" Tili ko nang umandar na ang roller coaster.
"Di na kita mahaaaaaal Dylaaaaaaan." Sigaw ko habang nakataas ang kamay at natawa.
"Mahal na mahal ko si Ashley Maria Ferrer!" Sigaw rin ni Clyde kaya napatingin ako sa kaniya at nakatingin rin siya at sabay kaming tumawa.
"Woah!" Reaksyon ko nang makita ko ang special place niya.
It's a sunflower plantation. Ang ganda. Kasabay ng paglubog ng araw ay ang pagmungadkad ng mga bulaklak.
"Paano mo to nadiskubre?"
"When the day someone lighten my darkest life." Napalingon ako sa kanya at kita ko ang mga mata niyang kulay hazel brown na seryosong nakatingin sa akin.
"H-huh?" Napalunok ako ng bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya.
"And know that someone?" Seryoso pa rin siya. Nanginig ang kamay ko at nayanig ang mundo ko habang siya ay nakatingin sa akin.
"Her name is Ashley Maria Ferrer." At nagsitindigan ang balahibo ko nang marinig ang pangalan ko na sinambit ng mga labi niya.
Ang puso ko, ngayon lang siya nagreact ng ganito kabilis. Maski kay Dylan ay di to nangyari! What's happening?
Hindi ko alam pero natagpuan ko nalang ang sarili ko na nasa tapat ng mansion nila! Nag ding dong door bell ako.
"Asha!" Isang gulat na si Clyde ang bumungad sa akin.
"Ahm. Nandito ako para ibigay sayo tong thank you gift ko. Home made yan!" Sabi ko sabay bigay ng keychain sa kanya. I wrote some calligraphy there.
"I'll treasure this, because you gave it to me. And everything that you gave to me is my treasure."
At nagbonding na kami. Tinuruan niya ako kung pano mag golf! At magbike. At nagpapicture pa ako sa statue ni Jollibee sa tabi ng kwarto niya. Weird pero ang ang cute ni Jollibee.
Isang araw at kumakain kami ni Clyde sa canteen ay may isang near 30's na lalaki ang dumating kasama ang doctor nurse ng clinic namin.
"Clyde." Napatayo si Clyde at bakas sa mukha niya ang galit. Kuya siya ni Clyde.
"Let's talk." Sabi nito at umalis si Clyde naman ay tumingin kay Doctor Nancy at sumunod sa kuya niya.
"Hello! I assumed na girlfriend ka ni Clyde? I'm his ate, not biologically but emotionally." Ngumiti ako sa kanya.
"Naku hindi po! Nagdedate palang po kami. Kinikilala namin ang isa't isa." Sabi ko at uminom ng juice ko.
"Alagaan mo si Clyde ha? Alam mo kasi napalapit na ako sa kanya. Kasi naging tutor niya ako. Alam mo suportahan mo siya sa lahat ng gagawin niya wag mong hahayaan na magaya ka kay Tito at sa Kuya Clode niya." Napakunot naman ang noo ko.
"Bakit po?"
"Hmmm...si Clyde kasi ay palaging nakukumpara sa Kuya niya. Lahat ng tao sa paligid niya ini-expect na susunod siya sa yapak ng kuya niya. Maski ang tatay niya walang ginawa kundi ang sabihin na dapat ganito siya, dapat ganyan siya. Alam mo naman siguro ang tunay na gusto niya diba?" Tumango ako at napangiti ng naaalala ko ang kuwentuhan namin ni Clyde habang tinuturuan niya akong gumawa ng icing.
'A patisserie that will make the most delicious cake in the world! And I'll name it Asha cake!' That's the actual words that he told on me and the smile on his face saying that he'll reach it out not now but soon.
"And he got even worse when the relationship of me and Clode got a problem. Nawala ko siya, at pakiramdam niya ay wala nang nagmamahal sa kanya. Kaya kahit na di siya marunong lumangoy ay sumisid siya sa dagat." Napalunok ako sa sinabi ni Doctor Nancy.
'Yun ba yung araw na niligtas ko ang buhay niya?'
"Yung dagat na po ba na yan? Sa Palawan?" Tumango si Doctor Nancy at ngumiti.
"Nakuwento niya sayo." Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ay dumating si Kuya Clode. Maka-kuya akala mo close!
"Kausapin mo si Clyde. Ang hirap intindihin ng batang yun."
Umupo sa harapan ko si Sir. Clode at tinignan ako.
"I guess you're the girlfriend?" Sabi nito na may ngisi sa labi.
"Hindi po! Nagdedate palang po kami." Mahinang sagot ko sapat na para marinig niya.
"There's a party on our house on Saturaday. Wanna come? You'll go with Clyde." Ngumiti ako.
"Sige po sasabihin ko nalang kay Clyde na sasama po ako." Sabi ko at tumayo.
"Una na po ako, may pupuntahan ako." Sabi ko at umalis na sa tapat niya.
Pupunta na dapat ako sa locker room ng matanaw ko si Clyde na kausap si Doctor Nancy na may ngiti sa labi. Napangiti ako sa nakita ko.
'I guessed my instincts are right.'
"Hello?" Sabi ko nang tumawag si Clyde sa akin. Bihis na bihis na ako suot ang isang cute na above the knee dress at naka-ayos ang buhok ko.
"Hmmm...mauna ka na sa Party may pupuntahan lang ako. Ingat." Sabi niya at binaba agad ang tawag.
Napa-buntong hininga ako. "Naks! Dalaga na ang anak ko!" Sabi ni Papa paglabas ko kaya tumawa ako.
"Si Papa eh! I love you Pa." Sabi ko at humalik sa pisngi niya.
Nasa waiting shed ako at nag-hihintay ng taxi. Nangilid ang luha ko ng makita ang motor ni Clyde sakay sakay si Doctor Nancy sa likuran. Hindi niya ako nakita.
Pinunasan ko ang luha na tumakas sa mata ko.
'Mahal niya si Doctor Nancy kung kailan kasi gusto ko na siya.'
Huminga ako ng ng malalim. Dahil kung ako talaga ang mahal niya dapat ako ang inuna niya. Pero hindi diba? He left me for her.
Naglalakad ako habang nililibot ang tingin ko sa ayos ng bahay nila. Not my first time to be here but too amaze to see how they turned this into an elegant party venue.
Agad akong pumunta sa buffet table na maraming sweet. Woah! May chocolate fountain. Na-excite ako bigla!
Agad akong kumuha ng isang marshmallow at dinipped yun don. Woah! Ang sharap!
"Still the same Ashley, I know." Napalingon ako sa nagsalita. Wow! May exposure pa pala siya rito?
'Mali siya. May nagbago sa akin. Dahil dati gusto ko siya, ngayon hindi na.'
"Uhm. Hi! Dylan!" Sabi ko at ngumiti.
Nagulat ako nang lumapit siya sa akin. Yung tipong gahibla nalang ng buhok ay magtatama na ang ilong namin.
Nagulantang ako nang idampi niya ang hinlalaki niya sa gilid ng labi ko.
"Ang kalat mo pa ring kumain." Sabi niya kaya lumalayong tumatawa ako sakanya.
"Kamusta ka na?" Tanong niya habang nakaupo kami ngayon sa veranda.
"Eto maganda pa rin." Sabi ko at ngumiti.
Hindi ko pa rin nakikita maski ang anino ni Clyde. Napakagat labi ako at bumaling kay Dylan. Pero nagulat ako nang seryoso syang nakatingin sa akin. Yung tingin niya na dati ay pinapabilis ang tibok ng puso ko pero ngayon wala ng bahid ng kahit ano.
"What is it?" Seryosong tanong niya sakin.
Umiling lang ako. Ayaw kong banggitin si Clyde sa kanya.
"Bakit ka nga pala nandito?"
"Si kuya Chase ay busy kay Ate Moni malapit na kasi ang kasal nila." Nanlaki ang mata ko. Parang nakaraan lang ay nag-break sila at ngayon ikakasal na sila.
"Oo nga pala buntis si Ate Moni. Waah! Napadala na pala ni Ate Moni yung invitation." Sabi ko na may ngiti.
"Ashley, do you still like me? Because I like you so damn much." Mahinang bulong niya pero narinig ko.
Nanlaki ang mga mata ko at nagulat sa sinabi niya. Kinapa ko ang nararamdaman ko kung kagaya pa rin ng dati pero wala na talaga. Hindi na talaga siya.
"Gustong-gusto ko nang aminin sayo na gusto kita nung araw na umamin ka. Pero si Josephine, she blackmailed me. Na ipagkakalat niya na ex-convict si Tito Ash." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
What the hell? How could Josephine do that?
"A-ano?"
"Ikaw ang mahal ko. Ikaw ang gusto ko. Pero alam ko na masasaktan ka kapag nadamay ang tatay mo. Alam ko kung gano mo kamahal si Tito." Napakagat labi ako. Ano bang ginawa ko kay Josephine para idamay niya si Papa?
My innocent father suffered in the prison for the wrong accusation. At nang makalaya siya ay agad niyang inayos ang buhay niya at ang buhay namin.
"At ngayon, nakalaya na ako sa kanya. Kaya puwede ko nang ipagsigawan kung gaano kita kamahal, Ashley." Napatulala ako sa kanya.
"Salamat Dylan. Pero....." Hindi ko na natuloy ang gusto ko nang hilahin niya ako papunta sa bisig niya at kinulong ako sa mga braso niya.
Nagbuntong hininga siya, "Huli na ako? Tama? Hindi na ako diba? Si Clyde na?" Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya.
Kahit di ako tumango ay sapat na ang katahimikan ko para sabihing Oo.
"I'm sorry, Dylan."
"Asha." Napalayo ako kay Dylan nang marinig ko ang boses ni Clyde sa likuran namin.
Pero bigla niya akong hinila palayo kay Dylan. Palayo sa lugar na iyon.
Nagulat ako nang pagbaba namin ay isinakay niya ako sa motor niya. Isinuot niya sa akin ang helmet niya.
"Stay still." Hindi na ako nagtanong kung saan kami pupunta
Pinaharurot niya ang motor niya at tumigil kami sa isang open field. Malapit iyon sa bangin pero may harang naman. Pumunta siya do'n at lumapit.
Sinundan ko siya. "Kayo na ba?" Nakagat ko ang labi ko sa tanong niya.
"Diba umamin na siya na gusto ka niya? So I assumed na malapit ng maging kayo." Hindi ko makita expression sa mukha niya dahil nakatalikod siya.
"Walang kami." Mahinang bulong ko.
"Ikaw bakit ka nandito? Dapat diba si Doctor Nancy ang kasama mo?" Hindi ko pinahalata ang pagbasag ng boses ko.
"P-paano mo nalaman?" Napaharap siya sa akin at hinawakan ang balikat ko.
Pero inalis ko iyon. Kitang kita ko ang pag-tingin niya sa kamay kong hinawi ang braso niya.
"Mahal mo siya diba?" Itinago ko ang luha ko sa pag-irap ng mga mata ko. Nakatingin lang siya sakin.
"Uulitin ko, mahal mo si Doctor Nancy diba?" Pumikit siya.
"I......" Hindi siya makasagot at nakatingin lang siya sa akin na para bang nahihirapan sa sasabihin niya.
Ngumiti ako. "It's time for you to be happy, Clyde. Go, tell your goddamn feelings for her." Kahit na ako naman ang magdurusa sa hiling ko.
'Dahil kung ipipilit ko siya dito sa tabi ko, ay hindi siya sasaya gaya ng gusto ko.'
"Sasaya ka ba kapag ginawa ko iyon?" Gusto kong tumanggi gusto kong sabihin na wag, gusto kong umiling pero ang tanging nagawa ko ay tumango.
"Then, seeing you happy makes me happy too, even if it means hurting me like you always do." Nagsimula na siyang maglakad palayo. Ako naman ay tumalikod.
Isa-isang tumulo ang mga luha ko. Tama si Papa pag nagmahal na ako malalaman ko ang totoong kahulugan ng pagmamahal.
'Kaya mong isakripisyo ang kasiyahan mo basta alam mong masaya ang taong mahal mo.'
Narinig ko ang pag-alis ng motor niya. "Hmmm.....ang sakit Maria." Nagulat ako nang marinig ang boses ni Josephine.
Nagulat ako nang humahagulgol siyang yumakap sa akin. Napayakap ako sakanya. Di ako galit sakanya dahil kundi niya iyon ginawa marahil di ko mamahalin at makikilala ang isang Clyde Garcia.
"I'm sorry, for what I did on you and Dylan." Hindi na ako sumagot at umiyak na sa kamay ng kaibigan ko.
Nasa dalampasigan ako ngayon ng Palawan kung saan unang nagtagpo ang landas namin ni Clyde. Josephine treat me the ticket for saying sorry for what she did. Syempre kasama siya. Pero nagpaiwan ako dahil mag-gagala lang yun at hahanap ng souvenirs.
Nagpasya akong maligo na at magswimming sa dagat. Hindi alintana ang malakas na alon.
Nasa malalim na akong parte nang biglang may alon na sobrang laki at kinain ako. Buti nalang at marunong akong lumangoy. Pero biglang namulikat ang paa ko shit!
Hindi ko magalaw ang paa ko. Nauubusan na ako ng hangin. Lumalabo na ang paningin ko. Napalitan na ng tubig alat ang hanging nilalanghap ko.
"Clyde." Huling sambit ko sa pangalan niya bago tuluyang nagdilim ang paningin ko.
********
"Sigurado kang nandito siya Josephine?" Tanong ni Clyde sa kausap sa telepono.
"Yah. Nagpaiwan siya diyan sige! Chao!"
Agad na nagtungo si Clyde sa dalampasigan nanlaki ang mata niya ng makita ang katawan ni Asha na inaalon papunta sa buhanginan.
"Asha!" Napatakbo siya kay Asha. Nakita niya ang pamumutla ng mukha nito.
"Wake up babe, nandito na ako." Naiiyak na sabi niya sabay tapik sa pisngi nito.
Hindi niya maramdaman ang pulso nito. Kaya pinump niya ang dibdib nito.
"I need you to breath again Asha." Sabi niya tila naririnig siya ng dalaga.
Hindi pa rin nagreresponse ang katawan ng dalaga. Kaya wala na siyang choice kundi i-mouth to mouth resuscitation ito.
Nang umubo si Asya ay nayakap niya ito.
Di niya napigilan ang sarili at hinalikan niya ang labi ng dalaga.
Sa malayo ay nakatanaw ang isang dalaga suot ang isang wayfarer.
"Mission Accomplished." Sabi ni Josephine at pinanood kung paano naging masaya ang kwento nila.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro