
XXXVII
Juliet
"Hijo, baka naman malusaw ang anak ko sa kakatitig mo."
"P-Pasensiya na po." agad na sabi ni Niño at yumuko nang kaunti atsaka nagpatuloy sa pagkain. Mahinhin namang napatawa si Ina at napailing-iling nalang si Andong na katabi ni Niño.
"Nakaka-agaw po kasi ng atensyon ang kagandahan ng anak ninyo." biglang banat ni Niño at kinilig naman ang lola niyo. Sabi sa inyo, ang haba talaga ng hair ko, eh!
"Kung gayon ay mamamatay ka sa lagay na iyan sa anak ko, hijo." sabi ni Ama at what?! Grabe naman, Ama!
"Ni hindi ka makakain dahil kamo sa kagandahan niya?" pambabara ni Ama kaya muntik-muntikan ko nang takpan ang bibig niya kaya lang sumagot muli si Niño.
"Hindi po totoo iyan, Don Horacio sapagkat simula nang makilala ko ang inyong anak ay siya na ring naging dahilan ng aking bawat paghinga." ani Niño at sandaling sumulyap sa akin.
Ewan ko ba pero tuwing nagkaka-eye contact kami feeling ko nagniningning lagi 'yung mga mata niya at 'yung mga tingin na 'yun... I don't know. It just melts my heart.
Kinikilig na pangiti-ngiti nalang si Ina habang napangiti nalang din si Ama sa kakornihan nitong si Niño at nagpatuloy na sa pagkain.
Pagkatapos kumain, hinatid namin sina Andong at Niño palabas ng bahay. Nang makita ko silang dalawa na magpaalam sa amin, feeling ko may kulang. Siguro kasi nasanay na ako na palaging magkakasama 'yung tatlong itlog, hay.
Nang makaalis na sila ay dumiretso na ako sa kuwarto ko at nadatnan si Adelina na nagpapalit ng bed cover.
"Ang weird pala na wala si Fernan, 'no?" tanong ko kay Adelina at umupo sa tapat ng lamesa kung nasaan nakapatong ang mga sinusulat ko araw-araw.
Nakita ko namang napalingon sa akin si Adelina na nakakunot ang noo.
"Ano po ang ibig sabihin ng wird, binibini?"
Omygosh! Shunga ka talaga, Juliet! Hindi nga pala alam ni Adelina ang salitang weird.
"Ang ibig kong sabihin ay... parang ano... kakaiba? Kasi, 'di ba... parang hindi sila kumpleto ngayong wala si Fernan." sagot ko habang patuloy lang si Adelina sa pag-aayos ng bed cover ng kama ko.
"Kung sabagay... pero maaari ko po bang itanong sa inyo kung nasaan si Koronel Fernan, binibini?"
"Pupunta raw ng Dagupan ang mga Fernandez para bisitahin 'yung mga kamag-anak nila tapos meron pang nabanggit si Pia tungkol sa... batang heneral ba 'yun?" sabi ko at mukhang biglang na-excite si Adelina na nabitawan pa niya 'yung isang dulo ng bed cover.
"Si Heneral Goyo po ba ang tinutukoy niyo, binibini?" tanong ni Adelina na may mga sparks na sa mga mata niya ngayon.
"Oo... yata?" sabi ko at napangiti naman nang sobra si Adelina.
"Napakakisig po ng batang heneral, binibini! Nakita niyo na po ba siya?"
"Hindi pa, eh. May picture—este—larawan ka ba niya?" tanong ko at napailing-iling naman siya.
"Pero... mas lamang ba siya kay Niño?" tanong ko at umiling ulit siya.
"Wala po ako sa posisyon upang husgahan kung sino ang mas makisig sa kanila ngunit nang makita ko noon sa Bulakan ang batang heneral ay napakarami po talagang mga dalagang humahanga sa kaniya at bali-balita rin na... may pagkababaero ito." sabi ni Adelina na halos pabulong nalang 'yung huling parte ng sinabi niya.
"Lahat naman yata ng heneral sa panahong 'to." buntong-hininga ko na malinaw na narinig ni Adelina.
"Huwag po kayong mag-alala, Binibini. Kapag naging heneral na si Koronel Fernan ay magkakaroon na rin ng heneral na mahusay, maginoo, makisig, at tapat sa iisang dalaga." Ngiti ni Adelina.
"Alam mo naman nang hindi totoong magkasintahan kami, 'di ba?" tanong ko.
"Opo pero hindi naman po ibig sabihin no'n ay hindi na rin totoo ang nararamdaman niya para sa'yo, hindi ba?"
What? Anong pinagsasabi nitong si Adelina?
"Adelina, ang ibig kong sabihin ay wala talagang kami ni Fernan meaning—este—ibig sabihin, wala talaga kaming gusto sa isa't-isa." explain ko.
"Maaaring magsinungaling ang mga salita ngunit kailan man ay hindi makakapagsinungaling ang iyong mga mata." biglang preach ni Adelina kaya natawa ako.
"Saan mo naman nakuha 'yan, ha? Nabasa mo ba sa libro?"
"Hindi po ako marunong magbasa, binibini..."
Ay, shocks! Oo nga pala huhu.
"Oo nga pala, sorry—este—paumanhin." saad ko.
"Ayos lamang po pero ang mga katagang sinabi ko kanina ay galing mismo sa labi ni Koronel Fernan."
"Si Fernan ang nagsabi nun?" tanong ko at tumangu-tango siya.
"Sinabi niya po iyon ilang taon na ang nakakalipas sa isang patimpalak ng mga tula na pinanalo rin naman niya. Napakahusay po talaga ni Koronel Fernan sa lahat ng bagay, binibini kaya... sa tingin ko po ay hindi dapat naudlot ang inyong kasal." sabi ni Adelina na nakapagpaalala sa akin ng sinabi naman ni Pia na ayos lang na hindi natuloy ang kasal namin ni Fernan dahil magkakagulo at may masasaktan na malapit din sa kaniya.
Ano ba 'yun? Ano ba talaga? Dapat bang natuloy o tama lang na hindi? Hay nako!
♤♤♤
Maraming salamat sa pagbabasa!
So ayun, dagdag update ko lang 'to ngayong araw hehe sana nag-enjoy kayo magbasa.
Take note: Colonel Pablo Tecson nilagay ko sa Chapter XXIII pero General Pablo Tecson na rito kasi napromote siya bilang brigadier general noong under siya kay General del Pilar! (Maganda 'tong talambuhay ni General Tecson kaya sana basahin niyo. :) )
General Pablo Tecson y Ocampo (July 4, 1858 – April 30, 1940)
Pablo Tecson was an officer in the Revolutionary Army serving under Gen. Gregorio del Pilar (responsible for the eventual surrender of the Spanish forces) and a representative to the Malolos Congress. He was elected the Governor General of Bulacan immediately following the Philippine–American War. Tecson later served as Insular Secretary of the Philippine Bureau of Agriculture.
Pablo Tecson was born July 4, 1859 in San Miguel de Mayumo, Bulacan Province, Philippines; the son of Tiburcio Tecson and Paula Ocampo. He studied in San Miguel and later, at the Colegio de San Juan de Letran in Intramuros, Manila (where he finished his Bachelor of Arts program).
Tecson worked as a writer for a Spanish-era magazine, the "Catholic Periodical Guide" (Pahayagan Patnubay ng Catolico), in Malolos, the county seat of Bulacan; its initial publication being in April 1890.
When the revolution against Spain broke out, Tecson was an officer in the Spanish Civil Guards (Guardia Civil) in San Miguel.
In 1896, Tecson co-founded the Arao (Balangay Arao) branch of a secret society-turned-revolutionary government, the Katipunan (Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan, or KKK)(Filipino: nang mga anak nang bayan), which operated out of San Miguel.
On December 14, 1897 the Pact of Biak-na-Bato, was signed in Tecson's residence. It called for a truce between Spanish Colonial Governor-General Fernando Primo de Rivera, and insurgent leader, Emilio Aguinaldo, to end the Philippine Revolution. Aguinaldo and his fellow revolutionaries were given amnesty and money and agreed to go into voluntary exile in Hong Kong. (Aguinaldo later used the money to purchase firearms.) Following Aguinaldo's return from exile in Hong Kong, Tecson defected from the Civil Guards and joined Aguinaldo's Republican Army as a captain.
Following the Cry of Nueva Ecija, he fought alongside General Manuel Tinio (especially in Nueva Ecija) and General Francisco Macabulos. He himself was eventually ranked brigadier general under del Pilar.
On May 24, 1898, Tecson launched attacks on the Spanish Civil Guard garrisons in San Miguel and San Rafael, Bulacan (collectively known as the Battle of San Miguel); which ended with the Spanish force's surrender on June 1, 1898.[1]
In 1898, Tecson represented the province of Cagayan at the Malolos Congress (which drafted the Charter of the First Philippine Republic) a few months before the outbreak of the war with America. He cast the deciding vote which addressed the constitutional provision of the separation of church and state.
The Battle of Quingua was fought on April 23, 1899, in Quingua, Bulacan (now Plaridel), which resulted in a rout of the Filipinos by their former allies, the United States.
Tecson was elected governor general of Bulacan—the first accepted under American rule, serving from 1902–1906. In 1904, he was named as a delegate of the Philippine's Worlds Fair Commission. Tecson resigned from government service in 1906 and went into farming. He was one of the first to promote the silk culture industry in the Philippines. He returned to government service in 1907, becoming the Secretary of the Department of Agriculture.
Tecson donated the land for the use of the Constabulary Station (Barangay Sibul Spring) in San Miguel. This was later named Camp Tecson. Tecson died in 1933 and is buried in San Miguel. At his death, he donated land for a public burial ground for Filipino patriots.
source: https://www.revolvy.com/page/Pablo-Tecson
YAY! So, another update ngayong araw HAHAHA (bago magsunog ng kilay) Sana pwede nalang akong magmuni-muni habang nag-iisip ng plot at magsulat nalang ng story habang buhay huhu joke ½ ;((((
Ulit, sana nag-enjoy kayo sa pagbabasa!
Sa mga gustong magpadedicate sa story na 'to, PM lang dito sa Watty or Facebook: https://www.facebook.com/PlayfulEros13/ or comment below!
Huwag kakalimutang i-follow ako PlayfulEros, magvote, at magcomment HEHEHE 💙
- E
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro