
XXXIX
New bookcover in the media above by ChixYuri! Thank you so much 💖
♤♤♤
Juliet
July 20, 1899. Thursday ngayon at ito ako, nakaharap sa salamin. Pinagmasdan ko pa ulit ang reflection ko. Nakaputing baro't saya ako at ayos na ayos din ang buhok kong nakapusod.
"Juliet, aalis na tayo." rinig kong tawag ni Caden mula sa labas ng kuwarto ko.
Tumayo naman na ako at lumabas. Bumungad sa akin si Caden na naka-amerikana at ayos na ayos din.
"Nauna na sina Ama at Ina sa karwahe, tara na ba?" aya ni Caden at tumango ako. Bumaba na nga kami at dumiretso sa karwahe papunta sa opening ng pagamutan ni Angelito Custodio.
Nakapagpaalam na ako kanila Ama at Ina at more than willing silang pagtrabahuin ako sa pagamutan ni Angelito Custodio na kung puwede lang ay doon na nila ako patirahin.
Pagkarating namin, napakarami na agad ng bisita at kaniya-kaniyang bilog ng usapan ang mga tao. As usual, may kumausap agad kanila Ama at Ina at nag Spanish-Spanish na sila kaya hindi na rin ako nakachismis. Naglakad-lakad nalang ako nang may nakipag-usap na rin kay Caden.
Medyo sanay na rin naman akong OP o out of place sa mga ganitong gatherings kaya umupo nalang ako kung saan at tumingin-tingin sa paligid.
Hindi rin naman nagtagal at nakita ko si Angelito Custodio na bihis na bihis sa puting amerikana niya at ayos na ayos din mula ulo hanggang paa, may kausap siyang mga may edad nang mga lalaki. Mula rito kung nasaan ako ay kitang-kita ko kung paano sumisingkit ang mga mata niya kapag ngumingiti siya, kung paano siya makipagtawanan at makipag-usap sa mga nakakahalubilo niya.
Sa totoo lang mukha naman siyang out-going na tao dahil mukhang madaldal siya ngayon, 'di tulad noong nasa pagamutan kami na halos ni hindi na siya nagsasalita maliban nalang kung magtatanong kung kamusta ang pasyente at kapag may sasabihin siya sa pasyente.
Nagulat ako nang lumingon siya sa direksyon ko at magtama ang mga tingin namin. Muli kong nasilayan ang ngiti sa mga labi niya at nakita kong nagpaalam siya sa mga kausap niya at naglakad patungo sa akin.
"Magandang araw sa iyo, Binibining Juliet." bati niya at nagbigay galang at ganoon din naman ako.
"Maganda araw rin sa iyo, Ginoong Caden." bati ni Angelito na nakatingin sa likod ko kaya agad naman akong napalingon at nakita si Caden. Bumati rin siya kay Angelito at tumingin sandali sa akin dahil kanina pa ako nagtatakang nakatingin sa kaniya.
Kailan siya napunta sa likod ko at bakit siya nasa likod ko?? Chismoso rin talaga 'tong lalaking 'to eh.
"Maaari ko ba munang mahiram sandali si Binibining Juliet, ginoo?" biglang tanong ni Angelito kaya sa kaniya naman ako napalingon.
Anong tingin niya sa akin, gamit na nahihiram at ibinabalik? Hindi ako gano'n, 'no!
Tumingin naman sa akin si Caden at ewan ko ba pero parang may ipinapahiwatig siya sa akin pero dahil dakilang slow ako na mas mabagal pa sa pagong, hindi ko maintindihan.
"Walang problema sa akin kung nais sumama sa iyo ng aking kapatid." sagot ni Caden pero nandoon pa rin sa mga mata niya 'yung tinatry niyang i-senyas sa akin na hindi ko madecipher.
"Maaari ka bang sumama sa akin, binibini?" tanong ni Angelito dahilan para sa kaniya naman mabaling ang atensyon ko.
"A-Ah... sige." sagot ko at inalalayan naman niya akong tumayo.
Hanggang sa makalayo kami ay hindi pa rin ako tinantanan ng mga senyas ni Caden pero hindi ko talaga magets kaya hinayaan ko na. Nagulat nalang ako nang nasa daan na kami ni Angelito papunta sa likod ng pagamutan. Medyo masukal at may mga damo kaya aatras na sana ako dahil 'di ba napahamak na ako sa masukal na bahagi dati at ilang buwan din akong naging great pretender noon at no joke, iba rin maging 'kasintahan' ng isang Fernan Fernandez.
At ayun nga, magbaback-out na sana ako pero pinigilan ako ni Angelito Custodio. Take note: pinigilan niya ako nang hindi hinahawakan. Oh, pak 'di ba tingin palang napasunod na ako ni Doc.
Sinundan ko nalang siya hanggang sa tuluyan naming malagpasan ang masukal na bahagi at halos hindi ako makapaniwala nang makita ko na ang paligid.
Napakaganda.
Ang presko at malamig ang simoy ng hangin. May iilang pisara o black board sa loob ng isang open hut na may silong lang na gawa sa mga malalaking tuyong dahon. May matibay din na kubo na hindi ko matanaw ang loob pero sigurado akong para rin sa mga pasyente 'yun at malamang sa malamang ay magiging malaking tulong sa mga mamamayan ng San Sebastian.
"Nag-aral ka rin ng medisina kung kaya't ikaw ang una kong dinala rito dahil sigurado akong may isang parte sa buhay mo sa pag-aaral ng medisina na pinangarap mo rin ang isang maganda at maayos na pagamutan para sa iyong mga nais tulungang may karamdaman."
"Pangarap ko ang magtayo ng sariling pagamutan na makakatulong sa lahat kaya't itinayo ko ito at nais kong maging parte ka ng adhikain kong makatulong sa ating mga kababayan."
Napatingin ako kay Angelito Custodio at nakitang nakangiti niyang pinagmamasdan ang pinatayo niyang pagamutan para sa mga tao at kitang-kita sa mga mata niya ang labis na pagkatuwa na sa wakas ay nagawa na niya ang pinapangarap niya.
Habang pinagmamasdan siya, naisip ko na napaka-pure niyang tao, napaka-genuine, at ewan ko ba kung ano pa ang mahihiling mong katangian ng isang lalaki kapag nakakilala ka ng isang Angelito Custodio.
Alam kong meron pa pero bihira nalang akong makakita at makakilala ng mga taong katulad ng mga tao sa panahong 'to sa present. Kadalasan puro pera o sariling interes nalang ang pinapahalagahan sa kasalukuyan at halos wala na ngang pagpapakatao ang mga tao o kahit malasakit man lang sa kapwa. Pero sana... sa pagbalik ko sa kasalukuyan, mapatunayan ko na marami pa ring may mga mabubuting loob at puso kagaya ng mga taong nakilala ko rito sa 1899.
♤♤♤
Maraming salamat sa pagbabasa!
General Baldomero Aguinaldo y Baloy (27 February 1869 – 4 February 1915)
Gen. Baldomero Aguinaldo was a leader of the Philippine Revolution. He was the first cousin of Emilio Aguinaldo, the first president of the Philippines, as well as the grandfather of Cesar Virata, a former prime ministerin the 1980s.
Baldomero Aguinaldo was born in Kawit, Cavite. He was the son of Cipriano Aguinaldo y Jamir and Silveria Baloy. His father was the son of Eugenio Aguinaldo y Kajigas and Maria Jamir.
He studied law at the University of Santo Tomas in Manila and was still a law student during the outbreak of the Philippine Revolution. He obtained a law degree, but failed to take the bar examination. Unable to practice law, he became a farmer.
Aguinaldo organized, along with his cousin Emilio, the Magdalo chapter of the Katipunan in Kawit. He became president of the council. In the early days of hostilities, he always stayed at the side of his cousin Emilio. He fought in several bloody battles. He also led the Magdalo faction to the Katipunan which had its headquarters in Kawit, Cavite.
Aguinaldo's knowledge of the law and administrative procedures made him a valuable asset to the revolutionary government. He was appointed to several cabinet positions, and was a signer of two important documents: The Biak-na-bato Constitution, and the Pact of Biak-na-Bato.
During the Philippine–American War, Aguinaldo fought again, becoming commanding general of the revolutionary forces in the southern Luzon provinces. When hostilities ended in 1901, he retired to private life.
He held many various positions in the Aguinaldo Cabinet as Minister of National Defense and Finance Minister. During the American occupation he became the President of the Philippine Veteran's Association.
He was married to Doña Petrona Reyes with 2 children: Leonor and Aureliano. Leonor was the mother of former Prime Minister Cesar Virata.
Aguinaldo died in Manila of heart failureand rheumatism on February 4, 1915 at the age of 45 and was interred at the Manila North Cemetery. His remains were later exhumed and brought to his home in Binakayan, Cavite.
source: https://www.revolvy.com/page/Baldomero-Aguinaldo
Don't forget to follow me PlayfulEros, vote, and comment! 💙
- E
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro